30 November 2004

These Past Few Days..

at last.. my blog.. it's still alive.. hay!? how i miss this.. (wala pa kasing pangalan tong si blog ko eh..).. musta na mga peepz ko?? ako?? ito okei naman.. medyo naging busy sa mga bagay-bagay lately.. kaya nga na-fe-feel kong may kahabaan tong entry ko para maka-pag-update.. kei.. let's start..

last friday (november 26) nanood ako ng concert sa ust entitled "LIVRE" with bebeng,, ariel,, xiu-xiu,, jared,, abhie,, jordan,, ej,, aron,, kaye,, and ayeng.. (pix to follow nalang..) grabeh nagmistulang "reunion" ng batch 2004 yon!? mga tumugtog sa concert was bamboo,, chicosci,, imago,, sugarfree,, true faith,, mymp,, spongecola and moonstar88.. supposed to be dapat southborder ang nanjan hindi moonstar88.. eh kaso hindi daw bayad ang southborder kaya hindi sila kumanta.. (punyeta kasi yung organizer..) but they were there.. lumabas nga si vince eh.. buti nalang "one call away" ang moonstar88.. kaya ayun.. pero ang astheeg para sakin ay bamboo at spongecola.. mas na-enjoy ko nga lang yung spongecola kasi mas malapit na kami s stage nun.. yung bamboo kasi ga-langgam lang si bamboo eh.. basta yun okei sya.. chaka hello?? libre lang ung pag thomasian ka.. pag hindi 100 lang.. oh diba san ka pa?? (sayang ikel di ka nakasama.. susunduin ka dapat namin eh..)

saturday naman (november 26) lahat kami bangenge dahil sa concert.. lahat may eyebag,, ung iba may hang-over,, yung iba gusot mga uniform dahil sa pagmamadali magplantsa at yung iba absent.. hindi ko na talaga kinaya yung bigat ng mata ko kaya yung last subject namin (theology) hindi na kami umattend ni jesse.. umuwi nalang kami.. tapos ang mga loko namin classmate i-"BOYCOT" daw ang theo?? teka nga para maka-relate kayo kung bakit let me give you an overview of my professor in theology 2..

-isa syang attorney.. first day palang ng class namin dun sinabi nya na agad samin yun.. HUMILITY asan??
-kay rami nyang nunal na nabuhay sa mukha.. gargancho sa laki kaya ako nadidistract sa kanya..
-boses nya ang pinaka-interesting.. pumipiyok,,nakakaantok,,at ang tono parang BROTHER ELY SORIANO!? actually that leads me to the next..
-reincarnation ni brother ely soriano sa catholic church.. leche siya.. laging inaalipusta ang protestants and other religions.. gusto niya catholic lang sacred chuva chuva.. chaka parang laging nasa "court" kung mag-turo.. laging pasigaw..paaway..kulang nalang yung pamukpok ng jugde eh.. basta buong pagkatao niya nakakaasar!?

oh ayun ah.. nalaman ko lang yung ginawa nilang boycot nung tuesday na.. late dumating balita sakin eh.. basta nasabi ko nalang nun?? "mga ga*o talaga kayo.." well including me syempre.. i would have done the same thing if i were there..

kahapon naman dumating na yung auntie ko from the states.. syempre anong ibig sabihin nun?? marami!? maraming marami!? we woke up 5 am kasi nagsundo kami sa airport.. mga 8:30 am na dumating yung auntie ko.. (sabi kasi ng tita ko 6 am yung dating ng plane eh..) tapos derecho kami libingan ng mga bayani dinalaw yung anak niya.. then punta na kami price smart.. (medyo dissapointing kasi we were expecting sa duty free kami eh.. dami ko nang naisip bilin eh..) eh di andun na kami la nang nagawa.. tapos sabi ng pinsan ko muralang dvd player dun.. kaya ayun.. onting chicka chicka kay mama.. tapos binili na namin.. yehey!? something to look forward!? after nun gusto na namin umuwi para manood eh.. excited ba?? kumain muna kami ng late lunch sa market-market.. first time ko sa mall na yun.. okei naman.. syempre sa paikot-ikot namin dun hindi pwedeng walang bibilin diba?? nyahaha.. mga 1:30 pm nakauwi na kami.. pahinga lang sandali.. then 5 pm punta naman sa bahay ng isa ko pang pinsan dahil birthday niya.. mga 12 am na kami nakauwi ng bahay.. hay naku!? na-experience ko na yata ang buhay ng isang superhero.. walang pahinga.. partida may pasok pa ko kinabukasan ah.. at may quiz pa!? ayos noh??

at ngayong araw na toh.. nakakatawa talaga.. una napagalitan ako sa english dahil mas interesado pa daw ako sa nails ko kesa sa class.. second wala yung 2 sumunod na prof namin.. at ang climax ng araw ko.. hindi sumulpot ang theo prof namin.. binoycot din kami?? hahaha.. nung una tensyonado na lahat sa room kung anong excuse bat wala sila nung saturday.. tapos mga 2:20 na lahat nakatingin lang sa relo nag-aantay ng 2:30 para makaalis na.. at ayun.. 2:30 na at wala pa sya.. lahat kami umalis na.. ganun kasi ruling sa ust eh.. nakasalubong pa nga namin si dean eh.. wala lang tinanong lang niya kung bakit ang saya namin na wala yung prof namin..

hay grabeh the days that passed noh?? kaya nga hindi ako nakakapagblog lately eh.. oh pano mga peepz.. dito muna ha?? ngawit na kamay ko kakatype eh.. bahbher muna!? mwah!? mwah!?

17 November 2004

Rants. Raves. And Everything In Between.

nyak!? nakakahiya.. ang dami nag-visit ng blog ko ni wala man lang akong bagong entry.. ayan!? pampalubag loob sa inyo peepz gumawa me ng bagong entry..why not diba?? (obvious ba??) anyway,, itong araw na ito.. masayang nakakapagod na may bahid ng pakshetness at annoyance!?

::masaya::

1. ang ganda-ganda ng hair ko.. walang shavit!? first time yun!?
2. gee gave me strawberry shortcakes.. yummy!?
3. may locker na kami!? kala kasi namin ubos na..
4. walang ginawa sa room kanina.. 2 lang prof namin eh..
5. nakita ko si CHOLO.. yung taga archi na "totoy".. ahihihi..
6. uhm.. ah.. err.. yung panaginip ko!? bwahahaha!?

::nakakapagod::

1. halos dalawang oras kaming tumatawa dahil sa kwentuhan at spoofs ng mga professors..
2. at habang tumatawa ka,, mabilis mong tinatapos yung assignment mo sa math dahil next class na sya..
3. hindi ako nakakain ng breakfast kanina kaya parang malamya ako..

::pakshetness::

ah ito hindi numbered ito.. dapat essay type!? game na!? kung si bebeng may world record ng pinakamaraming beses na sinabihan sya ng "oh.. ang payat mo na.." syempre ako i hve my own version too.. "sino boyfriend mo ngayon??..weh??".. lintek na yan!? ang mga tao tinamaan ng magaling!? ayaw maniwala na wala akong boylet na inaalipin ngayon.. mga lokong toh ha?? nakakaloko!? nyahaha.. umagang umaga hiniritan agad ako nung mga kaibigan ko dito sa street namin eh.. sabay-sabay kasi kami pumasok tapos ayun tanong nila "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman nila.. "weh?? ikaw pa??".. sa UST naman.. sa mismong block pa namin.. yung "the boys" kasi ka-row ko.. sa sobrang ubos na ang topic nila ng pinag-uusapan.. nabaling yung attensyon nila sakin.. tanong nila "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman nila.. "weh?? ikaw pa??".. tapos hindi pa yan.. nakasalubong ko si dale sa grandstand.. ngayon nalang kami nagkita ulit after some time.. hirit ni loko.. "sino boyfriend mo ngayon??" sabi ko.. "wala.. bakit??" sabi naman niya.. "weh?? ikaw pa??"..

::annoyance::

mga lintek na tao!? (nyahaha..) ano bang gusto nilang i-emphasize sa.. "WEH?? U**L!? IKAW PA??" anong ako pa ha?? sige nga isa-isahin naten??

1. ikaw pa.. eh dakilang lalakero ka??

-ehem!? peepz!? haller!? hindi ako lalakero owkei.. kapal nalang ng mukha ko magmaganda kung ganun ako noh?? mahaba lang hair ko pero hindi ako lalakero..

2. ikaw pa.. eh hidni kita nakitang walang kasamang lalaki eh..

-duh!? bakit pag may kasama ka bang lalaki boyfriend mo na yun?? paano kung bakla?? o kaya guy friend mo lang?? eh sweetik kamo?? eh ano paki nyo?? ganun lang talaga ako dahil "one of the boys" nga kung tawagin ako eh.. not necessarily flirting with them or anything.. yuck naman!? am i that kind?? no way noh!?

3. ikaw pa.. eh GIRLFRIEND MATERIAL ka..

-ito talaga ang nakakawindang sa lahat eh.. paulit-ulit humuhuni sa utak ko eh.. tama nga siya.. (erson andaya!?) girlfriend material daw ako kasi pang long-term chuva daw ako,, caring daw,, nakikisama,, cool,, mabait,, maasikaso.. ewan ko ba sa lalaking toh pano nya napansin yung mga yun.. eh kasi madalas ko sya makasama kapag umaalis kaming magkakablock.. and yah!? we're kinda closeness.. anyway,, tignan nyo na.. sa isang guy na mismo nangaling ha?? girl friend material ako.. pero duh!? pwede rin naman akong maging single and still be a girlfriend material ah?? paano kamo?? simple lang.. wala na munang serious chuvanels for now.. i-re-reserve ko nalang tong pagka-girlfriend material ko kay.. CHOLO.. ay mali!? sa pag-ma-madre ko pala.. siguro crush crush nalang muna.. parang nung grade 5 pa ko.. hahaha.. chaka sa sangkatutak ng mga ginagawa ngayon?? jos coh!? social life ko muna bago love life noh?? party-party nalang.. nyahaha..

so paano my peepz?? is this enough for now?? well,, i hope so.. coz i got to study pa this theology book eh.. chaka psychology.. till here nalang muna.. bahbher!? mwah!! mwah!! xiuxiu thankies sa pagdaan!?

14 November 2004

Quits Lang.

hiyee peepz!? long time no bloggin' ayt?? eh kasi bigla me naging slightly busy kasi nag-start na second sem and it's "BLOODY HELL!?" parang sinumpa ang section namin this sem.. walang kaaya-ayang professors.. ni isa wala.. yung iba mapagtyatyagaan na.. pero on second thought hindi rin.. looks can be decieving you know?? hay naku noh?? good luck nalang talaga sa 1-emid!? matira matibay mga chong!?

kagabi.. "POP KO TOH!?" all star-all hits concert was held at the folk arts theater around 8 pm (naks!? complete details.. malakas warner sakin eh!?) and i was so surprised bacause ate kats have this extra tickets kaya nasama ko ang best buddies ko na sila bebeng at ariel.. the concert way cool.. hindi lang yun.. isama mo pa dun na kasama ko ang 2 kong kapatid!? first time nangyari toh ha?? ngayon lang nagkasabay-sabay ang genre namin.. hehehehe.. so ayun.. actually the ticket we got are free.. galing kay ate jojie.. sa pinakamalapit yun noh?? at hindi pa jan natatapos ang swerte naming mga "moks".. nabigyan pa kami ng backstage pass.. WHY NOT DIBA?? kasi sila ate jojie lang meron nun.. tapos after nila pinasa nila samin kaya ayun.. luckily andun pa si kitchie at kung sino-sino pa kaya ang galing galing talaga ng panahon!? nakisama sya.. sa wakas!! pero ang ate kathy ko.. TINAMAAN NG MAGALING!? nawala ang cellphone ng company nila.. yung may mga number ng talents.. including FRANCO MABANTA.. lintek!? dapat kinuha ko na talaga yun!? yun lang panira ng gabi.. pero sabi nga diba?? "hindi araw-araw pasko.. paminsan araw ng patay!?" nyahahaha..

as a sign of our gratitude sa aming nanay dahil pinayagan kami pumunta sa concert.. kahit puyat at windang pa ko sa kanta ni nina at kitchie ay nakagising pa kami ng mga ate ko para mag-simba ng maaga.. (banal-banalan melai??) okei na yun noh?? give away na para kay mama.. liturgist sya eh.. paminsan-minsan lang ang opportunity kaya grab na!? why not diba??

oh paano dito nalang muna ha?? kasi hilo pa ko sa mga kaganapan kagabi eh.. bhaber muna aking mga fans.. nyahaha..