30 August 2007

A Thursday To Remember! :)

waah! tagal tagal ko hindi nag-blog! nakakamiss. wuuuu. feeling ko addict na yata ako i-publish sa madla ang mga kaganapan ko sa buhay! oh well.. pasensya naman! I'M JUST SIMPLY HAPPY! wehehehe. (lalo nang alam kong ang ganda ganda ko talaga ngayon! weeee!) well, hindi ako ang nagsabi nyan ha? maraming tao ang nakakapansin nyan! and believe me hindi ko alam paano mag-react sa "sincere" na complimets. hahaha! (baliw ang gaga!) ah basta, katulad nga ng lagi kong sinasabi kay chasha.. "masaya na ko nang maganda ako!" yea boi! :)

*JCBA vs. SCARLET*

takte! third game namin kanina sa volleyball, and natalo nanaman kami. huuuuu. naaawa ako kasi alam kong FULL EFFORT yung mga teamates ko tapos natalo kami. (BOO ken valencia! hahaha. peace tayo ken!) pero syempre sa bawat laro naman may talo at panalo diba? masakit lang kasi 2nd time in a row namin maging loosers. huuu. pero weniwey, babawi yan sa sunday! yeah! talunin ang PRE-COM! woot! :)

*GO RIZZA FIGHT!*

kanina, nahuli lang kami ng onting minutes ni irish kaya hindi namin nasaksihan ang laban ni rizza! wahehe. basta, may kaaway sya. syempre sa bawat away ng mga girls hindi nawawala ang mga sigawan, duruan, murahan, at SABUNUTAN! although "kwento" nalang naabutan namin, sayang talaga! wala tuloy documentation! tsk tsk. naabutan namin kasi aregluhan na. haaay! di bale rizza WINNER ka parin! mas marami nahablot mong buhok! hahaha. ganda mo gurl! mejo matapang ka pala noh? :)

*ATE KAT'S BIRTHDAY*

yeah yeah yeah! birthday ni ate kat ngayon, kaya HAPPY BIRTHDAY ATE! sa mandaluyong kami nag-celebrate kasi ang gulo-gulo sa bahay eh. tapos ayun, may chocolate fountain, tas maraming maraming pagkain (buti hindi ako inatake ng bulemia!) pati masayang KANTAHAN! wehehe. "extreme.. extreme.. magic sing!" ah basta! ang saya saya kumanta. lalo na yung mga kantang masaya kantahin! basta! oks na oks ang family affair na ito! talagang kahit 10pm na ko dumating sa mandaluyong, oks parin! weeee.

*JOJIEJEB'S SURPRISE!*

pagdating ko ng mandaluyong, andun si ate joj at kuya jeb. ayun chikahan ever! at syempre, nachenes ko sila about their HK trip. tapos biglang may inabot si kuya jeb na pink plastic sakin, tapos pa-cute pa ko, sabi ko "anu toh?" (pero alam ko nang punchers yun!) tapos i opened it and POOF! ALPHABET CRAFT PUNCHERS! weee. ang saya saya talaga! natutupad talaga ang mga pangarap sa ngalan ng mga bituin sa langit! yea boi! ang saya saya talaga! alam ko kasing super mahal yun eh kaya kay kuya jeb ko winish yun! (hehehe!) at ayun, after ilang months.. CHEDENG! dumating din! kailangan pa palang dumayo sa ibang bansa mabili lang yun! bwehehe. sabi ko nga kay ate les eh "kapag ako nagkaron ng bagong boypren susulatan ko gamit ang craft punchers!" hahaha. sabi nalang nya "GOODLUCK sa kalyo mo!" weee. again salamat salamat salamat ate joj and kuya jeb! mwaaah! :) ayan! sasaya sasaya sasaya narin ako. :)

*SOUL SEARCHING*

inaatake ako ng insomnia lately. kahit gusto ko matulog ng maaga hindi ko magawa. nakakainis. kaya kapag wala akong magawa, nag-so-soul searching ako. paano? wala. bubuksan ko lang yung bintana ko ng konti tas titingin dun! basta. masaya dahilandami kong nakikita. (pati yung lalaking kukuha ng brip sa sampayan ng nakatapis lang! hekhek!) basta masaya. at least hindi na ko nag-e-emo emohan jan! hahaha. *flips hair* ganda ganda ko eh! :)

ayan.. dahil super kapal na ng mukha ko titigil ko na itong post ko. babushkie for now! mwah mwah mwah! (uy! ang sweet ko!) ge.. byebye! :)

25 August 2007

You've Made Me Stronger

halluu world! wow! namiss ko mag-blog ah. ang tagal-tagal ko hindi nakagamit ng pc.

reason 1: nasa baba na kasi yung pc. sa alanganing lugar. hindi comfortable.

reason 2: si dad 24/7 sa pc. dota, counter strike, surfing, yahoo games! lahat na. hindi ako makasingit kahit school work.

reason 3: alanganin ang height ng kinalalagyan ng pc. kapag stool ginamit ko, masakit sa kili-kili magtype. kapag normal upuan masakit sa likod.

pero kahit na ganyan ang sitwasyon hindi ko na mapigilang hindi mag-blog at magpost ng pics. ang dami-dami nang nangyari sa buong week ko eh. hehehe. at matuwa kayo dahil karamihan nito ay masasaya. (goodbye emo days!)

pero hindi ko na iisa-isahin ang mga pangyayaring yun dahil baka-mabato kayo. pati baka yung iba hindi makarelate. hehehe. basta okei sya. masaya ako! at masaya si mama para sakin dahil masaya na uli ako.

what about the title? hhhmm.. what can i say? sabi nga nila diba? "kapag nagsara ang pinto, may mga bukas na bintana naman." or is it "kapag may nagsarang pinto, may panibagong bubukas." basta something sa pinto! tapos! ayun anyway, kaya nga siguro naging "SUPER FAST" ng aking recovery ay dahil narin sa mga taong tumulong sakin. yung mga taong nandyan nung 'mahina' ako. yung mga taong nagtiyaga sa mga iyak at reklamo ko sa buhay. basta lahat-lahat sila. super salamat. and what do you know? within 2 weeks ay napabuti na ang kalagayan ko. (akala ko ipapadala na ko sa states para makalimot eh! hahaha!) so ayun, kaya ngayon dedicated sa kanila itong post ko na toh! (halaa! sige hanapin nyo name nyo ha?) nawa'y "mahipo" mga kalooban nyo! GAME!

*GOD*

>> ang tunay na nagbigay ng kalakasan sakin. thank you po sobra! sa lahat-lahat, kahit matigas ulo ko, kahit pasaway. hehehe. thank you din po sa pagdinig ng prayers ko. :)

*kuya noel*

>> sino pa naman ba ang mauuna sa mga chismis at intriga? syempre si kuya noel yan! hahaha! *peace bro!* syempre sya ang nandun nung "live performance" ng drama anthology ko, malamang sya una makakaalam. hayun. maraming insights ang napulot ko sa kanya. (kahit hindi sya sanay mag-advice sa mga ganitong topic..DAW!) kahit nung una sarado utak ko sa mga paliwanag nya dahil hurtful pa ko super. siguro sa kanya yung pinaka-mahirap na stage. syempre hindi pa ko makikinig nun dahil ang gusto ko lang ng mga panahon na yun ay umiyak, umiyak, at umiyak pa! basta kuya salamat! :) (naka-save sa archives ko yung mga pangaral mo sakin para pag nakalimot ako babasahin ko uli yun!)

*mama ko at ate ko*

>> nung panahon na hindi ko na talaga kaya, "dumulong" na ko kay inay. (read my past post.) at napakalaking tulong naidulot nun. hindi ako nagkamali sa paglapit sa kanya. basta super mom i luuurve you! same with ate, yung mga comforting words nya (kahit sa comment lang!) nakakalakas ng loob! and same thing with my other ate, silent pero alam ko may care din sya! basta inspirasyon ko yang 2 yan para maging strong pa!

*cha & bits & ate jojie*

>> salamat gurlfriends for that "back up"! kahit na ginawa nating 'chickahan portion' ang debut ni anne, masaya ako kasi nagtiyaga kayong makinig kahit na alam nyong paulit-ulit na ko sa kwento at paulit-ulit na kayo sa kakasabi ng "ok lang yan." hehehe. mahal ko kayo GFies! (tama ba spelling cha?)

*steven james*

>> sabi ko naman kasi sayo ikaw talaga crush ko eh! kaya nga ako naka-move on agad dahil anjan ka lang eh! i CRUSH you binoy! ikaw nalnag pag-asa namin ni bits maging contado, kaya tanggapin mo na ang super offer namin na super girlfriend! wehehe. :)

*daddy mikko & bes*

>> hayan! dahil sa ginawa naten 'bonding session' nung bumabagyo, naging ok ako kahit paano! wehehe. enjoy talaga yun! basta lam mo naman kung gaano kasaya yung panahon na yun diba? pati nakakatuwa kasi kung hindi pa ko sa inyo nag-open, hindi tayo magiging super duper close! wehehe. next time pag kayo naman may prob sa bahay naman namin tayo! wehehehe.

*kuya jay*

>> bakla ka! salamat sa kaliwa't kanan na sampal, sa pagyugyog, at syempre sa HUGS! waaah! salamat sa advice ha? lam ko hindi ka biased kahit na lam mong gurl (ay bakla pala!) ako! salamat talaga kuya jay! huuuu. kala ko pa talaga nung una di kita makakasundo eh. :) i was wrong and im sorry!

*son*

>> seatmate! salamat sa iyong balikat (kahit mababa) nung panahon na umiiyak ako kahit kailangan mag-aral! wehehehe. salamat sa pangaral na "hindi lang ikaw ang dapat happy!" i luuurve you son.

*irish, ivee, marga, jill*

>> salamat dun sa mga attempts nyo para maging ok ako pati sa mga patawa sa likod ng pag-iyak. pati sa "GIRL POWER" na advice. wag kayo mag-alala, naalala ko na MAGANDA pala ako kaya hindi ko na kailangan umiyak! yea boi! :)

*mar-b*

>> kung di dahil sayo, hindi alo magiging strong. mas weak ka pa sakin eh and i think kalingan mo ng help namin kaya hindi pwedeng weak tayo pareho. hehehe. fight lang barbie! kaya mo yan! ako nga nakaya ko eh!

*michael torres*

>> dun sa bonding sessions naten sa MRT, kila ey, pati during trainings. hay! salamat dahil hindi napagod tenga mo kakakinig sa reklamo ko. at ni-lift mo pa ko! masaya na ko dun! hehehe.

*EDWARD ALLEN ESPINO*

>> itlog! ate ka! nang dahil sayo nag-iinit ang paligid kasi YOU ARE SO HOT! hahaha. salamat sa patawa mo pati sa pag-sama mo sakin mag-KISS! hahaha. soul searching tayo sa sahig nyo!

*LEANDRO S. CABRERA*

>> pagmamahal ba? walang katapat ang kay dalo! wahehehe. kahit mapuyat puyat na yan nag-uusap pa rin kami nyan. hindi nagsasawa sa mga reklamo ko sa buhay. kahit pinagtatawanan ako nyan okei lang! at least sa pag-iyak ko napapasaya ko pa pala sya! hahaha. partida nasa dumaguete pa yan, eh pano nalang kung andito pa sa manila yan? baka naubos na namin isaw at banana shake sa UP diliman! weeee! (batiin nyo kami sa september 6. 3rd monthsarry namin! hehehe.)

*berber & vani*

>> mga baklita! salamat sa mga comforting HUGS and advices and pagpapaalala na ako si MELAI GURL ang KILABOT NG BA6! wehehe. (sayang talaga yung ms. JCBA noh?) basta thank you!

*he who must not be named!*

>> syempre kasama ka dito! at ikaw ang finale. salamat dahil sa kabila ng lahat-lahat ng ginawa ko andyan ka parin. saludo! tsk. salamat sa pagpulot ng pira-pirasong parte ng "heart" ko. ingatan mo yan, malay mo ikaw na ang muling bumuo nyan! yikee! *kadiri! ang mushy!* pero nagkaintindihan na tayo diba? antayin mo ko after ng masterals ha? hehehe. :) loko lang. *peace*

--> at kung may nakalimutan pa ko thank you thank you. sa pagtapik sa balikat (kahit nakakirita), sa haplos sa braso or sa mukha, sa pagsabi ng "ok lang yan", sa mga texts na nakakinspire at nakakatawa, sa lahat! super salamat!

and with that i end this post, my emo days, and my PAST. welcome the new melai gurl! hehehe. 20 na ko. bagong buhay na, at kailangan ito magsimula sa sarili ko.

*exag ata post ko! feeling ko last will ko na toh eh! hahaha. *katok*

18 August 2007

Longing.

"if you want me to go, then say it. if you want me to stay, then show it. don't be afraid. don't break this heart of mine. now's the time, if i'm right, then we've come to the end of the line. :( "

if i were aware where that line lies, then i would have been prepared that somewhat i was near the end of it. I AM TRYING so hard to forget you, and yet, the memory keeps hunting me. i know i know i should ignore it, but, it just seems so hard to do. i feel so.. so.. *blank*!

it wasn't just any relationship. (believe me!) hindi lang naman kasi "boyfriend" nawala sakin eh. best friend, dada, partner in crime, iyakan, baby, at marami pang iba. sabi ko nga he's my "everything-on-it" pizza! hay! kaya siguro ganun nalang din talagang kahirap bumitaw agad. mukha nga akong tanga eh! hindi lang tanga bulag-bulagan pa. anu na ba kasi kailangan ko ma-feel? kairita na eh. ayokong-ayoko nacoconfuse eh. kasi naiisip ko, kung ganun nalang kadali bitawan lahat yun ibig sabihin walang kwenta yun? i believe not.

pero sabi nga ni kuya noel sakin (at hindi sya mahilig mag-advice kaya naappreciate ko talaga!) na kung naniniwala parin daw ako na kami nga eh i'll just have to pray and have faith. kasi daw kahit walang efforts from both parties eh maibabalik yun. kung ayaw ni GOD wala na tayong magagawa, kung papayagan naman nya eh di maghintay nalang. patience is the key. (eh wala ako nun!) so for now. i'll just have to continue my life.... without him. sabi nga nya, mahirap talaga gawin. basta daw i'll just ahve to keep in mind that "no strings attached" means back to ZERO! as in wala! kalimutan ang lahat-lahat! (mahirap oo!) and always be on the safe side, dahil itong time na ito yung pinaka-crucial dahil masyadong "fragile" ang mga emotions. kaya ayun. bahala na si GOD. naniniwala parin ako, pero kung wala na talaga sana patigilin narin nya ko kakapaniwala sa kung anu man.

mahirap kasi yung naka-hang. ewan ha? pero sa kahit saang bagay naman diba mahirap talaga yun? hindi makagalaw kasi naka-hang. hindi maka-urong, wala. kaya nga i keep praying ng "better days" para naman kahit baby steps umuurong na rin ako. naglolook ahead sa "end ng tunnel" pero patuloy na lumilingon sa iniwanan. hay hay hay! prayer warriors.. please ha?

basta. kaya toh! iwas "sentihan" nalang muna. linisin mga dapat linisin. itabi, itago ang mga bagay-bagay. para mas madali! hahaha. in short maglinis ng kwarto! hahahaha. ah basta yun na! sige sige at nangaagaw nanaman tong si dad sa pc. ciao!

17 August 2007

Kaibigan. Tara. Usap Tayo.

wala nanamang magawa. umuulan. walang pasok. katamad kumilos. hindi makatulog kahit masarap matulog. at hindi makakain kahit masarap kumain. hay! anu beh? kelan ko ba uli masisilayan ang UST, ang commerce building, ang 4ba6, ang dancesquad, at syempre ang aking crush na si CHESTER TAYLOR at ALBERT GO! nyahaha. (puro athlete ah!) weniwey, basta i soooo miss school, i miss the "toxicity" and the "semi-annoying" professors and blockmates! harhar! (kasama ka dun LIM UN!) so ayun. blah!

ayoko masanay sa mga ganitong "lazy mornings". why? kasi pagnagkapasok nanaman mahirap uli mag-adjust. although masaya kasi maaga na talaga ko nagigising. sana lang kasi wag naman as early as 6:30am eh noh! tae! ang haba ng araw. hihihi. nauubos agad ang mga dapat gawin.

weniwey, sabi nga ni dalo, baka nga kaya laging walang pasok is kasi daw binibigyan daw ako ni GOD ng time to really think. i-assess uli ang sarili, and i-maintain ang focus. kumbaga, para pag balik ko sa school, study mode na uli. iwanan na ang "drama" sa bagyo at ipatangay sa hangin. yeah! astig. "sige lang, sandal ka lang at wag mong pipigilan. isigaw mo lang ang lahat sa hangin, iiyak mo lang ang lahat sa akin." ayan ang paulit-ulit nyang kinakanta sakin habang magkausap kami sa phone. (di na nga nakakaaral ng chem yun kakakulit ko sa kanya eh.) tas ang reply ko naman ay "tuloy parin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo, handa na kong hamunin ang ating mundo, pagkat tuloy pariiiiiin.." ayan! napaganda pa naman ng boses namin kapag nagaasaran sa phone! sabi ko "kulang nalang yung kotse pati U.P diliman okei na eh!" at ayun, biglang namiss ni loko ang isaw at banana shakes. :D

i feel better today than yesterday. achievement ko for the day? hindi ako umiyak. 2 consecutive days na. i mean hindi ako umiyak physically, gets? ah basta no tears! ito ay dahil sa mga taong, umaalalay sakin na hindi na muling madapa (at madungisan!) literal! muntik na kong madapa sa putikan kanina dahil ang arte-arte ko at sinuot ko pa yung "highs" ni ate les eh umuulan at nakapambahay lang naman kami! (natatalsikan kasi ako pag naka flip-flops lang.) ito kasing sila mikko napakaharot sa daan! hay! :D mapapasigaw nanaman ako ng 'paksheeeeet!' nito ng wala sa oras eh. (at wala sa POISE!) hahaha.

so ayun, i've spent the whole day with my kada. kada ko dito samin. all boys. ako lang bakla. wala kay mommy yun dahil kilala nya isa-isa yung mga yun at kilala nya mga magulang at alam nya san nakatira kaya no worries sya. so weniwey, second time na namin uli mag-bonding (kahapon kasi major road trip kami!) tas ayun, kwentuhan sa life, asaran, nuod dvd, dotahan, ps, basta lahat ng "lazy mode" na ginagawa ng boys! nagluto na sila ng meryenda. hindi ako interesado kaya hindi naku nakigulo sa pagkain. isusuka ko lang yan! :D

mabilis naubos yung food, parang tinangay ng bagyo! at si mikko lang ang naiwan sa table. tinawag nya ko para kumain, but i said no. sinabi nya nalang "lumapit ka nga dito!" at dali naman akong pumunta. "magsalita ka na nga? anu problema mo ha? yang ganyang mukha mo familiar sakin yan! ganyan ka naman eh. lumalapit ka lang samin pag may problem ka!" "hoy hindi ah! ang sama mo! weniwey..ganito kasi.." and i've told him everything magmula nung simulang-simula hanggang katapusan. with all honesty, hindi edited, hindi dagdag bawas. wala akong mapapala kung mag-iimbento ako ng kwento. (hindi ako umiyak!) and after na magkwento ako (at matuyuan ng laway!) biglang tumawa ang loko, hindi lang tawa kundi halakhak. bigla nyang tinanong "nakatago pa ba memorabilias naten sa inyo?" "oo naman. bakit?" "punta tayo sa inyo kunin naten tas balik tayo dito!" and so we did. hindi ko alam anung plano ni loko pero ginawa namin, pinagsunod-sunod yung mga letters, at kung anu-anong achechenes. (it was kind of fun kasi ang 'gayish' eh! imbes na naglalaro kami ng ps ayun kami at nagpapaka-mushy pillows!) tas isa-isang nireview. "hindi ka ba napapagod? nagrereview ka na for your exams tas rereviewhin pa naten past naten?" "manahimik ka!" antaray ng lolo! tas ayun. after we've finished he said.. "see? see? same lines, same script! same delivery!" napanganga ko. oo nga! parang replay, iba nga lang leading man ko! same movie ika nga namin! pero sabi ko wala silang resemblance.

anu nga bang ibig sabihin nito? nakakatuwa dahil yung mga binitiwan kong salita dati sa kanya, hindi rin pala nagkatotoo. i mean, some did went well, pero yung mga "hihintayin kita.." "hindi na ko magbbf ng iba.." at kung anu-ano pa hindi naging totoo! oo we still value yung "favorite bf/gf" na terms namin pero secret nalang namin yun kasi baka makasagasa kami. basta all he said was nasasabi ko lang daw lahat ng toh dahil nasasaktan pa ko ngayon at i wanted to relieve my pain. may psycho factor daw! (takteng tao kasi toh! tingin talaga sakin psycho! pati pagkain ko psycho! pati pag-me-make up ko! lahat na!) sabi pa nga nya hindi daw talaga ko nagbago, mas naging matured ng onti yung pag-iisip pero i'm still "pochay" to him. yung once daw na "so highschool" nyang gf na nagdalaga na daw! hay! kakatuwa kasi nung narinig kami ni bes, biglang lumapit tas sabi "alam mo, prinsesa ka dito kahit anong gawin mo! magkaron ka man ng prinsipe wala kaming paki!" aaaaww.. ang "gayish" talaga ng mga toh! basta i'm just feeling better dun sa ginawa namin ni mikko. (and sorry naman, ako lang ang hindi pinagseselosan ng gf nya! bwhehe!)

siguro nga kaya nangyari toh para din mas bigyan ko naman ng halaga yung iba kong relationships. (friends, family, others.) like for example kay mikko, ex ko sya. alam din nila kath kung panu ako nahirapan sa kanya. first time ko rin nag-open kay ate les tungkol sa relationships nung nanghingi ako ng advice tungkol kay mikko. mga first achechenes sa kanya galing. all the while kala ko kaya lang kami naging ok kasi kailangan maging professional (sa SK kasi mahirap may conflict! pati sa kada.) pero hindi pala. we're still the same, sabi pa nga nya "kala ko ba ako dada mo pati besfren? see? see? sya pla yun!" and then we laugh. he still cares kasi daw talaga sabi nya, and sabi nilang lahat, ako lang daw ang naiibang girl na kaibigan nila. kung mga sira-ulo nga sila nanligaw na sila lahat sakin, pero mas masarap daw akong barkada! WELL, MAS MASAYA TALAGA AKONG KABARKADA PERO NAMIMILI AKO! HAHAHAHA.

kakatouch kasi kalalaking tao nitong mga toh pero ganito sila ka-sensitive. minsan din kasi sakin sila nanghihingi ng advice sa mga gf nila. :D ah basta! bakla o hindi, wala akong paki! friends are friends.

hindi ko pa uli nakakabonding mga gurlfriends ko sa church kasi super busy eh. pero in time, say SEMBREAK, (except for chasha!) ay makaka-uber bonding ko na uli sila! bwehehehe. go gurls! alam ko namang picture picture lang ang remedy ng lahat ng ito eh! hahahaha. mwah! mwah!

ayun! kaya kayo, kung may mabigat kayong prob.. kaibigan tara! usap tayo! mga totoong kaibigan lang ang nakakaalam ng totoo mong nararamdaman! hehehe. ah basta! i luuuurve them! all of my friends i luuurve you with all my heart!

and with this blog, masasabi kong, finally.... I AM BEGINNING TO BE HAPPY AGAIN! better days! ciao!

16 August 2007

Bakit Nga Ba?

isa rin ito sa mga tanong na lagi kong iniiwasan ngunit pilit na sumisiksik sa utak ko. hhhmmm. bakit nga ba? ganito. ganyan. at pag nasimulan mo na ang tanong na yan, susundan na yan ng mga "hindi kasi ganito ganyan!" malabo! nakakainis. nakakaiyak. nakakasuka. sabi nila yung buhay daw parang isang "wheel", kung ngayon daw ay nasa ilalim ka, in time aangat ka narin sa taas, dahil patuloy lang ang pag-ikot ng wheel. ito ang iyong buhay! "life must go on.." sabi nga ni mama, binara ko siya. "what if yung ikinabubuhay mo / yung nagbigay ng worth sa buhay mo nawala na? paano ka magpapatuloy diba?" she just threw me another question, "kung si mama ba ang nawala magkakaganyan ka din?" and then i shut up!

oo nga. bakit nga ba? bakit kapag heartaches na ang nararamdaman ng isang tao, most especially girls, parang end na ng world nila. well, you can NEVER blame us. sobrang EMOTIONAL kami magmahal mga girls. kaya nga pagnakakahanap na kami ng "close to perfection" na relationship, hinid basta-bastang ni-le-let go yun. (yes, we might go "somewhere else" pero it will always be our HOME that we'll go to in the end?) martyr? oo! sobra! minsan talaga kinakalimutan na ang sarili para lang sa mga achechenes na drama moments at pagluha. hay! tama na kasi. ayoko na! pero bakit nga ba? bakit kahit nahihirapan na ko ng sobra sobra patuloy parin ako sa kakaganito? bakit nga ba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba sa tuwing napapangiti ako, naiisip ko na "sana sya ang dahilan nito.." "sana mapasaya na nya ko ulit.." pero hindi ito tama! anlabo ko ngayon kaasar! kasi feeling ko tuwing sumasaya ako ng konti (kahit sa simpleng paglalambaras ng mga pusa namin sa cage nila.) feeling ko plastic yung pagiging happy ko. ewan ko lang ha? pero last sunday, nung pinagtitripan namin si binoy at si lansulot, sobrang totoo tawa ko nun! haha! minsan nga naaawa narin ako sa mga tao sa paligid ko eh. imbes na may inaatupag silang ibang mas makabuluhan, heto, patuloy ang pagpamper nila sa isang malditang batang nag-iinarte. thank you so much guys! i love you all. oh see diba? i've got lots of someone who loves me. and yet isa ang hinahanap ng puso. hay. bakit nga ba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba mahirap bumitaw? dahil hindi ko naipaglaban kaya hindi ako mapalagay? dahil ba hindi ko pinahalagahan kaya gusto kong makabawi? dahil ba masyadong malaki ang mga nagawa kong kasalanan kaya gusto ko itong ituwid? bakit nga ba? napapagod narin ako kakaisip dito ha? alam ko masaya na sya. pero bakit ba hindi ako makuntento dun? nagpapaka-selfish ba ko na gusto ko sakin sya maging masaya? bad gurl melai! bad! hindi ko na talaga alam gagawin ko. GOD.. please? tapusin nyo na tong part ng buhay kong toh? :(

oo nga. bakit nga ba? kahit ilang tao na ang kumausap sakin tungkol sa nararamdaman ko, at todo explain na ang lahat ng bagay ay may purpose, but still, bakit nga ba? bakit hanggang ngayon hindi parin ako mapalagay? parang "multo" ang mga pangyayari. malimutan mo man ngayon, it will forever hunt you! in your dreams, kapag masaya ka na, kapag okei ka na, you can never tell! yung mga person pa na nakakausap ko is yung mga least likely kong nilalapitan pag may prob ako. i won't mention names baka mabuking sila. wehehe. basta, this time kasi ayoko din na yung mga super close friends ko yung makausap ko kasi alam kong whether they like it or not, magiging biased sila sa mga paliwanang nila. and i don't want that. gusto ko yung walang papanigan. hehehe. haaay! basta maraming salamat sa lahat lahat ng nagtyatyagang kausapin ako sa likod ng kabaliwang ito.

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba kahit na alam ko nang wala na tayog mararating, bakit meron parin akong nararamdamang "someday" sa loob ko. yung "balang araw" na sinasabi nila, yung mga "malay mo naman diba?" haay! lagi ko tong sinasabi pero ito ba talaga nasa puso ko? ayoko ng false hopes. ayoko din ng wish! sabi nga ni ate joj, iba ang wish sa hope, at sya ang hope! hay! patayin ang feelings na ito! ayoko na talaga! wag ko na sabayan ang bagyo ng iyak ko. kapagod na eh. weak ka na nga pinapahina ka pa ng panahon? anu ba namang klase yun diba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba yung mga recent post ko ay maraming "typo error"? well, isa lang sagot jan. mahirap na i-correct ang tinatype habang umiiyak at umaagos ang emotions mo habang nag-ta-type ka. naku ako pa naman hindi tumitingin sa monitor kapag nag-bo-blog! wehehe. sorry naman!

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba mahal kita kahit na di mo pinapansin ang damdamin ko? di mo man ako mahal ito parin ako nagmamahal ng tapat sayo. bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka nang iba? bakit baliw na baliw ako sayo, hanggang kailan ako magtitiis? bakit nga ba mahal kita?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba biglang si ROSELLE NAVA ang napagbuntungan ko ng blog ko! malamang kasi yun yung naririning ko ngayon sa radyo! taeng radyo! whatta timing! hahaha. sige na sige na kakalurka na tong DRAMEDY ko sa buhay! ciao!

*happy crying!* -dalo

15 August 2007

Ok Lang "DAW" Yan..

hey hey hey! napaka-aga pa. drama nanaman ba? hay nakuu! suko na mata ko, magang-maga sa kaiiyak. takte kasi! baliw na yata ako! natulog na nga ako ng maaga kagabi eh. 9:30 sharp i was asleep. at ayun, 5am nagising nanaman ako, this time walang alarm. well, siguro "brain alarm" gumana kasi hindi pa daw ako nag-aaral... AGAIN! takte kasi haggard naman ako kahapon noh! kaya ayun, pagka-gising ko aral agad. and then, isang page palang ang nababasa ko, i began to cry. huuuuuu! bakit ba kasi! sabi ko naman wag muna ngayon, mahirap eh! but no! God is so insistent na i-test ako. hay! but then i just said "bring it on!", iiyak lang naman ako eh, tas susuka ulit, and then after that i'll be fine. for a while! wehehe.

*MY CRIES, MOM'S ALARM*

5:30am at ngumangawngaw nanaman ako. ang lamig ng feeling. (kasi nakatutok sakin electricfan!) tas ayun, habang inaaral ko ang walang kabuluhang business ethics, iyak ako ng iyak. and then my mom woke up. "nakuu! baka pagalitan na ko nito kakaiyak!" but then, mabait si mom/GOD, she lied beside me and hug me tight. and told these words 'anak! na "first love" ka ata sa kanya ah.' and then i started to cry hard! oo nga siguro, i said to myself. pero diba? paano pa? wala na eh. huuuu! well then, ayun as our conversation goes on, we tried to sit down, she hold my hand and we prayed. we prayed not only for what i'm going through but for our family as well. kasi daw she thought i was the "strong one" since she never sees me na may bahid ng problema, siguro schoolworks lang. ngayon nya lang daw ako nakitang ganito ka-weak, kaya doble ang hurt na balik nito sa kanya! ewan ko ba, pero pag si mommy na nagsasalita, i feel safe. basta parang laging secure yung feeling. basta lagi kapag lalakas na yung iyak ko, hihigpit ang hug nya. at kapaga nasusuka na ko, hahampasin nya likod ko. (sweet noh?) and after we prayed, humiga ulit kami. she wrapped me in her arm like a little baby (damulag!) and hummed hymns like "God and God Alone", "I am", "In His Time", at di ko na alam yung iba. it made me calm down (and made me miss YOUTH CHOIR!) pwet! tagal ko na walang practice. basta, ayun! iba na talaga kapag kakampi mo mommy mo. mommy pa lang yan ha? anjan pa 2 kong ate! bwehehe.

sabi ko kay mom "anu ba toh. ganito nanaman. bukas ulit mom ha?" at walang sabi-sabi nahampas bigla pwet ko! ouch! :P

*I'VE GOT ALL MY SISTERS WITH ME*

ate kat & ate joj, you're words are sooo.... *blank*! di ko mahanap right adjective to describe it! basta salamat! naramdaman ko kayo kahit malayo! hehehe. si ate kat, as what my mom was telling me kahapon, should be my source of strength. why you say? kasi compared to her, dumi palang ng kuko pinagdadaan ko ngayon! and sya nga nakaya nya eh, ako pa daw hindi? parehong dugo lang naman daw tumatakbo samin eh! hahaha. basta ganun. and syempre hindi pwede balewalain si ate les, dahil kung si ate kat malakas, si ate les magaling mag-divert ng attention, never loosing focus. and dapat din daw ako ma-inspire dun! hehehe. si ate joj naman.. may "sister bond" naren kami nyan! i remembered my first camp sa blueroze, sya ang unang counselor nun na lumapit sakin and, what do you know diba? we have our same "father series!" hehehe. love banquet yun, natouch ako sa lahat ng sinabi nya sakin nun. wehehe. kaya ayun since that day i know magiging superb kami! plus super close nila ni "nanay kat" nya! at mejo mejo kay "tita les" nya. (lahat naman yata kasi close nito ni ate joj eh!)

hay naku! kung anu bang objective ni God ewan ko. pero ako, nung time na sila ate ang ganito, super pray ako for their happiness, akala ko okei na sya nung birthday ko. (it was one that i wished for nung first time kong napunta sa isang catholic church! basta may ganung kheme kasi sa kanila!) kaso sumablay yung isa, tsk! (hindi lahat nadadaan sa mrs. fields! bleh!) ayan, tas ngayong mejo okei na sila, ako naman. hay! sakto lang din tong phasing ni God eh noh? alam nyang matindi-tindi yung lagapak ko, kaya ni-ready nya yung 2 alagad ko to pick me up! hehehe. isama pa ang punong kawal na si mommy! hehehe. kagaya nga ng sabi ni ate kat "may 4 na tao sa buhay mo na hindi makikipag-break sayo..." weeee. *naiiyak ako swear*

*MAHIRAP MAGBASA NG WALANG MAKITA*

literal! sige nga i-try mo! eh kasi naman, sa super iyak ko, namaga ng todo mata ko, at ngayon hirap na hirap ako mag-blog dahil di ko masyado makita. takte! mukha na kong chinese na nag-da-drugs! wehehehe. tas hindi rin ako makabas ng hand-outs kasi size 8 yung font. pweh! mamaya nalang pag-kumalma na mata ko uli! whe will this end? hindi ko alam. pero alam kong nasa akin lang din yung decision na yun. sa ngayon hindi ko alam. masaydong malalim ang sugat, at ang paggaling ng sugat dumadaan sa proseso. hindi kaagad magaling na! got it? uh-huh!

*MEMORIES ARE ALL THAT'S LEFT*

ITO ANG PINAKAMAHIRAP PAKAWALAN! as in! hindi ito agad agad! hay buhay! mahirap kasi marami eh. mahirap itapon dahil "it's too precious to let it all down the drain." and i know hindi ito mapapalitan / mahihigitan ng iba. *mark my word* iba sya, naging iba ako sa kanya, iba kami! hay! pero wala eh. chedeng! wala na. ampf! ayoko narin mabuhay sa mga "if only.." lalo akong nahihirapan kasi kahit ilang "if only" gawin ko, time can never be brought back. aaaaw. nakkainis. nakakaiyak. nakakasuka. sabi nga ni kath 'sasaya. sasaya. sasaya din ako.' paano kung hindi? i mean sasaya nga pero di tulad ng dati. gets? hindi magka-level. hay!

hindi ko ringagawin ang ritual kong afetr a break up "sunugan" galore. sunugin ang mga letters, memorabilias, etc. NOOOO! i'm not that person anymore. yung mga yun for keeps yun. para naman pag tumanda akong dalaga, may masasabi parin ako sa mga kabataan na 'ito ang ebidesyang nagmahal din ako ng sobra once in my life'. naknang! may ganun? hehehe.

at ngayong lumalakas ang ulan, napapagtripan kong maligo sa ulan. para umiyak ng todo, at isama sa pag-agos ng ulan, at para kung masuka ako, madali linisin. bwehehe. :D wala daw ata pasok. hindi pwede! ayoko buruhin sarili ko dito sa bahay, at umiyak pa lalo! baka bukas wala na talaga kong makita! wala pa man din si mama dito sa bahay, walang magpapatahan sakin. :( at bago pa mag-brown out, tatapusin ko nalang muna itong post ko. ciao! :D

Broken By You. :(

first lonely night, what will i do? i feel my heart breaking in two. i'm such a fool, when will i learn? i fell so deep, and then i got burned. if you gave me just one reason why my heart just might let go. maybe one day i will fall in love again,
but for now i'll just leave my heart in two.

if i never fall in love again. if i never touch your skin again. if i never feel again this way. if i never see another day. remember me, remember this. cause one thing that will never change is the feeling in my heart, so broken by you.

love still remains after you're gone. please explain where did i go wrong? and if you gave me just one reason why my heart just might let go. maybe one day i will fall in love again, but for now i'll just elave my heart in two.

never fall in love again, never pass this way again. never. never.
never fall in love again.

never had my heart broken by you, i'll just leave my heart in two. :(

14 August 2007

Better Days. :)

ooh-ha! halos wala pang 1 week pero ang improvement naman diba? better days na agad? bakit nga ba? oooops! hindi ko ito pinilit ha? (konting tulak lang!) eh kasi, for the past 4 days that i was crying so hard, ayun finally, kanina bumigay na mata ko. unang-una, sinaway na ko ni mama dahil may possibility na pumutok yung eyelids ko sa sobrang maga. secondly, nagsuka ako kaninang morning sa super iyak. and lastly, i am just simply tired. hehehe. kaya ayun! enough with the drama na! chaka ang dami rin nangyari this day, as in this day lang, that made realize a lot of things. naiiyak nga ako sa sobrang realizations na mga nangyari eh! simulan ko na?

*OF MY SHOES AND A MOTORCYCLE*

naglalakad ako sa kahabaan ng taft, papasok palang ako. naka-mp3 ay naka-todo volume. naglalakad ala super model na may "wind effect" pa at feel na feel. at biglang *plok!* nasira ang takong ko! at dahil naka-mp3 ako, i wasn't aware how loud my scream was, i ended up shouting "paksheeet!" tas nagulat ako andaming nakatingin, then pag angat ko ng ulo ko, may nag-cut na motorcycle from behind nung jeep, napatalon ako pagilid talaga! then... i panicked, and almost cried. tae! anu kaya kung hindi ako natapilok, eh di mega lakad parin ako along the road and then siguro nagasaan ako nug motorcycle. nakuu! noooo! hindi ako pwede magkaroon ng injuries kasi malapit na competition, kaya i'm very well taking care of my body and my shape. (coke litro? haha!) so ayun, narealize ko lang na, basta! kailangan ko pa mabuhay, salamat at naligtas ako kanina, kung hindi.. ampanget naman kung huling sinambit ko sa mundo ay "paksheeet!" diba? galit si LORD! bad gurl! bad baby gurl! kaya ayun, on my way to school, i just kept thanking HIM for that incident. isa nanaman ata toh sa mga senyales nya. "anak! gising! balik sa reality! andito ako, gagabayan kita!" haaay! ang sarap ng feeling!

*OF PRELIMS AND NOT STUDYING THE NIGHT BEFORE*

advice lang: kung plano nyo "break-up", please don't do it during prelims/finals/boards or any other major exams. mahirap super. just like me. i TRIED to focus. super prayed so hard for wisdom and clear mind. but then, ayan, hindi maalis sa isip ko. ang resulta, hindi ako nakaaral ng night before my prelims. TAX 1, ENTREPRENEURSHIP, at FEASIB lang naman exams ko. suuuuper patayan lang naman! sisihin nyo si dalo, dinaldal ako mula 8:30pm hanggang 1:30am! hahaha. at may pahabol pang text text ng 2am! (pati nga si chasha sinasaway na ko na mag-aral naman daw ako! :D uy! mabanggit lang ang name ni cha!) hahaha. hindi joke lang! ayus lang yun, mega kwentuhan lang kami! tas ayun, buti naka-alarm ako ng 4:30am kaya nung nagising ako nakabasa pa ko kahit pano. sa dami nang kailangan basahin naka 5 hand-outs pa ko. eh 17 yung total! hahaha! well anyway, super malakas ata ako kay GOD this time, at ang inaasahan namin super bloody exam sa tax, ayun suuuper dalii! i mean, it not as hard tulad ng naunang exam namin. hahahaha! super nakasagot ako, although hindi lahat dahil nakalimutan ko yung iba! ah basta! another blessing! at hindi pa nagtapos dun, sa entrep din hindi nakapag-aral. mahirap yung exam, pero lahat nahirapan, so lamang parin ako! sila na nag-aral nahirapan eh! hahaha. ako no efforts pero nahirapan din. QUITS! tas sa feasib naman, super dali kasi evaluation lang ng groupmates pati multiple choice lang! hay! and after all of those exams, i thanked HIM for guiding us, pati kasi nakaya ko mga exam, eventhough i didin't study that hard. nakuu! hindi na ganito sa finals promise!

*GRAD PIC CANCELLED*

dapat this friday na yung grad pic namin, but nooo! dexter announced kanina na na-move on september 22 na yung grad pic since ang daming nakareserve dun sa RED IMAGES, kaasar kasi naka-set na yung heart ko. pero blessing in disguise yun. 3 things! first, panget ng length ng hair ko ngayon so i bet hindi magiging maganda grad pic ko. secondly, i lack beauty rest! yup yup! sa mini dramserye na naganap nitong mga nakalipas na araw, super panget ng mata ko. panget na nga pumanget pa! takte! kaya ayun super ok na rin na hindi tuloy. and lastly, baka daw hindi maging "authentic" smile ko sa grad pic. baka bumakas pa sa mata ko na hindi ako masaya sa grad pic ko. ahahaha! kaya okei na rin na sa september 22 na. ONE BIG PROBLEM! yun yung araw ng competition namin! kaasar! magpapatong patong nanaman mga make-up sa mukha ko. hahaha! ah basta keri na yan! :D

*I KISSED DATING GOODBYE*

ITO ANG DAHILAN BAT TALAGA HINDI AKO NAKAARAL KAGABI. taimtim na kong nagbabasa sa tax, pero walang nagreregister. nakaakinis kasi i'm not like that, sakin kasi thrice ko lang basahin memorize ko na. but this time it wasn't like that! so anyway, ayun habang nagbabasa ako, bigla akong tumigil. tapos binuksan ko yung "mini-library" ko. sa kailalim-ilaliman, nandun yung mga joshua harris books ko pati mga iba pang inspirational books ko. i picked up i kissed dating goodbye. hindi dahil bitter ako na gusto nang isumpa ang mga relationship. noooo! no to bitterness! its just that i needed enlightenment, something na hindi ma-eexplain ng ibang tao, but only that book. so ayun. basa. basa. at basa pa. after reading the first chapter i just said to myself "shucks! ganun pala kapangit mga past relationships ko. it's so not pleasing with God! super nakonsensya talaga ako. nakakaiyak. naiyak talaga ko sa realizations ko nun. grabeh! super hingi agad ako ng tawad sa lahat lahat! (magmula ng kalandian ko sa lalaki! hahaha.) and after that i was relieved, and felt asleep.

*MOMMY KNOWS BEST*

6:30am gising na si mama. pagsilip ko sa kwarto she was doing her daily routine; pray, basa ng bible, daily bread, purpose driven life both tagalog and english version, and afetr that pray uli. i gave her some time, then pumasok ako sa room, lied beside her. and then, i did the unthinkable. i cried so hard in front of my mom. (usually kasi sa bahay patago akong umiyak, sa cr, ilalim ng kumot, sa terrace, basta tago! kasi my mom doesn't want to see us crying kasi hurtful daw sa kanya.) tas ayun, nagshare na ko. unang sinabi sakin ni mama is "thank you" dahil naging open daw ako. she gave me lessons. not the typical "sabi ko kasi sayo eh." but rather on how things will be ok, and how brave i am na i accepted na weak and defeated ako. basta mga ganung factors. feeling ko that time, it was God that was talking to me. as in. i cried and cried and cried. (ito rin yung time na sumuka ako sa sobrang iyak. napraning si mama.) tas ayun, after all that talking (lasted 1 hour and 30 mins.) narealize nya na late na sya for work, and i am almost laet for school. so we stood up, gave each other a tight hug, and then laugh! yes! we laughed because biglang umeksena si daddy at sumigaw. "bat kayo andito? anong oras na!" hahaha. funny rin pala minsan si dad! i love you mom! thanks! :D

*BEING STRONG FOR SOMEONE*

bago ako pumasok, akala ko super weak ko. ako yung natalo, naiwan, sinukuan, at lahat lahat ng kadramahan sa mga filipino movies. akala ko ganun ako. for a while oo, pero FOR A WHILE lang. ayan, kanina sa school, after namin mag-c.r. ni son, napaiyak ako, she knows what's it about. ayun she super pampered me, and her words stuck within me. "hindi naman pwede kasing ikaw lang happy, dapat sya din!" so ayun, napatahan nya ko, and malapit narin kasi exam nun, and indeed i felt well. hay! its just so good to have gurlfriends! you no longer need to explain, they just understand. after exam sa entrep, i know something's up with mar-b, paglabas nya ng room i called him 'boy! lika dito.." then i gaevhim a super tight hug, he hugged me back and told me "mahirap melai..". sabi ko na eh! something's up! kaya ayun, usap kami, i told him na things will go well, and then i said "hindi pwedeng dalawa tayong mahina, paano na feasib naten diba? we need to be strong. ok kung di mo kaya, i'll be strong for you, i'll help you." madrama man, at nakakahiya pero wala kaming pakielam nun! nagkalat ang mga 4th year at 3rd year studs sa corridor habang nangyayari lahat yun, but we don't care! tas sabi ko kain nalang muna kami kasi baka gutom lang ang lahat!

tapos namin kumain, super silent lang sya. and i'm not used to it. kasi sya lagi madaldal at mapangasar eh. so hindi ako nagpaka-pushy! i justw aited for him to talk. umakyat na kami uli for our next exam, and since super dali lang nun 20 mins. lang and then we were out. i know he needed someone to talk to kaya sinamahan ko muna sya at nagpunta kami sa field. hay! of all why the field! sabi nya para daw tahimik at mahangin! lintek! emoterong lalaki! hahaha. sana sa baywalk ko nalang dinala toh! hahaha. so ayun, he was silent. i waited. and then he opened up. yung mga hurt and pain na nararamdaman nya, lahat, from friends, to family, and with himslef narin. after nun, alam kong nagpipigil lang sya ng kanyang tears kaya i didn't look at him nalang. "nag-pe-pray ka ba?" i asked him. "lagi?" "oo naman.. ay hindi rin, minsan.." i adviced him what i learned nung group dy ni bits last sunday (akalain mong nabanggit din si bits! hi bitch! :D) sabi ko sa kanya, lahat lahat ng pain mo i-cast mo kay God, he'll give you rest. yun lang naman gusto nya eh, na sumuko ka para sya na gumalaw sa life mo. funny but true. basta mga advice ko sa kanya is more of pagpapahalaag sa sarili nya, sa family nya, and kay God of course. sabi ko din na kung hinid para sa kanay wag ipilit, dahil kung para sa kanya naman yun dapat hindi na sya nahihirapan. hehehe. (nag-aadvice ako sa kanya and at the same time sa sarili ko) basta ayun. and syempre i told him na he may have doubts kasi ako nga diba kakalagpak ko lang? sabi ko nalang, at least i know when to get up. oh dabah ang taray! beauty pageant ito! hahaha.

so ayun, after that, he was silent again. at onti-onti nang umuulan, inantay namin ng onti. alam niyo kung bakit? para isabay dun luha namin. naiyak din ako kasi ganun para nararamdaman nya, nakita ko sarili ko live! (but of course totally different stories but on the same category!) ayun, mejo lumakas na ulan kaya we decided to go home.

sa fx tahimik parin sya. at bago sya bumaba i told him "isipin mo lahat ng sinabi sayo mamayang gabi." and after that he closed the door. sabay naisip ko! shucks! wag pala dapat mamayang gabi! may FINANCE exam pa! hehehe. sablay ampf!

so ayun, that's how my day went. it may seem too plain, pero sakin it was really something. kung super dilim nung 11, 12, and 13.. ngayong 14 umaraw na, may rainbow pa! hehehe.. hay! i sooo luuuurve the sun! :D siguro marami sa nagbabasa ngayon napapaisip "aba! si melai puro GOD at napaka-banal ngayon." hay! i decided i wanted to change. and this change will be long-term na. masyado na ata akong matanda para maglaro pa at hindi magseryoso. basta, i'm hoping for the better. better days ika nga! :D ciao!

12 August 2007

Weekend.

hay! sabi ko na eh. iba na talaga ang nagagawa ng walang training for 1 whole week. tsk tsk. andaming sayang na araw na sana nilaan na lang sa training (both spikers and dancesquad.) eh kasi tong bagyo eh, wala tuloy pasok at hindi makaalis ng bahay para makapagtraining. well, anyway, tapos na eh, wala nang magagawa kung hindi mag-antay nalang ulit ng weekend para makapagtraining! oh yeah! so excited!

*SATURDAY*

alam nyo na meron dito. hay! gumising akong napaka-aga dahil meorn din akong "urgent" agenda that day, since alam kong walang training scheds for that day, naisip kong gawin na ang matagal ko nang pinag-iisipang gawin. pero hindi lahat ng bagay umaayon sa ating mga kagustuhan. resulta? i failed. iyak. iyak. at iyak pa. but i decided to try again.

pero bago yun, umalis muna ko. birthday ni ey sa fairview, hindi ko pwede "injanin" si ey, lakas sakin yun eh. (kahit hindi sya nagpunta nung bday ko sa manda.) tas ayun, mega adventure. napakalapit lang naman pala ng "FARview" eh. hehehe. and since malayo ang biyahe, anu pa ba gagawin kundi magkwentuhan. tungkol sa mga issueness sa school, sa room, sa mga profs and schoolworks, sa mga personal na buhay, etc. sabay tanong ni vani sakin "gurl, bat maga mata mo?" tsk! (why didin't i bring my shades!) ayun, since good friends naman sila, hindi na ko nagpalusot pa, sinabi ko yung nangyari bago ako pumunta sa school. they all "aaaaawwwed" and "tsk. tsk. tsked". sabi ko nalang sa kanya 'wag nyo ko kaawaan dahil lalo ako naiiyak. ayan kaya ang resulta "clown mode" tong si berber kaya hanggang dumating kami kila ey puro katatawanan na. pagdating dun, kain. lamon at kung anu-ano pang paraan ng paglalagay sa bibig ng pagkain ang pinaggagawa namin. ang sarap ng mga pagkain, pero kailangan magpigil! baka ma-jerbs ng wala sa oras, malayo pa naman bahay namin! huuuu! after nun, picture taking ever tas after nun inuman na! pero hindi kami uminom kasi malayo pa nga bahay namin (pero maniniwala ba naman kayong hindi kao uminom ha?) tas ayun, after nun namoblema na ko paano uuwi kasi gabi na. buti nalang mabait na tao si mikel at napilit kong ihatid ako. bwehehe. (user nanaman ba?) tas ayun, along the way, kwentuhan nanaman kami ni chong! kapag "love" or "break-ups" ang topic, si mikel ang ayokong kausap. bakit? kasi masyadong malawak kaalaman nya. ang daming experience, ang daming sinasabi, at kaya nakakinis dahil may laman at totoo mga sinasabi nya. hay! talaga naman. kaya ayun, ang pinaka-advice nya sakin. "pagsisihan mo lahat ng mga ginawa mo, tapos nun, wag ka muna iiyak sa harap nya, pagtapos nyong mag-usap wag ka nang magpumilit ulit, dahil ipapamukha mo lang sa kanyang hinahabol-habol mo sya. at mahirap na rin ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo." see? see what i mean! taeng lalaki yan! bat ganyan mag-isip! takte! tumatak talaga sa isip ko yan noh! kaya kahit ganyan kahaba yan memorize ko parin! tinanong ko sya "anu ba kel? gimmick ba ko o babalik ako dun?" sabi ba naman nya "anu ka ba? sira ulo ka na nga ata talaga eh! bumalik ka na dun! dami pang araw para gumimick! wag mo hayaang lalong mahuli lahat!" and so i decided to go back.

pagbalik dun, bigla akong naduwag, ayoko nalang pala makipag-usap, baka maulit lang yung nangyari nung umaga. masyadong masakit para magkaroon pa ng replay. tsk! gusto ko nalang itulog ang lahat, o kaya CTRL+ALT+DEL para wala nalang kunyari nangyari nung sabado. pero hindi eh. kaya ayun, BRING ON THE DRAMA! tuyong-tuyo na tear ducts ko kakaluha, hay! at 2am na nun hindi parin ako makatulog. and then nasabi ko ang pinaka martyr na statement na narinig ko sa buong buhay ko. "alam mo kahit pano ok na naman eh, i guess you need her more than i need you." at ayun. iyak. iyak. at iyak pa. mas nakakaiyak dahil alam kong nung binitiwan ko yung mga salitang yun, totoo sya. hindi plastik! hindi bait-baitan! hay! kakaiyak! anu beh! ayoko ng ganitong phase ng buhay eh! :( then basta after that, nagkunyari nalang akong walang nangyari at walang narinig, kaya nakatulog ako ng mahimbing, at kahit paano, masaya.

*SUNDAY*

masaya din ang gising syempre. hay! parang walang problema. sunday na kasi! :D tapos naalala ko 7am pala ako magtuturo ng sunday school. syeeeeet! late na ko. pero okei lang, dahil pagdating ko dun, andun naman si bonita, so okei na! hehehe. buti nalang! after nun nagservice akong mag-isa. masarap yung feeling ng mag-isa ka sa simbahan. (hindi literal ha? yung mag-isa ka at walang kadaldalan! gets?) at mejo naiiyak parin ako ng konti-konti pero kailangan pigilin. naririning ko si big brother na nagsasalita eh "melai, compose yourself!" nakaneng! oo nga naman, ilugar naman ang pagiyak takte! hahaha. so after nung service nakahabol pa naman ako kahit paano sa group dy ni bits. takte isa pa yun! nakakaiyak din. huuuu! natawa nga sya sakin kasi affected ako sa kanyang group dy! tsk! tas after nun tapos na! yey!

since walang magawa at ayoko pang umuwi, nagyaya ako kumain sa rob! buti nalang may mga makakasama ako. hay! at yun ay sila bits, ben, cha, tj at binoy! weee! luch kami sa chowking at mega kwentuhan! tungkol sa mga recent events, sa mga issueness, sa mga kung anu-anong "boy su" at "lan-su-lot" na kwentuhan! hahaha. at syempre sa mga ka-emo-han ni binoy! bwahaha! basta masaya! inaasar na nga nila ko sa tawa ko eh. hindi sya yung normal na "haaaaa-haaaaa" yung tulad ng tawa ko dati. talagang "heart felt" tawa gaya nga ng sabi ni bits! aba! i think i deserve a good laugh after ng lahat ng nangyari the night before! tsk! at nagkataon lang na si binoy napag-punteryahan ko ng aking kagiliwan! (okei lang yun crush! minsan mo lang ako mapatawa eh!) so ayun. basta ang saya saya saya. sa sobrang saya nakakaiyak na! :D at for the first time! as in first time! nilibre ako ni binoy sa breadtalk! yahuu! di ko ineexpect! yeah! ang saya talaga ng araw! comfort food ko pa naman ang berries and cream! hay! yumyum! :D

after that lunch out sa rob nagkayayaan nang umuwi dahil wala nang gagawin ang mga tao. at ako naalala kong prelims na pala kaya kailangan ko na umuwi at mag-aral. pero pagdating ko sa bahay, wala pa pala ko sa mood mag-aral. kaya nanood muna ko ng vcd, and suddenly i fell asleep. takte! 3pm tulog na ko? anu beh! tapos chedeng! ginising ako ni mama ng 10pm para kumain, pero hindi ako bumangon dahil "interesting" ang panaginip ko! so tulog. tulog. at tulog pa.

nung napagod na ko sa panaginip ko nakarinig ako ng mga putukan ng baril, nabigla ako kala ko kung anu na, pagtingin ko... takte! si dad lang pala naglalaro nang games sa yahoo! tae na yan! 3am naglalaro! anu yun highs chool kid? hahaha. at ayun hindi na ulit ako nakatulog! i lie awake. nagmumuni muni, tingin sa cell kung may nagtext, wala naman! tinapon ko nga! tas nag-isip ng nag-isip. "what ifs?" "could have beens" hay tae! ayoko talaga ng ganito ako! narinig ko nanaman si big brither. "melai, compose yourself!" at muli, tinigil ko ang aking pagluha! at hindi ko namalayan, syeeeet! 5am na, at hindi pa ko nagrereview! hay! pinaalis ko muna si dad sa pc kasi nasa e-mail mga reviewers namin kaya nag-DL muna ko sandali. dahil napakarami nun, nag YM muna ko at multiply at friendster. hahaha. at yun, grab ng pics, habang nag-DDL ng reviewer at habang nag-aaprove ng mga comments at messages. and before i knew it, heto, nagboblog nanaman ako! hay!

at ngayong malapit na mag 7am, hindi parin ako nagpapanic na hindi pa ko nag-aaral. wala parin ako sa mood mag-aral. may hangover pa ko ng pag-iyak. hay! sana pagpasok ko wlang magtanong sakin ng "melai, ok ka lang?" o kaya naman "melai, kwento ka naman!" tae! wag ganun! exam eh! prelims na prelims eh! ah basta the only solution i can think of is get busy! as in magpapaka work-a-holic muna ko! at kapag mag-isa nalang ako, matutulog nalang ako kesa mag-isip! hahaha. nakuu! sana wag muna ako ngayon maging super emotionally disturbed dahile xam ko pa sa tax bukas! waaaat!?

oh sya sige dito nalang muna. sa pagkakaalam ko eh ito na yata pinakamahaba kong post. hindi ba? oh sya sige babayuu! :D

"when can i see you again? when can my heart beat again? when can i see you again? and when can i breathe once again? and when can i see you again?" -babyface

11 August 2007

Sunduin Mo Na Ko PLease? :(

there i was, sitting next beside you. crying. hugging you tight. apologizing. telling you to come back. but "no!", you said. "i'm sorry". those words really hit me through. you're asking why, i didn't reply. maybe because i didn't know what to say. you know how i am with talking right? but do you relly know what's all behind this?

i know i hurt you a lot. and i mean A LOT! i've pushed you away, took all your love for granted. those times when you can't seem to understand me. even i couldn't understand myself. I AM CONFUSED. confused of my feelings for you. why you say? because this is the FIRST time i've ever been in a SERIOUS relationship before. and i know you're a keeper, that's why i know this will last. but then, doubts came to me. i started asking questions in my mind that no one could answer. nobody but me. i seeked for GOD's help. but he just seemed to give all HIS answers in an unthinkable ways. HE showed signs but i bet i have my own understanding about things, so i was misleaded by myself. i tried talking to people and all of them were very honest about their opinions, it was i who wouldn't accept it. i tried reading, but i'm afraid fiction is far from reality. i prayed, prayed so hard, for me to find the answer. to en this misery, to be happy all over again.

probably you won't believe me now. told me it was too late. but then again, there's no harm in trying right? i admit i was hurt. badly hurt. but i am not mad at you. seriously, honestly, sincerely. i am not mad at you. i understand your decision.

why am i blogging this? to let people know that, I, even though appears to be happy and smiling, have pain inside me. something of which i was trying to deny for at least 6 months now. and now, it hurts even more accepting the fact that after all the things that has happened, all the things that has been said, all the talks, the cries... i am still in-love with you.

i was the one telling you to move on and forget all about it, but the truth is i was the one trapped. couldn't seem to walk away. afraid to come out of my comfort zone.

*tagalog mode*

takte! di ko na kayang mag-english habang nagpipigil ng luha dito sa netopia at nakikinig ng jologs na rap! pwet!

oo na. baliw na kung baliw. crazy_gurlet_lai nga diba? sorry naman. ngayon ko lang napagtanto lahat to eh. (at dahil yung sa aking bangungot.) siguro sabi nya, "anak! kapag hindi ka pa nataraugan ewan ko nalang!" :D

to make this simple : mahal ko siya! sa likod ng lahat lahat ng mga ginawa kong panlalalaki, pambababae (?), pagpapasawalang bahala, ka-bitteran, pagpapanggap, ka-plastikan! lahat lahat ng yon, ginawa ko para hindi ako magmukhang tanga, kawawa, hopeless romantic, weak! at kung anu-ano pa. oo na mayabang na! sorry naman!

at ngayong alam kong huli na ang lahat.... susuko na ko? hindi noh! kapal mo! huli na nga ako titigil pa ko! ngayong huli na daw ako, panahon na para ako naman ang humabol! magpakumbaba, matutong tumurin ng patas, at higit sa lahat, iluwa ang PRIDE! (kasama na dun ang pagiging overconfident!) ako naman ngayon ang hahabol at aasang isang araw, balang araw, one day, maaabutan din kita. at sasakay na ulit tayo sa "rollercoaster" ride naten.

mahal kita. mahal kita. mahal kita.

*yuck! ang corny ko tae! pagbigyan!*

"punasan mo na mata mo, hindi bagay" -kuya noel

oo na kuya! hindi na iiyak! hehehe. sorry naman sa mga singhutan namin kanina habang nag-do-dota ka! :P

10 August 2007

Stop It MELISSA!

naku! ngayon ko lang narealize na super "init" pala ng recent post ko. tsk! hay! sabi nga ni ikel, kala mo walang bagyo sa init ng paninibugho ko. sorry naman! talagang galit na galit lang ako kagabi! (dahil walang pasok! hahaha.) ah basta! may dahilan ang lahat kung bakit ako ganito. for now, hindi ko muna sya ma-identify. nakakaasar kasi eh. MEAN GURL nanaman labas ko nito. oh well. melai maldita ika nga nila. sorry naman!

ganito nalang. daanin nalang naten sa kanta ang lahat. may na-discover akong kanta na super nagrereflect ng mga 'emotions" ko ngayon. ewan ko ba. kaasar talaga! basta sana ngayon mabasa nya toh at maisip nyang sya pinapatunguhan ng kantang toh! (this time ikaw toh! magulo ka! tae!) so this is it.. walk away by paula deanda..

i saw you with your new girl just yesterday and i feel that i must confess
even though it kills me to have to say i'll admit that i was impressed
physically just short of perfection, gotta commend you on your selection
though i know i shouldn't be concerned
in the back of my mind i can't help but question
does she rub your feet when you've had a long day?
scratch your scalp when you take out your braids?
does she know that you like to play PS2 till 6 in the morning like i do

i can't explain this feeling
i think about it everyday
and even though we've moved on
it gets so hard to walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me
walk away, walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me

i can't forget how we used to be, our life from day to day
hoping maybe you'll come back
and though i tell myself not to be afraid to move on but it seems i can't
though a new man has given me attention it ain't the same as your affection
though i know i should be content
in the back of my mind i can't help but question
does he kiss me on the forehead before we play?
show up on my doorstep with a bouquet?
does he call me in the middle of the day just to say "hey baby i love you"?
like you used to

i can't explain this feeling
i think about it everyday
and even though we've moved on
it gets so hard to walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me
walk away, walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me

so hard to express this feeling
cause nobody compares to you
and you know she'll never love you like i do

i can't explain this feeling
i think about it everyday
and even though we've moved on
it gets so hard to walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me
walk away, walk away
i'm gonna remember you
you're gonna remember me

09 August 2007

USER NA, BITTER PA!

"USER" = taking advantage of a person's capabilities, strengths, possessions, etc. / sa tagalog gumagamit ng ibang tao para sa sariling kapakanan at benepisyo, iniisip lang ang sarili, at wala talagang pakielam sa taong "ginagamit". importante ay makuha lang ang gusto! / sa mas simple sense basta't may nilapitan kang tao at nakinabang ka sa kanya, pero sya hindi nakinabang sayo, USER ka na nun!

"BITTER" = a person who is filled with hatred because of a past relationship that didn't work out / a person who can't let go of his / her past love even though the whole world is showing him / her the reasons to move on / sa tagalog galit ka sa EX mo sa simpleng bagay na nag-break na kasi kayo, galit ka sa kanya, hindi maiiwasan yun, nasa phase ng moving on yun eh! (kaya ako, hindi ako naniniwala sa mga taong hindi galit sa ex nila nung bagong break sila! kapal ng mukha nyo! bait-baitan kayong lahat!) anu pa ba? bitter? kapag hindi mo gusto pag-usapan yung tungkol sa inyo ng ex mo, hindi ka pa handang harapin yung fact na wala na kayo. halimbawa kabarkada mo ex mo tas nagtatablahan kayo, BITTER ka nun!

"MELAI" = babaeng maharot, baklang babae, maarte (super!), kikay (over), masipag (definitely!), impatient (when it comes to some things!), una bibig bago gawa, mahilig sa mga "heart to heart" talks basta takapakinig lang sya, malakas mang-asar (lalo na kay jill), mataray (pag kay MARK ANDREW LIM UN! -joke lang), madali ma-in love, mas madali ma-fall out of love, HINDI NAGPAPAHALAGA NG TAONG NAGMAMAHAL SA KANYA, WALANG INIISIP KUNDI SARILI NYA, vain, camera addict, creative / artsy, hilig sa pets, maingay super, magaling gumiling!, and the best of all USER NA BITTER PA! san ka pa diba? ako lang ang melai na ganyan! yung IBANG MGA MELAI hindi ganyan! mabait, mahinhin, walang kaaway at walang inaaway, matino, MATALINO, MAGANDA, BASTA PERFECT!

*ewan ko ba! may sanib lang ako, pero naku, alam kong lahat ng sinabi ko dito, i mean it! why? umuusok daliri ko habang ginagawa ko tong post ko na toh eh! kahit relaxing background music ko hindi nya kinya force ko! hay!

*oh ano? may masasabi ka pa? sige sabihin mo lang ng maidagdag ko dito! ayan ha! hindi ko na masyado inangat sarili ko baka kasi sabihin mo naman biased ako.

*dito muna. tsss. (mga kapatid, quiet nalang kay mama ha? baka pagalitan nanaman ako pag nalaman eh! dito lang ako naglalabas ng stress. sorry!)

08 August 2007

Aaaawww.. I Missed School.. :(

no classes today. first, feast of st. dominic. second, super typhoon kaya up to college level suspended ang classes. 8am palang gising na ko, i finished my work for my OJT, then after that almost 2 hours akong nabaliw kakahanap ng takip ng USB ko. tae! hinalughog ko na buong kwarto namin. nagwalis, nag-urong ng mga gamit, nagligpit, umiyak, and at last, nung nagdecide ako humiga sa bed nila mama... CHEDENG! nahigaan ko sya. saya saya noh? hay! kabuang talaga!

anyways, since i know this will be a boring day at home, i decided to call some of my friends to go out. yup! go out kahit may super typhoon! we went sa rob. me, xiuxiu, and kat. foodtrip sa chowking and sa breadtalk! (my first time! berries and cream! yum yum!) then after that we watched ratatouille. ang saya saya nung movie. hay! i've been wanting to see that movie kaya lang walang time, kaya ayan! nung nagkaron ng chance, grab agad! hahaha. pati i haven't seen them in a while kaya i guess its a good timing! weee! basta supah enjoi! thanks for the treat xiu. and thanks for the uber chickas kat! :D next time sa malate na ito ah? with mile & keiki na syempre! :D

i missed school! waah! namiss ko blockmates ko, yung training namin, yung "hi pepe!" ni ey, yung pang-aasar kay jill, yung bungal na ngipin ni son, yung cabuyao group, yung mga "chicha minute" sa room! at syempre si crush! oo namiss ko si crush! :D *kilig factor* si MARK ANDREW LIM UN namiss ko din! pati si IRISH "ANNE" OCHOA! eto talaga super namiss ko. tae 5 days straight kami hindi naghiwalay nyan eh! hahaha. pati sino pa ba? si sir nuevo namiss ko! hahaha. ewan! basta i've missed UST in general!

anu pa ba masasabi ko? wala lang. nag-blog lang ako for the sake na may update ako. ayoko na muna "manuligsa" ng ibang tao, or "ma-emote" tulad ng nararamdamn ko ngayon. maybe tomorrow nalang! wala naman class eh! hahaha. :D

oh sya sya till here muna. byeee! keep reading MARK ANDREW LIM UN and IRISH OCHOA!!