06 December 2006

Who's MYLAY?

yey! nakapag-blog ulit ako. buti nalang laging may vacant pc dito sa library. hay! ansaya saya.

i will be leaving friendster soon. ewan. naaliw ako sa tagged.com eh. (kung wala pa kayong account dun, gawa na kayo.) eh kasi naiinis ako sa friendster. nag-be-breed ng mga posero't posera. (jologs!) chaka ewan ko ba. kahit yata mga katulong, drayber, janitor, hindi kilalalng artista, MMDA, at faculty merong account dun eh. at least sa tagged maraming ka-chervahan! harhar! i-promote ba? pero hindi ko i-ca-cancel account ko sa frienster. hindi nalang ako ganun ka-busisi mag-check. wehehe. ah basta! bahala na si batman!

sa wakas napanood ko na yung happy feet. nag-iisip ako ng lines na natandaan ko para sana yun yung intro ko. kaya lang wala akong maalala. bwehehe. eh pano tawa ako ng tawa pati ancutecute kasi. although i didn't like the ending. aba! mga penguin lang pala magbabago ng mundo? hindi pwede! dapat si spiderman! hahaha. basta maganda sya. cute. and funny.

sino nga ba si MYLAY? ganito kasi yan. bumili ako sa starbucks ng drink, syempre tatanungin yung name dabah. i said "mell-lai". tapos hinanap ko uyng friend ni ate kat, tapos ayun nakipag-chikahan pa si kuya counter sakin kasi he knows my ate also. tapos ayun blah blah blah. tapos tinanong nya uli name ko then i said "mell-lai" again. tapos chikadoodles uli. (at hindi nya parin sinasagot kung asan yung kaibigan ng ate ko.) tapos pagkabigay ng drink ko alis na ko. mejo halfway na ko nung napansin ko yung name ko. "MYLAY" mylay? anong mylay? tapos ayun natawa ko. ewan. di mawari kung slang or bisaya eh. natatawa ako hindi sa kanya kundi sa "mylay" mismo. sabi nga ng classmate ko baka chavacano daw! hahaha.

kahapon din may nareceive akong text:

"mga katoto! this is it! tayo na talaga sa cheermania. na-confirm na! wag na magtampo at magdamdam. training na uli. at itext narin si kuya ajie.!"

ansaya ko nung nabasa ko yang text na yan. training na! weee! papayat na uli ako. tapos papagalitan na uli ako ni dad. tapos maghahabol na uli ako ng mga asiignments and projects. tapos pagod pagod na uli akong uuwi. hindi naren ako makakanood ng deal or no deal, super I, at maging sino ka man. haaay! masaya ba talaga ko?

so ayun. yun lang naman ang kwento ng buhay ko. wee! dito na lang muna. paalam!

04 December 2006

Hey.. Hey.. HEY!

hey hey hey! kamusta naman diba? nakalimutan kong 12pm pa pala pasok ko, napaaga ako ng 1 hour lang naman. kaya eto, tambay muna sa library, wala pa yung mga "studymates" (yes! gumaganon!) ko eh kaya nag-net muna ko. libre eh! haha. at eto naisipan kong mag-blog.

nakakatuwa nung sunday. di ko inaasahan na may "allowance" na pala ako dahil sa pagiging assistant sa sunday school. (salamat nga pala kuya shad!) tapos hindi pa yun, sinama naren ako dun sa bonus nila. haha! kakatuwa lang. tapos meron din ako nung watch na binigay sa mga teachers. coolness! ang saya talaga pag may mga bagay na di mo ineexpect tapos nangyayari.

mejo patapos na ang 2006. is it worth it? i mean hahayaan ko bang lumipas ang 2006 na "satisfied" ako? well, oo! eh yung matagal kong pinoblema nung early 2006 ngayon "konti-konting" naaayos eh. (haha! hulaan nyo anu yun!) i can't really say na ayos na kasi sya eh! basta on the process pa lang! labo!

kakasimula lang ng second sem pero feeling ko malapit naren agad ito matapos. eh kasi, christmas break, tapos pag-balik prelims, tapos may mga "chever-chever" na college week, university week, at iba pang eklaver! tapos nung come february wala na yan. petiks na lang yan! tapos ayan naren yung mga paghahanda sa kids' camp pati youth camp. (sobrang dadaana lang yung march!) kaya ayun. isa lang masasabi ko. "tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon."

grabeh kung anu-ano nalang maisulat ko dito ah? eh kasi saya magtype dito sa lib eh, ganda keyboard! sana lang walang akong "typo" dahil sa sobrang bilis ko mag-type.

hey hey hey uli! its official. pumanaw na ang computer namin. aba after ilang years, ngayon na sya nagpahinga. (huhuhu!) kahit gaganun-ganon yung pc na un naging useful sakin yun noh? hehehe. sana mapalitan sya agad dahil mahirap ang gumawa ng thesis at feasibility study ng walang sariling pc at internet connection.

PLANNER CRAZY::

grabeh! bakit sa sobrang pagtitipid ko nakuha ko pang mag-"coffee" sa starbucks! dahil yan sa Limited Edition Planner nila for 2007. ewan ko ba bat bigla kong gusto magkaron nun. dati naman satisfied na ko sa patingin tingin sa planner ni ate kat, kaso minsan kasi RESTRICTED ang planner ni ate kaya hanggang sulyap lang talaga ko. no touch! i have 13 stickers already. parang nabilisan nga ako eh. hehehe. sana matapos ko na agad yung akin para matulungan ko yung iba mag-collect ng stickers. sabi nga ni ate jojie "nakakapraning"! ah basta, pag-ako nagkaroon na nun, matutulog na ko ng may ngiti pati "pagkapraning" (aba syempre pag tulog ka hindi mo alam binabasa na pala planner mo! hehehe.) as i can remember kasi ang huling planner ko pa is yung sa candy mag, i think that was 2002. eh yun naman kasi nabibili lang! eh eto kailangan ng effort, pera at diskarte! hay! maswerte ang mga tulad ni ate kat na may "koneksyon sa loob". pweh!


na-blank na utak ko. wala na ko masulat. none. zero. as in wala na!

02 December 2006

De De De December Na!

ampf! december na! bat ngayon lang ako nakapag-post uli? eto:

1.) BUSY!
2.) wala na kaming PC
3.) tipid mode kaya walang pang rent ng pc
4.) walang oras/time/panahon

weniwey, brief update lang po ito:

-tumataba na ko
-wala pa ring announcement kung kelan uli training namin
-nakakalimutan kong may tattoo ako (pwera nalang pag anjan na si dad)
-pusa namin sa bahay 13 na!
-may 300 new flower horns kami! (di pa sure kung mabubuhay lahat)
-lumalagao ang negosyo ko (charms/autoload) buti pa mga products ko makakarating ng states, ako hindi pa!
-ang hirap pala pag 3rd year college ka na! kahit business ad ka lang!
-miss ko na ang malate! waaah.
-masaya dahil konti na lang sunday school teacher na ko.
-nag-iimprove ako sa pagkanta sa choir! yehey!
-wala pa rin akong pera! dukha. pobre. busabos.
-walang bumibisita sa blog ko! mas pobre. mas busabos.

ayan dito nalang muna ha? kasi andito lang kami kasi sa @K at pupunta pa kami ni leo carlo e. morada sa birthday ng inaanak ko. sya sya dito muna! byebye!



x's:
yikee! monthsary namin ngayon! 10 months na kami. bilis noh? weee!

10 November 2006

Ready... FIGHT!

hay. kamusta naman sakin. first week palang ng second sem super busy na agad. ewan ko ba? ganito ba talaga pag 3rd year na? weniwey, nagpromise talaga ko sa sarili ko na magaaral na ko maigi this sem. although wala naman akong fail or 3.0 last sem, syempre gusto ko naman mag-aim ng mataas. sana talaga this sem maging lowest grade ko is 2.50 or 2.25. pwedeng pwede na maging DL yun! bwahaha. asaness! pero wala namang masama sa mag-wish diba?

speaking of wishes. malapit na pasko. ilang araw nalang. at marami narin akong wishes sa pasko. pero alam kong karamihan dun malabo matupad. pero what the heck! ang pasko ay ang panahon para mangarap. tama o mali? bwehehe. di bali i-po-post ko sa side blog ko yung mga wishes ko para sakaling may contact kayo kay bernadette sambrano or wilie revillame ibigay nyo nalang yung listahan ko okei? c;

grabeh naman. hindi pa ko nakakapag-upload ng pics nung outing ng highschool friends ko dito sa blog. naku! magtatampo yun. lalo na si ARIEL! hehehe. basta next time try ko i-upload. baka kasi bumabagal na ang pag-load nitong page ko sa ibang pc eh, kakahiya naman sa fans ko! hahahaha.

pusang ina! may karagdagang pusa nanaman sa bahay namin. the prsian cat community is getting bigger. and we are becoming stinkier everyday! kazaaar! ayaw ko na ng pusa! una cute pa sila eh, but now? kakasawa na! kazaaar to the maxx!

anu pa ba? nga pala. akalain nyong dito ako sa @K ngayon nag-bo-blog. eh pano walang matinong pc sa may amin. hehehe. chaka mamayang 4pm choir na kaya okei din! speaking of choir, ayun makakapag-choir na ko ulit, pati CYF, pati sunday school. kasi maluwag na ang sched ko pag saturday! (so far ah? ala pa kasing training scheds eh!) kaya ayun. balik loob na ko. bwehehehe.

oh sya dito nalang muna at may gagawin pa ako. try ko mag-update as often as i can para mabuhayan na uli ang blog ko. bisita lang kayo ha? byerz! c;

22 October 2006

Lakas Ko Kay GOD! Ü

haaay! todo level ang kasiyahan ko ngayon for so many reasons.

1.) i've got a tattoo!
matagal na balak na ito. pero since busy ang sched, chaka dahil sa training sa squad, hindi tuloy natutuloy ang balak na magpatattoo. pero nung saturday, ayun. hindi mabilang na tusok ng "needles" ang dinanas ko para lang magkaroon ng "sexy back" hahaha. (lokong tattoo artist na yun! sabihan ba naman akong magkapareho kami ng likod ni gwen garci dahil daw hindi pantay yung likod ko. may extender daw. tinutukoy ang bilbil ko. haha. bwiset!) masaya kasi sabi nga ni kuya "you're one of us". naks! parang gentext lang. until now i still can't believe kinaya ko yung "major pain" na yun! aba! almost 2 hours ka magtiis ng sakit dun, di ka ba magiging proud sa sarili mo? feeling ko nga kaya ko nang kumain ng bubog eh! hahaha. so enough about that! sayang di ko ma-upload pic ko eh, sira card reader ni friend. ;c next time nalang. may video pa! c;

2.) i passed all my subjects!
grabeh! ilang gabi lang naman akong "mentally distracted" dahil sa mga grades ko dahil naging delikado yung marketing research ko dahil bagsak kami sa defense. nasabi ko na rin kay mama na bagsak ako, di naman ako pinagalitan, nasabi ko narin kay ate, kay aloy, at kung kani-kanino pa. ngunit subalit datapwa't, nung natanggap ko kanina yung clearance ko. ayun! nakalagay passed lahat! weeee! para akong nakarinig ng mga tinig ng anghel eh. sarap ng feeling! na-feel ko na kahit medyo napabayaan ko studies ko, hindi ako napabayaan ni God sa mga prayers ko! haay! lakas ko talaga kay God! c;

3.) excited bout the FONTANA trip!
nalalapit na yung much awaited fontana trip namin. excited ako kasi first time ko makakapunta dun, with friends pa syempre. masaya kasi bukod sa friends ang kasama mejo mura lang, to think na mahal dun diba? sablay lang kasi hindi ako makakaswimming dahil sa tatttoo pati nagka-period ako. bad timing! pero okei lang, ayoko naman maging tan eh! hahaha. basta as soon as i get back i'll try to upload some pics! (tae! lagi ko tong sinasabi di ko naman magawa!)

4.) malapit na training for CHEERMANIA!
cheermania yung inter-college cheering competition sa UST! kami yung representative ng commerce, syempre kaka-excite kasi ibang level ng competition na ito! mas matinding training ito, kaya lustayan nanaman ng taba, oras, at pera. haaay! sana ma-manage ko pa ng maigi yung time ko. mamaya di nanaman ako makanood ng t.v. pati magkapag-net. ;c ayun!

5.) wala na. yun lang! masaya diba? ako masaya, ewan ko sa inyo. basta makakapag-enjoy na ko sa sembreak ko. ciao for now! mwaah! c;

03 October 2006

LET THERE BE LIGHT!

tae! malapit na mag-isang linggo na wala kaming kuryente. kahit tilian na nang nanay at tatay ko yung meralco wala parin! ano beh? it's hard you know! the FISHES will die! leila will suffer! haha. weniwey, bulok na rin ako sa O2 jam. tagala nang walang laro eh. chaka di ko ma-load yung EP na binili ko. isang buwan na yun ah? hehe. eto ko ngayon sa lib nakikigamit ng pc para lang magka-post. tae! puro agiw na tong blog ko ah? eh well, busy kasi kaya ganun. gusto ko nga magpost ng mga pics dito kaya lang next time nalang, nawawala yung cord ng didgicam eh. hehehe.

malapit na sembreak! FONTANA here we come! wehehe. excited ako sa outing ng block namin! wala eh, bigtime kasi kaya nakakaexcite! sarili mo lang dadalhin mo! haaaay!

pero bago ang lahat finals muna! todong pagaaral na ito para makakuha ng above 3! hahaha. sana kahit 2.5 para may laban na sa pagka-DL! (haha. asaness!)

sige sige dito muna at may tatapusin pa kong research! saka na ang mga kwento! hehehe.

p.s.:

GO USTE!! congratulations sa aking mga bebe na si chester taylor and dylan ababou!! galing ng buong team!! next season ulit!! weee!!

29 September 2006

I'm Bringing Sexy Back. \m/

Highlight of my sembreak -- getting a tattoo! OH YEAH! \m/ Kuya Shad and I designed my tattoo. Lotus flower for good luck and water for my birth 'element'. Let the photos do the talking. GO! c;


Ate Kat and Kuya Shad. Sige, praningin niyo pa ko.
Thanks ah?





The artist at work. Transferring the design to my back,
casually 'inking'
my back and then.. tadaaaaah!
IT IS DONE!





And now I'm bringing sexy back..

26 September 2006

[PhotoBlog] Sweet Victory.


The JCBA Dance Squad working the routine.




The squad with Coach Ajjie.
[Oh sweet victory!]




And of course my number 1, 2 and 3 Fan!
Mom, Ate Kat and Ate Les.


02 September 2006

Maki-JAM Ka Na! Ü

pssst! alam niyo bang naglalaro na uli ako ng pc games. yup! it is true. medyo hindi ako nagtagumpay sa pagiging "hustler" sa DOTA eh kaya eto at nakahanap ako ng bagong kakaririn. (counter-strike pa ata huli kong kinarir na pc game eh.) ang O2 JAM! nakakatawa kasi ilang beses na ko nagkakaron ng "ignorante" moments dahil dito. (kakahiya kasi sa shop pa ko naglalaro so may nakakakita ng mga sablay ko.) weniwey, so ayun. kanina is my very first sucessful game! woot! 2 hours ako naglaro. (vacant kasi namin ng 12-2pm eh. walang kain-kain.) tapos ayun, 1 hour practice on my own, then nung 2nd hour dumating si eros at nakilaro sakin. hindi nakakahiya kasi di rin naman sya magaling pati "naked" parin ang kanyang character. the difference is level 10 na sya ako level 0 parin. (imagine? nag-eexist pala ang level "0"?) so ayun, tapos nagkasawaan kaming dalawa at nag-DOTA nalang sya. (tsk! dota!) tapos naghanap ako ng mga "bano" na player na makakalaban. ayun may nahanap naman ako. mga 3 beses kami naglaban na kaming 2 lang kasi pareho kaming "bano". tapos ayun puro fly magpie ang tugtog! (naks! alam ko na rin tong fly magpie na to!) at before ako mag-out. CHEDENG! level 1 na pala ako. weee! ang babaw pero masaya! nakakatuwa. haaay! sana wala lagi mga prof para makalaro ako! c;

kung kelan naman ako nagtitipid chaka ako ma-a-addict sa o2 jam oh! di bale pag nahiram ko na yung cd sa bahay na ko maglalaro. (hehe! meaning wala nang makakatawag sa bahay namin! sa o2 jam nalang kami mag-uusap ni aloy! hahaha!)

sige dito nalang muna ang kwento ko. byebye for now! c; mag-o2 jam narin kayo para naman may makalaro akong beginner lang! weeee! c;

25 August 2006

pssst! kamusta naman? antagal nanamang walang update. weniwey, busy kasi. (as usual.) may mga bagong pinagkakaabalahan kasi eh. mga "kumikitang kabuhayan". hehehe. anyway, gusto ko na talagang palitan tong bulok na layout ko. (tulong naman. anyone?) di ko nga alam kung may nagbabasa pa nito eh. hahaha. ah basta. ayoko kasi ng nagpopromote eh, sabihin ino-oblige ka basahin yung blog. hay! basta, pag lumuwag sched ko isang "malufet" na layout gagawin ko. (tulong ERIC VILA!) ayun sige dito muna. byerz!

p.s. : attention! payat na ko! weeee. di naman payat as in "paris hilton" payat. basta, nabawasan yung mga chunky fats ko! yehey! salamat sa madugong trainings ng JCBA dancesquad. c;

15 August 2006

At Long Last..

ayan! tapos na prelims, and i tell you, yung last exam (which is FINANCE) sobrang hirap! as in. wala pa kong calculator. lintek na calculator, naubusan pa ng battery kung kailan kailangan. hehehe. so ayun, after a week of studying till dawn, i finally got my well deserved rest! c;

so monday maaga uwian kasi nga exam. ayoko muna ng pressure or anything since kakatapos lang ng exam so umuwi agad ako, tapos nanood ng SCRUBS dvd, tapos nagpaturo kay ate kat gumawa ng mga butingting, tapos bags, tapos kain, tapos tulog. haay sana ganito lagi buhay.

tuesday, wala ginawa sa school, pumasok lang ako para magpasukat nguniform for the upcoming cheerdance competition. tapos ayun, walang mga prof, my hang-over pa ng pagod sa prelims. (napagod ba sila? oo! kaka-check ng papers.) tapos 1pm umuwi na ko uli sa bahay tapos ayun, SCRUBS dvd, butingting, bag, kain, tulog. tsk! tsk! adik!

**may nangyari kahapon! muntik na madisgrasya yung thesis nila aloy at ayie. naku buti talaga malakas ako kay GOD, nadaan sa dasal, nakalusot tuloy sila! weeee! c;

so ayun muna update ko, balik normal na buhay na naman ako eh, school, training, bahay, kain, tulog! haaay! sana masinggit ko pa yung mga butingting kheme. hehehe.

sige dito nalang muna. toodles! c;




**ayan yung pic ng bagong fave series ko (next to niptuck of course!) at yung crush ko jan sa scrubs! si turke! (same guy na nasa clueless and sa big fat liar! c;)

08 August 2006

Tsk. Tsk. Tsk.

whattaday talaga ngayong araw na toh! prelims na, and luckily LAW pa una naming exam. mabait naman yung prof (adviser namin kasi.) samin binigay yung pinaka madaling exam. nag-aral naman ako. (20 articles ang pinagpuyatan ko noh?) pero it just wasn't enough. pano essay type kasi. eh bobo ako sa ganyan ganyan eh. so ayun. nakasurvive ako sa pamamagitan ng pagtatranslate ng mga blockmates ko. sobrang parang normal class lang, ang daldal, nagtatanungan. wala eh! malakas kami eh. pero ang catch is 20 points each number, 5 questions lang yun, ang passing is 75. paanong majika naman ang gagamitin mo para pumasa diba? haaay. sana talaga yung pagpupuyat ko magpay-off. weniwey, isa pa lang yan. plenty to look forward to. kaya ngayon babay muna ang princesa at magsusunog pa ko ng kilay! ciao! c;

01 August 2006

August Na!

kamusta naman sakin diba? almost 1 month na walang post? deym! masyado naging busy july ko eh! syempre.. IT'S MY MONTH! bwahaha. ayun! masaya naman naging birthday ko! (hindi ako binati ng crush kong mukhang chinese mafia! grr.) tapos member narin ako ng JCBA DANCESQUAD. (patay patay na sa training. control sa pagkain and everything.) tapos hassle na sa school, daming ginagawa. (paano pa ko makakapag-rak-en-rol?) tapos nagresign na ko sa mcdo. (IM FREE! hahaha.) at ang pinaka-highlight ng aking july...



CONCERT NG PUSSYCAT DOLLS! PATRON SEATS! LIBRE! ansayasaya! weeee. (salamat nga pala ate flerry!) super astig. anlandilandi nilang 6! (actually it must be NICOLE AND THE PUSSYCATDOLLS eh. pero ayus lang! they rock in very unique ways! 'stig!) tapos ano pa ba? hay naku. tamad mag update. dami na kasi eh. next time photoblog lang ako para mas masaya.

kasalukuyan akong nasa comp shop malapit sa uste. tinatapos ko yung research paper ko sa managerial eco. 12am na ko nakatulog kagabi di ko pa natapos. nga naman! tapos printing pa. grr. la na ko pera! (pautang naman!) ubos na baon ko, may training pa mamaya. hay!

so paano dito muna peepz. next time. pag di na ko busy! babay! c;

25 June 2006

It's Grandpa's Birthday! Ü

di ako nakaattend ng worship service sa EMC kasi birthday ng lolo ko sa malabon. tapos umuwi yung tita ko kasama mga pinsan ko dito sa manila para lang sa birthday ng lolo ko kaya mas ginanahan talaga aklol sumama. masaya yung naging sunday ko. whole day kami nasa bahay ng lolo ko. kain. tulog. merienda. iglip. dinner. tapos uwi na. para kong di natunawan eh! weniwey, natatamad na ko magtype sa "killboard" namin kaya i'll just let the pictures do the talking! enjoy! ;p


AT THE CHURCH




Les, Me, Betit, Fina and Louie.




THE CUTTING OF THE CAKE..




AND EATING IT TOO.. Ü




The Grandfather with his 'next generation' grandchildren. ♥



22 June 2006

Mag-isip Isip Ng..

bwahahaha. ansaya saya ko. di ko alam kung bakit. siguro kasi hindi ko na kailangan ipaalam araw araw sa mundo kung anu-ano na mga pangyayari sa buhay ko. pero dahil malakas ang mga fans ko sakin, andito nanaman ako at magba-blog ng walang kabuluhang post! enjoy! c;

example: 5 F in a H
5 Fingers in a Hand

1. 11 P in a FT
2. 88 PK
3. 1 W in a U
4. 9 P in the SS
5. 18 H in a GC
6. 90 D of the RA
7. 4 Q of a G
8. 12 S of the Z
9. 26 L of the A
10. 60 S in a M
11. 21 GS
12. 29 D in F on a LY
13. 40 D & N of the GF
14. 18 H in a DC
15. 7 W of the AW

game ka na ba? sige kung sino makasagot lahat nyan may 50 pesos sakin! (no stir!) hahaha. goodluck!

30 May 2006

Plastic Ka Ba?

kapag ang lalagyan ng gamit naging plastic, OROCAN o kaya TUPPERWARE yun!

kapag ang kutsara, tinidor at baso naging plastic, DISPOSABLE yun!

kapag ang aso, pusa, o daga naging plastic, LARUAN yun ng nakababata mong kapatid!

eh paano kapag ang tao naging PLASTIC? (oops! hindi sila barbie at ken ang ibig kong sabihin ha?) paano yun?

ano nga ba ang ibig sabihin kapag natatawag ang isang tao na PLASTIC! ang pagkakaintindi ko kasi jan..
PLASTIC= mga taong hindi nagpapakatotoo sa kapwa nila tao o sa mismong sarili nila, takot magpakatotoo kaya nagkukunyari nalang, at minsan nagpapaka-plastic nalang ang isang tao dahil yun ang "lesser evil".. (kesa naman awayin mo ng harapan diba?)

hindi ako magmamalinis. oo paminsan plastic rin ako. minsan kala mo masaya pa ko pero hindi na pala! minsan kala mo natutuwa pa ko sayo pero sa likod ng utak ko kanina pa kita nasaksak! (morbid!) pero kasi minsan nakakapagod nalang din magpaliwanag at maging hoest sa feelings mo kaya minsan nagpapakaplastic tayo! level one palang yan ng pagiging plastic!

syempre ano ba ang gingawa ng mga plastic na tao? eh di namamlastic ng ibang tao! in other words.. 'backstabber'! kapag kaharap mo ang iyong "biktima" wala ka nang ibang sinabi kung di puro papuri tungkol sa kanya na pwede ka nag umakyat ng langit dahil dito.. ngunit subalit datapwa't kapag tumalikod na sya.. ayun! pratatatatat! sinaksak mo na patalikod, mag-uusap kayo ng kapawa mo plastic at gagawin yo ang pinakapaborito nyong gawin sa buong mundo.. ang mang-backstab! YEAH! yan ang level two na kaplastican!

wag na tayong lumayo at sa kanya-kanyang sarili na tayo tumingin. are you being completely honest about yourself? proud ka ba na ikaw si ------- (put your name here)? wala ka bang tinatago sa sarili mo? kung paharapin kita sa salamin ngayon at tititigan mo ang iyong reflection for about 30 mins.. hindi ka ba matatakot? wala bang bakas ng pagdududa sa mukha mo? paminsan kasi confused tayo, puzzled or torn in between good and evil eh! example, inagawan ka ng kaibigan ng isa mo pang kaibigan, your usual reaction, as a HUMAN, is to get angry with the person right? pero magtatalo yang pag-iisip mo at sasabihin "okei lang yan marami ka pa namang kaibigan eh.." tapos ayun sige napatawad mo na pero sa loob loob mo na paminsan lumalabas na ay nagiging BITTER ka! PLASTIC! sarili mo nalang niloloko mo pa? yan ang level 3 at ultimate level ng kaplastican!

eh paano kung ikaw na ang biktima? halimbawa, yung pinakamatalik mong kaibigan ay kung anu-anong bagay ang pinagsasasabi habang nakatalikod ka? ano mararamdaman mo? oo tama! masakit! masakit kasi kaibigan mo yung tao, pinahalagahan mo sya pati yung friendship nyo tapos ganun? WAF! (what a friend!) another example naman, may kaibigan ka na sobra mong pinahahalagahan pero hindi naman ganun ang trato sayo? paano ka na? oo mas masakit yun! eh sana bumili ka nalang ng shih tzu tulad ni leila at yun nalang kaibiganin mo para obliged sya maging kaibigan sya! binili mo sya eh! pero hindi, tao ang pinag-uusapan dito! taong may free will! taong pwedeng mamili kung sino ang kaibigan nya o hindi! in short, a person can easily accept you and kick you off in her life easily!

bakit nga ba naglaro nanaman sa pag-iisip ko tong "plastic" talk na toh? ewan! napansin ko lang na dumadami na mga plastic sa mundo eh.. magmula sa mga artista, sa mga nasa big brother house hanggang sa mga kapitbahay nyo.. pati kaibigan mo plastic na! haay ano ba yan! buti nalang yung orocan namin dito sa bahay naasahan nung nagkaroon ng sunog! :D TTFN! (tata for now!)

14 May 2006

Happy. Ü

HAPPY MOTHER'S DAY! ako unang bumati kay mama! yehey! pero wala akong extra special na nabigay kasi hindi ako nakabili. so ayun, chaka kailnagn ko narin magmadali kasi late na ko sa 7am service. when i arrived medyo malapit na athem. buti nalang umabot pa. after service discovery naman. tapos afetr nun, umuwi ako kasi sumama ako sa kabilang church kasi speaker si mama. grabeh yung pinagkaabalahan nya for nihts maririnig na namin. na-surprise ako kasi yung lesson naman sa vcs na "ruth and naomi" yun yung sermon ni mama. kasi nga since mother's dy kailangan girl power daw ang sermon ni mama. kaya ayun! touched ako kasi ginamit nya yung suggestion ko. weee! c;

after nung service dun umuwi na kami ni ate les, balik ako emc kasi "QT" with aloi. 100th day kasi namin ngayon eh! c; ayun watch movie tapos kain, tapos balik uli emc. assist kay tin sa sunday school. pagdatng nun, nyek! 2 lang sila. at si miwa at mari pa yun. english yun eh! i panic! nosebleed. so ayun nakiki-english ako dun pero di masyado. tapos yung pinagawa nalang ni ate tin sa kanila yung booklet ng "manunuklas". eh tae! ang lalalim ng mga tagalog dun eh. so ayan mega-translate si ate tin, pagdating sa word na "maluwalhati" patay na! di ko alam. kasi nakalagay dun sa description ni God, maluwalhati sya, nakakasilaw, basta something like that! sabi nalang ni ate tin "glorious". ewan! bahala na sila dun! c;

so ayan ang naging buong araw ko! c; nakakapagod parang lagare. pero anyway, masaya naman eh. sige dito muna. bye! c;

13 May 2006

Rain Or Shine.. STORM Or Shine!

CHOIR OUTING kanina! kahit anjan yang bagyong caloy na yan tuloy parin. at surprisingly ang dami namin! hahaha! umabot pa kami ng 20. akalain mo? kahit 4 hours lang tulog ko wala akong naramdamang puyat? supposed to be beach kami sa batangas, kaya lang since may bagyo nga nauwi kami sa volet's sa cavite. first time ko pumunta dun, maganda naman sya eh (compared sa grotto vista!) kaya lang dami ring tao at that time kaya ayun! papansin nga kami kasi may oh-so-giant beach ball si kuya jeb so lagi nagtitinginan yung mgatao samin, lalo na pag napupunta yung ball sa may "off limit" ara ng wave pool! hahaha. tapos lintek na wave pool yan, sobrang lakas ng wave, parang tidal wave na eh. nalunod ako! to pan yhan na toh akala nagbibiro ako. grabeh sakit sa dibdib nun ah? anu pa ba happenings? since umuulan nga konti lang pics kasi baka mabasa yung mga digicam at cellphones eh. anu pa ba? nagswimming si aloi! sabi nya kasi sakin hindi sya magsiswimming eh, tapos wala syang dalang damit. buti nalang anjan si jop at napahiram sya ng shorts! hehehe. ay meron pa palang memorable, nilibre kami ni yhan sa starbucks. si frank, kemz, ako at jameel! ang saya! c; ano pa ba? ah basta enjoy kahit umuulan! chaka maaga kami nakauwi kaya nakapagpractice pa for tomorrow. c; sige dito muna. byebye!

12 May 2006

Update Tayo!

haaaaaay! kamusta naman sa blog ko diba? nilumot na sa tagal ng update. well, medyo busy kasi si pochiechai eh kaya hindi naasikaso. weniwey, san ba ko magsisismula? nagpatongpatong na mga kwento eh. tsk, tsk!

april18-21 KIDS CAMP

first time ko maging counselor sa kids camp. medyo pinagbigyan lang ako ni ate kat sa kahilingan ko eh kaya ako napiling counselor. si kuya jonan ang partner ko nun, nung una kabado ako kasi di kami masyado nag-uusap before nung camp para sa mga gagawin namin. pero nung nandun na, ayun, kayang-kaya ni jonany! (swerte!) pang "one act play" pala tong si partner eh. tapos eh di daw sya magaling sa mga art=art, syempre being a tabernilla and a sister of kathy jan ako magaling. sa pagiging maARTe! so ayun, tulungan nalang kami sa mga kids. basta nakakatuwa kasi kuya jonan and i are not that close pero nung camp ayun naging medyo close kami! c; mas sexy pa nga sakin yan si partner eh! c; so yun lang. basta enjoy yan! dami kong naging friends na kids. chaka memorable experience talaga sya! hehehe. ATE POCHAY na ko! c;

april 24-28 HEXAGON CAMP

second time ko na mag-youth camp, at sakto pa na hexagon ngayon. nung una medyo di ganun ka enjoy kasi most of my friends last camp ay wala dun or hindi camper. (sila cha, dalo, bits, tj, earl, jasm, leah, niel, kuya jeb, and syempre si aloi! c;) kami na lang ni tin naiwan eh. pero ayos lag kasi feeling bata naman kai. kasama namin lagi sila frank, boogie, camille, jameel, kemz at kung sinu-sino pang mga kabataan! tapos meron ding taga-siliman. hay naku! meron iba sa kanila nakakatuwa, meron naman katawatawa, at marami ang hindi nakakatuwa! swerte ko nga sa groupings dahil at least kahit isa nabibigyan ako ng friend talaga. like sa BS si dale, sa group dy si aidz at sybil, at sa recreation lahat friends ko! okei kasi yung napunta samin eh. anjan si rico (yun palang okei na eh! hahaha.) si eric, sybil, lyndie, joycen, ate grace, cho-cho, timoy, allan, pj, at syempre ang CRUSH NG BAYAN si jwill! (tsk, tsk!) so ayun kahit tuwing recreatin nagsisigawan at nagbabangayan kami, nageenjoy kami nun, HINDI LANG HALATA! c; tapos first time ko rin makaranas sa group ko ng matinong presentation ng talent's night! (kami ata panalo nun!) alam nyo kung bakit? hindi kasi ako kasali dun! haha. sa sounds lang ako eh chaka sa pag-direct! pero it went well naman. (si rico DAW ang nagdala. hihihi.) uy teka masyado ko ata inaasar si rico. sige pupurihin ko naman: kasi nung voting na for friendliest camper magkalikod kami, wala daw ya maisip kung sino gusto nya iboto. tapos sabi nya sakin ako nalang daw iboboto nya since ako lang daw sumulat sa kanya sa camp mail. sabi ko si anne nalang boto nya para hindi sayang kasi landslide na si anne. pero wala tumataginting na POCHAY parin sinulat nya. wala lang na-touch lang ako! weee. c;

may 1-6 VCS YANGCO

first week of vcs, medyo di ako nakapagprepare coz galing ng camp at medyo pagod pa. si eric lee nag-assist sakin, actually nakakabigla nga kasi super dami ng sumama ngayon. dahil narin siguro sa workshop ng ACTS. medyo okei naman yung mga bata, nakakabingi nga lang minsan kasi puro murahan maririnig mo, pero pinapalo naman nila bibig nila pag nagmumura sila eh. hehehe. (turo ko yun!) okei din mga students ko, madali sawayin at takot kay eric dahil malaki! wahaha! 12 students ko nun, ako yata pinakamarami eh, artida na yung iba kinuha na ni ate tin! dun kami kila teacher christine eh, syempre naki VCS na rin si faye. so ayun masaya naman at may mga natutunan yung mga bata. pinababalik nga nila kami tuwing sunday eh kaso sabi ko baka hindi kami sure. yun lang!

may 8-12 VCS JACOBO

second week of vcs, ibang lugar naman kami. medyo mas matitino yung ma bata this time, less suntukan pati less murahan. andun si joshua from kids camp. si jameel, kai and faye naman ang nag-assist sakin. actually marami talagang assistants kaya kahit sino pwede. c; same teachers parin (bits, jas, tin and me) at medyo dumami kami. andun na si chasha eh! chaka per teacher ata 2 assitant! (oh diba ang tarush!) mas okei ngayon kasi "career mode" na ko. dami nilang activities, plus kasali pa yung booklet ng "manunuklas" pati may mga creative activity pa sila! c; haaay. ako nga lagi huling natatapos sa lesson eh, paano ba naman mabagal sila magsulat. tapos nung last day of VCS pinasulat ko sila kung ano natutunan nila. karamihan ng nandun is "thank you kay ate pochay natuto ako bumasa ng mabilis..." "salamat kila ate faye at kuya jameel dahil mababait sila.." "salamat kay ate pochay natuto kami mag-pray.." "salamat sa mga kwento ni kuya jameel.." at marami pang iba. napaka-inspiring ng feeling. kaya mas gusto ko outreach VCS kesa inreach eh. kasi mas natotouch mo yung mga bata. (tsk. tsk! ang halay!) ah basta yun na yun!

so ayan na yung updates ko for the past 4 weeks. sisipagan ko na ga mag-blog. hehehe. sige dito muna.

ay pahabol pala. pinalitan ko na URL ko kasi si arnold aquileña jr. nagreklamo sa haba at arte ng URL ko. so now it's http://pochiechai.blogspot.com

01 May 2006

So Many Days. So Many Hours. I'm Still Burning 'Till You Return.

tsk, tsk! dami na events ang nangyari, at kahit isa wala pa kong post. gosh! paano ko ba hahabulin yun? medyo hectic din ngayon kasi VCS na eh. hindi ko tuloy ma-gather thoughts ko maigi. basta will blog next week about everything. (including ang "operation block and white" ko.) bahbher! c;

13 April 2006

Tsk. Tsk. Ang Itim Ko Na!

nakakainis! ang itim ko na. hindi tan, kundi itim! dark black. baluga. negra. waaah! kulang nalang braids at maikling shorts ay pwede na ko sa mga MTV ng mga hiphop artists! tsk, tsk! pero ayos lang, masaya naman eh. at least nasasalamin sakin ang summer. c;

tapos na yung inter-cyf volleyball tournament. olats kami sa Y.A. pulbos eh! kahit 5 lang sila durog kaming college eh. ayus lang, pagbigyan na ang mga matatanda! bwehehe. *peace* tapos nung monday VCS teacher's training sa EMC. na-excite ako bigla magturo eh. kasi nag-discuss kanina bout sa lessons, for the first time nakatanggap ako ng TEACHER'S MANUAL!! ansaya! tapos binigyan na rin kami ng materials. haaay! at syempre natupad ang aking kahilingan, si tin, bits and jas ang kasama ko sa outreach VCS sa yangco at jacobo. panalo nga kasi, sa yangco malapit lang sa house so less gastos, tapos sa jacobo super okei yung lugar kasi hindi squatter's area. c;

last tuesday naman retreat ng college cyf sa talisay. masaya. 10 kami lahat, kala ko kasi 8 lang eh. nagsawa kami sa pagkain, red iced tea, isda, billiards, table tennis, at sa kantang "anghang". at ang pinakamasaklap dun.. TINALO AKO NI CHASHA SA 9-BALLS! olats talaga ko. pero i'm happy kasi may sport na sya uli. kahit tinalo nya ko okei lang. (marami naman kaming tinalo nya eh.) tapos nagswimming din kami sa buena vista. maganda yung place, at solo namin yung pool. nga lang, ayan nangitim ako! gggrr! pano ba naman 2pm-5pm kami nagswimming eh. kamusta naman sa balat diba? so ayun. basta masaya retreat, pati yung BS ni pastor ron hindi boring. active nga lahat eh. hehehe.

ilang araw na lang kid's camp na. handa ka na ba? ako hindi pa! di ko pa na-aaral uli yung mga BS eh. (di bale anjan naman si kuya jonany eh. haha!)

grabe, ngayon lang ako natapos maglaba. syempre almost 2 weeks din ako mawawala eh, so walang time maglaba.

ewan ko ba. naka-set na ang heart and mind ko na sasama ako sa hexagon, pero wala akong pambayad! kainis! wala na kong alam na source ng pera, wala na akong savings eh. tsk! tsk! sana may mapulot akong 4 thousand pesos para may pang camp kami ni ate kat! (duh! kung may makakalaglag ng 4 thousand, hindi ako ang unang makakakita nun!)

teka, dito muna. pagod na ko eh. magpapakababoy muna ako at matutulog. brb. c;

05 April 2006

Thy Will Be Done Lord.

haay. ngayon nalang uli ako nag-post. di na ko magkanda-ugaga sa mga pinag-gagagawa ko sa buhay. san ba may "time"? nabibili ba yun? tingin ko kasi kailangan ko ng extra. haay.

tapos na ang pagdurusa. (woot!) i passed my second sem. sa wakas makakapagpahinga na from school works. thank God wala akong failed subjects. okei na ko dito.

tapos narin yung qualifying exam sa accountancy at business administration. at syempre, mahirap mang tanggapin pero hindi ako qualified for accountancy. out of 714, 452 lang ang qualified. at sa 452 na yun, wala ako. :c syempre nung una wala lang akong reaction kasi di pa nag-si-sink-in, pero habang lumalalim ang gabi, sumasabay ang pagpasok sa utak ko na "hindi para sakin ang accountancy". mahirap tanggapin, pero wala na anjan na yan. iyak nalang magagawa ko eh. lahat ng pagod, puyat at sakit ng ulo dahil sa pag-aaral ngayon ko lahat naramdaman, and all that wasn't enough for me to be qualified at the college of accountancy. isa akong FAILURE. sabi nga ni mama baka daw nagkulang lang talaga ako sa focus kaya hindi ko nabigay yung "mas best sa best ko". tsk! tsk! (si mama talaga.)

but hey! i'm sure in no time maaalis din sa utak ko yan dahil super occupied na ang buong april ko sa mga activities. there's the inter-cyf volleyball, tapos retreat ng college (tuloy pa ba?), training for vcs teachers, then kids camp and youth camp. (waaah! sana mabenta na account ni aloy para may pang camp ako. c;) tapos after nun 2 weeks na vcs sa ________. (di pa sure kung saan ako. basta gusto ko kasama sila bits, tin, and jasm. c; demanding ba?) tapos kasali pa sa activities na yan ang walang kamatayang duty ko sa mcdo. (aba! aabusuhin ko na ang summer! 8 hours kung 8 hours. c;) tapos wala pa jan yung mga out-of-town ko. fontana with my h.s. friends (sana matuloy!), bohol daw sabi ni mama. (sana company outing yun para dami food! c;), at bacolod with rianne. (ayusin mo na fare naten bading!) haay. see ang dami diba? mas masaya yan kung matutuloy lahat! c;

basura parin blog ko. (jop tulong!) kaya nga onti palang din visitors eh. hahaha. basta sa holy week tapos na toh! weee!

sige dito nalang muna. la ako sa "blogger" mode ngayon eh. mwah! :*

hopefully, sooner malaman ko ang purpose kung bakit hindi ako pumasa sa accountacy. i'll pray hard for my decisions. thy will be done Lord...

29 March 2006

Agony Over. ^__^

haaay!! makakahinga na ng maluwag sa wakas!! kakatapos lang ng "hell week" (finals) namin.. then kanina yung qualifying exam for business ad.. the fart!! ang hirap!! lessons from 1st sem kasi kinuha yung questions eh.. malay ko ba dabah?? plus i haven't actually read anything.. sabi ko nga "pagod pa utak ko sa finals.. stored knowledge nalang muna".. haha!! and anyway,, may mga rumors na it was just a CLASSIFYING EXAM meaning ilalagay ka lang kung saang section ka bagay.. tsk!! tsk!! tsk!!

so ayan since i passed my second year.. THIRD YEAR NA KO!! eeeewww talaga.. matanda na ko!! ayoko pa!! parang nung july lang kaka-debut ko lang.. tapos malapit na ko mag-19?? eeeewww talaga!! weniwey,, i find it weird nga na may mga tumatawag na sakin ng ate pochay eh.. specially sa mcdo.. ang mga ums na yun!! iba dun matanda pa sakin (new hire kasi kaya lahat ng makita nila tawag nila ate/kuya.. parang ako before..) tapos kung makapag-ate?? haaay!! (ate chaaaai!! ate chaaaai!! void ka daaaaw!!) kainis!!

at speaking of mcdo.. i'm planning of resigning na.. pero like all other plans.. wala pang kasiguraduhan kung matutuloy or hindi.. wala lang.. kasi i realized na mejo mababa nga yung sweldo eh.. (or magastos lang talaga ako??) basta.. parang hindi equivalent yung pagod sa salary.. wala pa "stress from the customers" dun ah??

ano pa ba masasabi?? grabeh tagal ko hindi nag-update.. chaka "tae" pa tong lay-out ko.. hindi pa rin presentable to the peepz!! gggrr!! di bale after his week magpapaka-baboy ako dito sa bahay!! kain.. tulog.. at pc lang ako!!

BAKIT MASAYA ANG CONDENSED MILK?? (ask ate kat!!)

ate kat: chaaai.. bili ka ng condensed milk dali!! c;
pochay: bakit ba?? kahapon pa yang condensed milk na yan..
ate kat: para nga sa strawberries eh.. MASARAP YUN!! c;
pochay: asukal nalang.. ayan oh??
ate kat: wag yan!! hindi masaya yan!!
pochay: ano naman masaya sa condensed milk??

-end of conversation-

up to now di ko parin ma-figure out kung ano masaya sa condensed milk.. (krooo.. krooo..)

MY UNFORTUNATE EVENT FOR THE DAY

i woke up 8:30am.. napaka-unusual kasi laging 9:30 ang gising ko.. yun pala may ibig sabihn yun..

hindi na ko makatulog uli kaya bumangon na ko.. 1:00pm* pa ang exam ko for business ad kaya relaks pa ko.. marami pang oras!! kain ako.. (ng mabagal) tapos nag-internet.. nakuha ko pang mag-edit ng blog ng onti.. (time check: 10:00am) tapos chaka palang ako ag-decide maligo.. paglabas ko ng cr.. nag-ring fone ko..

rianne: hoy babae asan ka na??
melai: makapag-babae ha??
rianne: asan ka na ba kasi??
melai: bakit ba miss mo na ko noh?? teka ano bang room ko sa exam?? kakaligo ko lang eh??
rianne: ano ka ba?? tapos na exam!!
melai: lul!! ginugoodtime mo ko!! epal ka.. hapon kaya yun!!
rianne: tanga!! eco yung hapon.. 9:30 kaya tayo.. tapos na exam bakla!!
melai: weh?? shet di nga?? putek pano yun??

-major panicking-

melai: sige sige babay muna magmamadali na ko..
rianne: bilisan mo na..

after nun nagmadali na ko.. nagising si ate kakapanick ko.. hay naku!! lintek na id nawawala pa.. tinignan ko yung permit namin 9:30 nga.. naku bilis na!! sabi ni ate magtaxi na ko..

eh di nagtaxi na ko (time check 11:00am) tae asa nagtahan bridge palang ako!! antrapik!! sa taxi umiiyak pa ko kasi baka di na ko payagan mag-exam.. yung driver mukha pang hudlom kaya mas nakakatakot.. (it was my frist time to ride a taxi ALONE!!) so ayun.. 100 pesos ang aking fare!! tae baon ko na yun ah?? tapos tinakbo ko na hanggang forth floor sa office ng dean.. ayun mega acting na kesho may emergency lang blah blah blah.. at ayun nakuha sa awa at nag-exam ako mag-isa sa lunch area ng faculty.. walang tao.. ako lang.. haaay!! habang sinusulat ko pangalan ko naiiyak-iyak pa ko.. buti nalang talaga nakapag-exam pa.. salamat Lord..

so ayun lang.. grabe!! hindi ko kinaya yung pressure.. ayan kaya pag-uwi ko..TUMBA!! tulog maghapon.. at kakagising ko lang!! hehehe.. dito nalang muna.. c;

16 March 2006

Stressed.

haaay!! ilang days na lang at finals na uli.. stress,, pagod,, puyat,, sakit ng ulo.. ayan na naman sila!! gagambalain nanaman nila kaming mga kolehiyala!! haaay naku!! after this.. THIRD YEAR NA KO!! yuck!! ang tanda ko na.. eeeeww.. hehehe..

sana talaga makapasa ako sa qualifying exams sa accounting.. i really wanted to take up accountancy.. kaya lang.. kung hindi will ni God eh di wag nalang.. baka pang business ad daw ako.. haaaay!!

up to now si aloy palang din ang nakakaalam ng blog na toh.. di ko pa kasi na-eedit na magiging presentable sa bloggers eh.. hiya ako eh!! c;

weniwey, dito nalang muna at may class pa ko..

^_^ im'out

25 February 2006

Eto Naman Para Sa'yo.

tamaan gusto tamaan!! bwahaha.. c; **peace**

How do you cope when
The one you love is with somebody else
And there's nothing you could do about it
How do I deal with
The fact that you had a chance
But you chose to turn away for your career
I gotta take it though it's heartbreakin'
It's something that I had to do
But nobody said that it would hurt so bad
So how do I live...how do I deal without you

If I Had One Wish.

para sayo toh.. c;

First one, I would create a heart changing love
Second one, I'll take yours and fill it all the way up
Third one, but I don't need a lot of wishes cause I'll be okay if I get one
If I had one wish, we would be best friends
Love would never end, it would just begin
If I had one wish, you would be my boo
Promise to love you, trust me I'll trust you
If I had one wish, we would run away
Making love all day, have us a baby
If I had one wish, I'd make you my whole life
And you'd be my wife*, make it right this time

*syempre HUSBAND hindi wife.. c;

21 February 2006

Bagong Blog, Bagong Buhay.

** haaaay! mukhang naliligaw ata ako. bakit ako andito sa blogspot? tae kasi blogdrive eh. nag-e-error na. actually si ate kat lang nagsabi sakin nun at nakita ko sya kanina na nag-babago ng blog. kaya eto, gaya-gaya puto maya! chaka tama lang din toh. "bagong blog.. bagong buhay.." ewan. mejo hirap pa ako i-let go yung lumang blog ko. pero no choice na. wala na sya. :(

29 January 2006

Updates..

kamusta naman sa pagba-blog? ilang linggo na nakalipas wala parin akong bagong post. kaya ito, pambawi sa mga nakaraang araw. dami nagyari sa mga nakalipas na araw. saya, lungkot, pagod, dissapoinments, bondings, at kung ano-ano pa. anu-ano mga toh? iisa-isahin ko.

nakakalungkot mawalan ng isang bagay o isang mahal sa buhay. *alam ko masyadong ma-drama pero totoo naman eh* during our prelim week, nagkataong maaga ang schedule ng exam, so 7am umalis nako sa hauz. di ko naman akalaing baliktad na pala ang mundo, sa umaga na lumalabas ang snatchers. ayun, nabiktima tuloy ako. na-snatch yung necklace ko na bigay pa nung mommy ko pati yung pendant ni ate kat. nakakainis lang kasi parang parte na yun nung katawan ko, kaya nung na-snatch sya, mga ilang minutes muna ang nakalipas bago mag-sink in sakin na nawala na yung necklace ko. nag-exam tuloy ako ng umiiyak dahil sa lintek na snatcher na yun. tapos kinabukasan nun, namatay naman si boom-boom *shih tzu namin* hindi muna pinasabi ni mama kasi daw baka di ako makapag-concentrate sa acoounting exam ko. sinabi na nla sakin nung nakauwi na ko. hindi ko na naabutan ang mga labi ni boom-boom, pero maiigi narin yun dahil baka hindi ko kayanin. mahal na mahal ko yung aso na yun, dito kasi ipinanganak yun, kaya mula pa nung mukha pa syang daga inaalagaan ko na yun. haaaay. nakakamiss lang dahil wala nang maingay sa bahay namin at nangaaway ng mga batang maiingay. oh well, sana lang asa heaven na sya with marley.

the past week was sooooooper tiring. andami-daming pinaggawa. kakatapos lang ng prelims pero nun ko lang naramdaman lahat ng pagod. syempre isa-isa ko na nakikita yung results nung mga exams, and most of them bagsak! nakaka-frustrate at the same time kasi todo aral ako tapos hindi pa pala enough yun para pumasa. "di bale may finals pa!" yan ang naging advise ng karamihan.

feeling ko rin LOST ako lately *pero mas lost si ben* kasi hindi parin ako makapag-decide kung anong dapat kong i-major sa third year. di ko na alam kung para sakin pa ba ang accounting eh. gusto ko naman sya, sya lang ata ang may ayaw sakin eh. nakakabad-trip nga eh. kasi yung mga incoming freshmen derecho accountancy na sila, unlike us na kailangan pa ng qualifyng exam para pumasa sa accounting major, at 500 students lang ang kukunin nila. nakakaasar!

mga masasayang bagay naman. mejo nararamdaman ko na ang "summer". kasi mejo napapadalas ang mga bonding ko with my church friends. lalo na sa college cyf. masaya kasi karamihan samin councilor na sa kid's camp *thank you ate kat!* pero SANA talaga wala akong summer class para makasama ako. haaaay! pero excited parin ako. pati yung retreat ng college. "career mode" kami ni chasha sa pagplan nun kasi sa kick-off may mawawala at madamng papasok. so dat talaga memorable ang college retreat this year.

ayan. mejo updated na kayo sa buhay ko. ito pa mga fast facts.

-may mp3 player na ko.
-wala na kong pera dahil sa mp3 player ko
-di pa fully paid ang nasabing mp3 player
-nasira ang 2 kong school shoes dahil sa baha sa dapitan
-andami ko nang napapanood na movies. hahahaha.
-excited ako sa camp
-sinisipag na uli ako mag-work
-nag-aaral na kong mabuti
-pinapansin ko nalagi mga dogs namin *mamaya kasi bigla nalang uli mawala isa sa kanila*

oh ayan. jan nalang muna. chaka na yung iba pag sinipag na uli ako mag-blog. byebye! c;