Whaddup Monday? It's kinda early for me to be blogging on a Monday, but, I have lots of time anyway since I deactivated my account on FB [for reasons that I won't cite here.] and on other social networking sites. Anyway..
Its been two weeks since my last post that's worth-reading-somehow. And ever since then, I am hurting. Hurting. Present progressive tense if I'm not mistaken. Meaning currently happening. [Redundant ba? Ewan. Basta!]
Magtatagalog na ko, nahihirapan ako eh. Haha! Game.
Mahirap ang mga nakaraang linggo. Walang tulog. Hirap matulog. Ang bigat ng loob. Plastik ang ngiti. Malalim ang 'eyebags'. Malungkot. Sobrang lungkot. Masakit. Sobrang sakit. Ngayon ko lang nalaman kung gaano ko kalalim nahulog, kasi ang hirap bumangon eh. [Sabi ko na eh! Sinabi ko na 'to dati sa sarili ko. Ayokong masyadong mahulog, dahil baka ako din mahirapan sa huli. Ayan, totoo nga.] Parang multong nanghahabol yung pangyayari, kahit di mo isipin, kusa siyang papasok sa isip mo. At kahit isipin mo siya ng isipin, mapapagod ka lang dahil hindi ka makakakita ng kahit anong liwanag sa sitwasyon. [Yup. Pessimism kicking in.] Pero ang pinaka-nahihirapan akong labanan ay yung kalungkutan. Sobrang nalulungkot ako. Tapos wala akong magawa, o kung may magagawa man ako, hindi sapat. Tamang pang-tawid lang. [Pagkain?] Nagpapasalamat ako na wala akong 'suicidal tendencies' dahil kung meron, malamang hindi na ko nagttype ng post ko ngayon, malamang di na ko umabot ng 2011. [Buti nalang talaga wala! Gusto ko pa masinagan ng araw ng matagal na panahon noh!] Ito na yata ang pinaka 'masaklap' na nangyari sa 'lovelife' ko. [Oh ayan ah? hindi ako exag na 'buhay' ang ginamit ko. 'Lovelife' lang.]
Pero kahit ganito ang nararamdaman ko, umaasa parin naman ako na gaganda din ulit ang takbo ng kwento ko. Iikot din ulit ang gulong at aakyat ulit ako sa taas. Nagpapasalamat ako dahil wala akong galit na nararamdaman, mas magiging madali ang pagtanggap ng mga bagay-bagay kapag iniintindi mo ito maigi at walang galit na kinikimkim. Siguro sa ngayon, kailangan ko lang umiwas dahil ayoko nang madagdagan pa yung lungkot na nararamdaman ko sa ngayon. Masakit. Sobrang sakit dahil ayoko yung nangyayari. Walang may gusto nito. [Well, ewan ko sa iba ah? Di ko alam.] At walang may kasalanan kung bakit humantong sa ganito. Kaya nga mas nakakalungkot isipin eh, kasi... Ayun na nga. Paulit-ulit? Unli? :)
Hindi naman ako nagpapanggap na sobrang 'strong' ako at kayang-kaya ko 'to. Oo kaya ko 'to, pero sa ngayon nahihirapan pa ko. Kinakaya ko. Itinatawid ko. Kasi anong gagawin ko diba? Kailangan ko din tulungan sarili ko. Ako na lang mag-aalaga ng sarili ko, di ko pwedeng iasa sa ibang tao yun. [Not their responsibility.] Sobrang sakit, parang outline ng tattoo. Ito yung pinakamasakit na part. Pero gaya ng lahat ng tattoo, ITS ALL WORTH THE PAIN. Lahat ng sinabi/sinasabi/sasabihin ko, papanindigan ko hangga't kaya ko. Alam kong mahirap kalabanin ang 'force of nature' pero hanggang sa huli, lalaban parin ako. Magpapahinga lang muna ko.
Sana lang I'll be over the hurt/pain soon. Kasi nasasayangan ako sa mga araw eh. Parang ngayon, kalagitnaan na ng January, ganito parin ako? Hindi ko minamadali, pero parang ganun na nga. Hahaha! Ayoko na yung feeling ng lungkot na 'to eh. Sana malapit na matapos..
At pagtapos nito.. I assure you.. ♫♪ I'LL NEVER BE THE SAME IF WE EVER MEET AGAIN..♪♫ Hahaha! Ah basta. Bahala na.
Dito nalang muna. Bye!