31 October 2004

BURN.

mejo matagal-tagal din akong hindi nakakagawa ng entry,, hindi sa walang nangyayari.. dami nga pangyayari eh.. ang kaso nagdadalawang isip pa ko kung isusulat ko dito oh wag na lang..

araw ng patay.. halloween season.. feast ng mga patay.. mga kaluluwang ligaw.. gumagala at binabagabag ang mga nabubuhay pa.. waaaaah!! hang-over kakanood ng mga halloween special ng mga programa sa t.v.!! nyaaaay!!

nagsimula tong "scary" events na toh nung saturday yata.. nilabas ko ung aso ko.. tapos pagtapat namin dun sa may poste sa tapat ng alley namin,, aba!! nagmistulang instant gimikan yung street namin.. yung mga ilaw sa poste nag-flicker flicker effect!! at ang nakakakilabot ay hindi masyado nagreact yung mga tao sa street.. parang ako lang yung napraning eh.. well siguro kasi baka ako lang nakakita!! NYAAAY!!

hindi pa dun nagtapos yun,, after nun pumasok na ko sa bahay at parang walang nangyari,, KIBER lang!! tapos nung naghilamos na ko.. pagtingin ko sa salamin parang ang labo ng mukha ko.. inisip ko baka kasi may tubig pa ko sa mata.. pero hindi eh.. ang labo talaga.. inisip ko na lang napakadumi na ng salamin na yun.. ako kasi takot talaga ko sa mga "pagpaparamdam" na yan,, chaka naniniwala naman ako jan eh,, ayoko nga lang na sakin nangyayari..

hindi ko nalang uli binigyan ng pansin yun,, eh di nag-internet nalang kami ni ate les.. tapos naka YM kami,, ka-chat namin si kuya dave,, ariel,, mikel,, at shamille.. sa kalagitnaan ng pagdedesign namin ng blog ni ate.. biglang may lumitaw na window.. WAAAAHHH!! si VOLDEMORT nag-P.M. samin.. nakalagay "good vibes.." ::lintek!!:: ako talaga gulat na gulat,, ung ate ko naman naparanoid.. "uy!! nag-PM.. yiii-kiii!! che!? tapos ayun sa inis ko.. sabi ko aakyat nalang ako at magbabasa.. iniwan ko na kay ate yung pag-iinternet..

hindi pa yan yun!! aba!! hanggang dreamland ko ba naman nagpaparamdam parin yang taong yan!! at hindi lag sya.. sinama pa nya yung mga "nakaraan" ko!! as in!! parang minumulto nila ako!! bakit?? ano ba kasalanan ko sa kanila?? diba sila pa nga may kasalanan sakin?? aba!! mga lintek na toh ah!? anyway,, so nagising ako ng around 4 am nun at ang hirap bumalik sa pagkakahimbing.. leche kasing mga lalaki yan eh!! sabi ko na dapat na lang ako mag-madre eh..

tapos sunday na.. nung umaga at hapon wala naman masyado nangyari.. pero nung gabi praning na praning na talaga ako.. nung nag-sha-shower ako,, parang may nabubungo akong "invisible" na tao.. eh kasi parang at some point biglang may malamig.. tapos mawawala.. tapos yun na naman.. basta ayun!! pero di ko parin pinansin yun.. the next naman yung nagsasampay na ko.. yung gilid kasi ng apartment namin backyard ng isang creepy na house na ampunan na ngayn,, dati pa ko may nakikitang mga kung ano-ano dun.. at yun,, habang naglalaba ako.. biglang humangin ng malakas nung lumingon ako dun!! NYAAAAAAKKKK!! ayoko na talaga!! binilisan ko nalang magsampay tapos alis na ko agad.. praning na ko talaga!!

after nun nag-internet na ko..after 1 hour kailangan na gamitin ni ate les yung fone so DC na ko.. nung nag-tu-toothbrush na ko.. tugtog sa radio yung sa southborder na "kahit kailan". tapos nung nasa kusina ako,, parang nag-bu-blur yung boses sa radio,, nug tinignan ko maayos naman yung station,, eh di balik na ko sa kusina.. tapos nagblur na naman.. sa asar ko pinatay ko nalang,, tapos binilisan ko na umakyat.. at yun hindi parin ako kumikibo.. hindi ako nagkukwento dito sa bahay,, pagtatawanan lang ako dito!! pag-akyat ko nga si mama nanonood ng "the grudge"!! eh ang corny corny naman ng palabas na yun eh.. hindi nakakatakot.. nakakagulat lang.. malaki kaibahan nun.. na-bore ako sa panonood kaya naka-tulog ako.. pero naaalimpungatan ako nung madaling araw,, ubo ako ng ubo,, yung ubo ko iba kasi parang sinasakal ako,, tapos ang kati kati ng lalamunan ko.. baka sabi sakin nung sumasakal "maldita ka!! ggrrrrr!!" nyahahahahaha!!

at ngayong eksaktong "ARAW NG PATAY".. wala naman kasi kaming dadalawin sa sementeryo,, hindi ko maamoy yung mga pang=patay na bulaklak,, hindi ako makakagawa nung bolang kandila,, hindi ako makakaupo sa bermuda grass at makakagat ng langgam.. matagal-tagal ko nang hindi na-eexperience yun,,simula nung nagkagulo sa pamilya namin.. anyway,, habang yung iba nasa sementeryo na,, kami andito sa bahay,, at mamaya pupunta kaming mall ni mama.. pero umagang umaga palang minulto na ko uli ng nakaraan!! habang sinusulat ko tong entry ko.. hirit naman ng radio "ITS GONNA BURN FOR ME TO SAY THIS.. blah.. blah.. blah.." leche talaga!! haaaaaay!! kasi naman eh noh?? masyado na!! at hidni pa yan malala ha?? after nung kanta eh di huminahon na ko.. aba!! ang LSFM may sira daw computers nila ngayon,, at habang nagsasalita ung dj napindot nya siguro uli yung play.. kaya ayun.. FOR THE SECOND TIME AROUND ONCE MORE KINDLY REPEAT IT AGAIN pinatugtog uli yung "BURN"!! sa tagal ko nang nakikinig sa radio ngayon lang nangyari yun!! oh baka naman sign yan!! sign na nagpaparamdam na naman ang kaluluwa nya!!

sa mga hindi nakaka-alam.. kaya ako BITTER sa kantang yan ay dahil yan ang ginamit ni raefel na break-up song sakin.. as in lyrics lang nung song, inemail nya sakin, tapos ayun na!! break na daw kami.. leche!! epal talaga!!

TAMA KA NA!! tama na kayong lahat!! patigilin niyo na ko dahil matagal ko nang pinatahimik kaluluwa niyo!! please naman!! anyways,, sa lahat ng tao na nawalan ng mahal sa buhay lalo na kay rita paren.. my sincerest condolence.. may you rest in peace..

so peepz till here nalang muna.. ligo na ko eh.. sana wala dun yung kasabay ko kagabi mag-shower!! nyahahaha.. bahbher!!

**p.s.: ang mga pangyayaring nailathala dito ay pawang katotohanan at walang halong kabarberuhan,, na sa inyo kung kayo ay maniniwala o hindi..

No comments:

Post a Comment