anong pecha na ba?? summer na diba.. or summer na nga ba?? di ko pa makondisyon utak ko kung summer na o hindi pa eh.. la pa kong balak magpakasaya and "have fun under the sun" dahil di ko pa nakukuha grades ko.. (pesteng mga prof!? prolonging the agony!?) tapos la na ring allowance kaya napapisip ako na.. "summer na nga.. wala na kong pera eh.." hay naku!?
anong pecha na ba?? bakit ngayon lang uli ako nakapag-post ng entry?? ano na ba nangyari sa mundo ko?? hay ewan!? sobrang naging busy dahil sunod-sunod na projects,, quizzes at syempre yung finals.. grabeh mata ko.. EYEMALETA na.. di na eyebags eh.. pang eyebags squared.. peste!? tapos ano pa ba ginawa ko?? sobrang nagtipid ako kasi nga para may pera ako ngayong bakasyon kaya di muna ako nagrerent ng pc.. (lam nyo kasi pc sa bahay namin 6 years bago mag-load ng page..) uhm.. ano pa ba?? wala naman masyado.. ganito parin naman ako.. lately nga lang nagiging bookworm dahil sa kakabasa nung mga books na binili ko nung christmas.. (at last may time na ko para basahin lahat yun..) actually yung book collection ko nasa 45 na pero mga 17 pa lang yata nababasa ko..) what else?? si papa stan?? nah!? baka maglit si bebeng.. dapat daw crush lang.. (crush lang naman talaga ah beng?? hehehe..)
anong pecha na ba?? tignan nyo nga at walang aral na makabuluhan ang mapupulot dito.. busy pa ko sa paglay-out nitong blog eh.. chaka ginagawan ko pa ng paraan pano palitan yung kulay ng entry.. peste kasi eh.. GREEN?? haller!? kelan bumagay ang pink at black sa green?? keeeeeellllaaannn??
oh sige dito muna ha?? tawag na ko ng nanay ko.. kakain na daw.. yung mga aso.. till here.. bye!? c;