03 May 2008

Star Cinema Has Failed Me. :((

(ate jojie has already written a HATE BLOG about "the movie" but i'd like to have my own.. hehehe..)

IBALIK NYO php120 KO! ilang linggo akong KINILIG to death sa trailer ng movie na yon, tapos.. tapos nung napanood ko na.. aba! yun na yun ha? yun na yung pinagmamalaki nyo? PWEH! PWET! hindi maganda i'm sooorry!

what movie you may ask? eh anu pa ba kundi yung "WHEN LOVE BEGINS" ni aga and anne. well, hindi naman ako mag-he-hate blog ng walang katuturan eh.. nakakalungkot lang na star cinema has indeed failed me.. ever since nagkamuang na ko sa movie industry (at napadalas ang pagnuod ng movies dahil sa mga dates.. haha) never talaga nag-fail ang star cinema sakin.. as in! walang jologs jologs pag star cinema.. kahit VIDEOKE KING ni pops at robin pinatulan ko.. dahil nga star cinema sya! malaki tiwala ko dun! chaka lagi kasi maganda yung arrangement nila kahit na napaka predictable na ng mga plot nila minsan, chaka when you say kasi na star cinema movie yan, hinid pwedeng walang MAGIC yan at mga TUMATATAK na linya eh.. but NOOOO! not this one..

my reasons why i didn't like the movie:

- there is lack of script continuity (yaaak! ang deep!) eh tae naman kasi! napaka tagal ng batuhan ng dialogue eh, gumanda lang nung nagaaway na sila eh, besides it wala na! chaka ang lame talaga nilang pareho! sayang sa frames ang bawat segundong wala silang sinasabi.

- there is no comic relief of some sort (ang deep ulit!) walang funny part. as in KROO-KROO moments sa loob ng movie house.. anaknang! kasi nga masyadong serious yung flow.. ni hindi nga nakakakilig yung mga "chorvahan" nila eh.. mas nakakakilig pa yung mga "round-the-table" nung YOUTH CAMP eh.. hahaha.. :) it could have been better kung sinama nila kahit si EMPOY, POKWANG, VHONG NAVARRO, or even EUGENE DOMINGO! siguradong patok yun! sayang!

- the setting is good, but not that good. yung naging dating sakin nung movie is like parang BORACAY ADVERTISMENT combined with FREEWAY ENDORSEMENT eh. it's pretty obvious na almost yung mga suot ni anne is from freeway (wala eh, endorser sya.) and plus, sayang yung setting. ang ganda ganda sa boracay hindi nila na-maximize. suggestion? they could have done a scene na nag-so-snorkeling si aga and anne! oh diba? tapos maghahalikan sila habang mga snorkels! hahaha! chaaar. even their love scene is not that good. wala lang, may pahawi-hawi pa ng buhok! PWET! hindi intense! mas maganda pa yung kay angelica panganiban sa santa santita! (w/ jerico rosales!) the best! hahaha..

- maraming cast ang nasayang. as in, may mga ibang artista dun na parang napadaan lang (like rizza santos!) even si jon, mickey, desiree, rafael. ah basta madami! ewan ko ba, sana talaga andun si empoy o si eugene domingo! or yung batang mataba na parang bumbay na parang bading! :)

with all these reasons, kahit pano naman open-minded pa ko sa movie at may mga napulot din na magagandang bagay. :)

- gusto ko yung approach ni anne sa relationships! (hahaha... sorry aloi!) yung tipong live one day at a time.. enjoy while you can.. no expectations.. in short CHILLAX LANG! :)

- gusto ko din yung scene nila sa sofa.. yung nag-usap sila about their problem.. (YOU SHOULD REALLY WATCH IT ALOI!) yung tipong about sa pagtetext, pag-sho-show ng care at pagiging affectionate! haaaay. sapul! sapul na sapul! :) WOW! VERY WELL SAID! :)

- gusto ko yung swimsuits ni anne! hehehe.. :)

- at syempre may napulot naman akong qoutable qoute sa movie.. "IT'S NOT ENOUGH THAT YOU ACCEPT ME FOR WHO I AM.. YOU ALSO HAVE TO ACCEPT ME FOR WHO I AM NOT" kaboom! :)

so that's it! yung mga may plan manuod, THINK AGAIN! kung yung mejo hindi nga movie lovers hindi nagustuhan toh paano pa yung mga adeeek sa movies diba? pero its still your choice. after all, sabi nga sa movie naka-23 million sila agad on the first 3 days alone eh. (mostly siguro ng nanuod senior citizen! hahaha) and for anyone who got or will be offended, i am sorry. chaka BAT KA BA? blog ko 'to! opinyon ko lang ang bida dito! WAG KA NA! hahaha.. :)