29 October 2010

The Wonders of Bohol. [PhotoBlog]

Here are some of the highlights of my Bohol Trip last October 23-25, 2010. I'm still lost for words so I decided to make a PhotoBlog instead. Happy viewing! Ü













One day, I'll go back to that lovely place and do a whole lot more. 'Till the next sweet escape. ♥

18 October 2010

Terrified... But...

You, by the light is the greatest find. In a world full of wrong, you're the thing that's right. Finally made it through the lonely, to the other side. You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions. Watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified. For the first time and the last time, in my only life. And this could be good, it's already better than that. And nothing's worse than knowing you're holding back. I could be all that you need, if you let me try. You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions. Watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified. For the first time and the last time, in my only life. I only said it 'cause I mean it, I only mean it 'cause its true. So don't you doubt what I've been dreaming, 'cause it fills me up and holds me close whenever I'm with you. You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions. Watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified. For the first time and the last time, in my only life. ♥♥♥

15 October 2010

Love, Flings, And Everything In Between.

Yesterday, I read a post from my friend, Henry, entitled "To all the girls I loved before". It was a comic relief! And then he told me, 'Gumawa ka din ng ganun para malaman ko kalandian mo!' I answered 'Kapag ako gumawa ng ganung blog, real names gagamitin ko!' Ayus. Napasubo yata ako. Kaya ito, ihahayag ko na sa lahat ng mga readers ko [Kung meron man, sana konti lang kayo. Haha!] ang takbo ng 'love life' ko over the years. Ü Mahaba-haba 'to. Kumuha muna kayo ng maiinom o makukutkot bago maupo at magbasa. Hahaha! Ü

P.S.: Sa mga mababanggit, 'wag sana magalit. I'll try my best na hindi sirain ang mga pangalan nyo. Hehehe. At sorry kung gumamit ako ng mga photos nyo. Don't worry, di ko naman ipapasa sa presinto para ilagay sa 'Wanted' list nila eh. Ü

Maaga akong nagsimula sa mga crush crush na yan.. As in maaga! KINDER! At ang unang lalaki na napagtuunan ko ng pansin ay si..


LEONARD ALLEN LORICO
The first crush.

Classmates kami nung Prep sa EWK. Typical na cutie pie 'to -- maputi, matangkad, malinis, at laging maayos ang buhok. [Hindi sya bading!] Pero tulad ng mga batang lalaki nung mga panahong 'yon, napaka-sungit nya sakin dahil yata alam niya na may gusto ako sa kanya. Pero kahit anong gawin nya, mapilit ako. Lagi ko siya tinatabihan kapag Nap Time, Recess, at kahit sa photos sumisingit ako sa likod nya. Isang beses, naglalaro kami sa Spider Web sa playground, niyaya nya ko. 'Laro tayo X-men! Ako si Cyclops, ikaw si Jean Grey.' 'Diba magpartner yun?' 'Alam ko! Tara na!'. At simula nun, close na kami. Naputol na nga lang dahil pagtapos ng Graduation, lumipat na sya ng school.

Fast-forward to 2002: 3rd year HS. First day of classes. Naglilibot-libot ako sa mga rooms ng 3rd year. Nakita ko sa list ng students sa kabilang room namin.. 'Leonard Allen Lorico'. Nabigla ako. Na-excite akong makita siya ulit. Nung nakilala ko na siya ulit, sinabi ko sa kanyang crush ko siya nung Kinder. Pag tapos nun, naging close na kami dahil magkalapit lang pala ang bahay namin [AFTER ALL THOSE YEARS! Hahaha!], at naging magkaibigan hanggang ngayon.

[Huli ko siyang nakita sa Rob Ermita last 2009, sumama pa siya samin ni Mommy mag-dinner. Adik siya sa 'Percussion Freaks'. Matangkad parin pero mataba! Hahaha! Friends kami sa FB. Sila parin nung girlfriend niya hanggang ngayon. Mabuhay kayo! ♥]

--------------------

Pumasok ako sa Elementary na walang crush or hilig sa boys. Dahil ang gusto ko lang noon ay maglaro at magsayaw. Ü Grade 1 - 3, puro pagkakaibigan lang inatupag ko.. hanggang..

Grade 4. Medyo natututo na ko mag-ayos ng konti ng sarili ko. Dito ipinakilala sakin ang unang lalaking 'nanligaw' sakin.

JEZRON EDWARD JIMENEZ
The first suitor.

Nanligaw nung Grade 4 pero sandali lang. [Dahil dalawa yata kaming nililigawan nya noon.] Lagi niya kasama ang 'wing man' niya na si JOHN ROBERT CONCHA. [Kaibigan ko na mababanggit ko din sa kahabaan ng post na 'to.] Sa pagsabi sakin na 'crush niya ko, sa pagtatanong kung pwede manligaw, sa pagbigay ng love letter na sinulat lang sa page ng notebook, at sa pagbigay ng Kerokerokeroppi na stuffed toy; kasama niya si Robert. Ayun. Nung binigay niya sakin yun, ayokong tanggapin dahil hindi ko alam paano ipapaliwanang yun sa Mommy ko pagka-sundo sakin. Nung tinanong ako kung saan galing yung stuffed toy, sinagot ko siya ng tanong din.. 'Ma, anong gagawin mo kung may nanliligaw na sakin?' At tumawa ng tumawa ng malakas ang nanay ko. Nice! Tinawanan lang ako. Sumunod na taon, hindi na siya sa school namin nag-enroll, wala narin akong balita sa kanya.

[Matagal ko na siyang hinahanap sa FB kapag wala akong magawa, kanina ko lang nakita yung 'real' account niya. Hindi ko inadd, kaya yung photo na 'to, nakaw lang! Hahaha! Ü "Married" ang status niya ngayon, pero malay mo chorvah stuff lang nila ng GF niya yun diba? Hehehe. ]

--------------------

Grade 5. Naging active ako sa dati naming church sa Caloocan. At naging active din ako sa mga kabataan dun, kaya nagkaroon ako ng aking very first "boyfriend" [With quotation marks dahil hindi pa ganun kalalim ang pananaw ko sa salitang yun.]

CHRISTIAN BERNARD MELENDEZ
The first "Boyfriend".

Grade 5 ako, 2nd year HS siya. Walang ligawan na nangyari.. ata? Ewan ko. Basta! Mahiyain kasi siya kaya yun. Nalaman ko nalang na may crush siya sakin, tapos napadalas ang mga usap sa landline. Ito yung napansin na ko ni Mommy na medyo 'next level' na ang attraction ko sa boys kaya medyo napapagalitan na ko. Umabot kami ng isang buwan, at una niyang 'monthsarry' [First time ko din nalaman ang term na 'to dahil sa kanya.] gift sakin ay VITASOFT Pink 500ml. Hahahaha! At nakasulat yung dedication sa likod mismo ng bottle, at ang gift ko sa kanya in return.. Potchie Gummi Strawberries [Potchie = Pochay. Gets?] Ayun. Natapos din ang kwento namin dahil... sa isang lalaki. [Bata pa, alam nang gumanito noh?] Kung di ako nagkakamali, siya yata ang unang lalaking napaiyak ko dahil sa "break up". Simula noon, di ko na siya nakita.

[This year lang yata kami nanging friends sa FB. Pero hindi kami naguusap dun. Hindi rin naman yata required. He's currently working at Museo Pambata. Status: In a Relationship.]

--------------------

ANGELO DALISAY
The first "Family Drama" I've been in.

Siya naman talaga yung crush ko noon sa dati naming church eh. As in serious crush, matinding infatuation!Tuwing Childrens Camp at Retreat kami nagkaka-moment kasi malayo kami dun kay Christian kapag mga ganung pagkakataon. Hindi naging madali ang 'chorvahan' namin dahil una, may nasaktan. Pangalawa, may patuloy na nasasaktan, (Yung may crush din sa kanya na crush niya rin kahit paano.) At pangatlo, ayaw sakin ng pamilya niya dahil mas 'boto' sila dun sa isang may crush sa kanya. Sobrang tablado ako nung pamilya. [O baka ayaw lang nila na magseryoso muna kami sa mga ganung bagay dahil bata pa kami. Basta.] Kaya bago pa man magkaroon ng kung ano man, tinapos na namin agad. Unang beses ko naging honest kay Mommy at kinuwento ko ang lahat ng nangyari. Natuwa naman siya dahil nagsabi ako. Dun ko napatunayan na kahit anong mangyari, kampi sakin nanay ko. Ü Hindi na ko nahiyang magkwento sa kanya since then.

Fast-forward to 2009: Nangailangan ako ng magtuturo ng mime para sa presentation sa EMC. At siya lang yung alam kong marunong parin hanggang ngayon. Buti mabait siya at pumayag. Napadalas ang practices, at the same time, nakakapag-usap narin kami ng pakonti-konti. Isang gabi after practice, nag-usap kami tungkol sa nangyari waaaay before. Masaya ako dahil naayos namin lahat, at ok na kami. One more chance sa friendship. Astig!

[Friends kami sa FB, minsan magka-chat sa YM 'pag di busy. Mas malawak na mga napaguusapan namin ngayon. Mas close kami ngayon, nasa 'beso-beso-amiga' level kami kapag sa dati naming church. Status: Single (by choice). Hindi pa siya ready ulit for a serious relationship dahil sa nangyari sa past niya. Pero madaming chorvah yan! Hahaha. :p]

--------------------

Grade 6. Dahil na-'trauma' ako sa mga nangyari. I've decided to change battlefields. Ibang lugar naman umaura! Hahaha! Balik sa school naman. New 'boyish' haircut. New gadgets. New style.

ARNOLD AQUILEÑA JR. [aka AA]
The crush-turned-BEST-boy-friend.

Arnold Aquileña. AA. Parang battery lang. 'Yan ang naging codename namin sa kanya ng isa ko pang kaibigan na napupusuan din ni Arnold ng mga panahon na yun, si Ladie Mae Bautista. Campus Crush 'to nung panahon namin, olats lang kasi marami rin siyang crush. Kada quarter yata may iba't-ibang crush. Bagong-bago pa noon ang Playstation kaya after class nagyayaya ako sa bahay namin para maglaro. May ilang beses na nakasama si Arnold, kasama ang wingman niyang si Bolus. Madalas kami magusap sa landline noon, pero tungkol lang sa mga kanta ng Westlife, N*Sync, Backstreet Boys, at sa pagsasayaw. Hindi niya na-confirm kung ano ba talaga ako sa kanya, isa lang sinabi niya noon.. "Cute ka." at kinilig na ko dun! Hahaha. [Hanggang ngayon ay in denial parin siya sa pangyayaring 'to! Hindi rin nagtagal ang chorvahan namin nung Grade 6, dahil madami siyang crush, at madami rin may crush sakin. Hahaha! So, naging magkaibigan nalang kami. [Ako lang ang binigyan niya ng Pillar picture niya sa lahat ng mga crush niya.] Crush ko siya noon, mahal ko siya ngayon. Sos! Ibang klase yan eh! ♥

Fast-forward to HS to present: Naging mas close kami dahil bukod sa ilang taon din kami naging mag-kaklase, mag-seatmates, magkasama sa Cheering Squad, at magka-tropa.. Naging mas mabuti kaming kaibigan sa isa't-isa. Basta! Sa lahat ng lalaki, sa kanya ako kampante na wala siyang malisya sakin dahil tinuturin niya kong lalaki. Haha! At hanggang ngayon ganun parin. Ü Hindi ko na kailangan pahabain 'to dahil may isang post naman ako na dedicated sa kanya eh. Pwede na yun! ♥

[Friends kami sa FB, Twitter, at kung saan-saan pa. Nagkakatext din kami, lalo na kapag may kailangan siya! Hahaha. Madalas niya kong pagtripan gamit ang Company phone nila dahil di ko siya mabosesan. Status: In a Relationship with AINA! Cheeesy! ♥]

--------------------

MARK CHRISTIAN BILARO [aka EMCEE]
The first boy to be rejected.

Habang nagchochorvahan kami ni Arnold ay nalaman ko nalang na may crush na pala sakin 'tong si EMCEE. [Hindi ako assumera, totoo yun! Haha!] At dahil mapagpatol ako nung Grade 6 ay tuwang-tuwa ako. Ü Pero hanggang dun lang yun, walang "spark" eh. Pumupunta siya sa bahay namin para 'manligaw' kasama ang dalawa niyang wingman, pero hindi parin effective eh. Pero gusto ko yung fact na may gusto siya sakin. Di nagtagal, binasted ko na siya. Medyo nagalit siya sakin noon, pero ok lang, wala na ko magagawa dun.
Summer of 2000. Uso na ang text messaging. Magkatext kami buong summer, naalala ko pa yun, nasa Ilocos kami for our Family Trip at halos di ko mabitawan ang cellphone ko dahil katext ko siya. Medyo cheesy kasi. Hahaha. Ayun. 'Pag pasok ng 1st year HS, kalat na agad na kami daw. Todo deny ako kasi hindi naman totoo. Pero hindi nama ako rude na halos itaboy siya. Naging friends kami kasi nasa iisang group lang kami noong 1st year. [Di kasi ako star section noon.] At sa pagkakatanda ko, dun na natapos yung episode namin.

[Recently added sa FB, tapos nagexchange ng numbers kasi may common interest.. PHOTOGRAPHY. Namangha siya doon sa isang portrait shot ko, tapos ayun, nagbalak na magshoot ng mga modelo/modela pero hindi parin natutuloy. Status: In A Relationship.]

--------------------

JOSE RICO FUENTES
The first Boyfriend. [Ayan, wala nang quotation marks.]

Summer of 2000. Kapitbahay ko siya, bagong lipat siya at that time. Noon lang nagkaroon ng POGI sa street namin na bata. ♥ Hindi ako yung 'first choice' niya noon, pero later on ako narin naging 'crush' niya. At syempre naging 'kami' narin. Hindi ko alam kung may ligawan na naganap, basta lagi lang kaming magkalaro noon. Kapag sa bike, ako yung nakaangkas sa kanya. Tapos ang idea namin ng date noon ay sa comp shop at maglaro ng CS. Minsan pumupunta din sa Rob after class para sa DDR naman. Basta ganun. Siya na ang nilalagay ko sa 'Who is your crush?' at 'Who is your first kiss?' ng bawat slambook na sinusulatan ko. Yeah. He was my first kiss. Haha! TAE! Tumagal din kami ng 11 months. Pero bandang dulo noon hindi na kami ok dahil nagiiba narin mga gusto namin. Hanggang sa wala na. POOF! First time ko naging bitter. Pero wala naman akong ginawang kahit ano. Ayun.

[Dun parin sila nakatira sa street namin, nakikita ko parin siya. Ok kami, friends. Nagpapansinan din. At masaya ko sa current gf niya ngayon dahil super bagay sila! :) Status: In a Relationship and very much happy! Ü

--------------------

MIKKO BERNARDINO
The first REAL Boyfriend. [SRSLY this time.]
♥ BF #1.

Usong-uso na ang text messaging at prepaid cards. At isa siya sa mga naging constant textmates ko nung mga panahong yun kahit na magkapitbahay lang kami. Nung una wala lang, tapos naging close. Actually, magkaibigan naman kami at magkakilala na dahil member kami ng SK dun samin. Medyo matagal din ang 'ligawan' portion ng episode na 'to. After several group dates later, nahulog narin ako sa kanya. Haha! Landi! First time ko mag-share sa Ate ko about this kind of stuffs. December 2001, kami na! Ü Siya ang 'official' first boyfriend ko. Nagpupunta sa bahay, kilala nila Mommy, etc. Ibang klase din 'to, kahit kami na parang nanliligaw parin. Nagpapadala ng mga 'love letters' sa bubong. [Kasi nga magkapitbahay lang kami.] Mahilig mang-surprise. And very intimate pagdating sa feelings. Sa kanya ako unang nakatanggap ng 'bouquet of flowers' from Holland Tulips. At sobrang daming cards at love letters. Yung ibang detalye ay hindi ko na isusulat. Basta, siya ang pinakapaborito kong boyfriend/ex up to date. 8 months din ang tinagal namin. Naghiwalay kami dahil sa 'trust issues'. Dahil narin sa 'age gap' namin [2nd year HS ako, 1st year College siya.] syempre naging magkaiba narin kami ng trip. At dahil mapagduda pa ko dati, lagi kong hinahack mga accounts niya, at dun ko nahuli na may iba na siya. Well, ano nga naman ang laban ng isang highschool girl sa isang college girl? So hindi narin ako nahirapan i-let go siya. At ang maganda sa nangyari ay hanggang sa huli ok kami, walang ilangan. First time nakayanan na maging 'civil'. Hehehe.

[Magkaibigan parin kami. Hindi na nga lang kami masyado nagkikita dahil busy siya sa pagiging nurse. Ü Malayo na nararating niya dahil sa sipag niyang mag-aral. Kapitbahay ko parin siya. Hindi siya active sa kahit saang social networking sites kaya wala talaga ko balita sa kanya. Status: I DON'T KNOW.]

--------------------

CLARK RICHARD SAN JOSE
The sudden Boyfriend.

Haaaay! Ito na! Isa sa pinakanakakatawang episode ko. Kilala ko na siya 1st year HS pa lang, pero 2nd year ko siya naging crush. At that time hindi kami close, at iba ang crush niya, yung friend kong si Jayvilyn Sy. At dahil sobrang close kami, sinabi ko sa kanya 'Balato mo na sakin si Clark, sobrang crush ko talaga yun eh!' 'Seryoso ka?' 'Oo!' 'Sige sige. Tulungan kita.' So ayun, sa tulong ng kung sinu-sino, nagkadevelopan naman kami. Hahaha! Months after, naging kami narin. First time niya pumunta sa bahay at nalaman kong takot siya sa aso, so nagtrip ako at pinapasok ko siya dun sa malaking kulungan ng aso. Namutla siya sa takot, at dun ko napatunayan na seryoso naman pala siya sakin. Ü Pero isang linggo lang ang tinagal namin. Di ko alam kung paano, pero nafeel ko kasi na hindi siya 'approved' nung friends ko. Eh weak ako, ayun, nakipagbreak ako. Nagkaroon pa kami ulit ng episode the following year, 3rd year HS. Mas nagusap kami ng matino at nagbabalak na magkabalikan, pero.. may dumating na iba.

--------------------

MARK JASON SALANDANAN
The rebound-turned-for-real.
♥ BF #2

Transferee siya sa school namin. Naging crush ko siya dahil sa mata niya, nothing serious though. Nagstalker mode ako sa kanya. Ayun, tapos later on, with the help of my wingman Alex, nagkakilala kami and we exchanged numbers. Nanligaw through text, pahatid-hatid sa bahay, at pasama-sama sa Rob. Ok naman siya sa friends ko so medyo ok din ako sa kanya. After 3 months, sinagot ko na. Ok naman siyang boyfriend, nothing unusual, sakto lang. We lasted 5 months. Hindi na siya nagenroll ng 4th year sa school namin dahil nilipat siya ng school dahil sa grades niya. His dad blamed me for that, nawala daw focus ng anak niya sa studies. Tsk! Ang sarap sagutin ng "I am the 10th place in the Honor Roll of the WHOLE 3rd year class tapos ako pa sumira sa anak niyo? Anak ng.." Pero hindi nalang ako umiimik. Hinayaan ko nalang. Ayoko na ng drama. End na yun para sakin.

Fast-forward to 2009: Nagkausap kami nung wake ng lola niya at dun ko nakilala ang daddy niya. "Bespren" nga tawag ko eh. Ayun, nagsorry yung nanay niya pero wala na sakin yun eh, ilang taon narin naman nakalipas at ayos na ko nun. Close kami nung kapatid niyang babae hanggang ngayon. At mas crush ko yung kapatid niyang lalaki kaysa sa kanya! Hahaha.

[Minsan nakakapagusap sa fone pero sobrang minsan lang yun. Status: Happily married and with a baby daughter. Ü]

--------------------

JUAN RAPHAELO ROXAS
The Trophy Boyfriend.
♥ BF #3

Naging magkakilala kami nung 3rd year dahil sa Prom. Summer after that mas naging magkakilala because of varsity-cheerleading stuffs. Sabay ng practices etc. Tapos syempre text-text din. He became my "kuya" nung 4th year. Hinahanapan ko siya ng girlfriend at that time, but ilang months na wala parin. Tapos ewan ko, gumulong yata ang mundo at naging kami na. Isang game ng PCU, pumusta ko, kapag nanalo sasagutin ko siya. Eh nanalo! Ayun, wala nang urungan. Masaya naman kami, syempre bago eh. Pero later on hindi na. Dami nang petty fights at iyakan sa hallway ng school. Ang hirap niyang sabayan kasi.. Basta! Nappressure ako. Humina self-esteem ko for the first time, kaya talagang submissive ako sa kanya. Parang anak sa tatay. Ganun! Dumating yung point na sobrang takot ko mawala siya dahil feeling ko ang swerte ko to have him. Pero 7 months after, RIGHT AFTER GRADUATION, he called it off. Nagsend nalang ng e-mail sakin ng lyrics ng "Burn" by Usher. Walang explanation. What a J*RK! I called him to confirm.. yeah, its over.

The revenge: I didn't know that we'll still be going to the same school in college. And if that's not enough, we're on the same building! I spent my first semester avoiding him in all ways possible. Was I mad? VERY MAD! And then, I saw his brand new car parked along the Main Building. I picked up a rock and scratched the entire left side of his car. Then I walked as if nothing happened. He knew it was me, but he didn't do anything.

After a year we patched things up, I also think its time for me to move on. He was there at my 18th birthday. He was included in my 18 Roses. His turn came up, I was freaking out, and then as we were dancing he finally, sincerely apologized for everything. And because I am a big girl already, I forgave him. And that's where we became friends again.

[Were better than before. We talk or go out if our schedule permits us to go. He's a better friend than a boyfriend. Haha! Status: In a Relationship and has a son. Ü]

--------------------

After Highschool I decided to give myself a break from "serious" relationships. I WAS SINGLE AGAIN! Getting over the past relationship was hard, very hard. [You can look at my previous posts from 2004 if you want.] But then, I realized it was time to reinvent myself. Ü I didn't say that I've totally avoided boys during those times. I was just not up for a serious one. I started partying a lot, and meeting new people. But none of them lasts for eeerr.. a week? It's only good while it lasts. But there's two guys that I won't forget.. My flings. [And one of my good good friends till now.]


JOHN ROBERT CONCHA

Hindi ko alam kung saan, paano, kailan nagsimula pero alam kong may "something". Everytime nagiging single ako, parang yung tadhana naglalapit samin. Ewan. But, Jeh has always been dear to me, since Elem classmate ko na. Mas naging close kami nung 3rd year at lagi kaming "buddies" kapag field trip, ilang taon din yun! Fast-forward. Hindi ko alam bakit hindi matuloy-tuloy, basta lagi lang siyang hanging. Kumbaga sa TV series, lagi lang siyang 'Special Appearance'. It came to a point na pwede ko na naman siya payagan, hindi lang natuloy. Ilang taon na laging ganito. Pero... No regrets. Magkaibigan naman kami ngayon at ok na ko dun. Ü Kung saan siya masaya. Mahahanap niya rin ang tamang babae para sa kanya. Ü




MICHAEL JOHN ESPLANA

Ito rin, isang biglaan ang lahat. Nagkataon na madalas kami mag-usap at mag-text at mag-YM noong mga panahon na wala akong boyfriend. Nakapag-date din kami twice. Sobrang secret yung samin, hindi namin pinaalam sa ibang friends namin. Hanggang ngayon yata di parin alam nung iba na nagkaroon kami ng chorvahan nito. Hehe. After that, nagdecide kami na maging friends nalang talaga para hindi na awkward yung feeling. Ayun, up until now ok naman kami. He's on board now, sa Israel, di ko sure. Magpapayaman siya para pagbalik niya babawi na siya sakin. Hahaha! Ü





--------------------

Two years has passed, wala parin akong naging serious na relationship. But that's fine, nageenjoy naman ako eh. As in HAVING A BLAST! Ü

April 2005, I joined EMC's Youth Camp for the first time. Iba ang agenda ko nun, pero parang sinusundan talaga ko ng mga "chorvah fairies" at nakilala ko si..


LEANDRO CABRERA
The "spared" one.

Magkakilala na kami kasi we go to the same school since Elem. And nagkasama narin kami sa CYF even before camp. Pero we're not that close. The camp paved the way for us to get to know each other and become friends. Inaasar niya parin ako dahil sa break-up namin ni ex. [Classmate niya kasi.] So ayun, after camp, tuloy parin ang pagiging close. Months passed, at umamin siya sakin na he's starting to like me. Well, I kind of like him to but not in the way na pang-BF. At that time, ready na naman ako, pero I was afraid na piliin siya. Why? Kasi he's good, too good for me actually. Sa sobrang bait, hindi ko siya kayang sakta. And I can't assure him of a perfect relationship dahil I've screwed up in the past, pwede maulit yun. And if ever, 'll be his first GF, baka ma-trauma pa siya pag nagkataon. Hindi 'to alam ng mga friends namin sa church. Kasi hindi rin naman ako nagkkwento nung time na yun, all they know is that malapit na maging kami. Oo naduwag ako nung time na yun, pero I'm just saving him from...well, me. I value our friendship more than anything kaya hindi ako pumayag. Yeah, he got hurt, pero I know naman na makakaya niya yun.

We've been super close after that 'awkward' episode. I didn't regret my decision because it turns out.... Status: In a Relationship. Oh ha! At least! Ü

--------------------

LEO CARLO MORADA
The longest relationship I've been in.. so far.
♥ BF #4

Isa rin sa mga naging close ko after camp. Constant textmates, phone pals, kasama sa puyatan. Basta college stuffs. Until eventually, na-fall na siya sakin/samin. At ako din sa kanya. Its the same time na na-fall na sakin yung isa. I chose him over the other guy kasi mas may 'feelings' ako sa kanya at that time. Yeah, a bit bitchy, pero I have to choose. So start pa lang namin, major issue na sa EMC. But then lahat naman ng issue humuhupa eh, naging ok din ang lahat in time. [May katagalan din. Hehehe.] Wala namang perfect realtionship, so in the span of 4 years, hindi yun smooth-sailing. On-off din kami nun. Masaya, malungkot, tapos masaya ulit, tapos malungkot ulit. [Basahin niyo nalang iba kong posts regarding this one.] Hindi ko akalain kaya kong tumagal ng 4 years sa isang relationship, kahit pa on-off yun. Marami akong natutunan, at malaki narin yung naging growth ko. Nag-iba narin ang perspective ko sa mga bagay-bagay. Ayun. Utang ko lahat yun sa kanya. He could have been 'The One", pero hindi nag-work eh. Hindi ko naalagaan mabuti. Bakit nagbreak? Ako kasi eh. Ako at ako lang may kasalanan. [Continue reading para malaman ninyo kung bakit.] Maharot kasi. Hahaha!

[Ok naman kami. Friends. Nagkakatext or YM minsan. We see each other sa church and kapag may activities. Status: In a relationship.]

--------------------

Hindi ko alam kung nagrebelde ba ko or sadyang sinusubukan lang ako ng mga "chorvah fairies" dahil kahit na may BF na ko ay may mga dumadating parin.. Unexpectedly. Hence, my in betweens.


KRISANTO KRISPIN LUNETA
The sweetest fall.

Third time's a charm.. Not! Sa tatlong beses na we had "something", laging hanggang dun lang yun at hindi umaabot sa next level. First was after Mikko, nag-usap sila [Yes. Magkakaibigan kaming tatlo.] na kung pwede niya ko ligawan, pumayag si Mikko. Pero hindi naman siya tumuloy 'for some reasons'. Second is Summer of 2004, pero this time, kakagaling niya lang din sa break-up so hindi na naman natuloy. Third is last 2007, I am still with someone pero 'on the rocks' kami nun. Nung may chance na talaga, 'for some reasons' hindi na naman natuloy. And that was the end of it all. So why the sweetest fall? Because even though I know it will be a hard fall, along the way, I've seen the other side of him. Yun 'boyfriend material' na side. So yeah. Its was a sweet fall. Ü

[Friends kami sa FB. Uhmm.. Yun lang. Wala akong balita eh. I still have his number though.]

--------------------

RAFFY EARL OBEDOZA
The life of the party.

I met him during one night out at a bar. [2008] He got my number and started texting me. We went out, but as friends. He's my 'Gimmick Buddy', one text away and we're set to party! Ü I get to know him better in time, and even invited him to our church. Emotions got out of hand, and I let myself fall. But I know that its just temporary. My bad. He also started developing feelings for me but he knows that I have someone already. We just continued what we had. Going with the flow. We weren't in a relationship. We weren't exclusive. but we know there's something between us. Eventually, I ended things with him. And we just remained as plain friends. [At bakit ako nag-English bigla?]

[Ok naman kami ngayon. Civil lang. Di narin masyado naguusap dahil "busy". Sometimes he texts me para mangamusta lang. Status: Single? Exclusive? Ewan. No idea.]

--------------------

TATIANA MIRANDA
The only exception.

I attended an all-girls event and that's where I met her. Small world because she also works in the company I was working in that time. Its was my first time to attend that kind of event and I was culture-shocked! GRABE! Siya yung katabi ko habang tinatawanan niya ko sa pagkapraning ko. The night ended, we exchanged numbers and then that's it. We became close because we get to go out and talk a lot. She's very fun to be with. I had this secret mission in my mind to turn her in a SHE, but I didn't succeed. But what she is, it her. And I like her for that. Ü I did develop a feeling for her, but before matters get out of control, my Mom found out and talked me out of it. And yeah, I realized that even if I'm having troubles with my current boyfriend at that time, I shouldn't run from it. So yeah, ♫♪ I kissed a girl and I liked it. ♪♫ Hahaha! Kidding! Ü

[Everything worked out fine between us. We still get to talk to each other whenever we can. She's still what she is, and that's still fine with me. We both agreed that she will be my first and last uhmm.. "she". Status: In a Relationship.]

--------------------

MIKEL FERDINAND MARASIGAN
The 8-year long "crush".

Ehem. Paano ko ba sisimulan 'to? talagang 8 years ago? [Well, super dami ko narin posts regarding this kaya basa nalang kayo if you want.] Nalaman kong may something siya sakin 1st year HS, pero nothing unusual naman. Blue Magic gifts lang siguro. Then I don't know what happened but during our 2nd, 3rd and 4th years we don't get to talk much. AWKWARD. Pero di ko talaga alam bakit. College days, sumasama naman siya sa mga gala namin, sakto lang din pansinan namin. Summer of 2005, over the fone, umamin siyang may feelings siya sakin. Pero wala naman siyang balak gawin at that time. Eh di tuloy lang ako. Fast-forward. This year mas intense ang mga nangyari. Maraming nangyari. Hindi rin naging kami, dahil.. errr.. basta! Wala akong pinagsisihan sa lahat ng nangyari samin this year kasi mas nakilala ko siya at mas naging magkaibigan kami. Ü

[Friends kami. Ok kami. Bum na siya. Hahaha! Status: Next question please.]

--------------------

After lahat ng mga pangyayaring yan ay ang haba-haba na ng buhok ko kaya nakakabuang na talaga! Gusto ko ng 'breather'. Gusto kong hindi na muna isipin lahat yan. Napagod ako, nahirapan, nasaktan. [Hindi ako bato. Umiiyak ako.]



UNTIL...



LOUIS ANDREW DALINDIN DADO
The one that can put up with all my crap. The one that brought back colors to my (love) life. The one I'll always run to. The one. [Hopefully.]

I've know him since we were Kinder. I get to know him better during our HS days. And we became super close when we were in College. And from then on.. this is us now.

Kinder. Alam ko, may crush na siya sakin noon dahil hinahayaan niya kong i-bully siya nun. Pinapasan niya ko sa likod niya at bitbit niya yung bag ko papuntang classroom namin. Yun ang mga unang moments namin. Nung Elem wala masyado dahil pareho kaming abala sa mga ibang bagay.

Highschool. Nung 2nd year HS, tinuturuan niya ko mag-gitara pero nag-give up siya agad. Haha! Sumulat din siya sa handbook ko nun ng 'about love'. Summer after that, nagsimula siyang manligaw sa text. Natrauma ako sa pagka-emo niya kaya hindi ko pinansin. 3rd year HS naging awkward kami, pero nakabawi naman agad, nagkaroon kasi siya ng GF. Mas naging kampante na ko nun kaya naging close na kami ulit. Magka-group kami sa Feasib Studies. 4th year, professional kami kasi co-captain ako ng Squad at siya Chief ng Drums. Pero sa classroom, balahura ako sa kanya. Hehe!

College. Pareho kaming busy. Nag-AWOL siya samin, pero minsan nakakausap ko parin siya. Dun namin naungkat na muntik na kami maging mag-pinsan hence the term "Cuz".

After College. Mas dumalas na ang mga gala, lagi narin siya nakakasama. Ayun, nabalik ang super duper closeness namin. Super catching up, at nakkwento ko na madalas ang mga pangyayari sa buhay ko. AS IN LAHAT! Lahat ng naisulat ko sa taas, alamniya yun. [Sana.]

Mid 2010. Sunod-sunod na kasabawan ang nangyari, siya ang kasama ko sa lahat ng yun. [Hindi siya yung dahilan.] Halos lahat ng pinoproblema ko noon alam niya, at tinutulungan niya ko. Ginagamitan niya ko ng Psych Powers niya. Hahaha! Madalas ko siyang nababanggit sa previous posts ko. Ganun kami naging mas malalim ngayong taon. Ü

Currently. Masaya ako. Masaya siya. Masaya kami. Eeerr.. Iniiwasan ko maging keso! Haha! Ü Dadaanin ko nalang sa kanta..

I’ve been spending all my time
Just thinking about you
I don’t know what to do
I think I’m fallin’ for you
I’ve been waiting all my life
And now I found you
I don’t know what to do
I think I’m fallin’ for you
♥♥♥

Basta yun na yun. Masyado nang mahaba to. Bye! Ü

14 October 2010

I Don't Wanna Be Your Friend.

Yeah. This is the part where I get to sing this song. Bitter? Not! I'm perfectly fine. But, for the longest time that I've been dealing with relationships, there comes a point wherein this song is perfectly fit for the moment. [If you know what I mean.] Every line just hits me. Anyway, I'm not angry or anything. I just want to express what I'm feeling now, through this song I guess.

--------------------

I DON'T WANNA BE YOUR FRIEND
By: Nina


I don’t want to see your face
I don’t want to hear your name
I don’t want a thing
Just stay away baby
Don’t wanna know if you’re alright
Or what you’re doing with your life
Don’t wanna hear that you’ll stay in touch maybe

I’ll get by just fine
So if you’re going then darling goodbye, goodbye

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
And i don’t think i care
I’m not over you yet
And i don’t want to be your friend

I’ll forget we ever met
I’ll forget i ever let
Ever let you into this heart of mine baby
You just gotta let me be
You gotta keep away from me
’Cause all i want to be is just free of you baby

Don’t you come around
And say you still care about me
Go now, go now

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
And i don’t think i care
I’m not over you yet
And i don’t want to be your friend

You take it casually, and that's what’s killing me
I’ll get by just fine
So if you’re going then darling goodbye, goodbye

Don’t call me in the middle of the night no more
Don’t expect me to be there
Don’t think that it will be the way it was before
No, no baby
Don’t call me in the middle of the night no more

I’m not over you yet
And i don’t want to be your friend..


--------------------

So yeah. I guess I don't wanna be your friend.. Not just yet. There's too much drama, and trust me, I'm done with those things. Until then, I think I'll be fine. :)

08 October 2010

ARNOLD AQUILEÑA.


At dahil SUPER SPECIAL ng taong nabanggit.. Isang post dedicated SOLELY to him. Ü [Infairness, ang tagal ko na-figure out na ikaw yung nagcomment. Kala ko si Ariel! Gamitin pa ba ang pangalan ng Nanay ko? Hahaha!] 'Wag ka na magtampo ha? Alam mo namang hindi kita nakakalimutan eh. [Iced Tea Tarik nalang tayo sa KopiRoti.] Anyway.. Game! Ü



Thank You Arnold / Beng / Erniernernernernern. ♥

Sa pagsagot ng tawag nung madaling araw na yun. [July 18, 2010] Sa pagsagot ng mga text ko tuwing nawawala ako sa tamang pag-iisip. Sa pagsama sa tabing dagat ng Talamahi nung madaling araw. [August 1, 2010] At sa walang humpay na pagpapaandar mo ng mga kalokohang hindi ko alam saan mo pinupulot. MARAMING SALAMAT! Ü Masaya ako dahil napatunayan kong hindi ka lang sa 'saya' kaibigan, pati rin pala sa 'ka-inartehan' nandyan ka. Ü Kala ko kasi dati hindi ako makakapagshare sayo ng mga 'serious' na bagay dahil sa sobrang comedy mo, at ayokong mambasag ng trip 'pag masaya na tayong lahat diba? Ayun. Salamat kasi ikaw yung tipo ng kaibigan na marami lagi sinasabi [At maraming alam!] at sinasabi mo lahat yun out of concern, nothing more, nothing less. I mean, your very upfront. Wala nang paligoy-ligoy pa. And that's what I like about you. Ü Matagal narin tayong 'friends', pero ngayon ko mas na-prove na magkaibigan talaga tayo. [Kala ko kasi dati plastic ka! Hahaha! Ü] Basta, basta. Ang iba pang mga chorvang pagpapasalamat ay hindi ko na kailangan pang banggitin! Ü

At 'wag ka na kasi magselos. Alam mo namang ikaw parin ang 'First Love' ko at sa'yo ko parin i-de-dedicate ang bawat WestLife na kantang alam ko. ♫♪ And I swear it all over again.. ♪♫ At ikaw parin ang pinakamagaling sumayaw na lalaking kilala ko! Ü ♫♪ Every little thing I do.. Never seem enough for you.. ♪♫ At ikaw parin ang pinaka-kwelang nilalang! Ü I LOVE YOU BIATCH! ♥♥♥

*Ayan ah? Yung "pogi ka" photo yung nilagay ko. Ü






07 October 2010

Know Myself Better.

Another boring afternoon here in the office. Another FaceBook app that I randomly clicked. Blah. Forgive me for this lame post. This is what I do to survive boredom. Ü

--------------------



Dear Melissa Joy Mariano Tabernilla, below are your Personality Tests result:

Who is your true self: You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.
Yourself: You are intelligent, honest and sweet.

Girlfriend/boyfriend: You are a true romantic.

Relationship: You are ready to commit.

Love: Your have very sensible tactics.

Education: Education is very important in life.

Job: You're a practical person and will choose a secure job.

Success: You are afraid of failure and scared to have a go.

Afraid: You are afraid of things that you cannot control.



--------------------

Yeah. The results are not that exciting. I'll just end it here. 'Till the next app. Ü