25 December 2004

Merry Christmas?

eto na!? pasko ay sumapit na.. yung mga regalong binalot nabigay na.. yung family reunion na pinlano ng matagal naganap na.. ang mga kamag-anak na matagal nang hindi nakita nakamusta na.. pero ang tanong.. "NARAMDAMAN MO BA ANG PASKO??"

lintek!? ang hirap sagutin ng simpleng tanong na yan.. yung pinsan ko ngang mas bata sakin pagdating dun sa reunion namin eh.. "ano ba yan?? pasko ba dito??" ano nga ba nangyayari ngayon at bakit hindi natin maramdaman ang init ng pasko?? dati nung bata ako halos di ako makatulog dahil gusto ko makita si santa claus lagyan ng bente pesos yung sinabit kong medjas sa bintana.. (nalaman ko nalang si mama pala ang inakala kong santa!?) pero hindi parin nawala sakin ang "excitement" tuwing pasko.. gabi bago ang pasko hinahanda ko na ang "tape" ko para sa "performance" ko tuwing reunion.. mas magandang "performance" mas malaking pera!? chaka kahit alas-onse na ng gabi ng 24 may maririnig ka pang nag-ka-caroling sa mga bahay-bahay.. noon yon.. dati ganun pa ang pasko!?

ewan.. ewan.. ewan!? bat kaya ngayon ganito?? simula nung 2002 parang ayoko na ng pasko.. naalala ko nun.. nung pasko nung 2002 tinulugan ko yon dahil hindi ko talaga maramdaman na pasko.. eh ayoko namang magpakaplastik kaya natulog ako!? ano ba kasi ang tunay na diwa ng pasko?? pagbibigayan?? pagpapatawaran?? pagmamahalan?? yun yung 3 simpleng bagay na alam ko.. teka.. simple nga ba?? isa-isahin nga natin..

*PAGBIBIGAYAN*

oi hindi pwede mawala sakin toh!? lahat ng special sakin may gift ako.. mura man o mahal.. "it's the thought that counts!" di ko nga alam eh.. basta ang galing.. nabigyan ko lahat ng gusto kong bigayn ng gift at hindi masyado malaki ang nagastos ko!? KEWL!? hindi lang naman nasusukat sa regalo ang pagbibigay eh.. meron din syempre sa ibang bagay.. tulad ng pagbibigay ng kapatawaran..

*PAGPAPATAWAD*

ay ito i'm very proud of this one!? days before christmas nagbati na kami ni.. volde.. raefel!? (nga pala.. VOLDEMORT=RAEFEL!?) teka.. ariel.. arnold.. kumalma muna kayo jan.. this will be the last time i'm gonna mention his name on my blog kaya pagbigyan na.. as i was saying.. oo nagbati na kami.. before kasi plastikan yung pagbabati namin kasi pinipilit lang kami nung mga friends namin.. pero yung ngayon kusa na.. eh kasi napatawad ko na naman sya eh.. matagal na actually.. wala na yung nangyari na yun.. iiwan ko na sa 2004 yun at sa kantang "BURN"!? and yun nga siguro we're much better of just being friends.. or mag-kuya i should say!? yung isa pa ay si "SHORTY!?" nagtext sya nung christmas eve at nagsorry din.. natawa nga ako kasi ako yung nansadista sa kanya tapos nagsorry pa sya.. PSYCHO!? pero anyway.. pinatawad ko na rin naman sya noh?? (ehem!? SHORTY=TIBAN.. crewmate ko sa b.k. before!?) so ayon..

*PAGMAMAHALAN*

amputch!? syempre hindi karir noh?? oo wala akong boyfriend pero hindi yun yon!? aba!? el presidente yata ito ng SMP!? (samahang M_______ ang pasko.. bahala na kayo sa M!? pwedeng malamig,, matipid,, masaya,, mainit.. WHATEVER!?) pagmamahal.. mahal ba ko ng pamilya ko?? oo naman.. mahal ba ko ng mga kaibigan ko?? as far as i know oo.. mahal ba ko ng mga alaga kong aso?? ay the best daw.. eh yun naman pala eh.. ano dinadaldal daldal ko dito??

waaaaaah!? ano beh?? bat ganitech?? hindi na ba magbabago ang feeling ko tuwing pasko?? lagi nalang bang magpapanggap ako na "yehey!? pasko!?"?? ayoko nang ganuN!? totoo lang mas masaya talaga ako pag new year eh.. i don't really know..

siguro wag na nating masyadong layuan ang tingin natin.. magsimula tayo sa mga sarili natin.. ako ba mahal ko sarili ko?? ako ba napapatawad ko sarili ko sa mga nagawa kong mali?? tinaggap ko ba pagkakamali ko?? binigyan ko ba sarili ko ng pagkakataon magbago?? just think about it.. malamang kaya hindi tayo sumasaya kahit masaya ang iba ay dahil sa kaloob-looban natin may "something" pa tayong dapat ayusin..

peepz!? patapos na ang christmas.. and 2005 is fast approaching.. may time pa tayo.. hindi pa huli ang lahat.. sana maisip ko na mga sagot sa mga tanong na toh para sumaya pasko ko.. hindi siguro ngayon.. pero sana sa susunod!? so pano peepz?? dito muna ha?? MERRY CHRISTMAS TO YOU ALL!? mwah!? bahber!?

23 December 2004

StarCity + Friends = FUN!

hay!? grover sa tiring ang araw na itech!? i mean kahapon pala.. (december 22,2004) nag-"star city" kasi kami ng mga high school berx ko.. (bebeng,, ariel,, ikel,, kath,, nikko,, abhie and clark..) kahit nga onti lang kami eh enjoy naman.. sulit pa!? wala naman kasi sa lugar yan eh.. nasa kasama mo yan.. anyways,, masaya lang talaga ngayong araw dahil wala ako sa bahay ng almost 8 hours.. hindi biro yun ah?? 8 hours na walang utos,, na walang sigawan,, na walang disturbance,, at higit sa lahat walang annoyance.. in short 8 hours without a father insight!? ahahaha.. sama ko talaga noh??
kwentuhan ko na nga lang kayo dun sa star city trip namin.. sulit yung 200 pwamiz.. ito mga nasakyan ko..

-zyklon loop (5 times)
-viking (4 times)
-flying carpet (4 times)
-ung tsubibo (one time lang..si bebeng kasi eh..)
-wild river (once lang din.. si bebeng kasi ulit eh..)
-spider (one time lang at isinumpa ko na yun!?)
-at lahat ng mga horror house napasukan namin..

sabihin na nating "yuck!? star city?? so jologs.. lagi nalang dun!?" oo nga naman.. eh halos every december nung highschool kami once or twice kami nagpupunta dun.. pero ngayong college nag-iba.. since walang christmas party,, wala rin star city.. kaya nga nanibago ang lahat!? buti nalang nung nagyaya ako oo sila lahat.. kahit wala masyado pera okei lang.. astig na yun.. (pinaka-astig talaga si ARIEL!?) kasi believe or not parte na ng disyembre ko ang star city with friend.. jolgs man sa tingin niyo.. MGA WHATEVER KAYONG LAHAT!? nyahahaha..

grabeh ang naging experience namin sa wild river na yan.. bukod sa ang kati sa paa at pwet nung tubig,, ang baho pa.. amoy jabar!? parang pawis nung mga taga tahi nung stufftoys na pinagsama-sama at nilagay dun.. grover talaga!? tapos yang spider na yan.. haaay!? WARNING:: wag sasakay ng spider pagtapos kumain!? lintek na yan yung dinner ko na chicken with rice naging chicken soup yata!? tapos hilo-hilo ako.. syempre bawal ako magreklamo.. nagpumilit ako sumakay dun eh..

mga 10pm na kami umuwi (pero paalam ko kay father 8 pm lang).. sina nikko,, kath,, at ikel straight home na.. kaming 5 dito sa bahay tumambay.. kumain lang ng ice cream na tunaw,, chips,, at cake na may alak!? namasko sila sa mama ko.. nakakatuwa nga eh kasi lahat sila nag-kiss kay mama (showbiz nga ung kay clark eh!?) tapos sabi ni mama sila na ang mga bagong surrogate sons and daugther nya.. KEWL DABAH!? at last may astig na kong mga kapatid!? nyahaha.. tapos binigyan sila ng ampao na di ko alam kung magkano ang laman.. (magkano ba bebeng??) an alam ko lang may lollipop sa loob nun!? wahehehe.. si mommy talaga!? after nun internet lang kami.. at tinapos ang A-Z ng filipino slang dictionary at dun ko nakuha ang bagong word ko na "GROVER" meaning grabe na over pa!? gusto niyo ng sample.. search niyo sa yahoo filipino slang dictionary at click niyo ung unang-una.. ang haba kai ng url eh.. di ko memorize!?

eto ako ngayon!? mag-a-alas dos na gumagawa pa ng entry.. may lakad pa ko tomorrow eh.. christmas party ng sk for the kids and christmas party rin sa office ni mama.. hay!? anu-ano nanaman kaya mga pangyayari tom?? andun kaya uli yung mga batang nag-aagawan sa saging at yung lolang inagawan ng bente nung batang rugby?? (read my entry last august bout sa fiesta samin!?) oh ano peepz?? dito muna ah?? i REALLY need to rest na.. till here.. bahbher!?

21 December 2004

Lately..

yehey!? sa wakas may internet load na uli ako!? yahoo!? babaran na naman sa tapat ng monitor!? grabeh tagal ko di nagalaw ang blog ko ah.. (naku!? walang pang name si blog ko!? better think fast!?) kaya ito ang entry ko for the past days..

december 17--> christmas party ng block namin sa house ng ka-block ko s qc,, swimming party sya akchwali!? as early as 8am andun na ko kasi im one of the organizers nung party na yun,, in short taga-prepare ako nung food.. napaka coñotic kasi ng mga blockmates ko eh!? ayun masaya naman sya imperness.. mga 10:30pm na ko nakauwi nun.. sobrang nakakapagod!?

december 18--> 8am me ginising ni mama dahil sasabak kami sa magulong lugar ng divisoria.. mamimili ng mga pangregalo sa mga kung sino-sino.. grabeh di pa ko bawi sa tulog at eto.. paguran nanaman.. pero okei lang,, i need to do my christmas shopping din naman eh.. kasama din namen si ate les.. grabeh.. buti itim ang t-shirt kong suot!? sa dami ng tao wala kangmakikitang fresh!? lahat jabar na!? kaya pag-nadikitan ka.. eeeeeeeeeewwwwwwww!? pasahan na ng jabar!? pero sige tuloy parin kami.. tawaran ever talaga dun sa divisoria!? malaking baay ang makatawad ka ng 5 piso!? syempre pamasahe mo nalang yun ayt?? so to sum it all up.. nakatipid kami as in.. not like the past christmas that we had.. ang laki ng gastos.. pero ngayon cost cutting.. (syempre debut ko na!? kailangan mag-ipon!? diba mama??) medyo na-fi-feel ko na ang pasko dahil sa pamimili namin sa divisoria..

december 19--> la lang!? church then house ng lola ko then robinsons.. kapagod din yun ah?? naka-skirt pa ko at sandals.. ang magandang pangyayari lang ngayon ay.. i bought 3 books!? mates.. dates and sequins smiles,, mad mistakes,, and inflatable bras!? yehey!? my book collection is growing!?

december 20--> ehem!? ah eto na!? ang saya-saya!? birthday ng mommy ko!? ariel and abhie went here sa house.. (sayang si beng eh!?) tita kong gurlet at 2 pinsan kong gurlet din andito.. at syemre si kuya shad at kuya dave.. so ayun habang nag-hahanda na ng food lumarga ang tatay kong may entradang "okei lang ba sa inyong mag-bible study tayo?? ikaw dave?? ikaw shad?? ikaw ariel??" anak ng!? tinamaan ng magaling!? alanganamang humindi ang tatlong lalaki eh di na-badshot sila sa tatay ko?? eh di mega oo nalang ang mga otoko.. afetr kumain yun na.. "ang mga magagandang salita ni ama" (as defined by bebeng) ay nagmistulang INGAY sa tenga ko!? ely soriano ikaw ba yan?? anak ng!? pati intonasyon ng boses kuhang kuha eh..kaya pala nung hapon palang busy sya sa kwarto nya doing something.. yun pala may pinaghahandaan!? i mean.. sige walang masama sa bible study.. but.. napakalaking BUT!? hindi sya nag-she-share ng belief nya eh.. he's forcing us to believe what he believes in!? duh!? WTF!? eh ang religion is one topic na napaka-delicate pag-usapan.. mas delicate pa sa mga rape cases sa bansa!? amputcha!? ang government nga nakalagay sa constitution na bawal sila makielam sa religion eh at bawal magkaron ng iisang religion lang sa pilipinas!? ay naku!? basta mixed emotions ang naramdaman ko nung mga sandaling yun.. kahihiyan,, inis,, asar,, irita,, awa,, katatawanan.. ewan!? basta sayang at di namin narecord!? nyahaha!?

december 21--> hindi pa rin ako bawi sa mga sleepless nights ko!? leche kasi ang aga ko nanamang ginising ng "AMO" ko!? at habang kumakain ako ng almusal.. aba!! ang lintek hindi pa nakuntento sa kagbi at eto.. may replay pa ngayong umaga!? oo na nga lang ako ng oo para magtigil na siya.. naiinis ako!? AGA-AGA INGAY-INGAY!? bushet!? eh ano pa ba?? eto kakauwi ko lang galing sa christmas party dito samin!? hay pagod nanaman!? wala nanamang masyadong tulog!? at WTF!? farewell episode ng sex and the city!? huhuhu.. mawawala na sila..

so ayun ang mga pangyayari lately kaya naging busy ako.. at chaka ang tagal kong walang net card!! ala kasing pera eh!? nyahaha.. so paano po mga peepz?? till here muna ah?? bahbher!?

03 December 2004

Net Addict.

haller peepz!? wala na namang pasok.. this time yehey na talaga!? wala naman me masyadong responsibilidad na ginampanan ngayong araw.. eh halos lumuwa na nga mata ko kaka-surf para sa aking webbie eh.. career mode talaga ko dun noh?? chaka nga pala.. yang mga network network of friends na yan--> FRIENDSTER,, MYSPACE,, HI5,, DOWNELINK,, HIPSTIR,, CHRISTIANSTER.. meron na ko nyan lahat!? ahahaha.. eh wala eh.. hayok ako mag-net ng mag-net eh.. dahil alam kong pagbalik namin next week sa classes ay pukpukan ng schoolworks,, quizzes,, and syempre daldalan..

naku naalala ko 22 days nalang pasko na.. wala pa kong list ng rregaluhan.. kasi wala pa kong pera eh.. medyo "dry season" wallet ko kahit binabagyo pilipinas ngayon.. may pinag-iipunan kasi ako eh.. anywya,, my mom's birthday is coming na.. wala parin akong naiisip na gift.. eh kasi naman noh?? lahat ng maisip ko kaya nyang bilhin.. chaka gusto ko kasi yung magagamit niya.. yung hindi niya lang itatambak sa drawer niya.. oh kaya naman something na may impact sa kanya.. ewan!? bahala na..

wala ako masyado masabi dahil syempre walang pasok.. wala ring misadventures.. wala ring mga taong malalait (nyahaha..).. wala ring medyo interesting ikwento.. kaya nga ititigil ko na muna ito.. kaya peepz.. bahbher for now.. ewan ko lang kelan uli ako makakapag-blog.. mwah!?

02 December 2004

Whaaaat? December Na?

yehey!? no classes!? (eh kahit naman may classes di kami papasok kasi birthday ng classmate ko manlilibre dapat sya chaka may meeting mga prof namin kaya okei!? sayang di natuloy..) sa wakas.. pahinga ako.. pahinga nga ba?? hay naku!? wala ngang pasok pero napagod naman ako dito sa bahay kaka-sunod sa mga utos.. hay naku talaga!? hmphf!? anyways,, sa wakas nakapag-internet na uli ako.. wala naman masyado bago eh.. i'm just busy makin' my blog more "GURLET".. nyahahaha.. grabeh noh?? december na.. tapos malapit na pasko.. tapos bagong taon na.. tapos valentines.. tapos summer.. tapos debut ko na!? hahahhaha.. pero hindi naman ganun kabilis yun.. medyo lang.. december na.. nararamdaman ko na yung "lamig" (hindi dahil sa bagyo ah??).. nakikita ko na yung mga bahay na nagmimistulang "cabaret" pag pasko (buti pa sa kanila pasko na samin wala ni star!?).. dumadami naren ang mga tao sa malls at kahit ang "divisoria" dinadagsa na sa pag-sha-shopping.. hay!? december na nga.. taglagas na ng pera para sa mga matatanda at tagsibol para saming mga kabataan.. nyahahaha..

siya nga pala.. sa sobrang wala akong magawa nag-sign-up ako sa freewebs.com to take my knowledge bout HTML to the next level.. TODO NA ITO!? goal ko is by the end of the year dapat maganda na siya.. kaya nga isa rin toh sa mga dahilan bat di na ko masyado nakakapag-entry dito sa blog ko eh.. pero dahil sobrang lakas sakin ng mga peepz ko.. hindi ko papabayaan toh.. 1/4 na yata toh ng katauhan ko noh??

hay naku!? tumili na yung tatay ko.. senyales na ng bagong utos na susundin.. oh pano?? till here muna ha?? byebye.. mwah!?

teka parang may mali.. di ba dapat "bahbher"?? sige take two.. sige mga peepz dito muna ha?? BAHBHER!? mwah!?

30 November 2004

These Past Few Days..

at last.. my blog.. it's still alive.. hay!? how i miss this.. (wala pa kasing pangalan tong si blog ko eh..).. musta na mga peepz ko?? ako?? ito okei naman.. medyo naging busy sa mga bagay-bagay lately.. kaya nga na-fe-feel kong may kahabaan tong entry ko para maka-pag-update.. kei.. let's start..

last friday (november 26) nanood ako ng concert sa ust entitled "LIVRE" with bebeng,, ariel,, xiu-xiu,, jared,, abhie,, jordan,, ej,, aron,, kaye,, and ayeng.. (pix to follow nalang..) grabeh nagmistulang "reunion" ng batch 2004 yon!? mga tumugtog sa concert was bamboo,, chicosci,, imago,, sugarfree,, true faith,, mymp,, spongecola and moonstar88.. supposed to be dapat southborder ang nanjan hindi moonstar88.. eh kaso hindi daw bayad ang southborder kaya hindi sila kumanta.. (punyeta kasi yung organizer..) but they were there.. lumabas nga si vince eh.. buti nalang "one call away" ang moonstar88.. kaya ayun.. pero ang astheeg para sakin ay bamboo at spongecola.. mas na-enjoy ko nga lang yung spongecola kasi mas malapit na kami s stage nun.. yung bamboo kasi ga-langgam lang si bamboo eh.. basta yun okei sya.. chaka hello?? libre lang ung pag thomasian ka.. pag hindi 100 lang.. oh diba san ka pa?? (sayang ikel di ka nakasama.. susunduin ka dapat namin eh..)

saturday naman (november 26) lahat kami bangenge dahil sa concert.. lahat may eyebag,, ung iba may hang-over,, yung iba gusot mga uniform dahil sa pagmamadali magplantsa at yung iba absent.. hindi ko na talaga kinaya yung bigat ng mata ko kaya yung last subject namin (theology) hindi na kami umattend ni jesse.. umuwi nalang kami.. tapos ang mga loko namin classmate i-"BOYCOT" daw ang theo?? teka nga para maka-relate kayo kung bakit let me give you an overview of my professor in theology 2..

-isa syang attorney.. first day palang ng class namin dun sinabi nya na agad samin yun.. HUMILITY asan??
-kay rami nyang nunal na nabuhay sa mukha.. gargancho sa laki kaya ako nadidistract sa kanya..
-boses nya ang pinaka-interesting.. pumipiyok,,nakakaantok,,at ang tono parang BROTHER ELY SORIANO!? actually that leads me to the next..
-reincarnation ni brother ely soriano sa catholic church.. leche siya.. laging inaalipusta ang protestants and other religions.. gusto niya catholic lang sacred chuva chuva.. chaka parang laging nasa "court" kung mag-turo.. laging pasigaw..paaway..kulang nalang yung pamukpok ng jugde eh.. basta buong pagkatao niya nakakaasar!?

oh ayun ah.. nalaman ko lang yung ginawa nilang boycot nung tuesday na.. late dumating balita sakin eh.. basta nasabi ko nalang nun?? "mga ga*o talaga kayo.." well including me syempre.. i would have done the same thing if i were there..

kahapon naman dumating na yung auntie ko from the states.. syempre anong ibig sabihin nun?? marami!? maraming marami!? we woke up 5 am kasi nagsundo kami sa airport.. mga 8:30 am na dumating yung auntie ko.. (sabi kasi ng tita ko 6 am yung dating ng plane eh..) tapos derecho kami libingan ng mga bayani dinalaw yung anak niya.. then punta na kami price smart.. (medyo dissapointing kasi we were expecting sa duty free kami eh.. dami ko nang naisip bilin eh..) eh di andun na kami la nang nagawa.. tapos sabi ng pinsan ko muralang dvd player dun.. kaya ayun.. onting chicka chicka kay mama.. tapos binili na namin.. yehey!? something to look forward!? after nun gusto na namin umuwi para manood eh.. excited ba?? kumain muna kami ng late lunch sa market-market.. first time ko sa mall na yun.. okei naman.. syempre sa paikot-ikot namin dun hindi pwedeng walang bibilin diba?? nyahaha.. mga 1:30 pm nakauwi na kami.. pahinga lang sandali.. then 5 pm punta naman sa bahay ng isa ko pang pinsan dahil birthday niya.. mga 12 am na kami nakauwi ng bahay.. hay naku!? na-experience ko na yata ang buhay ng isang superhero.. walang pahinga.. partida may pasok pa ko kinabukasan ah.. at may quiz pa!? ayos noh??

at ngayong araw na toh.. nakakatawa talaga.. una napagalitan ako sa english dahil mas interesado pa daw ako sa nails ko kesa sa class.. second wala yung 2 sumunod na prof namin.. at ang climax ng araw ko.. hindi sumulpot ang theo prof namin.. binoycot din kami?? hahaha.. nung una tensyonado na lahat sa room kung anong excuse bat wala sila nung saturday.. tapos mga 2:20 na lahat nakatingin lang sa relo nag-aantay ng 2:30 para makaalis na.. at ayun.. 2:30 na at wala pa sya.. lahat kami umalis na.. ganun kasi ruling sa ust eh.. nakasalubong pa nga namin si dean eh.. wala lang tinanong lang niya kung bakit ang saya namin na wala yung prof namin..

hay grabeh the days that passed noh?? kaya nga hindi ako nakakapagblog lately eh.. oh pano mga peepz.. dito muna ha?? ngawit na kamay ko kakatype eh.. bahbher muna!? mwah!? mwah!?

17 November 2004

Rants. Raves. And Everything In Between.

nyak!? nakakahiya.. ang dami nag-visit ng blog ko ni wala man lang akong bagong entry.. ayan!? pampalubag loob sa inyo peepz gumawa me ng bagong entry..why not diba?? (obvious ba??) anyway,, itong araw na ito.. masayang nakakapagod na may bahid ng pakshetness at annoyance!?

::masaya::

1. ang ganda-ganda ng hair ko.. walang shavit!? first time yun!?
2. gee gave me strawberry shortcakes.. yummy!?
3. may locker na kami!? kala kasi namin ubos na..
4. walang ginawa sa room kanina.. 2 lang prof namin eh..
5. nakita ko si CHOLO.. yung taga archi na "totoy".. ahihihi..
6. uhm.. ah.. err.. yung panaginip ko!? bwahahaha!?

::nakakapagod::

1. halos dalawang oras kaming tumatawa dahil sa kwentuhan at spoofs ng mga professors..
2. at habang tumatawa ka,, mabilis mong tinatapos yung assignment mo sa math dahil next class na sya..
3. hindi ako nakakain ng breakfast kanina kaya parang malamya ako..

::pakshetness::

ah ito hindi numbered ito.. dapat essay type!? game na!? kung si bebeng may world record ng pinakamaraming beses na sinabihan sya ng "oh.. ang payat mo na.." syempre ako i hve my own version too.. "sino boyfriend mo ngayon??..weh??".. lintek na yan!? ang mga tao tinamaan ng magaling!? ayaw maniwala na wala akong boylet na inaalipin ngayon.. mga lokong toh ha?? nakakaloko!? nyahaha.. umagang umaga hiniritan agad ako nung mga kaibigan ko dito sa street namin eh.. sabay-sabay kasi kami pumasok tapos ayun tanong nila "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman nila.. "weh?? ikaw pa??".. sa UST naman.. sa mismong block pa namin.. yung "the boys" kasi ka-row ko.. sa sobrang ubos na ang topic nila ng pinag-uusapan.. nabaling yung attensyon nila sakin.. tanong nila "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman nila.. "weh?? ikaw pa??".. tapos hindi pa yan.. nakasalubong ko si dale sa grandstand.. ngayon nalang kami nagkita ulit after some time.. hirit ni loko.. "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman niya.. "weh?? ikaw pa??"..

::annoyance::

mga lintek na tao!? (nyahaha..) ano bang gusto nilang i-emphasize sa.. "WEH?? U**L!? IKAW PA??" anong ako pa ha?? sige nga isa-isahin naten??

1. ikaw pa.. eh dakilang lalakero ka??

-ehem!? peepz!? haller!? hindi ako lalakero owkei.. kapal nalang ng mukha ko magmaganda kung ganun ako noh?? mahaba lang hair ko pero hindi ako lalakero..

2. ikaw pa.. eh hidni kita nakitang walang kasamang lalaki eh..

-duh!? bakit pag may kasama ka bang lalaki boyfriend mo na yun?? paano kung bakla?? o kaya guy friend mo lang?? eh sweetik kamo?? eh ano paki nyo?? ganun lang talaga ako dahil "one of the boys" nga kung tawagin ako eh.. not necessarily flirting with them or anything.. yuck naman!? am i that kind?? no way noh!?

3. ikaw pa.. eh GIRLFRIEND MATERIAL ka..

-ito talaga ang nakakawindang sa lahat eh.. paulit-ulit humuhuni sa utak ko eh.. tama nga siya.. (erson andaya!?) girlfriend material daw ako kasi pang long-term chuva daw ako,, caring daw,, nakikisama,, cool,, mabait,, maasikaso.. ewan ko ba sa lalaking toh pano nya napansin yung mga yun.. eh kasi madalas ko sya makasama kapag umaalis kaming magkakablock.. and yah!? we're kinda closeness.. anyway,, tignan nyo na.. sa isang guy na mismo nangaling ha?? girl friend material ako.. pero duh!? pwede rin naman akong maging single and still be a girlfriend material ah?? paano kamo?? simple lang.. wala na munang serious chuvanels for now.. i-re-reserve ko nalang tong pagka-girlfriend material ko kay.. CHOLO.. ay mali!? sa pag-ma-madre ko pala.. siguro crush crush nalang muna.. parang nung grade 5 pa ko.. hahaha.. chaka sa sangkatutak ng mga ginagawa ngayon?? jos coh!? social life ko muna bago love life noh?? party-party nalang.. nyahaha..

so paano my peepz?? is this enough for now?? well,, i hope so.. coz i got to study pa this theology book eh.. chaka psychology.. till here nalang muna.. bahbher!? mwah!! mwah!! xiuxiu thankies sa pagdaan!?

14 November 2004

Quits Lang.

hiyee peepz!? long time no bloggin' ayt?? eh kasi bigla me naging slightly busy kasi nag-start na second sem and it's "BLOODY HELL!?" parang sinumpa ang section namin this sem.. walang kaaya-ayang professors.. ni isa wala.. yung iba mapagtyatyagaan na.. pero on second thought hindi rin.. looks can be decieving you know?? hay naku noh?? good luck nalang talaga sa 1-emid!? matira matibay mga chong!?

kagabi.. "POP KO TOH!?" all star-all hits concert was held at the folk arts theater around 8 pm (naks!? complete details.. malakas warner sakin eh!?) and i was so surprised bacause ate kats have this extra tickets kaya nasama ko ang best buddies ko na sila bebeng at ariel.. the concert way cool.. hindi lang yun.. isama mo pa dun na kasama ko ang 2 kong kapatid!? first time nangyari toh ha?? ngayon lang nagkasabay-sabay ang genre namin.. hehehehe.. so ayun.. actually the ticket we got are free.. galing kay ate jojie.. sa pinakamalapit yun noh?? at hindi pa jan natatapos ang swerte naming mga "moks".. nabigyan pa kami ng backstage pass.. WHY NOT DIBA?? kasi sila ate jojie lang meron nun.. tapos after nila pinasa nila samin kaya ayun.. luckily andun pa si kitchie at kung sino-sino pa kaya ang galing galing talaga ng panahon!? nakisama sya.. sa wakas!! pero ang ate kathy ko.. TINAMAAN NG MAGALING!? nawala ang cellphone ng company nila.. yung may mga number ng talents.. including FRANCO MABANTA.. lintek!? dapat kinuha ko na talaga yun!? yun lang panira ng gabi.. pero sabi nga diba?? "hindi araw-araw pasko.. paminsan araw ng patay!?" nyahahaha..

as a sign of our gratitude sa aming nanay dahil pinayagan kami pumunta sa concert.. kahit puyat at windang pa ko sa kanta ni nina at kitchie ay nakagising pa kami ng mga ate ko para mag-simba ng maaga.. (banal-banalan melai??) okei na yun noh?? give away na para kay mama.. liturgist sya eh.. paminsan-minsan lang ang opportunity kaya grab na!? why not diba??

oh paano dito nalang muna ha?? kasi hilo pa ko sa mga kaganapan kagabi eh.. bhaber muna aking mga fans.. nyahaha..

31 October 2004

BURN.

mejo matagal-tagal din akong hindi nakakagawa ng entry,, hindi sa walang nangyayari.. dami nga pangyayari eh.. ang kaso nagdadalawang isip pa ko kung isusulat ko dito oh wag na lang..

araw ng patay.. halloween season.. feast ng mga patay.. mga kaluluwang ligaw.. gumagala at binabagabag ang mga nabubuhay pa.. waaaaah!! hang-over kakanood ng mga halloween special ng mga programa sa t.v.!! nyaaaay!!

nagsimula tong "scary" events na toh nung saturday yata.. nilabas ko ung aso ko.. tapos pagtapat namin dun sa may poste sa tapat ng alley namin,, aba!! nagmistulang instant gimikan yung street namin.. yung mga ilaw sa poste nag-flicker flicker effect!! at ang nakakakilabot ay hindi masyado nagreact yung mga tao sa street.. parang ako lang yung napraning eh.. well siguro kasi baka ako lang nakakita!! NYAAAY!!

hindi pa dun nagtapos yun,, after nun pumasok na ko sa bahay at parang walang nangyari,, KIBER lang!! tapos nung naghilamos na ko.. pagtingin ko sa salamin parang ang labo ng mukha ko.. inisip ko baka kasi may tubig pa ko sa mata.. pero hindi eh.. ang labo talaga.. inisip ko na lang napakadumi na ng salamin na yun.. ako kasi takot talaga ko sa mga "pagpaparamdam" na yan,, chaka naniniwala naman ako jan eh,, ayoko nga lang na sakin nangyayari..

hindi ko nalang uli binigyan ng pansin yun,, eh di nag-internet nalang kami ni ate les.. tapos naka YM kami,, ka-chat namin si kuya dave,, ariel,, mikel,, at shamille.. sa kalagitnaan ng pagdedesign namin ng blog ni ate.. biglang may lumitaw na window.. WAAAAHHH!! si VOLDEMORT nag-P.M. samin.. nakalagay "good vibes.." ::lintek!!:: ako talaga gulat na gulat,, ung ate ko naman naparanoid.. "uy!! nag-PM.. yiii-kiii!! che!? tapos ayun sa inis ko.. sabi ko aakyat nalang ako at magbabasa.. iniwan ko na kay ate yung pag-iinternet..

hindi pa yan yun!! aba!! hanggang dreamland ko ba naman nagpaparamdam parin yang taong yan!! at hindi lag sya.. sinama pa nya yung mga "nakaraan" ko!! as in!! parang minumulto nila ako!! bakit?? ano ba kasalanan ko sa kanila?? diba sila pa nga may kasalanan sakin?? aba!! mga lintek na toh ah!? anyway,, so nagising ako ng around 4 am nun at ang hirap bumalik sa pagkakahimbing.. leche kasing mga lalaki yan eh!! sabi ko na dapat na lang ako mag-madre eh..

tapos sunday na.. nung umaga at hapon wala naman masyado nangyari.. pero nung gabi praning na praning na talaga ako.. nung nag-sha-shower ako,, parang may nabubungo akong "invisible" na tao.. eh kasi parang at some point biglang may malamig.. tapos mawawala.. tapos yun na naman.. basta ayun!! pero di ko parin pinansin yun.. the next naman yung nagsasampay na ko.. yung gilid kasi ng apartment namin backyard ng isang creepy na house na ampunan na ngayn,, dati pa ko may nakikitang mga kung ano-ano dun.. at yun,, habang naglalaba ako.. biglang humangin ng malakas nung lumingon ako dun!! NYAAAAAAKKKK!! ayoko na talaga!! binilisan ko nalang magsampay tapos alis na ko agad.. praning na ko talaga!!

after nun nag-internet na ko..after 1 hour kailangan na gamitin ni ate les yung fone so DC na ko.. nung nag-tu-toothbrush na ko.. tugtog sa radio yung sa southborder na "kahit kailan". tapos nung nasa kusina ako,, parang nag-bu-blur yung boses sa radio,, nug tinignan ko maayos naman yung station,, eh di balik na ko sa kusina.. tapos nagblur na naman.. sa asar ko pinatay ko nalang,, tapos binilisan ko na umakyat.. at yun hindi parin ako kumikibo.. hindi ako nagkukwento dito sa bahay,, pagtatawanan lang ako dito!! pag-akyat ko nga si mama nanonood ng "the grudge"!! eh ang corny corny naman ng palabas na yun eh.. hindi nakakatakot.. nakakagulat lang.. malaki kaibahan nun.. na-bore ako sa panonood kaya naka-tulog ako.. pero naaalimpungatan ako nung madaling araw,, ubo ako ng ubo,, yung ubo ko iba kasi parang sinasakal ako,, tapos ang kati kati ng lalamunan ko.. baka sabi sakin nung sumasakal "maldita ka!! ggrrrrr!!" nyahahahahaha!!

at ngayong eksaktong "ARAW NG PATAY".. wala naman kasi kaming dadalawin sa sementeryo,, hindi ko maamoy yung mga pang=patay na bulaklak,, hindi ako makakagawa nung bolang kandila,, hindi ako makakaupo sa bermuda grass at makakagat ng langgam.. matagal-tagal ko nang hindi na-eexperience yun,,simula nung nagkagulo sa pamilya namin.. anyway,, habang yung iba nasa sementeryo na,, kami andito sa bahay,, at mamaya pupunta kaming mall ni mama.. pero umagang umaga palang minulto na ko uli ng nakaraan!! habang sinusulat ko tong entry ko.. hirit naman ng radio "ITS GONNA BURN FOR ME TO SAY THIS.. blah.. blah.. blah.." leche talaga!! haaaaaay!! kasi naman eh noh?? masyado na!! at hidni pa yan malala ha?? after nung kanta eh di huminahon na ko.. aba!! ang LSFM may sira daw computers nila ngayon,, at habang nagsasalita ung dj napindot nya siguro uli yung play.. kaya ayun.. FOR THE SECOND TIME AROUND ONCE MORE KINDLY REPEAT IT AGAIN pinatugtog uli yung "BURN"!! sa tagal ko nang nakikinig sa radio ngayon lang nangyari yun!! oh baka naman sign yan!! sign na nagpaparamdam na naman ang kaluluwa nya!!

sa mga hindi nakaka-alam.. kaya ako BITTER sa kantang yan ay dahil yan ang ginamit ni raefel na break-up song sakin.. as in lyrics lang nung song, inemail nya sakin, tapos ayun na!! break na daw kami.. leche!! epal talaga!!

TAMA KA NA!! tama na kayong lahat!! patigilin niyo na ko dahil matagal ko nang pinatahimik kaluluwa niyo!! please naman!! anyways,, sa lahat ng tao na nawalan ng mahal sa buhay lalo na kay rita paren.. my sincerest condolence.. may you rest in peace..

so peepz till here nalang muna.. ligo na ko eh.. sana wala dun yung kasabay ko kagabi mag-shower!! nyahahaha.. bahbher!!

**p.s.: ang mga pangyayaring nailathala dito ay pawang katotohanan at walang halong kabarberuhan,, na sa inyo kung kayo ay maniniwala o hindi..

27 October 2004

Untitled.

3 am.. ano pumasok sa utak ko at nag-online ako ng 3am?? honestly,, i'm having a hard time sleeping tight.. parang lagi akong disturbed.. onting ikot lang nagigising na ko tapos natutulala.. baliw na ba ko?? tingin nyo?? tapos lagi akong uneasy and i kept looking at my fone.. ung parang tinitignan kung may nagtext or miss call.. eh wala naman akong ineexpect,, chaka duh!! dis oras na ng gabi sinong shabulero naman ang maiisip pa ako diba?? haaaay.. bakit.. bakit.. bakit kaya..

kamusta naman ba ang mundong ginagalawan ko?? so far not so good.. daming changes,, i just couldn't see it coming till its there.. nangyayari na.. what am i talking about?? nothing specific really.. parang in general lahat nagbabago na little by little.. ano ba toh?? am i getting old?? or sinasabi lang ng panahon sakin "mag-mature ka nang bratinella ka!?".. hindi na ko magkukunyari.. oo marami akong problema ngayon.. yung iba ako mismo gumagawa ng problema,, yung iba naman kusang lumalapit,, at ang worst.. yung wala kang pakielam sa problema pero apektado ka.. "haller!! i'm just 17.. am i suppose to go through this??" siguro.. siguro nga.. pero kung mas mag-iisip pa ko ng konti.. meron pang mga tao jan na mas mabigat pa problema kesa sakin.. pero ano?? they can handle it pretty well.. they stumble.. but they easily stand up and get back.. now why couldn't i?? may magic sila noh?? ewan!! siguro kasi lagi nalang sarili ko iniisip ko.. for once sana tumingin naman ako sa paligid ko at ma-realize ko na "swerte pa pala ako ng lagay na toh.."

kahapon.. we went sa wake ng mother ni rita,, my former classmate back in highschool.. (condolence paren!!) and alam nyo na-bilib ako sa kanya.. kasi they way she handles the situation.. parang ang galing galing.. nung andun nga kami parang birthday pa nya yung eksena eh.. nakikitawa sya.. alam mo yun?? walang bakas ng magang mata.. pati mga kapatid nya naglalaro sa may bahay nila.. parang.. "hoy!! diba nanay nyo yung namatay??" sobrang bilib na bilib ako sa kanya.. napaka-mature nya mag-handle nung sitwasyon.. kung ako nasa kalagayan nya siguro maghapon akong "baaaaaahhhhhkeeeett?? baaahhh-aahh-keeeet??" eh potah boypren nga lang nawala "shet!! di ko kakayanin toh.." (babaw ka talaga melai!! leche!!) proven na nga yung wala sa age ang level ng maturity.. nasa pagdadala mo yan ng sarili mo..

so siguro nga kaya ako maraming problema dahil.. ako rin eh.. hindi ko kayang bigyan agad ng solusyon.. inaatay ko pang maging helpless na talaga ako bago ako gumalaw.. hay!! sana matutunan ko nang mag-mature.. oo hindi binibigla yan.. dapat dahan-dahan.. step by step.. pero saan ako magsisimula?? at kelan?? kelan pa?? if i still have the chance?? or kung wala na kong choice?? sana mas mabuksan ko pa mata ko nang hindi puro ako.. ako.. at ako ang pinagtutuunan ko ng pansin.. sana.. sana.. lintek!! bat ang lakas ko magsulat ng ganito?? bat di ko nalang gawin diba nang may nararting pa ko?? kesa daldal ako ng daldal dito..

so paano peepz?? mejo napipikit na ko eh.. baka dapat na ko matulog.. byebye na muna ha?? ingat kayo lagi.. chaka sana wag din kayong selfish katulad ko.. bahbher!!

25 October 2004

Walang Kwenta Day.

hay naku!! haggard the day that was!! it's our enrollment kasi.. ang aga kami pinapunta.. mga 8:30 am.. pero mga 10 am na kami pinapasok sa gym.. (ang yabang nung guard purket naka-mega phone lang sya!!) pero okei lang kasi habang naghihintay,, nagkwekwentuhan kami ng mga blockmates ko.. tapos ayun na!! nung nag-enroll kami pare-pareho kami ng p.e.. yehey!! di na ko magmumukhang tanga sa p.e.. volleyball coed kinuha namin eh.. at last hindi na all girls p.e. ko.. wala nang mga maaarteng social climbers and pretenders.. grrr!! i hate them!! pero mamimiss ko mga teammates ko sa softball.. (yung orange team.. the best yun kahit hindi champion..) so ayun..

after that,, nag-meet kami nila ariel,, mac and salido kasi super excited sila makita yung pics nung outing.. di rin me nagtagal at umuwi rin me agad dahil pinauwi na ko ng tatay kong suplada..

tapos buong hapon lang me nanood ng t.v.. na "stiff neck" na nga me.. grabeh sobrang corny ng mga palabas pag tanghali.. W.O.W nga lang pinanood ko eh para may onting bakbakan!! tapos ayun..

at ngayong gabi.. ito at nag-bo-blog ako.. dapat updated syempre.. chaka may nadiscover na me na bagong storage ng pics.. sa FOTOPLUS.. bwiset kasi sa PHOTOBUCKET eh,, may bayad na!! kaya ayun..

oh pano?? walang wenta araw ko eh.. pagod ako.. hindi gumagana malandi kong utak.. basta trip ko lang mag-blog.. may kwenta o wala.. sige dito nalang muna ang walang kwenta kong entry.. bahbher!!

22 October 2004

Dedicated To Mikel.

**sa telephone..

melai: nold,, on-line ka ba??
r-nold: ako?? ngayon?? hindi ah..
melai: blah.. blah.. blah..
r-nold: blah.. blah.. blah..
r-nold: tignan mo blog ni mikel.. tignan mo entry nya parang hindi sya..
melai: bakit?? bakit naman?? ano URL nya??
r-nold: basta.. tabulas din sya.. _mikel..
melai: oh sige tignan ko maya.. bye!!
r-nold: bye!!

putek ang haba ng intro!! okei lang.. hehehe.. ang saya nga eh.. siguro kung binabasa na toh ni ikel ngayon tantsa ko kinakabahan na yan.. ::dug-dug..dug-dug:: na-intriga me sa sinabi ni arnold na entry ni mikel so i decided to blog hop.. first time toh ha?? nagvisit ako ng mga blogs ng classmate ko.. syempre hinuli ko yung kay mikel..

unang paragraph pa lang nya may "impact" na sakin.. sabi ko.. "hmmm.. ineresting ah.." and so i go on reading.. on the back of my mind.. "pucha!! si mikel ba toh?? bakit sya ganito?? love ba tinutukoy nyang.. BAHALA NA?? this is so not mikel.." well,, yun din ang isip nya sa sarili nya.. anyway.. there are lines there that really caught my attention..

mikel's entry (oct. 22,2004)

naalala ko pa 'yung araw na kasama kita. ang saya-saya ko. sa mga oras na 'yon, 'kaw lang laman ng isip ko. parang wala ako sa sarili, parang wala akong ibang nararamdaman. basta ang nararamdaman ko lang, masaya ako pag malapit ka. matagal ko nang naramdaman 'yung mga ganitong bagay, pero hindi ko inasahang mararamdaman ko ulit. pero hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin katulad nang nadarama ko yung nadarama mo. magkalayo pa rin tayo, kahit sa totoo, magkalapit lang...

grabeh!! i couldn't believe talaga.. is this really him?? him telling the whole net bout his.. bout his feelings?? feelings sa LOVE?? waaah!! habang binabasa ko tong mga lines na toh gusto kong sumigaw ng "SAKTO CHONG!!" kasi the way he describes it.. its reality.. ganyan talaga nangyayari.. and it happened to me.. totoo na we don't always end up with the ones we want or rather love.. kaya may mga drama tayong "alam kong hindi mo ko mahal chuvanels.." "mamahalin kita ng hindi mo alam kheme kheme" and the list goes on.. pero peepz.. wala nang impokrita!! diba kahit isang beses lang sa buhay naten naramdaman naten yung feeling na yan.. yung feeling na gusto mo yung isang tao pero hindi pwede?? gets?? di man directly pero somehow parang ganyan.. alam niyo kung bakit?? kasi tao tayo!! ang tao nagmamahal.. ang pagmamahal masaya kadalasan masakit.. at ang tao kapag nasaktan na.. ayan na!! lumilitaw na ang pagiging best actor at best actress ng bawat isa.. merong nagpapanggap na "okei lang ako!! lalaki lang yun noh?? dami pa jan.." meron din namang "hindi ko kayang wla siya!! papakamatay na ko!! *tutok kutsilyo sa sarili* oo nakakatawa.. pero totoo hindi ba?? siguro tumatawa ka ngayon dahil either walang sense para sayo mga pinagsususulat ko dito or you just can't relate cause hindi mo pa na-fi-feel yan?? eto pa ang isang stanza from mikel's blog entry..

bahala na. 'di ko na rin alam kung ano pa mangyayari. basta, mahalaga na sa 'kin 'yung alam ko kung ano nararamdaman ko. bahala na kung 'di ka mawala sa utak ko. bahala na...siguro darating din 'yung oras na makakalimutan kita, at 'yung nadarama ko para sa'yo. pero kung hindi dumating 'yung oras na 'yon, sasayangin ko na lang 'yung mga oras sa pagiging tanga ko kakahintay...

gosh!! kung kayo taga iv-israel dati!! you wouldn't even believe that mikel wrote tis.. kasi sya yung type of person na hindi ganun ka-showy sa feelings nya.. pero tignan nyo nga naman ang nagagawa ng blog?? walang pakielamanan!! blog nya yan eh.. hehehe.. "bahala na.." yan ang madalas na sinasabi ng mga matatapang na tao pagdating sa love.. lahat haharapin.. mahirap man o madali.. kaya nga bahala na eh.. paano pag nasaktan ka na?? "bahala na" parin ba ang sasabihin mo?? bahala na marami naman jan eh.. bahala na makakalimutan din naman kita eh.. bahala na masaya sya eh.. bahala na.. kakalimutan.. teka!! kakalimutan?? paano?? bakit?? dahil ba nasaktan ka?? dahil ba hindi sang-ayon sa kagustuhan mo yung mga pangyayari?? o dahil hindi ka naging masaya?? eh kung hindi ka ba naman tanga't kalahati eh!! bakit sarili mo lang iniisip mo?? pero kung sabagay nga naman mahusay ang picha pie.. este!! di rin naman sya naghesitate na saktan ka eh diba?? inisip nya ba mararamdaman mo?? hindi diba?? sarili nya lang din inisip nya!! quits-quits lang!! next line please..

tanga na kung tanga, pero wala akong ibang alam na magagawa...kung hindi maghintay, nang maghintay...

TANGA NA KUNG TANGA?? hindi ah!! bakit ka naman magpapakatanga?? sya ba ang buhay mo?? sya ba nagbigay sayo ng buhay mo?? hindi diba?? tama yan.. maghintay.. kahit minsan nalulungkot ka na maghintay ka parin.. alam naman ng nasa taas kung kelan ang tamang panahon para ibigay nya sayo yung iniintay mo eh.. basta maghintay ka lang.. kahit alam mo na sa utak mo na naghihintay ka lang sa wala.. bakit kasi hindi natin buksan pa yung mga mata natin maiigi nang makita natin yung hinihintay naten ay binigay na pala satin.. di nga lang sa anyong inaasahan natin.. so.. bigo ka parin!!

hay naku!! ganyan ang love!! walang consistent na pangyayari.. iba ibang style.. iba ibang story.. ito lang naman ang sigurado jan eh.. may masaya.. pero mas marami ang nasasaktan.. hindi lang naten sila napapansin dahil sarili naten lagi iniisip naten.. (aba!! masaya ka na nga eh.. kiber mo ba sa mga nasasaktan?? ganyan tayo madalas diba??) pero ito lang talaga mga peepz!! lalo na sa mga ka-age ko.. yang pagmamahal na yan.. dumarating ng kusa yan.. walang oras.. walang lugar.. walang mga special lights at effects.. simpleng simple yan.. at dumarating sa tamang panahon.. grabeh!! kala mo kung sino akong santa makapagsalita eh noh?? oo aaminin ko.. daming beses na ko na-involve sa mga relationships and always ends up to breaking up.. dahil.. dahil siguro hindi talaga sila yung para sakin.. (kasi nga.. kami talaga ni DUNCAN!! chenez!!) kaya nga ngayon nag-eenjoy ako sa pagiging single.. kasi i've learned all these things.. tong mga pinagsasasabi ko sa inyo.. pero hindi ko nireregret yung mga past relationships ko.. thankful nga ko because through them i learned a lot.. ang gusto ko lang sabihin sa inyo.. wala talagang "henyo" jan sa love chuva na yan.. lahat tatanga-tanga!! kasi love is sacrifice!! yung nasa taas nga nagpa-pako pa sa krus diba?? basta all you need to do is kilalanin at mahalin niyo sarili niyo.. and laging "think twice" kung tama o mali yung mga gagawin niyo para di niyo pagsisihan diba?? okei??

so pano?? sana peepz may napulot kayo kahit basura dito sa entry ko.. chaka special thanks to arnold.. (mahal buti sinabi mo tignan ko blog ni mikel..) at kay mikel.. (ikaw lang naman laging bumibisita sa blog ko kaya eto.. may entry dito dedicated sayo..) sana next time wag na tong topic na toh kasi nagiging "CORNY" ang lahat eh.. mga bata pa tayo peepz!! sana mag-enjoy muna tayo.. kaya't sige na.. maglalaro pa ko ng 10-20.. este!! maghahanda na ko ng damit.. may outing pa pala kami tomorrow.. BAHBHER muna for now!! mwah!!

21 October 2004

Now I Realize..

hiyee mga peepz!! eto kahit pagod na pagod na ko may energy parin akong mag-blog.. well i may not post this on time pero at least diba??

anyway,, ngayon yung celebration ng birthday ni mam autencio//reunion//outing ng iv-israel.. (class ko nung 4th year..) sa laguna.. whole day lang kami kasi hindi papayagan yung karamihan (including me..) pag overnight.. pero kahit ganun eh super saya naman!! as in to the nth degree!! sayang nga ngayon lang me sumama eh.. kung alam ko lang ganito kasaya eh di sana sumama rin me nung april.. (i should have known!! grrrr!!) eh at least diba nakasama naman me kaya okei na yun!! nung andun na.. aba!! ang mga loko nagbihis agad at nagswimming na.. pero ako.. ako na malandi.. ang princesa.. pinag-ihaw nila ng liempo at porkchop!! ::bwiset!!:: pinagtatawanan na nga ako ni alvir dahil umiiyak na me dahil sa usok.. pero okei lang yun sakin.. para samin naman yun eh.. (naks!! drama!!) pero after nun swimming na hanggang magsawa ka!! as in kahit tanghaling tapat nasa pool kami.. buti nga di me masyado na-burn eh.. (enrollment pa naman namin sa monday..) tapos ayun na.. basta ang saya-saya..

yung saya ko nung buong araw na yun "unexplainable" eh.. parang "beyond the limit".. (with special interpretation of my ate les!!) ganun ko na-miss ang high school friends ko.. wait!! friends?? no!! definitely not!! "family" would be the best term to describe them!! kasi alam nyo yun?? they're the ones i grew up with.. sabay-sabay namin natuklasan,, natutunan,, naramdaman,, naranasan ang mga bagay-bagay dito sa mundo.. kaya ganun nalang sila sakin.. oo!! i'll admit medyo "nalihis" ako ng landas ko nung 4th year.. (prodigal daughter!! nyahaha..) pero di ko naman nireregret yun eh.. syempre i have to learn my lessons the *.HARD.* way.. and so i did!! thankfully,, nakabalik at nakasabay nanaman ulit ako sa takbo ng buhay nila eh.. "namin" na pala!! may mga times nung araw na yun natutulala nalang me dahil on the back of my mind.. "shit!! his is what i've been missing the time i wasn't around?? sayang.. SAYANG!!" ::leche!!:: pero diba naman.. it's never too late for a change?? and i think this is it!! i'll never make that same ah.. er.. uhm.. i couldn't say mistake kasi di ko nga nireregret eh.. let's just say *.KABALIWAN.*.. yan!! hindi ko na uli uulitin yung kabaliwan ko na yun..

i know some of you wouldn't get what i'm saying but this is what i want you all to know guys.. (naks!! guys.. hindi peepz!!) never.. as in never ever turn your back on your *.FRIENDS.* because no matter what happens they're still the ones you can run to for help,, strength,, happiness,, and money!! nyahaha.. no seriously.. kahit ikutin mo pa mundo sila at sila parin yung nagaantay parin sa tabi-tabi para tulungan ka.. kahit minsan mo na silang iniwan!! kaya kayo.. treasure your friends.. di nyo alam yung iba jan one-of-a-kind lang at yung iba minsan sa isang century lang pinapanganak!!

** to iv-israel.. (lalo na sa mga "supah friends" ko..) thank you thank you so much sa lahat-lahat.. nung nagka-problema ako kayo yung iniyakan ko.. nung naka-recover na ko kayo naki-celebrate sakin.. nung nagkwento ako kayo yung nakinig kahit corny na.. basta thank you so much!! all of you have contributed something to make up the whole "me".. dito lang din me for all of you just as you were there for me.. love you all guys!!

so pano peepz?? i'm so sleepy na.. zzzzzzzz.. hope you did get something from reading this crap!! for you it may be a crap,, but for me?? it's my way of expressing myself!! so bahbher na muna.. next time na uli.. nytie!! mwah!! mwah!!

20 October 2004

Guess Who's Back In Blogging?

HALLER my peepz!! i know tagal ko nawala!! i missed this blog so much!! eh syempre eto na kasama ko sa mga kabaliwang nangyayari araw araw eh.. anyways,, i have a lot of catching up to do so let me start.. start na.. uhm.. ah.. eh.. teka!! where will i start?? pucha!! sa dami ng nangyari ang hirap banatin ng panahon para masulat ko dito..

okei sige ganito nalang..

**sa buhay ko muna sa UST..

well..so natapos na ang finals namin.. tapos na ang pagmememorize ng mga hinayupak na tula.. ang pagtawag sa kung sino-sinong santo para humingi ng tulong sa exam.. ang mga report na hindi ka pinapayagang i-report (meron ba nun?? oo meron!! lalo na kung may PGC class ka!!) at ang iba't-ibang mga "the moves" sa pangongopya,, kodigo,, at kung anu-ano pa.. pero aaminin ko.. hindi naging masaya ang last day ng class.. oo kinabukasan nun sembreak na.. pero.. sembreak na?? ::shet!!:: ano gagawin ko sa tatlong linggo?? tatlong linggong walang pasok,, walang excuse para umalis,, walang baon,, walang kasama sa bahay kundi tatay ko lang,, walang DVD,, at walang kausap ng matino?? bad trip diba?? parang sana di na nauso sembreak.. pero ayos lang.. anjan na eh.. katunayan nangyayari na nga eh.. at salamat kay ST. THOMAS AQUINAS ay nakakaraos naman ako.. after ng finals nagkitakita pa kami ng mga classmates ko kasi birthday ni gee at nagpa-swimming party sya sa bahay nila.. (cool noh??) ayun!! sobrang enjoy naman.. daming food.. chaka "ultimate bonding experience" talaga noh?? pero after nun.. dun na ko namoblema.. isang araw palang nakakalipas sa sembreak ko.. ano pa gagawin ko?? ::shet na talaga!!:: so days passed.. the longest days of my life i should say.. until this day.. clearance day!! yehey!! nagkita kita na uli kami.. syempre happy happy.. pero it didn't last that long kasi nagkakatamaran,, walang pera,, at nagmumura yung araw sa init.. aminin ko kahit ako gusto ko nalang umuwi eh.. pero hindi rin.. BAKA PAGSISIHAN KO LANG.. basta yun.. yun ang tungkol sa UST..

**sa PCU people naman..

ayun!! nakakachat ko na halos madalas ang mga classmates ko before kasi ayos na yahoo messenger ko eh!! wala lang kwentuhan lang.. tapos nung saturday nagkita-kita kami at ang saya talaga as in.. bonding kami.. nag-arcade,, kumain,, nagpapicture,, at nagtawanan ng nagtawanan.. nakakamiss ang ganitong buhay.. ang buhay high school.. yung wala ka nang iisipin kundi saan ka pupunta pag sabado.. o kaya anong oras ka uuwi,, kaninong bahay ka pupunta,, sino sasagutin mo,, at ilan na friendster accounts mo.. ::ka-miss!!:: pero ala na yun eh.. kaya dapat nang tigilan tong pagdadramang wala namang award.. neways,, basta masaya ko dahil may contact na uli me sa mga classmates ko before and sa mga friends ko sa PCU.. basta yun.. yun ang tungkol sa PCU..

**sa personal na buhay ko naman..

naku eto na!! ako?? eto.. ayos lang.. buhay,, humihinga,, nakakapagtype pa kaya eto!! nabuhay ang blog ko.. mejo hindi maganda sitwasyon sa bahay eh.. araw kasi lagi ng pagsigaw yung tatay ko.. tapos hindi nauubusan ng utos.. pero ayos lang.. exercise din yun sa isip-isip ko.. ::plastik!!:: napaka-simple nga lang ng buhay ko lately eh.. pag-gising ko trabaho na agad.. tapos lunch.. tapos nood t.v. or internet or basa ng book.. after nun.. dadating na si mama.. then aakyat na ko sa kama ko.. iintayin ang MULAWIN at STARSTRUCK tapos after matutulog na.. kakaasar noh?? walang highlights.. kaya nga excited nalang me sa pagtulog kasi mas masaya pa sa panaginip ko kesa sa totoong buhay.. ::kainis!!::

**at syempre.. pwede ba namang mawala ang SENTIMYENTO ko sa PAG-BIG?? (pucha!! melai utang na loob.. wag na!! maawa ka!!)

love life?? hehehe.. eto single bakit?? wala namang masama dun diba?? okei naman ako.. enjoy din maski pano ang pagiging single.. wag ka nga lang sasama sa mga couples na akala mo isang dekadang hindi nagkita dahil pag ginawa mo yun baka masuka ka lang dahil kinikinita mo sa kanila ang sarili nung dating may ka-on ka pa!! (naku!! kaya nga tinigil ko na ang pagpunta sa mga sulok-sulok ng luneta eh.. nyahaha..) eh basta!! naniniwala naman akong MAGANDA ako eh.. at yung para sakin talaga.. hindi pa pinapanganak!! haha.. joke lang!! actually napanganak na sya.. kaso hindi nya pa narerealize na kami na.. alam nyo ba kung sino yun?? si DUNCAN yun!! yung kanta nyang IKAW NGA para sakin talaga yun.. kaya ALWINA magtigil ka!! wag kang feeling.. haha.. pansin nyo ba wala ako sa focus ng subtitle ko.. --> SENTIMYENTO ko sa PAG-IBIG?? eh kasi naman noh?? ayoko na munang masyado magsasasalita tungkol jan kasi.. kasi.. wala lang!! ayoko lang!!

so peepz.. these are the things that has been happening lately.. so ngayong updated na kayo.. i'm gonna make this blog be more effective.. para sa inyong mga peepz ko.. syempre lakas kayo sakin eh.. so paano i think this is enough for one day.. till here peepz.. BAHBHER!! (gosh!! how i've missed that line.. isa pa nga..) BAHBHER mga peepz!! mwah!!

25 September 2004

The Weeks Is Almost Over.

hay!! finally!! the stressful week is over.. or is it?? at least i don't have to worry that much na kasi 2 na lang problems ko.. yung finals naming sa p.e. at yung report namin ni fred sa theo.. pareho pang sa tuesday yun ha?? anyway,,after classes nag-internet lang me sandali sa gamesite tapos umuwi narin me (ay gosh!! nagmessage si LORD VOLDEMORT sa Ym.. anashi ng otoko ganito oh "HMPH! snob ka parin! Hmph!" ::leche:: snob na kung snob kiber ko ba sayo?? eh ang saya saya ko na eh..).. tapos pag-uwi ko ito.. nagcocomputer me maghapon.. type ng type.. sakit na nga ng kamay ko eh.. anyways,, ay gosh kanina palang umaga nakita ko si josh naglalaba!! wala lang.. wasn't sure kung siya nga yun kasi sa peripheral vision ko lang siya nakita eh.. pero siguro siya nga yun.. so ayun lang.. mejo enjoy naman sa room kasi tong sila Jason nag-pauso nung parang sa nuts entertainment.. yung S.O.S.. yung dapat maximum of 5 words lang sasabihin mo.. ang okei nga eh.. barok na kung barok.. hehehe.. so ayun lang!! sige till here nalang muna.. bahbher!!

21 September 2004

Schoolworks Are No Joke.

hay!! at last medyo nakahinga na uli ng maluwag.. nabawasan na ng 2 mga schoolworks ko.. una tapos na debate namin sa PGC.. pangalawa tapos na group activity namin sa p.e. (we got 1.75) ayos na yun noh!! lumubog pa nga paa ko sa base eh.. eh pano ba naman kasi yung prof namin sabi na nga namin na basing basa yung field pinaglro parin kami.. grabeh yung mga sapatos naming ang dumi dumi.. pero it was worth it naman.. 1.75 naman eh.. pero may finals pa kami.. written exam sa tuesday ulit.. a hundred item exam.. ::nyay:: ano naman ang ipapaexam niya na ganun ka-haba?? epal noh?? di pa jan nagsisimula histerya ko.. warm up palang yan.. sa english class naman naming nagalit yung prof. namin samin kasi napakatatamad daw namin.. ang ginawa niya?? binigay nya tong mga ASSIGNMENTS na toh..

  1. write an article about any topic and submit it to "The Philippine Daily Inquirer" on or before September 28, 2004 (imagine anong date na ngayon??)
  2. read "Harry Potter and the Goblet of Fire",, by saturday you must have finished reading the book.. (hello?? saturday?? book?? eh parang nobela na nga yang harry potter nay an eh..!! tapos sa sabado na??)

grabeh after niya sabihin toh lahat kami natulala!! as in walang umimik o nagsalita man lang.. wala rin naman kaming magagawa eh.. basta ayun!! ang hirap mag-college promise!! so paano?? dito nalang muna ha?? bahbher muna.. :c

20 September 2004

Deadma!

hay naku!! what a brand new day to start my week!! bwiset na yan!! 7:30 a.m. palang nasa UST na ko.. sa library para mag-aral para sa exam naming sa natural science.. epal kasi kagabi ko lang nalaman eh.. tapos yung report ko pa.. hay naku!! ang panget ko na!! bakat na bakat na yung "stress" sa mukha ko!! anyways,, nagmeet kami ng mga blockmates ko sa library.. paglabas namin dun.. around 10 a.m. na yata yun.. NAKITA KO SI LORD VOLDEMORT!! pucha nanlamig talaga ako!! hindi ko alam gagawin ko.. unang una pumasok sa utak ko?? yumuko at parang walang nakita.. so i did it.. after we went pass him sabi nila shamille "maldita mo talaga.. napahiya yung tao noh??" sabi ko "anong napahiya dun eh hindi ko naman siya tinignan" sabi niya "binati ka kaya niya.. gumanito pa nga eh ::saludo::" sabi ko nalang sa isip-isip ko.. "paki ko?? mas malala pa nga yung ginawa niya sakin jan eh.." tapos ayun!! nung nasa room na kami.. parang lahat kami nawiwindang pa dahil may hang-over pa ng commerce week.. parang walang kagana-gana.. buti nalang pala hindi pa pala ngayon yung report ko sa RC.. sa wednesday pa pala.. buti nalang talaga.. wala na masyado nangyari eh.. umuwi rin agad ako para maabawi ng tulog.. so ayun yung araw ko ngayon.. epal noh?? oh sige till here muna.. bahbher!!

18 September 2004

Fun Fun Fun Day.

grabeh!! total tireness ang aking na-fi-feel ngayon.. eh ilan ba naman ang lakad ko ngayon eh.. sobra as in parang world record.. anyways,, 8 am nasa UST na ko kasi may parade.. pero hindi kami sumama sa parade kasi wala pa yung t-shirt namin.. tapos after nun we watched the game of the FACULTY vs. STUDENTS.. ang cute cute ni albert!! hehehe.. tapos after nun nag COUNTER STRIKE kami ng mga blockmates ko sa netopia.. tapos after naglunch kami ni patrik sa 7-11.. tapos after takbo kami sa eng'g complex for the cheering competition.. ayun!! astheeg yung mga orgs.. kala mo ang tagal nang nag-te-training for the competition..

anyways,, after naman nun pumunta na me sa rob to meet bebeng.. then we watched FENG SHUI.. after nun pumunta na kami sa PCU highschool kasi andun sila ariel hinihintay kami.. tapos after nun nagpunta kami kila jabin kasi birthday niya.. dun na kami nag-dinner.. ayun!! kwentuhan dito.. asaran dun.. tapos picture-picture.. tapos basketball.. tapos nag-bike pa si abhie.. mukha tuloy polka dots yung pants niya.. then after nun nung gumabi na.. naisipan na ng lahat na umuwi na.. sabay kami ni ariel umuwi eh.. tapos pumunta siya dito sa bahay para ipakita kay ate les at kuya dave ang kanyang "scariest face ever".. then after ko ibigay yung promise kong kitkat at toblerone sa kanya umuwi na siya.. tapos nun sa sobrang pagod ko hindi ko na naisipang aralin yung report ko sa RC at nag-blog na ko agad.. so ngayon alam niyo nang nakakapagod ang araw ko.. kaya until here muna ha?? bahbher!!

14 September 2004

Can't Help But Be Mad At You.

hallur!! hay naku!! ang aga-aga si LORD VOLDEMORT nakita ko.. kakaasar kaya.. kasi diba i met up with my blockmates around 8 a.m. na.. eh tuesday pala ng 9 a.m. ang p.e. ni gago kaya yun.. nagkita kami!! kakaasar nga eh.. pero okei naman ang aking day.. bawi-bawi lang.. kasi up to 11:30 a.m. lang kami sa med. audi then pinauwi na kami.. wala na uli kaming class.. so ano na ginawa namin?? of course COUNTER STRIKE na noh?? aba!! adik na yata uli ako dun eh.. eh kasi natutuwa ako sa mga blockmates ko kasi parang nag-iba image ko sa kanila.. ayun!! what else pa ba?? ah wala nap ala masyado nangyari kasi mga 2 p.m. umuwi na me tapos natulog me maghapon.. hehehe.. BABOY!! ay hindi meron pa pala nangyari!! may nanligaw saking bago!! hehehe.. ayoko na kay shorty walang kwenta.. yung ngayon.. ang code name ko muna sa kanya ay.. ay.. wala akong maisip.. basta siya nalang muna si "suitor".. hahaha.. so sige dito muna peepz ha?? bahbher!!

12 September 2004

Friends.

ang saya ngayon promise!! champion ang UST SALINGGAWI SA NON-STOP CHEERING COMPETITION!! 3 peat na sila.. i mean kami!! hehehe.. pero hindi yan ang climax ng araw ko.. nangyari ang climax sa dulo na ng araw ko.. alam niyo ba kung ano?? nakipagbati na ako kay voldemort.. oo as in ako ang nagtext.. eh paano kasi wala na kong maisip na gawin kaya yun.. tinapos ko nalang.. friends na daw kami ni gago.. okei naman kasi sa text naman dinaan kaya ayos makipagplastikan.. hehehe.. joke lang.. anyways,, basta yun.. friends nalang kami.. at wala na kong "MAHAL KO PA SIYA EH" na inarte sa buhay.. kaya yun mga nagpapakagago parin jan sa "LOVE" na yan.. ANA-SHI-NA-YO!! gumising na kayo peepz.. so paano?? medyo kailangan ko matulog ng maaga eh.. nytie na mga peepz.. bahbher!! mwah!!

11 September 2004

I Love You. Still.

at last!! the day i've been waiting for.. reunion ng vondeh clan kasi birthday ni xiuxiu.. we ate sa t-bar sa makati ave.. naligaw pa nga kami eh.. mga sira ulo kasi kasama ko eh.. kalalaking tao di marunong ng direksyon.. anyways,, eh di yun na nga.. we arrived there at buti wala pa si voldemort.. so "mega-chatting-beso2x-at-daldalan" ang nagyari dun.. super na-miss ko sila as in.. eh di yun na nga.. tapos nung bumaba kami ni keiki para i-greet si ian.. aba!! andun na pala si voldemort.. ang dating tuloy parang sinalubong ko siya.. sobrang i panicked at hinila ko si keiki sa mcdo para bumili ng sundae.. then we went back dun sa resto.. at nagtaray ang lola mo!! todo dedma to the max!! KING-KI-NA-YO!! ::wala.akong.paki:: then yun.. usap usap with my friends.. binati nya me.. okei lang.. tamang "hi-with-taas-kilay" lang si me.. ayos na yun noh.. tapos pag-uwi ko.. hay ewan ko ba!! ang epal talaga.. di me makatulog because of what happened.. parang.. parang.. parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap.. basta yun nay un.. sige got to go na peepz.. late na eh.. bhabher!! mwah!! mwah!!

10 September 2004

Petrified - Part 3

waaaaaahhhhh!! ayoko na talaga!! bakit naman kasi ganun eh.. alam niyo bang i woke up at 3 a.m. kanina and i found myself crying?? as in teleseryeng drama na ito.. ewan ko ba.. bad dream siguro.. tungkol kay voldemort.. huhuhuhuhu.. tapos nun hindi agad ako nakatulog.. siguro nakatulog ako mga 5 a.m. na ulit.. kaya nga pagpasok ko sa school wasted mata ko eh.. sabog!! (hehehe..) naka shades nga ako nung pumasok eh.. (wow!! A.B. ka ba??) tapos bumili ako ng cotton candy para sumaya ako kahit pano..

umakyat na me sa room naming kasi napapagod na ko eh.. medyo maaga pa nun.. tapos dumating na si shamille may kasamang boylet.. eh di pinakilala sakin.. "melai si rodel nga pala.." ako naman.. "hi!!" biglang banat ni shamille.. "yan yung classmate ni **e**l" ::putek!! pakshet!!:: sabi namn nung rodel.. "actually andyan nga siya sa labas ng room eh gusto ka makausap.." ::waaah!!:: ayun at praning na praning ako sa room.. umiyak na nga ako sa halong kaba//inis//takot//galit.. tapos umalis na sila ksi nakita ako ni rodel na umiiyak na.. after nun sorry ng sorry sakin si mille.. gaga kasi yun eh!! TRIP KUNG TRIP,, AT AKO PA NAGPAGINITAN.. pero ayos na naman eh.. lam niyo bakit?? pinahiram niya ko ng 3650 niya eh.. ako daw muna gumamit nun.. kaya yun.. asenso na ko.. hehehe..

peepz dito muna storya ng buhay ko ha?? alam niyo bang "burn" ang background music ko ngayon at medyo naiiyak na naman ako.. so sige na.. bahbher na.. :c

09 September 2004

Petrified - Part 2

naku.. anon a ba itong nangyayari sakin.. bakit ganun.. bakit parang may nanunumbalik.. gosh!! wag ganito.. wag ganito.. waaaah!! umagang-umaga kita ko sa cel ko.. "u called twice knina..ws dat a col or mis col lng..u hav ny probs ba??sori I wasn't able 2 answer.. –pHavoNdeH **L" napatayo agad ako eh.. nagtaka ko eh.. tinawagan ko siya?? talaga?? pano?? kelan?? tapos pagtingin ko sa call register ko ayun na nga.. dialed numbers - pHavoNdeH **L .. at take note ang oras ah.. 12:35 am na!! putek bat ko naman siya wiwindangin ng ganung oras diba?? napindot ko lang siguro yun.. oo tama napindot ko lang..

hindi pa yun yon.. may isa pa.. nung gabi na i was busy studying then nagbeep cel ko.. kabado na ko kasi baka siya nanaman.. well tama hula ko siya na nga.. "lai,,punta ka ba bday ni shushu??" isang malaking BAKIT?? oo bakit!! bakit mo tinatanong?? bakit mo gusto malaman?? ano paki mo?? ayaw mo?? yan yung mga tanong na gusto ko i-reply sa kanya.. kaso hindi ko tinuloy.. wag na noh?? baka hindi ko lang mawari yung sagot niya..

so.. nagtataka na kayo bat over ako magreact?? ako din hindi ko lam.. sabi nga ni jason eh "gago ka kasi eh,, nagkukunyari ka pa alam mo namang mahal mo pa.." sabi ko nalng sa kanya.. "gago ka din.. may mangyayari ba pag nagpakatotoo ako ha??" ah basta.. sa mga na-we-weirduhan sakin post nalang kayo message sa tag board ko.. hay.. buhay talaga oh.. bahbher for now.. :c

08 September 2004

Petrified - Part 1

ay naku at last tapos na ang back-stabban sa room.. at last okei na kami ulit.. hehehe.. itong wednesday na to ang di ko makakalimutan for these reasons:

-i got a high score sa math (nakz!!)

-okei na kami nila shamille..

-mejo okei ang result ng exam ko sa rizal..

-at ang finale TINEXT AT NAG-MISSED CALL si LORD VOLDEMORT!! (oo talaga promise!!)

ay naku habang nag-uusap kami sa phone ni shamille may nagtext sakin,, di ko muna pinansin coz i was busy making chismis eh.. then nag-ring phone ko.. pagkita ko.. "1 missed call :: phavondeh.**L" gosh!! was i surprised?? no!! i was terrified.. sabi k okay shamille.. "mille,, nagmiscol siya sakin.." sabi ni shamille.. "sino ha??" i replied.. "si **A*E*.." ayun tapos siya din parang di makapaniwala.. tapos nung binasa ko na yung text ayun na nga.. siya pala yun.. wala lang.. kamusta na daw me.. ang *u**n* yun.. kamustahin daw ba ko?? malamang hindi okei kasi nga diba?? hay naku!! dapat nga rereplyan ko ng pa-sadistah effect kaya lang naiisip ko na baka isipin niya na naisip ko pang magreply dahil hindi ko iniisip na magtetext siya.. (getz?? gulo ba?? na-windang ka noh??) so di me nagreply.. isang malaking KIBER lang.. hehehe.. oo na sige na.. eto nanaman ako si "miss-i-don't-wanna-move-on-right-now-maybe-someday".. eh basta.. bakit ba?? eh sa ayaw eh.. i'm trying naman eh but i just can't.. oh sige i'm getting so emotional right now.. i might as well say my famous line.. HINDI KO SIYA KAILANGAN.. ay mali kay mille pala yan.. BAHBHER na peepz!! :c

07 September 2004

Snatch. Almost.

haller!! tuesday na naman.. my fave day!! bukod na sa p.e. ko ngayon eh.. "quiet storm" ngayon sa wave 89.1.. at alam niyo ba ha?? ito talagang nakakshock.. NALASLASAN AKO NG BAG SA QUIAPO.. (tanga melai!!) pano ba naman kasi late na ko umuwi tapos nag-jeep pa ko.. ayun nalaslas ang pinaka cute kong school bag.. pero in fairness naman eh walang nakuha dahil tanga ung naglaslas dahil ung clinique happy o yung tinamaan niya.. chaka na-challenge yata siya sa paglaslas ng bagko dahil "super double layer of hard pastic" yun eh.. (tanga lang niya..para ngang star yung laslas niya eh..) ayun ang pinaka highlight ng araw ko..


pangalawa lang ang pag "slide-sabay-sigaw-ng-save" ko sa p.e. class namen ngayon.. kasi naman eh.. kailangan naming matalo yung kabilang team dahil tambak kami.. eh 3rd base na ko nun.. and i have to make a homerun.. so pagpitch ng bola takbo ako tapos nakita ko pabalik na sa catcher yung bola kaya mega dive ako tapos sigaw ng SSSSSSSSSAAAAAAAAAAVVVVVVVVEEEEE!!!!!! tapos naawa na sa effort ko yung referee na classmater ko rin kaya save daw yun.. kaya nanalo kami!! hahahaha.. pero ha nakakahiya yun alam niyo ba?? andun pa naman yung mga iba kong friends sa volleyball.. pero astheeg nga eh.. sikat!! hahaha..


ay naku before i forgot.. nakita ko nga pala si controversial na "JOSH" kanina sa may tindahan ni aling dolores bumili ng hi-ro at yosi.. talagang dumilim paningin ko as in.. eh sa sobrang asarnamen ni ytelle pagtalikod niya sigaw kami ng nanginginig nginig na YYUUHHHCCKKK!! hehehe.. tapos lumingon siya tapos sabi ko "ano problema mo ha??" (taray noh??) eh peste kasi siya eh.. anyways,, so much for the day's happenings na.. i got to study for a test tomorrow pa eh.. BAHBHER for now.. mwah!! mwah!!

05 September 2004

Navel.

guess what mga peepz?? I GOT MY NAVEL PIERCED!! hahahaha.. di siya masakit.. parang injection lang.. hihihi.. anjan mga ate ko for moral support.. sila din eh.. nagpa-pierce sa upper corner ng ear nila.. ::syempre tosha ko!! u.b.e. namin eh:: tapos ayun.. ang saya saya.. hehehe.. si miss-free-to-do-anything na ko.. ano na kaya next?? tattoo?? ::no!! no!! maybe..:: henna?? ::yeah!! sa sembreak:: anyways,, tama na nga yan..

hay naku nothing really exciting happened.. yun lang yung maganda dun.. yung pierce ko.. hihihi.. ay meron pa pala.. nag-usap kami ni karlyn my bhabhie best friend.. na-miss ko na rin tng tao na toh eh.. well yun.. alam niyo ba morning pa lang nagmememorize na ko ng mnemonic names ng moods of syllogisms?? baliw na nga yata ako eh.. pero okei lang kasi LOGIC naman toh eh.. fave subject ko.. hay naku!! as I'm typing this entry hindi nakikipagcooperate ang WAVE 89.1.. pinapatugtog pa yung mga "break-up" songs ko chaka yung mga kantang may meaning sakin.. WAHHAHHA!! Tigilan niyo na ko!! tama na!! mga letche kayo!! hehehe.. ano bay an.. praning na naman ako.. oh sige na titigilan ko na toh.. review pa ko eh.. bye peepz.. ay mali pala!! BAHBHER!!

03 September 2004

Emotionally Disturbed.. Mentally Distracted..

hi there!! at last our science exam is over.. okei naman.. nagregister naman sa utak ko yung mga binasa ko.. the reading paid off after all.. mula hapon hanggang umaga ko ba naman binasa eh.. anyways,, i received a news from fred.. sasayaw kami sa opening ng "Mr. and Ms. Commerce".. di pa sure pero kasali na ko dun.. hehehe.. sikat nanaman!! hehehe.. at nga pala.. ito ang isa pang bagay na nangyayari sa mundo namin ngayon.. merong gap ngayon sa tropa namin sa EMID.. kaya it ako nagpapaka LONER para di maipit sa gitna.. ewan ko ba kung ano yung something na yun.. anyways uli,, tama na yan.. nakakabadtrip lang yan.. alam niyo bang tomorrow na yung sinasabi ko sa inyong TEST ko sa PGC (philippine government and constitution) na 3 ARTICLES LANG NAMAN DAW!! bwiset!! so mega basa nanaman ako ngayong gabi at bukas ng umaga at super tungga nanaman ako ng bote ng extra joss.. hehehe..


wala me masyado masabing matino dito sa blog ko lately.. it's because i'm "emotionally disturbed and mentally distracted" E.D.A.M.D. for short.. emotionally disturbed kasi.. kasi.. ang kaluluwa ni "LORD VOLDEMORT" it's haunting me.. i mean ayoko naman siya isipin pero bigla nalang sumasagi sa utak ko,, nababadtrip tuloy me bigla.. as in nakakaasar na nga eh.. hanggang sa panaginip.. nakakagulat nga pag gumigising ako may luha luha pa ko eh.. ewan ko ba.. parang my "psychotic effect" na yata sakin yun eh.. (sandara ikaw ba yan?? hehehe.. peter!! peter!!) mentally distracted naman kasi.. sobrang kinakabahan talaga ko dahil baka magsummer classes ako.. nyay!! ayoko ko talaga.. lalo na kung rizal lang yun noh?? no way men!! kaya nga super basa na ko lagi ng notes eh.. kahit stressed na stressed na ko sa school works sige lang.. wala na nga akong social life minsan eh.. di na kami nakakapag U.B.E. (ultimate bonding experience) ng "VONDEH CLAN" eh.. ::miss ko na kayo mga pare!!:: nga pala,, medyo hawig yung meaning nung E.D. at M.D noh?? eh ewan ko ba.. para sakin magkaiba eh.. mas specific pag pinag hiwalay.. basta yun na yun..


so mga peepz.. kung sa tingin niyo ay wala nang kwenta ang mga pinagsasasabi ko ditto,, post kayo ng comment para ma-refresh ko mga ideas ko at tumino kahit pano tong blog ko.. hay!! these are my darkest days.. sunshine through my window nasaan ka na?? sige till here.. BAHBHER!!