18 December 2008

On Waving The White Flag.

i didn’t think this day would come, that I, MELAI, will finally wave the white flag. In short, I SURRENDER! :)

hindi ko rin alam anong nangyari sakin at bigla kong naisip na makipagbati na sa kanya. at habang nagiisip ako, ito ang mga napagtanto ko:

A.) pagod na kong magalit sa taong insensitive. (hindi nya alam na galit ako sa kanya.)

B.) nabababawan ako sa sarili ko tuwing naiinis ako sa kanya / sa ginagawa nya / sa presence nya, etc.

C.) burden sa sarili ang magalit sa isang tao ng sobra-sobra. (imbes na masaya kang matutulog at gigising diba? iisipin mo yung kaaway mo and then BOOM! sira na araw mo.

D.) walang mararating ang galit ko, hindi sya magbabago dahil lang galit ako sa kanya. (paki nya bas akin diba?)

i do feel proud of myself for doing the first move, to have peace with those i’ve wronged / have wronged me as well. considering na ako ang mas matanda, i should be the one to understand things better. kaya nga inisangtabi ko muna ang pride, to gain some peace of mind. (mas magandang bargain yun diba?)

oo, ako si melai, si melai na mahilig sa away. gusto laging may bi-ni-bitch out at may inookray na mga tao, pero hindi lahat yun pinepersonal ko. J (konti lang!) if there’s one thing that i really like whenever i’m in a fight with someone, it’s the part where i have to say i’m sorry.. and then everything will be all right again. J hindi mahirap para sakin ang umako ng kasalanan, hindi rin mahirap para sakin ang magpatawad. ang gusto ko lang both parties understand each others feelings. (hindi yung ako lang iintindi sayo, anu ka swerte?) give and take lang yan dude! cliché pero totoo.

naalala ko nung nagkabati kami ni ate kat sa blue roze camp last 2006, super hagulgol ako sa kanya kasi nagsorry ako sa kanya during the LOVE BANQUET. ang sinabi nya lang sakin: “tumahan ka na, pinagtitinginan na nila tayo.” (napakacalm mo talaga ate noh!) masarap yung feeling ng nagsorry ka at napatawad ka eh.

naalala ko rin nung nag “blog war” kami ni chasha. wala pa yatang 1 week hindi na namin natiis at nagconfront na kami sa isa’t-isa. after that, BOOM! bati na kami ulit. again, nagsorry ako sa kanya, nagsorry rin sya sakin. J give and take dude! sabi nga ni chasha: “we could have been good enemies, but we’re better off as friends!” J (naalala ko pa cha noh!)

at kung may taong rinding-rindi na sa kasasabi ko ng “i’m sorry”, yun ay walang iba kundi si LEO CARLO MORADA! *palakpakan!* aminado akong marami na kong atraso jan (yun iba hindi nyo lang alam gaano kabigat!) pero isang sincere na explanation at apology ko lang, ok na lahat. ganun kabait sakin yan!

so what’s my whole point? before you use all your energy para magalit / mainis sa isang tao, be indifferent! alam mong ganun na ginagawa ng lahat eh, gagaya ka pa! instead, bring peace, not just with others but within yourself as well. J kung hindi mo magawang magpatawad (for now.) at least try to let go of what you’re feeling. pero the rest is still up to you. sino ba naman ako para diktahan ka, sino ka rin ba naman para sundin ako diba?

nakipagbati ako sa kanya hindi dahil sa diwa ng pasko, dahil sa gusto ko magsimula ng magandang bagong taon!

* salamat sa “naked juice bar” peeps (jai, ate jojie, kuya jeb, aloi) na nakikinig sa mga walang kwenta kong hinanaing sa kanya dati! natatawa ako pag naaalala ko.

* thank you aloi kapag pinagtatawanan mo ko pag naiinis ako sa kanya! natatawa narin ako ngayon. labyuu!

* kuya noel: maswerte ka kapatid ka ni aloi at malakas ka sakin! hehehe. peace na!

* thank you ate kat for being a role model of forgiveness! aylabyuu more!

SINO NGA BA SIYA?.... SECRET! J basta masaya na kami pareho at nagkausap na kami. this is all you really need to know. J (and correction, hindi naman pala sya insensitive gaya ng iniisip ko.)

09 December 2008

Makes Sense.

this is a re-post from my dear friend ARNOLD AQUILENA JR. (sorry na beng!) minsan lang bumanat sa blog world yan pero patok na patok sakin lagi. :) miss na kita beng! :) see you soon!

----------------------------

wala pa akong wishlist... hindi ko pa din kasi masyadong maisip ang mga gusto ko... saka gusto ko din ay yung mga posible para naman hindi masayang pag gawa ko..hehe... hindi na tulad ng gelpren na amanda griffin o kung ano pa.. matinong wishlist naman... mrami akong naiisip kaso wala akong masulat...anlabo eh noh.. bsta iisipin ko muna sila maigi.

kahapon tumulong kami dun sa org. ng math magayos at magbalot ng mga laruan at goods na ipamimigay namin sa sabado sa mga street children.. hehe.. ambait ko noh... well..isang dahilan ay dahil type ng barakada ko yung cute na officer..hehe. pero sa totoo, ang korni man....oo masarap din tlaga ang pakiramdam ng nkakatulong kahit sa sobrang liit lang na paraan..^_^ lalo na alam mong mga bata ang makikinabang.... naging bata ka din.. well ako bata pa din nga.. :D

gusto ko kahit isang linggo lang maging six years old ulet ako.. basta gusto ko ulet maging bata... marami ngang hindi mo pa pwedeng gawin, marami kang hindi pa alam. pero astig din naman,hindi mo pa masyado pinoproblema ang mga problema ng mundo, ang mga karaniwang problema mo lang ay kung pano ka hindi mababalagoong sa tumbang preso bukas o kaya san ba ang hindi madaling mahanap na taguan sa tagu-taguan nyo, o kaya naman kung makikipagbati naba sayo ung kaibigan mong sumira ng laruan mong kotse-kotsehan... hindi mo pa masyadong iniintindi ang mga sasabihin ng mga tao... hindi mo kailangan gawin lahatlahat ng rules ng buhay, medyo exempted ka kasi bata ka pa nga.. hindi pa masyadong bukas ang mga isip mo sa mga bulok at nakakatakot na bagay...well yun nga lang siguro matatakutin kapa sa mumu...hehe at higit sa lahat... madali kang matuwa.. mababaw pa ang kaligayahan mo, madali kapang makuntento at mauto ng nanay mo para maging masaya ka...^_^ ....saka sa ganyang edad ikaw ang nireregaluhan ngayon ikaw na ang nagreregalo...hehe.. mga instant inaanak..

(simple lang naman ang mga bagaybagay tayo lang ang nagpapakumplikado)... :D

makagawa man ako ng wishlist o hnde isa lang ang siguradong gusto kong matupad... gusto ko makagawa ng astig na bagay para sa ibang tao, na hindi iniisip yung sarili ko... gusto kong makatulong o maging parte sa pagtupad ng kahit isa lang sa mga wishlist ng ibang mga simpleng tao... well...wag lang syempre ang paghingi ng tulad ni amanda...akin lang sya! buwahahah!!...loko lang.

----------------------------

naalala ko yung divi trip namin ni bits last week, kahit na toxic sa kalye ng juan luna at andadaming kargador na bumabangga samin, OK LANG! ang akin kasi, "kung sa pagshopping nga para sa sarili ko hindi ako napapagod, ano pa kaya yung para sa mga bata diba?" simpleng mga notebook, lapis ang crayola. pero alam mong magiging masaya sila dito! PRICELESS! :0 (samahan mo pa ng "starbucks bonding" after ng divi trip!)

*para kay kuya noel. wag na humirt ng "sana bata nalang ako" line. tandaan mo, nung panahon nyo walang J.. JE.. JEA.. alam mo na yun! :) happy birthday! :)

04 December 2008

All I Want For Christmas [Wishlist 2008]

*gustong-gusto ko ginagawa to kahit na alm kong nearly 20% lang ang natutupad at even after i've done my list, may naiisip parin ako.. haaay! sana bumagyo ng pera! maliligo talaga ko dun! hehehe.. :) pili na kayo! go!


"lets start from the very beginning.. a very good place to start.."

( PARA SA MAHIRAP / MAY KAYA LIST below php 500 )

* ELIANTO EYESHADOWS (yung pang refill lang. php 120-150 each)
* THE BIG PINK CALCULATOR (kung merong violet i'll love you even more. php 250 sa divi mall or sa officewarehouse sa glorietta.)
* CASH BOX w/ vault lock (for YCC purposes. hehe. di ko lam magkano eh.)
* THE "IT GIRL" SERIES ("tempted" & "infamous" nalang kulang ko. php 365 @ national or powerbooks)
* BLACK PUMPS size 8 (around php 350-450 pag divi or sa so fab!)
* TECH DECK finger board! :) (my new hobby! php 200 lang pinakamurang board na maganda!)
* BELT BAG (below 400. for camp purposes to!)
* PHOTOSHOOT w/ ALOI, TUSK & my SISTERS! (PRICELESS! calling all NIKONIANS! yu-hoo.. kuya jeb! jop! kuya AG!)
* WATER THERAPY @ ACE WATER SPA (priceless! i have a BDJ coupon! kailangan ko lang ng mga kasama! hehe.)
* SCRAPBOOK (PRICELESS! kasi ibibigay nyo skain dapat gawa na sya! hehehe.)
* LOVE LETTERS. lots and lots and lots. (PRICELESS! stationaries at pens lang puhunan! ala camp mail ito? haha!)

( PARA SA MAYAMAN / SUMUSUKA NG PERA LIST above minimum. to the extremes! )

* CROCS na slip on lang. hindi ako particular sa style eh. hehehe. newb! (php 1300-1700)
* ADIDAS PILIPINAS JACKET (php 3000 lang kay kuya noel daw! haha.)
* BODY SLENDER * yung tinutuntungan tapos mag su-sway ka from left-to-right* (php 2000)
* STREET DANCE LESSONS (di ko lam magkano. di ko nga lam saan eh! basta yung ala "all star dancers" na dance lessons!)
* SHIH TZU! (leilaaaa.. waaag mo kami iwaaan! :c )
* MY 2ND TATTOO (hindi ko alam magkano dahil wala pa ko design!)

(PARA SA "MAHAL-KO-SI-MELAI/POCHAY" LIST)

*kailangan pa ba imemorize yan? kung kilala nyo ko at mahal nyo ko.. alam nyo kung ano makakapagpasaya sakin sa pasko! :)


"kaya mama, wag mo na ko patulungin maghanda ng macaroni salad ha? hehehe.."

*sorry! tabernilla joke yan. yung story bakit ako "the grinch" pag pasko.

(PARA KAY BITS)

*CHIE! lalaki pa! keep it coming! keep it coming! :)

(PARA KAY ALOI)

*joke lang yung nasa taas. para kay bits yung lalaki! nakikitingin lang ako. hehehe. :) *peace!*