31 August 2011

Quitting is forever.

Rainy Wednesday! Hindi na talaga tumigil 'tong si Mina. Anyway..

Euphoria.

I'm here at UST now fixing my application for blah blah blah [I don't want to talk about it yet, baka maudlot eh. Haha!] and since morning I've been going around from building to building doing what I should have done way back 2008, after graduating. [Thomasian 2008, Alumni Card, Clearance from Office of the Treasurer, Official Transcript, etc.] I missed this school.. everything about it. [One thing I didn't miss though.. The rain! Tsk!] Buti nalang puro with friends ang memories ko dito, hindi tuloy nakaka-bitter! Haha! :)

Ganitong-ganito ako before, magrerent ng PC before/after class para mag-blog nung kung ano man habang gumagawa ng paper/assignment/feasib/etc. [In this case, nag-eedit ako ng letter at nagpapalipas ng oras dahil sa lakas ng ulan!] Minsan, naiiyak-iyak pa ko habang nag-bblog. Haha! Anyway, tama na nga. Basta. Nakakatuwang bumalik dito sa paborito kong haligi ng USTe.. Ang DAPITAN. :D

Nalulungkot parin pala ako. Kahit anong gawin kong paglilibang wala parin, umuuwi parin akong malungkot. Kahit ilang "activities" isalpak ko sa idle time ko, wala parin, useless. Haaaaaay! Anu ba naman.. Andito na naman ako sa 'EMOde' na 'to? Kakasawa na. Nabansagan na kong 'Crayola' sa office dahil lagi na kong pumapasok na namamaga yung mata. @_@. Eeeeeeeeehh!

PAIN IS TEMPORARY. QUITTING IS FOREVER. --Elorde

Ayan. 'Yang poster na yan ang bumubungad sakin tuwing may boxing session ako, 'di ko naman siya napapansin before, nung isang araw lang. Haaaaay. Naisip ko nalang, TOO LATE! Nadala na ko ng 'emotional stress'. Kung nakita ko sana 'to ng kahit mas maaga pa, hindi sana ganito.

Pero naisip ko, totoo nga naman ang poster na yan. Halimbawa sa pagtakbo ng 10KM. Sa unang beses mo tumakbo ng 10KM, halos isusumpa mo ito. [Lalo na kung katulad kita na tamad mag-practice.] Siguro yung unang 3KM, ok ka pa, kayang-kaya pa.. Pero pagdating mo sa 7KM makakaramdam ka na ng pagod/sakit/at kung anu pa man. Kung titigil ka, olats, pero kung pipilitin mo pang tumakbo, matatapos mo yung buong 10KM at masaya ang feeling afterwards. Sasakit nga katawan at binti mo, pero alam mong kaya mo naman tapusin.

Tulad din sa 'boxing'. Kahit na alam ng boxer na matatalo siya, go lang sa suntok. Laban lang ng laban. Kesa naman mag-quit bigla diba? Olats yun. Mga bading na boxer na nagpaparami lang ng pera ang gumagawa nun.

Basta. Wala yata akong sense. Basta, gusto ko yung poster na yun. Namomotivate ako sa maraming bagay. Ginawa ko na ngang wallpaper sa fone para kahit wala ako sa gym, makikita ko parin.

I'll never quit. AJA! [Pero sana nga TEMPORARY lang talaga ang PAIN.]


Nahihilo. Nalilito. Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo? :((

30 August 2011

Break.Break.

Kaya ayokong gising ng mga ganitong oras eh.. Nakaka-emo! Bad trip. :|

"Bakit 'di mo maantay yung 'change'? Hindi naman biglaang nangyayari yun eh." -- May isang taon narin mula nung may nagsabi sakin nito. Sobrang tumatak sa isip ko 'to, at mula nun sinasabi ko lagi sa sarili ko na ang sama sama ko naman for [almost] giving up that easily.

Pero ngayon, makalipas ang isang taon, dapat na ba akong umasa sa 'change' na yun? Kasi here I am, a year after, still confused, still stuck in the very same situation. Naghintay naman ako eh.. [At naghihintay parin] para sa pagbabago, pero wala eh.. Hindi lang talaga ko 'patient' siguro.. :(( [Alam ko yun, alam na alam ko yun.. Wala akong talent pagdating sa pagiging 'patient', kahit pa pilitin ko ng bonggang-bongga!]

Let me just put it this way.. Ako na, ako na ang masama..

Ako na ang masama. Ako na ang 'di makaantay sa 'pagbabago' na gaganda pa ang takbo nitong kwentong 'to..

Ako na ang masama. Ako na ang nang-iwan sa ere at inisip ang sariling kapakanan. Ako na ang di tumupad sa pangako.

Ako na ang masama. Ako na ang palaging umaasa at nag-eexpect, kaya madalas madisappoint.

Ako na ang masama. Ako na ang mahina. Ako na ang bumitaw. Ako na ang ayaw lumaban.

Yung feeling na ang tagal mo nakakakapit sa isang bagay. Na kahit masakit na ay mas hinihigpitan mo yung kapit. Darating yung panahon na nakakapit ka nga pero wala ka nang maramdaman. :((

I need a break.. I'm sorry..

[I know medyo wrong timing 'tong 'call' na 'to.. Pero I couldn't be of any 'help' to you anymore.. Wala na kong mabibigay.. I don't wanna be unfair to you.. I'm sorry..]

03 August 2011

.......... :((

AYAW KO NA!

Ayoko na. Ayoko na talaga! T*****A! Kapal ng *pffttttt*! Kaya ayoko nag-o-open ng FB eh [Nagkataon lang na napagutusan ako, at nakita ko yung mga HINDI KO NA DAPAT TINITIGNAN!] Naiinis ako! [Kaya na naman ako nag-blog.] Nangigigil ako. Umiiyak ako habang nagttype. Ang ingay ng "killboard" ko. [Lunch break pa naman ngayon.] Nakasiksik na naman ako sa sulok para walang makakita habang nahihibang na naman ako dito sa station ko. Iuntog ko nalang kaya ulo ko dito sa pader, para makalimutan ko yung nakita ko!

Kapal ng mukha! Nakakainis! Ang kapal talaga.. Nakuha pang.. AAAAAARRRGH! Eh 'di sige na, ikaw na! IKAW NA ANG MAGALING! IKAW NA ANG SIKAT! Ikaw na lahat! Yan ba, yan ba makakapagpasaya sa'yo? Eh 'di sige jan ka! Ang dami mong alam, pero kapag.. WAAAAAAAH! 'Di ko ugali manumbat o kung anu man eh. Titigil na ko.



Breathe In... Breathe Out...


[After 15 mins.]


Sobrang nainis lang ako.. Wala lang din mapagsabihan, wala din makakaintindi eh. Hindi rin kasi alam yung BUONG KWENTO.. Anyway, at least sana ngayon medyo mataraugan na ko. Hindi na ko magaaksaya ng panahon.. ANDAR NA!! Bawal na petiks!

KTNXBYE.

[Papampam post lang. 'Wag na bigyang pansin.]

01 August 2011

-----

Alam ko hindi ako "PHOTOGRAPHER" dahil may "DSLR" ako. I just love taking photos, is it my fault if I can buy a good camera to sustain my hobby?