25 December 2004

Merry Christmas?

eto na!? pasko ay sumapit na.. yung mga regalong binalot nabigay na.. yung family reunion na pinlano ng matagal naganap na.. ang mga kamag-anak na matagal nang hindi nakita nakamusta na.. pero ang tanong.. "NARAMDAMAN MO BA ANG PASKO??"

lintek!? ang hirap sagutin ng simpleng tanong na yan.. yung pinsan ko ngang mas bata sakin pagdating dun sa reunion namin eh.. "ano ba yan?? pasko ba dito??" ano nga ba nangyayari ngayon at bakit hindi natin maramdaman ang init ng pasko?? dati nung bata ako halos di ako makatulog dahil gusto ko makita si santa claus lagyan ng bente pesos yung sinabit kong medjas sa bintana.. (nalaman ko nalang si mama pala ang inakala kong santa!?) pero hindi parin nawala sakin ang "excitement" tuwing pasko.. gabi bago ang pasko hinahanda ko na ang "tape" ko para sa "performance" ko tuwing reunion.. mas magandang "performance" mas malaking pera!? chaka kahit alas-onse na ng gabi ng 24 may maririnig ka pang nag-ka-caroling sa mga bahay-bahay.. noon yon.. dati ganun pa ang pasko!?

ewan.. ewan.. ewan!? bat kaya ngayon ganito?? simula nung 2002 parang ayoko na ng pasko.. naalala ko nun.. nung pasko nung 2002 tinulugan ko yon dahil hindi ko talaga maramdaman na pasko.. eh ayoko namang magpakaplastik kaya natulog ako!? ano ba kasi ang tunay na diwa ng pasko?? pagbibigayan?? pagpapatawaran?? pagmamahalan?? yun yung 3 simpleng bagay na alam ko.. teka.. simple nga ba?? isa-isahin nga natin..

*PAGBIBIGAYAN*

oi hindi pwede mawala sakin toh!? lahat ng special sakin may gift ako.. mura man o mahal.. "it's the thought that counts!" di ko nga alam eh.. basta ang galing.. nabigyan ko lahat ng gusto kong bigayn ng gift at hindi masyado malaki ang nagastos ko!? KEWL!? hindi lang naman nasusukat sa regalo ang pagbibigay eh.. meron din syempre sa ibang bagay.. tulad ng pagbibigay ng kapatawaran..

*PAGPAPATAWAD*

ay ito i'm very proud of this one!? days before christmas nagbati na kami ni.. volde.. raefel!? (nga pala.. VOLDEMORT=RAEFEL!?) teka.. ariel.. arnold.. kumalma muna kayo jan.. this will be the last time i'm gonna mention his name on my blog kaya pagbigyan na.. as i was saying.. oo nagbati na kami.. before kasi plastikan yung pagbabati namin kasi pinipilit lang kami nung mga friends namin.. pero yung ngayon kusa na.. eh kasi napatawad ko na naman sya eh.. matagal na actually.. wala na yung nangyari na yun.. iiwan ko na sa 2004 yun at sa kantang "BURN"!? and yun nga siguro we're much better of just being friends.. or mag-kuya i should say!? yung isa pa ay si "SHORTY!?" nagtext sya nung christmas eve at nagsorry din.. natawa nga ako kasi ako yung nansadista sa kanya tapos nagsorry pa sya.. PSYCHO!? pero anyway.. pinatawad ko na rin naman sya noh?? (ehem!? SHORTY=TIBAN.. crewmate ko sa b.k. before!?) so ayon..

*PAGMAMAHALAN*

amputch!? syempre hindi karir noh?? oo wala akong boyfriend pero hindi yun yon!? aba!? el presidente yata ito ng SMP!? (samahang M_______ ang pasko.. bahala na kayo sa M!? pwedeng malamig,, matipid,, masaya,, mainit.. WHATEVER!?) pagmamahal.. mahal ba ko ng pamilya ko?? oo naman.. mahal ba ko ng mga kaibigan ko?? as far as i know oo.. mahal ba ko ng mga alaga kong aso?? ay the best daw.. eh yun naman pala eh.. ano dinadaldal daldal ko dito??

waaaaaah!? ano beh?? bat ganitech?? hindi na ba magbabago ang feeling ko tuwing pasko?? lagi nalang bang magpapanggap ako na "yehey!? pasko!?"?? ayoko nang ganuN!? totoo lang mas masaya talaga ako pag new year eh.. i don't really know..

siguro wag na nating masyadong layuan ang tingin natin.. magsimula tayo sa mga sarili natin.. ako ba mahal ko sarili ko?? ako ba napapatawad ko sarili ko sa mga nagawa kong mali?? tinaggap ko ba pagkakamali ko?? binigyan ko ba sarili ko ng pagkakataon magbago?? just think about it.. malamang kaya hindi tayo sumasaya kahit masaya ang iba ay dahil sa kaloob-looban natin may "something" pa tayong dapat ayusin..

peepz!? patapos na ang christmas.. and 2005 is fast approaching.. may time pa tayo.. hindi pa huli ang lahat.. sana maisip ko na mga sagot sa mga tanong na toh para sumaya pasko ko.. hindi siguro ngayon.. pero sana sa susunod!? so pano peepz?? dito muna ha?? MERRY CHRISTMAS TO YOU ALL!? mwah!? bahber!?

No comments:

Post a Comment