29 September 2007

Missing My Girlfriends. :(



haaay! one saturday morning. ang sarap! walang iniisip na schoolworks (except entrep, pero minor lang!) tapos umuulan pa. haaay! sarap ng ganito. at wala pa namang "attack" si ama kaya okei na okei ang umaga! nakakain ng "hearty" na breakfast, nakapag-organize ng school things, nakapag-meditate (?), at eto nakapag-internet! (meaning hindi naglalaro ng CS si daddy! nyahaha! yeah!)

so why the blog? wala! kasi asa multiply page ako ni chasha (my fave site by the way!) at nagnanakaw uli ng pics for my planner and scrapbook, tapos ayun habang tumitingin ng pics.... NAMISS KO SILA!! huuuu. ewan ko ba! parang nung youth sunday lang magkakasama kami the whole day, tas after nun di na nasundan kasi BUSY na ko. kainis! pero pero pero dahil saturday ngayon, aattend ako ng choir para masaya! hehehe. (hindi nga lang 1:30. sorry ronald!)

feeling ko ang O.A. ko! hindi kasi ewan ko ba. namimiss ko yang mga yan kasi almost twice lang ata kami nagkikita every week! eh kasi nag-eenjoy ako kasama sila. napaka-diverse kasi ng mga pag-uugali, pero pag pinagsama-sama mo na hindi halata! if there's one thing that's common to us, un ang hobby namin ng "pagpupuna" ng mga tao sa paligid! hahaha! (MEAN GURLS!) hindi joke lang yun! :) ayan! kaya ako napapagkamalan laging TIBO dahil sa masyado akong "sentimental" pagdating sa mga friends ko na gurls eh. hehehe. (pero ang hindi ko matetake ay ang i-holding hands sila. eeeeww! kay bits pwede pa!)

nakakatouch lang kasi THEY WERE MY SUPPORT GROUP nung time na sobrang down ako. (emo days!) especially chasha and bituin! (kasali din si ate joj!) kasi they let me rant and rant and rant until i felt well. (alam ko sandali lang mga attention span nila kaya naappreciate ko talaga!) and now that i'm okei na syempre hindi naman ako magmamalaki at lalayo or iiwas or babaguhin ko treatment ko sa kanila. syempre love na love ko yang mga loka-loka na yan! hehehe. :)

so ayun lang. nag-inarte lang ako tungkol sa kanila. :) sana maiyak sila dito! :)

24 September 2007

Bring It On! [Commerce Cheerdance Competition 2007]

september 23, 2007 ----> big day for me, for the JCBA dancesquad, for kuya ajjie (?), for our seniors and alumni, and for the B.A. community (nga ba?).
4AM gising na ko, to think past 1AM na ko nakatulog, ewan! laging may ganitong jitters every competition day! kaba, takot, excitement, yabang! lahat na naghahalo-halo! pero with prayers naman nawawala talaga ang lahat ng yan! isa lang mindset ko, TO HAVE FUN AND TO MAKE THE B.A. COMMUNITY LOUD AND PROUD! yeah! (ang drama! speech ba toh?)masaya naman ang buong event, kahit na olats yung parade dahil sa umulan ng walang warning! (kelan ba naman nagwarning ang panahon?) keri parin! :) bago kami mag-perform (kami kasi yung una.) may narinig ako from the juniors; "ate, intermission number lang daw tayo sabi ng ECO.." syempre nakakasad, kasi first of all, alam kong naghihina loob nila. secondly, such words.. nakakainis! kasi diba? oo na! kabado talaga kasi kami sa ECO, pero yung may ganun pa. kakaiyak. sabi ko nalang "hayaan nyo na sila, hindi pa naman tapos diba? wala pang judgement.." kahit paano naman kasi may friends ako from the other squad kaya hindi rin ako makapagbitaw ng salita. so anyhoo, the show must go on! dedma sa kaba!


masaya mag-perform knowing my family was there to watch me.(kahit na yung isa jan LATE na dumating! wala na ngang naabutang performance from any squad eh!) oo hindi uber big deal contest to, pero seeing them there makes me want to perform really really uhm.. HYPER? ewan! can't find the words. lam ko kahit ganyan yang mga yan, proud yan sa mga pinaggagawa kong tublings at bodywaves! nyahaha! (of course may ginagaya nanaman si ate kat na move ko diba? hahaha!) nagiging FAMILY AFFAIR na nga tong cheerdance competition eh, kaya nga napaka-halaga talaga sakin ng event na toh! sa pagsali ko dito, wala talagang pagsisisi! yeah!




so ayun, announcement na ng winners. syempre kabog factor na. napaka-WILD pa naman ng crowd ng eco kaya nakakasindak pa! (isa pa tong si mary jill! super tili sa eco! hmpf! hahaha!) so ayun, nakuha nila lahat ng special awards. (best pep squad, best uniform, pati best in commerce cheer!) heyon, kakasad kasi wala kaming nakuha, kaya dumagdag pa sa kaba factor yun! ngunit sadyang mabait si GOD! at kami ang nanalo! weee! kung susukatin height ko nun malamng 6-footer na ko sa sobrang taas ng talon ko. nawalan na kasi ako ng pag-asa afetr knowing na wala kaming nakuha ni-isang special award! pero naman.. as kuya ajjie said "marunong naman siguro yung mga judges eh.." so ayun! ang saya sobra! pressured kami kasi nga defending champs! at sa awa ng diyos, hindi napahiya ang gumawa ng banner na "3-peat! back-to-back-to-back champions". yeah! masaya kasi andun din ang mga seniors namin and ibang alumni! at nasa circle din sila nung announcement na, pati syempre nung kainan present din sila. haaay! nakakamiss sila. it just shows na hindi lang talaga sa cheerdance natatapos ang lahat! and pag-graduate ko, promise ko dadalaw and susuportahan ko parin ang JCBA dancesquad! :)

and that ends my blog! hehe. sa mga bumasa salamat sa tyaga! sa mga hindi, wala lang. go on! haha. :)

21 September 2007

The Feeling Of Being Missed By Someone.

hello world! omg! this is it! this is finally is it! isang tulog na lang (kung makakatulog ako ng maayos) at cheering competition na. huuuu. super kabado talaga ako, ewan ko ba. naiiyak nga ako lagi kapag every after practice lalo na kapag nag-pe-pray na. eh kasi naman eh! ah basta.. LABAN KUNG LABAN! SO BE IT! :) pero excited din ako on how the competition will be tomorrow. kailangan i-treasure every moment kasi graduating na eh. hehehe. :) basta goodluck to all! good luck to JCBA dancesquad, and goodluck to the B.A. community! :)

weniwey, 2 days akong nawala sa school. hindi ako nakapasok dahil first, nagkasakit ako. tapos ngayon excused kami whole day kasi championship ng JCBA at SCARLET sa volleyball! (we won! yeah yeah yeah!) so ayun, at since ngayon nalang uli ako nakapag-YM. heto, isa-isang nag-p-pm mga blockmates ko. namiss ako ng mga mokong! 2 days daw kasi ako nawala. aaaaww. (i miss you too guys!) kakatouch kasi nung mga araw na wala ako hindi ko naisip na mamimiss nila ko. ambabaw ampf! basta salamat namiss nyo ko. may kiss kayo sakin sa GUMS! hahaha. :)

at syempre, mas masaya kapag alam mong miss na miss ka ng isang taong sobrang tagal mo hindi nakasama / nakausap. haaay! sarap ng feeling! hahaha. (ito nanaman ako umaaribba! hahaha.) basta *KiLiG FACTOR!* (hoy irish! mananalo parin ako sa bet naten! tae ka! die fish die!) basta hanggang kiligers muna. bawal boypren, matatalo ko sa pustahan eh! hahaha. bawal ako magboypren buong fourth year, yun ang kasunduan. kapag nanalo ako, great reward from ishie! kapag natalo ako. patay na! baka havaianas ang kapalit! huuu! :(

all in all masayang masaya ang friday ko. :) basta secret! masaya sya! at dahil yung sa simpleng bagay na maraming tao ang nakamiss sakin! INCLUDING SI ATEKOI! amishuu too ate kat! :) okei sige i got to sleep na. big day tomorrow eh. chillax! :)

17 September 2007

.....

nakaaaaw! nakatulog ako at hindi ko natulungan masyado ang groupmates ko sa feasib. tsk tsk tsk. eh kasi napuyat ako nung sunday kakatelebabad tapos aga ko nagising nung monday morning. ang resulta, ayun plakda agad alas-dose palang! huuu. kakahiya kasi leader pa naman. tsk! babawi ako, bali for the next few days "sleepless nights" nanaman ako. (hello eyebags! welcome back!)

weniwey, masayang masaya ang group namin kasi.. MAY LAPTOP NA SI MARGA! yey! di na pulubi group namin. and makakagawa na kami anytime, anywhere. yeah! (yung akin kasi tagal dumating eh.) nakakatawa kasi kaming 4 ata buminyag dun, report agad sa entrep unang task nitong baby laptop ni marga. wehehe. :) basta! saya saya!

napapa "OH NO!" na ko sa mga kaganapan sa mundo ko lately. oo i am at peace pero.. subalit.. datapwa't.. ang dami paring "clouds" sa isip ko.. anjan yung feasib (mas nakakakaba dahil mejo patapos na sya kaya say hello to MAJOR REVISIONS na!) tapos yung SHOWDOWN (cheering competition na super kabado ako dahil sa.. basta!) and syempre yung paghanap ko ng bagong work (sana starbucks na talaga! pleeeease?) basta lahat ng toh hindi nawawala sa gabi-gabi kong prayers. mahirap na ang hindi humuhingi ng tulong, masakit malagapak! hehehe.

BUT THEN.. kahit may mga ganito akong "worries" may isang taong tila tumulong nanaman buhatin ang aking "burden". wala naman syang ginawa totally, basta anjan sya.. ewan! sumaya ako agad! at alam kong bawat halakhak ko ngayon ay "heart-felt" na! *KiLiG FACTOR!* pero sa ngayon ayoko sya pangalanan, ayoko magbigay ng "codename" at ayoko muna bigyan pansin ang bawat "specific" details ng kasiyahang toh.... BAKA MAUDLOT eh. basta masaya sya, masaya ako, masaya kami. ALIS SA TUNAY NA MUNDO! :)


" i'd rather have bad times with you.. than good times with someone else..

i'd rather be beside you in a storm.. than safe and warm by myself..

i'd rather have hard times together.. than to have it easy apart..

i'd rather have the one who HOLDS my heart.. :) "

09 September 2007

A Bad Start?

hay naku! monday na monday and i'm feeling so down. wewan ko ba. kung gaano ako ka-happy kahapon (sunday's best!) ganun naman ako ka-sad ngayon. siguro first of all kasi i have. secondly, pag "i have" nagiging sooo emo ako! (welcome to emo-hood!) and alam nyo na ang kasunod kapag emo ako. walang katapusang blog about *toot*. hahaha. pero magpasalamat na ang lahat dahil hindi ako nakakagamit ng pc sa bahay, so NO TO EMO BLOGS!

una, kaya ako badtrip ay dahil nasunog ko nanaman (AGAIN! for the second time around!) and aking uniform. takte kasi yung plantsa may topak! tapos pangalawa amoy daing yung katabi ko sa jeep! tapos ang init-init pa kaya dagdag init ng ulo! haaay!

pero subalit napakabait ni Lord sakin, pag YM ko dito sa school, may dalawang tao agad ang bumuo ng araw ko! una si EY at yung pangalawa si KUYA NOEL!

si ey kada-log in ko sa YM pinapasaya na agad ako nyan! basta ewan kung anong mahika meron yan at natatawa ako sa kanya! weee! at ngayon papasok sya ng maaga dahil sinabi kong andito na ko sa school at dinalhan ko sya ng "chocolate truffles". basta yun, kahit paano masaya!

tapos si kuya noel kasabay na nag-pm ni ey, tapos chicka-chicka. basta good vibes ako jan kay kuya noel because of a favor i did for him. at sa sobrang successful ng ginawa ko, i got a reward! gift nya na sakin yung swimsuit na "binili" ko kay nessuh gurl! ang saya-saya kasi i TOTALLY luuurve that swimsuit! (so hot!) pati i don't look THAT fat nung sinuot ko sya. (i just have to work on my abs again.) so ayun masaya talaga.

sana lang mag-steady na tong mood ko. kahit na in a while 2 ang report ko (one for asian focus and the other for investment) which pareho ko pang hindi na-aaral uli. hehehe.

so ayun, babay na muna. baka ma-late pa ko eh. :)

07 September 2007

How Could This Happen To Me?

*haaay nakuu! nang dahil sa comment ni jop.. hayan! na-LSS ako! bwehehe. supposedly ang title ng blog ko is "why me why me?" kaya lang dahil nga na-LSS ako, yan nalang! same difference lang naman eh! (waaaat!?) oh game na! :)

nagsimula ang september ng super saya.. pero parang bakit as the days go on, ang daming mga "pangyayari" na nakakalungkot. ayan ha? nalulungkot lang ako at hindi ako nagagalit! hhhmm.. pano ba naman kasi, ayoko na nga rin mang-away ng mga tao ngayon dahil nakaka-pagod din. sino bang hindi peaceful na nakakatulog kapag gabi? ako din naman eh. kaya ayoko nang mang-away. pero bakit kung kelan hindi na ko "game" mang-away, chaka umaatake ang mga public enemy? hhhmm..

anu ba ma-fi-feel mo kapag inaway ka (sa text) ng ex ng recent chorvah mo? eh hindi naman kayo! hindi naman din sila! so nothing wrong diba? WRONG! nakakainis kasi wala naman akong ginawang masama (kasalanan bang maging maganda?) sabay i got this text message from "the bitch" telling me na "feeling-gera" daw ako kasi kala ko daw mahal ako ni "chorvah" eh pampalipas oras lang naman daw ako dahil hindi maka-get over sa kanya. ako naman parang "duh! anu ka ba? 2005 pa naging kayo at 3 months lang kayo!" tae! nakakaasar talaga. pero dahil nga nagtitimpi ako, hindi ko pinatulan ang text. one time ko lang binasa and then erase agad para hindi ako makareply. at hindi pa sya nakuntento dun, nagkampihan pa sila ng kapatid nyang bading at yun naman ang nang-away sakin, telling me naman this time na "pera lang habol nya sayo." ako naman natawa dahil "pera? asan? ako nga di makabili ng skinny jeans ngayon tapos pera pa hinabol sakin?" takte ang funny talaga! pero ayun, syempre kasi nakaka-sad yung may umaaway sayo. ang babaw nga eh. SO HIGHSCHOOL talaga ang ganitong mga pangyayari, kaya nga ayoko nang patulan dahil tapos na ko sa stage na yan!

and then it hit me! naalala ko yung sinabi ni kuya noel sakin "ang isang bagay, kapag hindi nagsimula ng maganda, hindi pagpapalain." nakaaw! is this a sign? eh naman kasi kasalanan ba talaga maging maganda? (kapal ng mukha mo pochay!) so ayun, kahit may mga ganyan na kong naiisip go parin sa chorvahness.

pero, ang hindi ko na mapapagbigyan ay ang siraan pa ko sa isang tao! takte, gamitin ba lahat2x ng nakaraan ko para siraan ako kay "chorvah". well, in all fairness alam naman nya yun mga yun dahil barkada nga kami, kaya lang i-exagg ba naman ang kwento at bigyang kulay ang mga "non-sense" na bagay. haaay! ewan ko ba! ang pinakamasakit na sinabi nya sakin (ni chorvah ha?) 'totoo bang kaya ka ganito sakin dahil gusto mo kalimutan si ****?' (oha! at kilala nya diba!) sabi ko naman.. syempre hindi, kaya nga hindi ako nagmamadali dahil ayokong ganun yung mangyari diba? and then, i cried! nakakaiyak kasi "AKALA KO BA MALINAW NA LAHAT?" ayun. nabuyo lang ng mga tao bumigay na agad! oh well. siguro nga hindi na muna dapat!

nakaka-sad kasi i'm starting to be happy again tapos somewhat another person just broke my heart AGAIN into finer pieces! (binasag na nga nung isa, dinikdik pa nung pangalawa! takte!) ayan! so much for the chorvahness and the kilig factors! waaah! pero.. *flips hair* life must go on. isang bagsak ng iyakan lang yan! and then wala na! hopefully! hahaha.

so ayan! sana mamahinga muna ang "landi" factor ko nang wala na kong problemahing iba jan. chaka hindi lang dahil sa mga boys ang recent "fights" ko noh! minsan sa school, simpleng barahan na nagkakapikunan, dala narin ng toxicness. tapos mga issues sa gilid-gilid! basta marami-rami rin sila. sana wag lang tamaan ng magaling at pagsabay-sabayin silang lahat!

*ALL FOR THE LOVE OF KRISPY KREME*

my first ever dare: i-post sa friendster ang pics namin ni chrovah at gawing "in a relationship" ang status ko at lagyan ng pamatay na shout-out! :)

nung una talaga ayoko. kasi nga baka-lumaki ang issue tapos baka lalong mawindang si guy! pero dahil inspirasyon ko si BITS sa mga dare-dare na yan at mahal ko ang KRISPY KREME napasubo ako! :) kaya nga yung mga bumisita sa friendster ko, sorry kung nabigla kayo! dare lahat yun! bwehehe. at dahil sa dare na yun, umalma ang "bitch" at ang kapatid nyang bakla! hehehe. pero dahil nadeliver na ang krispy kreme ko nung isang araw, tapos na ang bet. binura ko na sa friendster. at lahat-lahat ng toh tapos na rin. nagtext na ko sa kanilang lahat na gusto ko na ng peace of mind. hindi ko na sila gagambalain pa at pwede na sila magmahalan maghapon! takte!

kaya nga nabuo ang katagang 'KUNG AYAW MO NA SAKIN... AYOKO NARIN SAYO!' (take note! dalawang "whappak" na beses ko na ginamit yan!)

*the end*

05 September 2007

What's Up?

huuuwaaaat!!! look at the time naman. kamusta naman? 3:30am na at heto parin ako sa tapat ng pc doing our financials. nakakagingging! pwet! ang hirap hirap. (super lost pa naman ako sa accounting. kaya nga hindi na ko nag-major diba?) well anyways, kahit na nagkakaganito na kami, nakukuha pa namin gumawa ng achechenes sa friendster, myspace, multiply. etc. hahaha! ang sipag! tapos nanonood pa kami ng mga movies dito sa TV, tapos foodtrip. haaay! kala mo slumber party lang! pwet! (kaya walang natatapos na matino eh.) well, gusto ko lang magkwento ng magkwento kasi ang tagal ko hindi nakapag-internet tapos andaming "bloggables" sa buhay ko lately. (pero syempre konti lang kwento ko. hihihi!) simulan ko na? game!

*punching papers*

simula ng binigay nila ate joj & kuya jeb yung alphabet punchers, napapagtripan ko na sya lagi. wala lang. mga pina-punch ko lang sa colored paper puro melai melai melai sweetie dearie. basta achechenes! tuwang tuwa talaga ko dun eh. kahit magkakalyo na kamy ko okei lang! at least creative ako. (wala na sa lugar minsan!)

*gutom ka? itulog mo nalang yan!*

almost 3 days din wala si mama sa bahay kasi nga nasa ospital sya taking care of my ate kat, so in short home alone ako with dad for whole 3 days. (and it wasn't fun at all!) parang ako yung naging instant mommy ng bahay. lahat ata ng ginagawa ni mama ako gumawa. (di naman sa nagrereklamo, pero napakahirap pala. kakapagod. galing pa sa school yun ah! mga around 8pm.) tapos super wala na kami makain ni dad dahil walang maluto. lahat nagyeyelo pa, tapos wala nang mga canned goods, tapos walang pambili sa jollibee or mcdo man lang. kaya ayun, kung gutom ka matulog ka nalang. ako nga tubig pati apple lang eh. pati pancit canton kapag sinipag bumili sa tindahan. mabuti pa ang mga alaga sa bahay may dogfood. :) basta super funny kasi si dad sanay ng laging kumakain, ayun napa-diet ata ng di oras. bwehehe.

*HELL WEEK!*

itong week na toh ang pinaka toxic sa lahat. sabay sabay ang reporting namin sa almost lahat ng subjects (cabuyao group) tapos sumabay pa ang financials ng feasib namin. super parusa talaga anu beh! kakasar! pero pero pero kayang-kaya naman dahil.....

*how do i breathe?*

ang saya saya ko kahit toxic na toxic na ko. weee! totoo pala na when GOD takes something away from you, HE is going to give you a BETTER one. hhhmmmm. ah basta! super happy. how do i breathe nga eh! itong kantang to siguro was made for me. for you. for us. haaaay! *kilig factor!* basta basta. happy ako. blooming ako. marami akong friends. okei na ko dun! :)

at dahil jan i need to cut this short na. kasi nagkakagulo na tong groupmates ko. kulang sa tulog, inaatake na ng kani-kanilang mga syndrome! haha. oh sya sige. next time. chaka na ang mga *kilig factor* factor kapag ready na ko, pati kapag nanjan na, pati kapag okie na, pati kapag sure na! basya some other time. babayuu! :)

01 September 2007

Yay For SEPTEMBER! :)

yey! september na. simula na ng "ber" months. ibig sabihin malapit na uli ang pasko at mabilis na ang mga araw. :) ang saya saya kasi i know that my september started just right. weee! happy days. better days.

*sonickles SUPER PARTY*

napadpad kami ng antipolo ng di oras dahil sa celebration ni son for her 20th birthday. (nag-surprise party na kami sa kanya kahapon pero ito ang official party nya. sa bahay nila.) tapos ayun, kahit malayo at nalipasan na kami ng gutom GO parin. sulit naman ang punta namin dahil bukod sa masaya ang "bonding moments", masaya rin ang kainan (kahit na medyo naparami ata ako ng kain.) at enjoy ang picture taking! (see my album : PARTY NI SON!) so ayun basta ang saya saya saya saya! :)

*super shopping @ VENTE*

bago kami pumunta antipolo bumili muna kami ng gift for son, napadaan kami sa VENTE along shaw blvd. since tipidtips kami ngayon, we decided na dun nalang bumili ng gift for her. :) tapos sa tuwa namin pati kami napa-shopping na rin, mga butingtings, kakikayan, at kung anu-ano pang chenes. :) tapos since natuwa kami sa shop na yun dun nalang yung meeting place namin. medyo 1 hour din kami nag-stay dun akkahintay kay EUCHA! (tsk. always late!) basta, kahit matagal masaya parin.

*MARK ANDREW LIM UN*

masaya din kasi "bati" kami ni mark ngayon. haha. hindi ko sya inaway, hindi nya rin ako inaway. pati may picture pa nga kami togetehr sa fone nya eh. sya pa nag-alok! hahaha. :) tapos sa lahat ng pics ko sa bahay nila son epal sya sa gilid! bwehehe. ah basta! masaya. sayang nga sya lang sa barkada nila yung nakapunta eh. (wala si papa EY!) so ayun, kahit na sya lang oks na rin! :)

*PINK GUY!*

hay! kung meron super kilig factor ito na yun! ang saya saya saya talaga! nagtext sya sakin! whaaaat!? (super tagal na kasi mula nung last etxt nya. basta masaya!) tapos may something sa text nya na super KILIG FACTOR talaga. nalalaglag ang puso ko! bwehehehe. sabi ko na eh, september is our CHORVAH month talaga. haha. *peace! joke lang!* basta ayun. pagbigyan nyo na masaya lang ako eh. hihihi. :)

*feasib nights 3*

at ngayon andito ang cabuyao group sa mandaluyong, at syempre just like the same old feasib nights, nagkukulitan muna kami bago gumalaw! ahahahaha. :) masaya talaga kasama tong mga toh! walang katulad! :) at kaya ako nakakapagblog ngayon ay dahil busy-busyhan sila sa pagdidiscuss ng aming financials. (haha. whatta leader talaga ko! tamad! tsk.) wala pa si eucha dito, nagparty people pa sa malate ngayon, sinundo kasi ng boylet dito eh. pero mayamaya babalik na yun! hihihihi. :)

at ngayong nakakahalata na sila i need to cut this short na. bwehehe. basta masaya ang pasok ng september. sana sa inyo din! mwah! babayuu! :)

DALO I MISS YOU! :) (sakaling magbasa ka ng blog ko ulit!)