These are the moments I thank God that I'm alive. These are the moments I'll remember all my life..
27 August 2008
To Watch Or Not To Watch?
kahapon magkausap kami ni ate jojie..
J: ano poch papanoorin ba naten 'to?
P: ewan ko! hindi ko kasi talaga sila gusto eh.
J: oo nga! *kc tone* "i get it.. i'm not perfect"
P: pati yung *kc tone* "sandali nauutot ako"
J: parang HELOOOO! yung ibang tao ba hindi umuutot?
at natpos ang pag-uusap namin ng hindi nasasagot kung manonood kami o hindi.. :)
tapos later that night si mama naman..
P: ma, nonood ba tayo nung kay KC?
M: parang tanga naman yung ginawa ng GMA dun, sinabay yung birthday celebration nila marian at dingdong sa premier night nung pelikula nila richard, diba? sabi nila support pero sinabayan nila ng event. at araneta pa ha? libre sa lahat!
P: eh wala tayong magagawa dun, sikat sila marian at dingdong eh, patok ang chemistry. pati mas marami ang ma-a-accomodate ng araneta kesa ng SM Megamall noh?
M: wag ka na maingay PDA na..
at for the second time around once more.. hindi nasagot ang tanong ko.. :)
reasons for me to watch that movie:
*para yung magiging judgements ko will be based on MY OWN experience
*para may bragging rights ako since i spent/ will spend php130 for watching that movie
*para makapag-blog ng BONGGANG-BONGGA! :)
* it is directed by Bb. Joyce Bernal (yuck! nakiki-binibini?) isa sa mga magagaling sa mga love stories yan!
*syempre STAR CINEMA yan, hindi ko palalagpasin yan! :) (sana lang hindi ulit ako ma-dissapoint!)
reasons for me not to watch that movie:
*wala akong kasama.. :( (ALOOOOOY! nasaan ka pag kailangan kitaaaa?)
*hindi rin yata pwede si ate jojie ngayon..
*wala na kong kilala pang ibang pwedeng manood nito na hindi makokornihan (except for mom!)
*3pm pasok ko ngayon, 11:30am na nagyon at nag-bo-blog pa ko.. baka ma-late nanaman ako sa shift ko katulad nung nangyari nung nanood ako ng "a very special love"
*sakto nalang pera ko till payday.. :s (eh bukas na yun! so pwede?)
ayan! na-exag nanaman yata ang reaction ko sa mga bagay-bagay. mamaya pag nabasa ni kuya mako sasabihin nya lang.. "ttsss.. hay nakoooo!" hahaha! (peace kuya mako!) don't worry, kung sakaling panoorin ko yun mamaya, mag-bo-blog agad ako para magbigay ng warning at hidni na maaksaya yung pera nyo! hehehe. :) oh sya dito nalang, i think i've decided (hehehe..) MANONOOD AKO! weee.. till here.. ligo na ko.. :)
OOOOPS!! wait a minute kapeng mainit!! dahil sa reply ni ate jojie (below) ay pinuntahan ko ang site ng peyups at binasa ang mga review nila about the movie, and here is my top 2 favorites:
__________________
BASURA!!!
screenplay:
kahit sinong matinong tao, masasabing walang cohesion, progression and logic ang script!
kung napanuod niyo ang a very special love, alam nyo na ang kwento ng for the first time.
cinematography:
OUT OF FOCUS!!! anak ng ***! simula dun sa greek wedding party hanggang mga 30 minutes after, defocused ang camera at masakit sa mata na blur ang mga imahe!!! nakakalokaaa!
acting:
nag-sit in si candy pangilinan for eugene domingo. siya na nga lang yung magandang bagay sa pelikulang ito (aside from closeups ni richard), bigla na lang siyang nawala sa pelikula sa kalagitnaan!
at utang na loob kay kc concepcion!!! mag-acting workship nga siya ng bonggangbongga!!!
pashootshoot pa sila sa greece, sana ginawa naman nila ng maayos! nakakaloka talaga. NI WALA PANG KAKILIGKILIG ANG PELIKULANG ITO. puro pekeng laplapan lang, landian at sosyalan! parang when love begins level!!!
___________________
napanood ko na rin, langya, first day pa talaga. di ko maatim, nayaya kasi ako, e mukhang wala na magyayaya next time kaya pinatos ko na.
ang masasabi ko lang:
1) walang sinabi ito sa AVSL.
2) kami lang ang tumatawa sa sinehan, hindi dahil nakakatuwa sya, kundi dahil olats sya. ang pangit ng mga linya, napapailing na lang kami. TH to the highest levelest.
3) utang na loob, bakit si philip salvador ang tatay ni kc. hndi bagay sa kanya ang business tycoon role. nahihirapan ako sa kanya pag nag-eenglish sya, at lalong-lalo na pag dumadrama sya.
4) kamusta naman at andito si bruce. at jowa nya dito si bea saw. ano kaya reaction ni wendy dun. thank God pipi yata ang ganap nya at hindi nya kinailangan magsalita. at thank God din na hindi si wendy ang jowa nya dito.
5) si kc parang may diarrhea...hndi lang sa scene na napautot sya, kundi sa lahat ng scenes na umiiyak sya (if iyak nga ang tawag dun, wala akong nakitang luha e). para kasi syang matatae lagi pag umiiyak.
6) launching movie din nga pala ito ni kc as a sexy star. hahaha. boobs kung boobs ang labanan.
7) hindi ko ma-gets ang istorya...parang wala kasi. ang hirap ipagtagpi-tagpi ng mga pangyayari. at parang imposible na wala pa silang 1 week sa greece e nagka-inlove-an kagad. e parang one day nga lang kung tutuusin na magkasundo sila.
candy pangilinan is funny. sana sya na lang ung bida, sila nung penpal nya dun (kung sino man sya..di ko alam saan sya napulot kasi). kaso feeling ko naiwan sya sa greece...nawala kasi sya bigla sa kalagitnaan. sa kanya pa naman ako nag-enjoy.
9) madami pa ako comment pero simply stated, overall ay pangit ang movie. maganda lang ang greece. wag nyo na panoorin...hehehe. sa sama ng loob ko gusto ko dumiretso kagabi sa araneta...hahaha.
TRULY.. Peyups is Where Bright Minds Meet! :)
25 August 2008
I Scored 96%
BUT.. the pressure is on! this time i have to be more careful na. no more considerations for me. entitled na ko for cash handling suspensions, corrective actions for attendance and pounctuality, etc. pati syempre mas mataas na ang expectations from me. kaya kailangan mas mag-aral. TIRA-TIRA! :)
plus, entitled na ko for VACATION LEAVE! so kailangan ko na i-apply yung bora leave ko next week para ma-approve. (exag kung exag pero standard daw yun!) :)
oh sya dito nalang! happy lang ako. :)
TARA! let's celebrate over a cup of coffee! CHEERS! :)
01 August 2008
My Very Special Love.
" i never asked you to love me, itigil mo na yan.. mapapagod ka lang"
*after ilang scenes
"i never asked you to say i'm sorry, itigil mo na yan.. mapapagod ka lang"
sa mga hindi pa nakanood, manood na kayo.
sa mga walang kasamang manood, mag-isa nyo na lang panoorin (parang ako!)
sa mga nakukunyaring JOLOGS daw yung movie pero papanoorin naman sa DVD (kuya mikas!), NO TO PIRACY!
sa mga hindi gusto si john llyod at sarah, manuod kayo to prove yourselves wrong!
maganda yung movie. "feel-good" lang, hindi sya ala bea-john llyod movies, pero ok parin! at tama hinala ko, wala silang "kissing scene". tama lang yun! bagay kasi kay sarah yun mga ganung pa-cute at pabibo lang eh. chaka na yung mga serious scenes! hehehe. :)
di ko rin masyado ma-explain kasi nagandahan talaga ko eh, oo na corny na ko! bakit ba? eh ampogi ni john llyod eh kahit na mejo malaki yata eyebags nya. :)
hindi sya jologs kaya wag na kayong mahiya na panoorin yun! :) patulan nyo na kahit mag-isa lang kayo. pwede rin yayain nyo mga kaibigan nyo kung ayaw ng bf/gf nyo. o kaya yayain nyo yung mommy or daddy nyo para may excuse kayo maging jologs. ("sasamahan ko kasi manood mommy ko eh..")
wag na magpahuli sa kwento! nood na! go! :)