22 May 2007

Pochay, Kamusta Ka Na?

wala ako magawa. kaya eto at nag-pc na lang ako since wala naman utos si ama eh. (yey!) at kahit hindi umuulan ngayon, (sana mamayang hapon umulan!) ay masaya ako! masaya? oo! masayang-masaya. bakit? simple things.

1.) ok na ok na kami ni ALOI. i mean, wala na talgang mga bagay na nag-bo-boggle sa utak namin. we had a VERY SERIOUS talk nung sunday, (napaka-rare ko pa naman magsalita!) and we / I cleared things up. wala na kaming hiya-hiya. sige! aminan ng mga "kalokohan" at kung anu-ano pang mga "kabulastugan" na pinaggagagawa namin noon. what a relief kasi after all this time na tinatago ko sa kanya yung mga bagay na ganun, at last nasabi ko naren. truly.. "the truth will set you free"! (naks! galing sa nip / tuck yan!) ang sarap ng feeling! stig!

2.) successful ang operation ni marvin sa kanyang eyes. (besh! mishuu! alis tayo?) thank GOD talaga kasi as i know it, very critical yung ginawang operation sa kanya. luckily, i all went well. hehehe. masaya ko for him kasi alam ko after that operation, mas MABILIS na nya kong makikita kapag kumakaway ako sa kanya! hehehe. (peace tayo besh!) basta thank you LORD! =p

3.) at looong last. nakagawa na ko ng "very impressive" resume. (ang hirap!) hehehe. makakapag-apply na ulit ako, this time hindi na sana sa isang fast food or any work na mag-re-require ng masyadong strenous activities. (yung hindi na mag-mo-mop or magpupunas ng tables and chairs. hehehehe. sorry mcdo!) basta, sana matinong naman ma-landingan ko nagyon. miss ko na ang may "ka-trabaho", yung sweldo tuwing 15 / 30, yung pag-uwi ng late galing "work", and all that stuff. wala! siguro inggit ako kila ate and mama, kasi nagtatrabaho na sila eh. samantalang ako, books at sci calculator parin ang hawak. pero onting tiis na lang! 2 sems to go at finally, makakgraduate na ko! *cross fingers* basta. basta. basta.

4.) isa pang reason, PANALO SI LIM! i mean, si Mr. Alfredo Lim ang hinirang na bagong mayor ng MAynila! asteeeeg! kung bakit secret muna! baka po maudlot eh. hahaha. (hay! sir ha? tuparin nyo yung sinabi nyo!)

5.) bati na kami ni KRISSY! (yey! uy kilig! uy kinikilig-kilig!) well, hindi naman kami nag-away eh. nagka-dedmahan lang ng matagal kasi.. busy, pati wala ako madalas sa bahay, pati minsan wala lang masabi kaya ayun. antagal-tagal namin di nag-usap. tapos kahapon i made the first move na magtext (may load naman ako eh, unli pa! hehehe.) and luckily hindi sya masyadong busy kaya ayun nag-reply sya! basta, masaya lang yung feeling! weee! (uy kilig! uy kinikilig!) nakuu! lagot ako pag nabasa nila toh.. sabihin nila 'etong si chai nagiinarte ka nanamang bakla ka!' hahaha. ah basta masaya talaga! thank you krissy! don't worry, pag-pe-pray naten mommy mo ha?

6.) ang dami-dami nang babies sa paligid! wehehe.. ang dami ko nang barkada na mga soon-to-be-mommies na ngayon! nakuu! patay-patay nanaman sa binyagan nito. dapat iba-iba outfit dahil iisang circle of friends lang kami! hahaha. bawal repaet performance ng damit! kung magiging futuristic ang pag-iisip ko ngayon, oo masaya ako for them kasi mommy na sila, may baby na silang aalalahanin, di na basta basta pwede gumimmick, pati yung pera nila, imbes na pambili na ng shoes or pants, pambili na ngayon ng diaper or gatas. wehehe. ahy naku! excited din ako sa mga magiging names ng mga baby nila. sana kahit isa man lang dun may melai, o kaya melissa, or pwede din chai, or JOY! hahaha. (kaya kayong mga ina kayo ha? kahit palayaw lang, lagyan nyo ng bahid ko ha? para maging maldita / maldito rin yan paglaki! hahaha. kidding.) basta-basta kung anu man mga pinagdadaanan nyo ngayon, i'm at your back. kakalimutan ko muna mga sariling kong burdens, tulungan ko kayo. aba! bawal kayo ma-stress! papanget inaanak ko! hahahaha. i love you all! street party ito sa inyong baby shower! isara ang MALATE! hahaha.

7.) bakit pa ba ko masaya? kasi JUNE na! oo june na! malapit na yun. after this week, isang week na lang tapos JUNE na! haaay! para kasi sakin parang june ang NEW YEAR ko. kasi back to school eh. bagong mga gamit (PURPLE STUFFS!) pati bagong uniform, sapatos, school bag, panty, bra, socks, at kung anu-ano pa. hay! mag-sho-shopping na ulit ako sa national bookstore! hehehe. at syempre BACK-TO-SCHOOL nga.. back to kalokohan na nanaman. mas matindi na ngayon dahil 4th year na eh. susulitin na ang huling taon. hehehe. bentahan nanaman ng mga second hand books sa presyong kaguli-gulintang! hahaha. basta.. SOOOOO EXCITING na talaga ang school year na ito! miss na miss ko na mga blockmates ko. (beach kids! ihanda mga tenga nyo sa mga kwento. ako una? please? hehehe.) ah basta, dapat sa first week ng pasukan yellow cab tayo ha? kahit sa may recto pa yun! lakarin naten! hahaha.

hay nakuu! lahat ng yan, simple man yan, that's enough reason for me to be sooo happy! ang hindi pa lang pag-uutos sakin ng dad ko ay sobrang happy na eh. anu pa yang mga reason na yan? eh di todong happy na talaga! hay nakuu! ang saya nalang kasi kalimutan ng MAY eh kaya na-a-attat na ko sa JUNE! ah basta! dito muna.


**don't worry. wala na kayong maririnig anything from me. from now on, mga unan at stuff toys ko na lang ang pagsasabihan ko ng mga "thoughts" ko. magiging "anger-free" na itong blog ko. naisip ko rin kasi, nagpapahayag lang naman ako, wala akong hinihinging aksyon ukol dito, so naisip ko, why bother na mag-blog sa multiply? or sa kahit saang blog? MUKHA AKONG PAPANSIN diba? eh di hindi na ko magsasalita. ah basta, sana matupad ko toh. don't worry, wala nang kung anu mang batikos! i'll just KEEP MY MOUTH SHUT!!! hehehe.

** oh sya paalam muna. so in a good mood today, ayoko sirain. babushkee for now! *kisses*

21 May 2007

Rain On Me.

yeeey! after a long long long time, AT LAST! umulan na rin uli! weeee. buti nalang nakaligo na ko bago pumatak tong ulan dahil kung hindi ay nakihalubilo na ko sa mga batang kalye sa labas at nakiligo sa kanila. hehehe. ang sarap! ang lamig lamig! yeeeeaaah!

relaxing ang araw na 'to. mejo tame si daddy ngayon, wala pa yatang naka-ready na "pochay's to-do list" kaya hayan, pagita-gitara at pakinig-kinig lang sya. hehehe. i looove it that way. pero on second thought, ambagal ng oras pag wala kang ginagawa. ang sakit na nga ng pwet ko dito kakaupo sa harap ng pc eh. pero 2 hours palang naman aku andito. tsk.

kasabay ng ulan na pumapatak / bumubuhos ngayon ay ang kantang nasa isip ko kanina pa. "Rain on Me" ni Ashanti.

"Rain on me.
Lord, won't you take this pain from me?
I don't wanna live, I don't wanna breathe, ‘till ya just,
Rain on me.
Lord, won't take this pain from me?
I don't wanna live, I don't wanna breathe, baby."

nararamdaman ko na ang JUNE!! yeah! sobrang excited na ko kasi bumalik sa school. miss ko na ang UST! yung mga puno, yung field na may mga cute na soccer babes, mga maaarte ang EMO students, mga kotse ng prof, sila father and sister, at marami pang iba! grabe! excited naren aku mag-4th year. kung dati ayoko pa, ngayon handa na ko. hehehe. lahat ng school works ngayon pag-iigihan ko na. may "hidden agenda" ako eh. ahahaha.

MISS KO NA BA-6!! tae. ang-summer lang hindi na kayo nagparamdam! huhuhu. pero alam kong may kanya kanya tayong inaatupag kaya ayus lang!! kita-kits birthday ni jill!! pati sa enrollment!! (which happens to be birthday din ni MARGA!!)

may swimming outing bukas ang E-MID at di ako makakasama. why is the because? eh kasi hindi pa magaling ear infection ko kaya di pa pwede magswimming. eh kesa naman pumunta ko tas hindi aku magsiswimming? nakak-inggit yun noh!

ah basta basta! masaya aku malapit na mag-JUNE! school days again. busy-busyhan! toxic. stress. haggard! i'm ready for it! *kisses*

19 May 2007

I Thought You'd Make A Difference. :(

hay. ang kati na ng mga kamay ko. sana maayos ang daloy ng utak ko nang isa-isa kong malathala mga nasa isip ko. game!

una sa lahat nagpapasalamt aku kay GOD kasi successful ang operation ng aking besh na si marvin! (pare koi pagaling ka na agad ha? alam mu na kung bakit. =) meron kasi syang something sa eyes na kailangan tanggalin eh. ayun. sowie besh di kita nadalaw sa hospital. busy eh. sowie. =(

secondly, ayun. sabi ko na nga ba at may ka-blog-blog na naman na kaganapan tuwing sabado, linggo, at lunes eh. sabado pa nga lang eh. masaya ako kanina kasi nilibre ako ni mama ng pedicure, manicure at plucking! (yun lang masaya na si inday maam!) ang saya kasi matagal ko nang plan yun, kaya lang di pwede kasi maglalaba pa ko ng marami eh. hehehe. so enough about that.

masaya din kasi nag-stay pa kami sa EMC ng matagal kasi nakikain kami sa uytengsu. hehehe. tapos swerte pa kasi may nag-offer pa sakin maghatid pauwi kaya ang sulit talaga. pati hindi ako pinagalitan ni dad kaya ang saya talaga.

masaya din ako dahil unlike last saturday na wala talaga akong nakasamang "worthy" kausapin (kaya umuwi ako agad), iba ang naging takbo ngayong saturday! kahit ilan lang kami (alam nyo na kung sinu-sino kayo!), ang saya ng kwentuhan! at walang halong KAPLASTIKAN! hahahaha. cool yun pag ganun! ganun lang tayo ha? LABYUU!

pero sa kabila ng lahat ng kasiyahan ko ngayon, may naramdaman parin akong lungkot. at hindi lang ito basta-bastang inarte ha? totoong malungkot ako dahil dito. gusto nyo ng kwento? heto!

may isang bata dati. mejo malungkot sya dahil nararamdaman nya na wala syang kaibigan. isa lang kasi ang kanyang "espesyal" na kaibigan at wala na syang ibang hinahangad sa tuwing kasama nya ito. hindi na nya gustong makipaglaro sa ibang bata dahil sa kanyang "espesyal" na kaibigan, kuntento na sya at ayaw na nya ng iba! ngunit iba ang takbo ng panahon, may mga bagay na nagbabago. at hindi lumaon ay nagkahiwalay ang batang ito at ang kanyang "espesyal" na kaibigan.

naging mahirap para sa batang ito ang mga lumipas na araw. wala syang makausap, malapitan, o makalaro man lang. nasanay na siguro sya sa piling ng kanyang "espesyal na kaibigan". ngunit anu pa man, kailangan na nya ngayon harapin ang buhay ng wala ito.

napansin ng ibang mga bata ang labis nyang pagkalungkot. nilapitan nila ito at kinausap. nagpakilala, at inanyayahan maglaro. noong una ay ayaw ng batang ito makihalubilo sa kapwa nya mga bata dahil natatakot syang baka hindi nya maging kasundo ang mga ito. ngunit sa kabilang dako, gusto nya rin na makipagkaibigan dahil alam nya ang pakiramdam ng maiwang mag-isa at walang kalaro.

lumipas ang mga panahon at naging masiyahin ang nasabing bata. napakarami na nyang kaibigan, ang iba ay sobrang naging malapit na sa kanya. at ang iba ay tinuring na nyang parang mga kapatid. ngunit sa pagiging malapit nya sa mga ito, sya ay nagbago. hindi na sya ang dating batang binabanggit ko kanina. nahawa na sya sa ugali ng kanyang mga kalaro. sya'y natuto nang mang-away ng ibang bata. oo marami sayang mga kaibigan, ngunit ang hindi nya alam ay unti-unti naring dumadami ang kanyang nagiging kaaway.

at magpahanggang ngayon ang batang ito ay bulag parin sa nangyayari. hindi parin sya natataraugan. at patuloy parin syang nang-aaway ng ibang bata. oo malamang lamang hindi nya sinasadya ang mga ganung bagay, pero ganun pa man, wala pa rin syang ginagawa para pigilian ang mga kalaro nya sa pang-aaway pa ng ibang mga bata.

THE END.

so kamusta naman? anu nanaman nais kong iparating dun? wala lang. nakakainis lang yung batang yun! actually, not really inis, pero nakaka-disappoint. eh kasi naman diba? naramdaman nya kung paano yung feeling ng walang kaibigan. yung 2 lang silang mag-kaibigan at sobrang "exclusive" ng naging pagakkaibigan nila. tapos all of a sudden mawawala yung friend nya na yun. syempre it's very hard for that kid to find new friend/friends kasi hindi nya yata alam kung paano lumapit sa iba. ewan. feeling nya outcast sya or hindi sya maka-fit in. pero may mga mabubuti paring mga tao sa mundo. marami parin namang friendly eh. kaya hindi lumaon nagkaroon na sya ng maraming maraming friends. pero after nito kasi nagbago yung kid na yun! at ngayon sya na ang nang-a-outcast? kamusta naman diba? parang naisip ko lang na nakakadisappoint yung bata kasi diba alam na nga nya yung feeling ng ma-outcast, kaya nung naka-fit in na sya, akala ko may gagawin syang "something" para hindi na maulit yung mga pang-a-outcast sa ibang bata. pero instead of doing that, ayun at nahawa sya sa mga kalaro nya! that kid is one of them already. hay! "i thought that kid would make a difference..." :(

true to life ang story na 'to! at nakakalungkot ng sobra dahil kaibigan ko ang taong ito.. well at least i've treated YOU as a friend.. but now i don't know.. =(

18 May 2007

Ten Painful Things.

ten painful things...

10.) bringing back the feeling you've learned to forget..

9.) reminiscing the good times..

8.) trying to hide whta you really feel..

7.) loving someone who loves another..

6.) having a commitment with someone that you know wouldn't last..

5.) shielding your heart to somebody..

4.) loving a person too much..

3.) the right love at the wrong time..

2.) taking risk to fall in love again..

AND LASTLY....

1.) bihis na bihis ka na tapos di ka pala kasama.. hahaha! =p



*salamat ng marami kay ariel regullano.. (hoy mamaw!! ayan binaggit na kita dito ha?? next time picture mo naman.. hahaha!!)

16 May 2007

Quoting Quotable Quotes.

masaya parin pala kahit paano sa GLOBE kasi kahit sandamakmak na quotes na "unecessary" ang natatanggap ko each day, (15 text/day. average) meron pa rin mga konting may sense. hehehe. (sama ko! mamaya di na magtext sakin yung mga yun!) and just to share with you some of it, eto at i-po-post ko na yung mga napili ko. enjoy.

--------------------------

QUOTES TO LIVE BY:

"never explain. your friends don't need it and your enemies won't believe it anyway." (VERY TRUE!!) -ELBERT HUBBARD

"if you're not curious, it is a sign that you're stupid." (SI ALOY SUMOBRA SA CURIOSTY!! *peace tatay*) -DR. FRANK CRANE

"it's better to be hated for what you are than to be loved for what you are not." (OH SEE HINDI MINAMAHAL ANG MGA PLASTIC!! *hehe*) -ANDRE GIDE

--------------------------

"seduction isn't making someone do something they don't want to do.. it's enticing someone to do something they secretly already wanna do.." (ayun oh! gumaganun?)

--------------------------

"i'm sad because i can't have the one i love.. but what i didn't realize is that somebody is in much deeper pain for not having ME!! " (ahahaaay!! ang kapal ng mukha ko!!)

--------------------------

tama na muna.. masyado na ko naaaliw eh.. salamat sa aking mga contributors.. JOB WELL DONE!! hahaha.. next time uli ha??


*pahabol lang!! oh ha? ang BAIT BAIT ko ngayon noh? bat kaya? ewan! good mood ako eh. mag-antay kayo ng sabado, linggo, at lunes at siguradong may mainit na lathala nanaman ako. hahahaha. bwahahaha! babayuu!

15 May 2007

Wag Ka Na Kasi Bitter. :p

oo ikaw nga!

wak ka na bitter ha?

kasi bad yan.

ikaw din..

1.) di ka makakatulog sa gabi ng may ngiti sa mukha..

2.) mahihirapan kang itrato ng normal ang taong kinabibitteran mo..

3.) mas mahiirapan kang magsabi ng mga magandang bagay sa taong yun..

4.) magpapakaplastic ka nanaman sa kanya at sa sarili mo..

5.) at ang HULI.. mahirap itago ang pagiging BITTER kaya even though you're trying so hard.. still it shows.. and you can't DENY it!!

bwahaha..

ang sarap naman talaga mag-blog! ewan ko ba. basta ako. wala akong ginagawang masama. nilalathala ko lang naman mga naiisip ko eh. hehehehe. bahala na ang nagbabasa nito kung matatawa, maaasar, mapapaisip, o kaya ewan! bahala ka sa buhay mo! tae! hahaha.

hay nakuu! hindi ako baliw ha? natatawa lang ako. alam nyo yung feeling ni rizal nung tinutuligsa nya ang mga prayle at españa gamit lang ang pagsusulat? ANG SAYA PALA!! hahaha.. :))

sige na dito muna.. bwehehe..

nga pala masaya nga pala yung outing! basta pa-wait nalang sa pics. :)

13 May 2007

It Really Doesn't Matter Now.

This love that we have they will never know
Missing you so bad and the tear flow
I'll be waiting right here, why did you have to leave?
So hard when you're away from me
But I'm a Big girl and i know I will see you soon
Boy, I'm counting the days just to be with you
Don't matter where you are, they can't break us apart
You know you'll always have my heart


- wala. sana lang mabasa nya 'to ng malaman nya talaga. weee! (gumaganun ka pa?)

12 May 2007

Some People Just Can't Keep Their Mouths Shut.

bitterness ba the title? hindi wala lang yan. just a thing to ponder on. "why do people just can't keep their mouths shut.?" i mean, if it is for a good thing okei lang eh, eh paano pag bad? eh di lagot kay JOKER ARROYO diba? haha. seriously, okei sana kung ang laging lumalabas sa mga "bibig" naten are good things and won't harm any or other person in any way. kahit the simplest way? sa totoo lang mahirap. lalo pa tayong mga pilipino ay nabubuhay sa intriga at mga usap-usapan, kahit na paminsan-minsan hindi naten alam na hindi na ito mabuti. oo nakakatawa. pero pag ikaw nalang mag-isa naiisip mo pa bang nakakatuwa ang ginagawa mo? minsan din kasi mga "accomplice" (tama ba spelling?) lang tayo. kahit hindi tayo ang nagsisimula ng mga usap-usapan, kasabwat naman tayo at minsan gumagatong pa tayo. haaay nakuu! (hindi ako nagamamlinis katulad ng iba, kaya nga panay "tayo" ang aking pronoun ay dahil isinasama ko ang sarili ko sa mga binabanggit ko. GUILTY po ako! eh ikaw?) oo masaya kapag isa ka sa grupo na nag-uusap usap tungkol sa "issueness", pero paano kapag ikaw na ang kanilang ulam? ikaw na ang pinaka-engrandeng putahe sa kanilang hapunan? (ang MORBID naman!) masaya pa ba? kapag nakaharap ka pilit nilang pinipigil ang mga sarili nila na ipakita talaga kung anong tingin nila sayo, pero the minute you turn your back on them. halaa! patay na. mala-javelin throw ang paraan ng pag-atake sayo. malayo ka palang asintado ka na. haay buhay. kaya nga paminsan mas masarap nalang lumayo pag may nakita kang isang grupo na nag-uusap ng masinsinan eh, para makaiwas nalang sa pagiging "accomplice". pero nakakapraning naman kasi mamaya lalayu-layo ka tapos malaman laman mo ikaw na pala pinag-uusapan nila noh? kakaparanoid diba? (haaay nakuu! GUILTY talaga ako. ganyan kasi ako eh. pag may nakita akong nag-uusap tapos mapapatingin sakin tas tatawa, mapapraning ako at iisipin kong ako yung pinag-uusapan nila. hehehe. sori ah! ganun talaga ko eh.)

so saan naman ako patungo sa mga pinagsasabi kong toh? wala lang. gusto ko lang din mang-BOGGLE ng utak ng iba. oo sige sobrang babaw kung titignan mo eh. pero mababaw nga ba? bat di mo muna try mag-isip? nakakatuwa ba maging isang chismoso't chismosa? gaano naman kasakit ang maging putahe ng mga chismoso't chismosa? personally, di ko pa kayang sagutin yan. why? hindi pa ko sure sa mga sagot ko eh. mahirap na rin kasing magsalita ng isang bagay na hindi ka sure of. ewan ah. pananaw ko lang naman yun eh. sori lang kung di ka agree sakin.

so sige paalam na muna. sana topakin uli utak ko at makapag-blog na ko ng walang halong bitterness. hahaha. ah basta sabi nga ni bits "kapag tinamaan ka GUILTY ka!" hahaha. GOODLUCK nalang! sige babushkee!

03 May 2007

After A Loooong Time.

blog. blog. blog. i'm back. weee! i've missed blogging so much. hehehe. so. what's up with my life? CHORVAH lang. chill lang muna sa mga bagay-bagay. (lalo na ang buhay pag-ibig.) aba! sa dami nang camp mail na natanggap ko, ilang porsyento din dun ang nagsabing "ayusin mo love life mo." so as you wish my dear friends. opo aayusin ko na this time. hehehe.

mas masaya mag-blog kapag single ka. ewan siguro kasi mas marami kang makukwento. unlike pag may "someone" ka. kayo nanlng ng kayo ang kukwento mo. hahaha. masaya yung nag-iisip din yung nagbabasa sa "the who" ng kwento mo. hehehe. pero kung di nyo trip ang ganun. ok fine! alis na kayo dito. hehehe.

anu pa ba? wala ako masabi masyado. in time nalang habaan ko entry ko. hehehe. dito muna.

HAPPY BIRTHDAY KATH!! and kay EARL PAOLO din..

para bukas naman.. HAPPY BIRTHDAY KRISSY!! *kisses*