09 October 2009

T.G.I.F.

first time ko lang sasabihin 'to sa buong panahon na nagtatrabaho ako.. THANK GOD IT'S FRIDAY!! wooooot! no work tomorrow. pwedeng-pwede magpuyat mamaya. manunuod ng bubble gang at makikinig kay papa jack, at kung hindi pa kuntento maglalaro ng PVZ (plants vs. zombies) yeah! ang sarap ng feeling! tapos mejo relax lang dito ngayon sa "office", la masyadong work, ang mga bossing lang yung busy sa mga meetings etc. (buti nalang hindi ako bossing). kalahati na ng book yung nababasa ko (simula kaninang after breakfast), tinigil ko muna para may bala pa ko mamaya. wala yung katabi ko so ako muna gumagamit ng PC nya ngayon. naglalaro rin ako ng PVZ ngayon (adik lang!) kasi mamaya pag bumalik na sya, sya na ang uupo sa trono. :) dapat briefing ko ngayon about my real work kaya lang busy pa si boss kaya petiks mode lang! (lagi naman yata.)

wala lang akong magawa kaya ako nag-bo-blog. :) feeling ko kasi ito na lang may sense sa mga accounts ko eh (except for facebook syempre!)

anyway, THANK GOD IT'S FRIDAY!! (lahat ng may trabaho itaas ang kamay at iwagayway! wooot!) *may choir practice mamaya, punta kayo. :)*

08 October 2009

Happy Weeksary! ♥

hey hey hey! it's my "weeksary" here at the office (does this term even exist?) hehehe.. :) one week pa lang pero ang homey na ng feeling. well, actually, para lang naman talaga ko nasa bahay eh. im surrounded by women my mom's age. tapos minimal lang ang trabaho (kasi nga bago pa ko) tapos kain upo kain upo. kulang nalang dito TV eh. hehehe. lagi rin marami pagkain, kalokohan ang magutom dito! :)

wala pa ko masyadong mga kwento eh except sa (1) late nanaman ako kanina by 2mins. pero dahil mabait si kuya guard "on the dot" na lang daw. :) yahoo! (2) alas-dos pa lang ng hapon wala na kong maisip magawa, wala rin kasi yung pinaka-boss kaya hindi ko alam mga dapat kong gawin. puro photocopy lang ako so far. (3) before lunch break nakatapos ako ng isang book sa sobrang walang magawa. (4) excited na ko ulit mag-gym, kasi may kasama na ko eh. (i miss you cha!) (5) dadalhin ko yung eclipse bukas, para makapal-kapal yung babasahin ko sakaling wala ulit masyadong ipagawa sakin. hehehe. :)

yun muna so far. siguro yung iba jan naninibago dahil nakakapag-blog na ko ulit.. guess what?? MELAI's BACK!! wuhoo!! :) (OL kahit office hours) byebye!!

06 October 2009

Updating..

Ngayon na lang ulit ako mag-bo-blog. Kakamiss din pala noh? Anyway.. updates updates updates!! I’ve just resigned at Starbucks as a barista, and now I am currently working at PEZA (government agency pare!!). di ko pa masabi talag how I feel kasi they are two different jobs. AS IN!! from the work environment, to the work itself, hanggang sa mga taong kasalamuha ko sa araw-araw, pati ang daily routines ko iba!! Haaaay.. but, I thing I like about this is that one step forward to sa life.. (naks!) I mean, this time seryoso na ko, hindi pwede laro dito sa PEZA, maraming papalo sa pwet ko dito (puro mommy na kasi kasama ko eh..) at mas masusubok ang pakikisama ko sa iba’t-ibang klase ng tao, bata o matanda, mayaman o mahirap, may posisyon o wala.. DAHIL AKO AY ISANG KAWANI(?) NG GOBYERNO.. magtatrabaho ng lagpas sa oras kung kinakailangan!! Hahahaha.. (natutunan ko lang yan sa flag ceremony kahapon!!)

So far so good naman dito. Kain, upo, tawag-tawag, mag-operate ng fax at photocopier (pwedeng-pwede na ko magtrabaho sa ALVA!!) at mga minimal na tasks. (bili mo o lunch sa canteen, akyat mo to sa taas kay ms. Blah blah blah. Etc.) BUT don’t get me wrong, masaya naman ako dito eh, I’m just not there yet. (naks! May ganun pa?) I mean, hindi pa sya ka-level ng kung paano ko nagging sobrang saya sa starbucks. In time siguro aabot din ako sa level na ganun. But for now, eyes on the prize muna.. SHOW ME THE MONEY!!!!! Hahahaha.. sana talaga ma-regular ako dito para maiangat ko na sa hirap ang mga magulang ko (tae! Ang drama!) tapos para mabigyan ko ng magandang edukasyon si draco, si kitten, at si obama (ang mga paborito kong alaga..) at syempre para makahiga sa kamang punong-puno ng pera kasama si ate les.. (pareho kaming mahirap at yan ang pangarap namin!!) at ang pinaka-malupit sa lahat, mailibot sa buong mundo si aloi.. hehehehe.. madami na kong utang jan eh, at bago pa ko makabayad, malaki na ang interest.. kaya trip around the world na ang kapalit.. sana sana sana.. sana makaipon ako dito at yumaman ng bonggang-bongga.. soon to rise: melai’s nono bank J (naging term na nating lahat ang NONO BANK kaya i-a-adopt ko na.. total part eng pagyaman ko yan si kuya noel. Ngunit sya parin ang ultimate NONO BANK!! J

Non-sense na yung mag pinagsasasabi ko.. 3:30 na kasi at purging-purga na ang utak ko sa kakaisip ng kung ano pang pwedeng gawin eh.. buti nga nakapag-internet ako eh.. hahaha.. tibay!! 5 araw pa lang umiinternet na.. san ka pa??

Anyway, kahapon, nagdecide na talaga ko mag-enroll sa slimmer’s world. Kaya naman sa budget, mejo titirik nga lang mata ko tuwing lunch, epro keri naman.. nagulat ako sa weight ko kahapon nung evaluation ko.. 123 POUNDS!! Anak ng kamote!! Nakakainis.. nakakahiya!! At pag-compute ng BMI ko aba acceptable pa naman pero isang guhit na lang at OVERWEIGHT na ko!! Kamote talaga!! Nakakainis!! Kaya kahapon, walang pagdadalawang isip ay nag-enroll ako.. J mura lang naman eh.. J at mamaya ang aking first meeting with my fitness consuktant! (Naks!!) J yung interesadong samahan ako okei lang, malapit lang to, sa may adriatico lang.. tara na!! GYM NA GYM NA!! J

Yun lang, la na talaga ko masabi.. la na rin magawa dito eh.. di pa ko pwede mag-YM, di pa ganun katibay buto ko katulad ni “SIR NOEL“.. wahahaha... J

Gusto nyo ng bloopers? Ngayon lang ako natuto gumamit ng fax machine & photocopier. Pag-operate at pag-galaw pa ng kung anu-ano.. Hehehehe.. kamoteng secretary talaga.. oh say sige na, merienda time na dito (kain na naman?) Byebye peeps!! J

Sorry sa mga typo, nagmamadali ako eh.. at KILLBOARD 'to! hahaha.. :)