melai: nold,, on-line ka ba??
r-nold: ako?? ngayon?? hindi ah..
melai: blah.. blah.. blah..
r-nold: blah.. blah.. blah..
r-nold: tignan mo blog ni mikel.. tignan mo entry nya parang hindi sya..
melai: bakit?? bakit naman?? ano URL nya??
r-nold: basta.. tabulas din sya.. _mikel..
melai: oh sige tignan ko maya.. bye!!
r-nold: bye!!
putek ang haba ng intro!! okei lang.. hehehe.. ang saya nga eh.. siguro kung binabasa na toh ni ikel ngayon tantsa ko kinakabahan na yan.. ::dug-dug..dug-dug:: na-intriga me sa sinabi ni arnold na entry ni mikel so i decided to blog hop.. first time toh ha?? nagvisit ako ng mga blogs ng classmate ko.. syempre hinuli ko yung kay mikel..
unang paragraph pa lang nya may "impact" na sakin.. sabi ko.. "hmmm.. ineresting ah.." and so i go on reading.. on the back of my mind.. "pucha!! si mikel ba toh?? bakit sya ganito?? love ba tinutukoy nyang.. BAHALA NA?? this is so not mikel.." well,, yun din ang isip nya sa sarili nya.. anyway.. there are lines there that really caught my attention..
mikel's entry (oct. 22,2004)
naalala ko pa 'yung araw na kasama kita. ang saya-saya ko. sa mga oras na 'yon, 'kaw lang laman ng isip ko. parang wala ako sa sarili, parang wala akong ibang nararamdaman. basta ang nararamdaman ko lang, masaya ako pag malapit ka. matagal ko nang naramdaman 'yung mga ganitong bagay, pero hindi ko inasahang mararamdaman ko ulit. pero hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin katulad nang nadarama ko yung nadarama mo. magkalayo pa rin tayo, kahit sa totoo, magkalapit lang...
grabeh!! i couldn't believe talaga.. is this really him?? him telling the whole net bout his.. bout his feelings?? feelings sa LOVE?? waaah!! habang binabasa ko tong mga lines na toh gusto kong sumigaw ng "SAKTO CHONG!!" kasi the way he describes it.. its reality.. ganyan talaga nangyayari.. and it happened to me.. totoo na we don't always end up with the ones we want or rather love.. kaya may mga drama tayong "alam kong hindi mo ko mahal chuvanels.." "mamahalin kita ng hindi mo alam kheme kheme" and the list goes on.. pero peepz.. wala nang impokrita!! diba kahit isang beses lang sa buhay naten naramdaman naten yung feeling na yan.. yung feeling na gusto mo yung isang tao pero hindi pwede?? gets?? di man directly pero somehow parang ganyan.. alam niyo kung bakit?? kasi tao tayo!! ang tao nagmamahal.. ang pagmamahal masaya kadalasan masakit.. at ang tao kapag nasaktan na.. ayan na!! lumilitaw na ang pagiging best actor at best actress ng bawat isa.. merong nagpapanggap na "okei lang ako!! lalaki lang yun noh?? dami pa jan.." meron din namang "hindi ko kayang wla siya!! papakamatay na ko!! *tutok kutsilyo sa sarili* oo nakakatawa.. pero totoo hindi ba?? siguro tumatawa ka ngayon dahil either walang sense para sayo mga pinagsususulat ko dito or you just can't relate cause hindi mo pa na-fi-feel yan?? eto pa ang isang stanza from mikel's blog entry..
bahala na. 'di ko na rin alam kung ano pa mangyayari. basta, mahalaga na sa 'kin 'yung alam ko kung ano nararamdaman ko. bahala na kung 'di ka mawala sa utak ko. bahala na...siguro darating din 'yung oras na makakalimutan kita, at 'yung nadarama ko para sa'yo. pero kung hindi dumating 'yung oras na 'yon, sasayangin ko na lang 'yung mga oras sa pagiging tanga ko kakahintay...
gosh!! kung kayo taga iv-israel dati!! you wouldn't even believe that mikel wrote tis.. kasi sya yung type of person na hindi ganun ka-showy sa feelings nya.. pero tignan nyo nga naman ang nagagawa ng blog?? walang pakielamanan!! blog nya yan eh.. hehehe.. "bahala na.." yan ang madalas na sinasabi ng mga matatapang na tao pagdating sa love.. lahat haharapin.. mahirap man o madali.. kaya nga bahala na eh.. paano pag nasaktan ka na?? "bahala na" parin ba ang sasabihin mo?? bahala na marami naman jan eh.. bahala na makakalimutan din naman kita eh.. bahala na masaya sya eh.. bahala na.. kakalimutan.. teka!! kakalimutan?? paano?? bakit?? dahil ba nasaktan ka?? dahil ba hindi sang-ayon sa kagustuhan mo yung mga pangyayari?? o dahil hindi ka naging masaya?? eh kung hindi ka ba naman tanga't kalahati eh!! bakit sarili mo lang iniisip mo?? pero kung sabagay nga naman mahusay ang picha pie.. este!! di rin naman sya naghesitate na saktan ka eh diba?? inisip nya ba mararamdaman mo?? hindi diba?? sarili nya lang din inisip nya!! quits-quits lang!! next line please..
tanga na kung tanga, pero wala akong ibang alam na magagawa...kung hindi maghintay, nang maghintay...
TANGA NA KUNG TANGA?? hindi ah!! bakit ka naman magpapakatanga?? sya ba ang buhay mo?? sya ba nagbigay sayo ng buhay mo?? hindi diba?? tama yan.. maghintay.. kahit minsan nalulungkot ka na maghintay ka parin.. alam naman ng nasa taas kung kelan ang tamang panahon para ibigay nya sayo yung iniintay mo eh.. basta maghintay ka lang.. kahit alam mo na sa utak mo na naghihintay ka lang sa wala.. bakit kasi hindi natin buksan pa yung mga mata natin maiigi nang makita natin yung hinihintay naten ay binigay na pala satin.. di nga lang sa anyong inaasahan natin.. so.. bigo ka parin!!
hay naku!! ganyan ang love!! walang consistent na pangyayari.. iba ibang style.. iba ibang story.. ito lang naman ang sigurado jan eh.. may masaya.. pero mas marami ang nasasaktan.. hindi lang naten sila napapansin dahil sarili naten lagi iniisip naten.. (aba!! masaya ka na nga eh.. kiber mo ba sa mga nasasaktan?? ganyan tayo madalas diba??) pero ito lang talaga mga peepz!! lalo na sa mga ka-age ko.. yang pagmamahal na yan.. dumarating ng kusa yan.. walang oras.. walang lugar.. walang mga special lights at effects.. simpleng simple yan.. at dumarating sa tamang panahon.. grabeh!! kala mo kung sino akong santa makapagsalita eh noh?? oo aaminin ko.. daming beses na ko na-involve sa mga relationships and always ends up to breaking up.. dahil.. dahil siguro hindi talaga sila yung para sakin.. (kasi nga.. kami talaga ni DUNCAN!! chenez!!) kaya nga ngayon nag-eenjoy ako sa pagiging single.. kasi i've learned all these things.. tong mga pinagsasasabi ko sa inyo.. pero hindi ko nireregret yung mga past relationships ko.. thankful nga ko because through them i learned a lot.. ang gusto ko lang sabihin sa inyo.. wala talagang "henyo" jan sa love chuva na yan.. lahat tatanga-tanga!! kasi love is sacrifice!! yung nasa taas nga nagpa-pako pa sa krus diba?? basta all you need to do is kilalanin at mahalin niyo sarili niyo.. and laging "think twice" kung tama o mali yung mga gagawin niyo para di niyo pagsisihan diba?? okei??
so pano?? sana peepz may napulot kayo kahit basura dito sa entry ko.. chaka special thanks to arnold.. (mahal buti sinabi mo tignan ko blog ni mikel..) at kay mikel.. (ikaw lang naman laging bumibisita sa blog ko kaya eto.. may entry dito dedicated sayo..) sana next time wag na tong topic na toh kasi nagiging "CORNY" ang lahat eh.. mga bata pa tayo peepz!! sana mag-enjoy muna tayo.. kaya't sige na.. maglalaro pa ko ng 10-20.. este!! maghahanda na ko ng damit.. may outing pa pala kami tomorrow.. BAHBHER muna for now!! mwah!!
No comments:
Post a Comment