22 February 2008

AYOKO NA!

sigaw ni melai? AYOKO NA! sawang-sawa na ko sa paulit-ulit na mga pangyayaring hindi naman nagagawan ng solusyon. naiinis ako dahil lagi nalang.. LAGI NALANG.. ako lagi ang masama! kelan ba ko naging mabait sa paningin ng tao? kelan ba naging tama mga opinyon ko? kelan pa naging DAPAT yung mga ginagawa ko? sawang-sawa na ko magpaliwanag dahil walang nakakaintindi, walang umiintindi, at ayaw intindihin. akala ko ok na lahat. yun pala iba talaga umatake ang mga BACKSTABBERS! ;c

oo na talo na ko. panalo ka na. hindi ko kayang maging player sa laro mong "backstabban"! hindi ko rin kaya maging sunod-sunuran sa mga gusto nyo mangyari dahil may sarili akong pag-iisip at hindi ako robot na susunod lang sa inyo ng walang angal! masaya ka na bang natalo mo ko? ANG BABAW MO! pero hindi kita hate. i'm not even mad at you. mga tao na rin ang bahalang humusga sayo tulad ng panghuhusga mo sa kanila. sana maging masaya ka sa ganyang ugali mo, kasi maraming tao ang hindi.

akala ko ito na ang pinakamasayang sem sa buong taon ko sa UST dahil syempre last na to eh. BUT I WAS SOOOO WRONG! i never thought this would be the sem that i will really hate and regret! AYOKO NA! di bale isang linggo ko nalang titiisin ang lahat ng to and then i'm done! wala na kayong lahat sa buhay ko at lahat ng mga nangyari ngayong sem iiwan ko nalang sa UST! that's it!

i really wish that "cheermania" was a subject. dahil sa commerce cheering squad, iba-iba man kami ng ugali, galaw, skills, and abilities. it never really became a conflict. dahil pagdating sa dancefloor, we really bring it! at lahat ng issues nabubura. at ang backstabban ay ginagawa harap-harapan! at least diba you really know who your friends are and alam mo kanino ka dapat kumampi at kung sino lang ang mga mapagkakatiwalaan mo.

grabe. hindi ko akalaing iiyak ulit ako habang nagboblog. partida nasa computer shop pa ko. akala ko huling pag-iyak ko na sa blog yung kay aloi dati. mali pala. iba rin pala masaktan ang mga taong akala mo malakas. haaay.

"sorry melai.. hayaan mo malapit na nag bagong buhay naten.. tahan ka na.. dito na ko" -pochay

06 February 2008

JOBS '08 [UST Job Fair 2008]

this is it! the job fair. or should i call it "trick or treat"? hehehe. eh pano ba naman kasi, sa dami ng booths na nandun malolorka ka talaga saan ka ba magpapass ng resume, plus anjan pa ang labanan ng mga "freebies". syempre usong-uso na jan ang ballpens, memo pads, at kung anu-ano pa. nakakatawa nga kasi kung saan nalang may COOL na freebie dun kami! as in! hehehe.

my total freebies:

*14 ballpens
*2 memo pads
*1 post -it
*1 non-wooven bag
*1 bag tag
*1 book mark
*at isang katutak na candies! :)

pero infairness may mga sineryoso naman akong applyan at may 4 scheduled exams na ko agad. hehehe. but, yeah, mostly sa banks sya. security bank, bank of commerce, IBM, pati CITIgroup. ah basta yun! sabi nga ni chasha eh i-treat ko nalang daw yun as my practice! hehehe.

ah basta! sa AIG BPSI or ACCENTURE pwede na ko. :)

babalik pa ko tomorrow for chinabank and starbucks eh. :) kaya print galore nanaman ng resume. haaaay! :s baon ko napupunta na sa printing. kumikitang kabuhayan na ang photoprints samin ah! :)

one more thing! FABULOSA na sana ang mga suot namin kung hindi lang JAAAAABAAAARR! as in! yung blouse ko pa is the satin type so mega bakat talaga sya! but infairness naka OLIVE GREEN ako kaya hindi masyado halata! takte kalalabas ko pa lang ng bahay pawis na ko agad eh! pero I STILL LOOK GOOD! we all look good and proper. :) sayang i can't upload the pics pa. maybe tomorrow or some other day nalang. :) busy mode na eh! :)

till here. :)

*p.s. i'm starting to enjoy my iPOD na, lalo na sa commute! (tama ka ate joj!)