31 August 2004

Basa Sa Ka-Praningan.

sobrang shockening the day that was!! HAGGARD.. STRESSED OUT.. PAGOD NA PAGOD.. at BAD TRIP.. puro kapalpakan,, kamalasan,, at kawalang kwentahan ang mga pangyayari ngayong araw.. dapat nga di ko na i-po-post ditto toh sa blog ko eh.. pero diba nga "for better or for worse??".. ito na nga yung "worse" part.. and it can even be worst!? AAAAARGGGH!!!! What was a 17-year-old-cutie-gurlet got to do??

a.) shout it out to the world huh??
b.) sleep.. until i forget all about it.. (goodluck naman sakin diba??)
c.) take "stress tabs".. (kayanin kaya??)
d.) uminom ng isang boteng "extra joss"

anyways,, wala sa 4 na yan ang sagot.. kahit pagsabay sabayin ko yan wala nang magagawa eh.. tapos na.. paano kasi ganito yun.. unang subject palang namin bad trip na ko kasi ba naman ang traffic traffic,, tapos yung katabi ko pa sa jeep "jabar"!! dikit ng dikit sakin eh ang puti puti ng uniform ko eh,, tapos ba naman nagliparan yung reviewers ko sa loob ng jeep.. tawa pa ng tawa yung bwisit na lalaki na cute sana nung inabot niya sakin yung mga reviewer!! (hmph!? pa-cute ang otoko!!) sa tingin niyo sino ba namang di mababadtrip dun diba?? at hindi pa dun nagtatapos yan.. nagcut kami ng theo class namin ng mga blockmates ko kasi kala namin wala yung prof namin.. kumain kami sa wendy's.. tapos pabalik na kami sa building sabi ni shamille sakin "oi melai dumaan yung car ng friend ko nakasakay si ****** sa loob.. tinuro ka nga ni jason sa kanya eh.." ako naman si praning tumakbo papasok sa building namin kasi baka he's within the perimeter pa noh?? so buti di nagabot mga mata namin at kung hindi pucha talaga baka anong magawa dun sa "LORD VOLDEMORT" na yun.. (for reference.. look entry last august 21,2004) eh ayun,, tapos nung last subject naman nagperform lang kami sa filipino.. okei naman pero still ala pa ko sa mood dahil sa mga kabadtripang nangyayari sakin.. after nun p.e. ko na.. madali madali pa ko dahil late na ko.. tapos pagdating ko dun.. nyek!? manonood lang pala kami nung game ng volleyball ng mga teachers.. tapos tinabi ko na yung payong ko sa gilid para patuyuin.. almost 2 hours din kaming nakaupo sa gym doing nothing.. then nung lumakas yung ulan.. aba!! ang magaling na prof dun kami pinauwi.. nananadya ba?? eh di ayon madali na kong kinuha yung payong ko kasi "attat" na ko umuwi tapos pagkuha ko oh.. **SPLASH!!** bwiset!! tumaob pala yung payong ko habang pinapatuyo ko.. ang resulta?? ayun.. naipon yung tubig sa loob.. tawanan mga p.e. mates ko eh.. wala nakitawa nalang ako.. hay naku!! kaasar na araw noh?? to think na iiwan ko nalang ang AUGUST ganito pa?? pwede namang sa ibang paraan eh diba?? pero kahit ganito na mundo ko.. it's not gonna stop me by saying my famous line.. BAHBHER!! mwah!! mwah!!

30 August 2004

Mababaw Na Kaligayahan.

HALLER!? another monday had passed and what joy it bought me!? ::smile:: simula umaga hanggang gabi sobrang saya.. lalo na nung hapon.. hihihi..

eto na naman ang 1EMID,, medyo hindi malala ang mga sakit naming ngayon dahil super pressured sa school works.. hayan at umagang umaga nag-ga-graph kami ng slope-intercept chuvanels s math.. kopyahan na.. carry-bam-bam na!! after naman nun followed yung nakakagulintang kong score sa RIZAL.. 36-50-36 sabi ni fred.. "ano bay an.. parang vital statistics ng buntis.." ::pakshet.na.bakla.:: (peace fredrick gil!!) anyways,, sobrang down na down na ko nung mga time nay un until.. ::I MESSAGE RECEIVED:: "su2nduin po kta.. wat tym uwian mo?? antayin kta sa dapitan ha??" OH MY GOSH!? WHAT JOY!? yihee!! ::babae.po.ako!!:: anyways,, so no more details na dun sa pagsundo niya sakin.. by the way si "SHORTY" yun ha?? basta sinundo niya me.. yun lang..

tapos at our house we celebrated my ate kat and kuya shad's birthday.. PAGKAIN!! SOBRANG DAMI!! andito rin sila tata jeannie and my cousins pati si kuya dave..aand ayun masaya naman.. as usual ako nanaman ang clown/komidyante/utusan/taga-entertain.. grabeh noh?? dinaig ko pa yung may birthday..

so ayan ang araw ko ngayon.. masaya pero mukhang hindi.. ewan.. habang tumatagal bumababaw kaligayahan ko eh..till here peepz.. BAHBHER!!

26 August 2004

Another Used To Be.

ever wonder why some people just couldn't stop loving another person in spite of the heartbreaks,, the sleepless nights because of small fights,, the notably unending process of reconciliation and breaking ups,, the painful regrets,, and so on..?? its because behind that heartbreak lies hope,, behind those sleepless nights lies that feeling of missing each other,, behind the reconciliations and break ups lies faith and loyalty and most of all behind those painful regrets lies the strength to move on.. why am I saying this bullshit anyway?? to give hope to those whose hearts are broken?? or to give excuses to those who have hurt the feelings of the other person?? whatever the reason may be,, all I know is that this is what I know and this is what I understand about that thing called "LOVE".. anyway,, here's a song for those who have loved someone.. is loving someone right now.. and will love someone someday..


**another used 2 be**

i brought u hir so dat i can express d things i've bin thinkin bout
giv me ur ear cuz i dn't normally do dis so bare wid me through dis
der are so many things dat i wnt 2 say
but let me start by saying dis saying i thank you
darling just because..

i used 2 luv sum1 dat i didn't lyk
we used 2 wnt 2 break up every other nyt
i used 2 think relationships wer a lot of stress
i used 2 think dat pain was a part of happiness
now all dat's changed since uv cum my way
but i dn't wnt us 2 becum
another used 2 be

i hope wat i'm saying dn't discourage u in any kind of way
cuz i do bliv dat u hav d potential 2 be evrything i need
i hope dat u cn rily understand dat i would h8 2 be wid sum1 new
and tell dem wat i'm telling you

i used 2 luv sum1 dat i didn't lyk
we used 2 wnt 2 break up every other nyt
i used 2 think relationships wer a lot of stress
i used 2 think dat pain was a part of happiness
now all dat's changed since uv cum my way
but i dn't wnt us 2 becum
another used 2 be


cuz it wud only be another waste of tym and all d moment 2 be raised
i wud bout my mind another memory a part of history
i cnt 4get cuz it keeps haunting me
now dat ur hir is evidently clear but i dn't evr
hav 2 hav dis worry again

i used 2 luv sum1 dat i didn't lyk
we used 2 wnt 2 break up every other nyt
i used 2 think relationships wer a lot of stress
i used 2 think dat pain was a part of happiness
now all dat's changed since uv cum my way
but i dn't wnt us 2 becum
another used 2 be

i was strucked by the song's lyrics because it is very timely talaga.. siguro coincidence na ngayon sumikat yung kanya para sakin diba?? nyahahaha.. first time ko palang narinig yang song nay an na LSS na ko ah.. ::I used 2 luv sum1 nananana...:: so anyways,, wala kasi masyadong climax ang aking day kaya ito nalang entry ko.. basta sana tamaan ang mga taong dapat tamaan.. at maliwanagan ang mga taong mga tatanga-tangang nasisiraan ng bait.. so till here nalang.. bahbher!!

24 August 2004

Kinilig. Kinikilig. Kikiligin?

not a very usual day if you were to ask me.. masaya siya.. oo sobrang saya.. hindi ko alam saan magsisimula.. pero ito ang ouline para cool..

--sa pagmamadali kong pumasok,, nakalimutan ko yung bull cap ko para sa p.e. class ko.. (which means minus 5 ako.. huhuhu..)
--ang 3 paru-parung nag "merry-go-round" sa ulo ko habang naglalakad ako papasok sa school.. (puro kulay brown pa.. sinu-sino kayang mga kaluluwa yun??)
--swerte ako sa fx dahil hindi "jabar" ang nakatabi kong mama sa harapan..
--nakakain na uli ako ng califonia maki after…..(hindi ko na alam kelan yung last!!)
--pagpasok ko ng building kasabay ko si "long back" na taga journalism..
--habang nakikinig ako sa "oh-so-boring" na PGC class namin,, hinalikan ako ng manyakis na langgaw galing sa labas.. (eeeewww!!)
--kahit na minus 5 sa p.e. class naming ay nakakuha parin ako ng 1.5 sa practical namin.. (sige tirahin ang bola kahit makain ko na buhok ko..)
--at ang pinaka-nakapagpasaya sa araw ko.. sinundo ako ni "SHORTY" sa school.. (yihee!!)

hay!! kaya mo pa ba mga happenings sa araw ko?? simulan naten sa pag-alis ko ng bahay.. haggard na haggard kong nilisan ang bahay namin dahil late na ko sa meeting namen ng mga ka-block ko.. so ang result,, I forgot my cap for my p.e. class.. at habang nagsusuklay ako ng hair habang naglalakad.. ayun!! ang mga naliligaw na kaluluwa sa katauhan ng brown na paru-paru ay nag "merry-go-round" sa ulo ko.. ako naman si tanga.. "shu.. shu.. ano ba?? alis nga jan.." tawa nga ng tawa yung nakakita saking tanod eh.. akala FLIP ako.. anyway,, eh di yun na nga.. dapat jeep lang sasakyan ko papuntang ust dahil cost-cutting ako ngayon,, eh kailangan ko na talaga magmadali so i took the fx.. sa harap na me umupo dahil puro lalaki yung nasa likod eh.. at sa bawat pumaparang mukhang mabaho,, pinapanalangin ko na.. "wag ka ditto sasakay,, please lang,, puti uniform ko eh.." ::sama ko talaga:: at yun,, swerte naman at wala akong nakatabing "jabar".. hihihi.. tapos ayun dire-direcho na ang mga pangyayari (as listed above..)

tapos dun na tayo sa sinundo ako ni "SHORTY" (yihee!!excitement??) kasi di ko talaga alam yun.. actually kumakain lang me sa burger king after ng p.e. class ko then.. 1 MESSAGE RECEIVED.. "dito na ko sa b.k.,, tapos na ba p.e. mo??" OH-MY-GOSH!! this can't be true.. so i replied.. "duh?? andito kaya me kumakain.." tapos biglang.. "kanina ka pa ba??" NYAY!! ayun na siya sa likod ko.. mejo na-shock pa ko ng onti pero carry-bam-bam na.. then yun,, kain,, then kwentuhan,, hanggan sa nagkayayaan na umuwi.. habang naglalakad nga ko tumutunog sa isip ko yung kanta ni tuesday vargas na "babae po ako..nanana..".. kasi ba naman noh?? sinundo ako?? gosh ha?? magulang ko nga hinahayaan akong umuwi mag-isa eh tapos siya susunduin ako.. aba!! major pogi points yata yun!! (in the running.. melai kumakarot nanaman..) ayun!! tama na details. yun na yun.. so sige i need to sleep na eh.. nytie peepz.. bahbher!!

23 August 2004

Ang Pagiging Isang Sangguniang Kabataan.

fiesta here samin ngayon..sobrang tiring this day was alam nyo ba yun??mga batang makukulit na nagsasapakan sa pag-aagawan sa "bring me",,pagaasikaso ng mga kailangan nila,,mga kulitan din naming magbabarkada,,chaka yung pagkain ng marami..kakapagod yun ha??masayang nakakaasar ang araw na to para sakin..masaya kasi kahit paano napasaya naming yung mga batang yon,,naisip ko nga eh..ganun na ba talaga kahalaga ang mga "prizes" na yun sa kanila o gusto lang nila sabihin sa kapwa nila bata "haha!!ako may prize ikaw wala!!kasi ako magaling!!behlat!!"kung ganun nga dahilan..hahahaha..nakakatawa naman..

nakakaasar naman kasi una umulan..at dahil umulan..ang maganda kong slacks (oo naka slacks ako nung araw nay un..) ay mukha nang DALMATIAN pagtapos ng mga palaro..hindi lang yun..tingin ko rin nahawaan na ko ng "sore eyes" dahil karamihan sa mga bata ay may sore eyes.. ::pakshet:: at pangatlo,,sa sobrang kulit nila hindi na sila nakakatuwa..sabi ni marvin "ah..bring me..pinakamatandang nanay.." ang mga loko-lokong bata walang awang hinila ung lolang nananahimik sa stage at naguunahan dahil ang premyo ay "cash" at hindi "gift"..nagpanic kaming lahat pano kasi matutumba na yung lola sa sobrang pagkumog ng mga bata..kaya inawat na naming sila.."oy relaks lang mga bata!!bente lang yan!!" tuloy ang benteng pinagaagawan nila ay napunta sa lola..hehehe..isa pa ung sa saging naman..aba!!dapat ba fair lagi??pag binigyan mo ng saging ang isa bibigyan mo lahat??saan naman kami kukuha ng isang dosenang saging??ano ba tingin naming sa mga batang yon??aso??hehehe..talagang walang patawad ang mga loko..kahit saging ayaw magpalamang..pero matapos ang mga pangyayaring yon nasabi narin naming sa sarili namin.."sa wakas natapos din..sa pasko na uli..hehehe.."

overall reaction ko??NAKAKAPAGOD TALAGA!!sobrang ang gulo-gulo na ng buhok ko kaya I ended up wearing marvin's cap..panira porma ::pakshet again:: pero ayos nay un..tapos na eh..at habang kumakain kami naisip ko bigla.. HA??MONDAY PALA BUKAS??MAY EXAM AKO SA RIZAL..HINDI PA KO NAG-AARAL!!.. so ngayon I need to finish this na in order for me to study..kaya friends,,romans,,countrymen.. BAHBHER!!

Things Come When You Least Expect It.

if the past days weren't that happy for me.. well then guess what?? I'm happy as a crazy dog can be.. ::buang na aso:: siguro nga tama ung sinasabi ng madla na "things come when you least expect it".. and as for me it did.. it came in the unexpected hour of the day.. in the unexpected place.. unexpected talaga as in.. di ko nga rin ineexpect na ganito ka-unexpected ang mga happenings eh.. siguro dama nyo na kung gaano ka unexpected noh?? nyahahaha..

monday na naman.. back to school.. balik nanaman sa pagiging masisipag na students.. at syempre eto nanaman ang mga kagaguhan ng 1EMID.. wala na yatang pinipiling lugar eh.. kahit saan na eh.. pag may joke.. kahit corny sige tawa lang.. joke nga eh.. gusto niyo ng sample?? sige na para malaman niyo na corny talaga..

ano tawag sa kabayong nasa stick?? (CAROUSEL!!)
ano sabi ng isang isda sa isa pang isda?? (ISDA YOU?? "is that you??")
ano naman sabi ng isang baka sa isa pang baka?? (COW BA YAN?? "ikaw ba yan??")
eh ano naman sabi ng truck sa bakang tumatawid?? (BEFF!! BEEF!!)

hay naku sample palang yan!! tignan niyo naman ang rating ng ka-cornyhan.. UNO!! nyahaha.. kung ganyan ba naman ang dadatnan mo araw-araw,, aba!! Siguradong gaganahan ka.. hindi makinig sa joke,, kung hindi para malaman kung sino talaga ang pinaka corny sa lahat at sabay-sabay niyo syang pagtatawanan.. nyahahaha..

unang pangyayari palang yan sa monday morning ko,, ano pa bang ibang pwedeng alalahanin?? ah oo.. ang walang tigil na pagtatanong sakin ni jason ng "asan si raefel??" sabi ko "ewan ko!! hindi ko alam.." sabi naman ng gago "bat di mo alam ha??" ::pakshet:: pero KIBER lang talaga.. wala na yun.. naalala ko lang dahil super kulit ni jason eh..maaga rin pala kami na-dismiss kanina dahil wala prof. namen sa LOGIC (my fave subject!!) ang ginawa ko?? uwi agad.. bakit kamo?? kasi kailangan ko pang tapusin ang project ko na 5,000 adverbs.. ::bwiset:: pero kung hindi ako umuwi ng maaga.. hindi sana nangyari ang kanina ko pang binabanggit na hindi ko ineexpect..

kasi ganito yun.. si "SHORTY" (anonymous muna name niya..shy pa ko eh..) nag-text sakin,, sabi niya nakita niya daw me pasakay ng jeep,, eh medyo matagal narin kaming di nagkikita nun kay sabi ko sa kanya.. "bat di mo ko tinawag?? eh di sana nagkita tayo diba??" basta yun.. tapos text-text,, kamustahan,, and everything.. tapos hanggang sa nagkaaminan na.. sabi niya "alam mo I really like you pero natatakot me ligawan ka kasi baka masaktan kita,, ngayon,, kung sakaling magiging tayo ayoko mangyari yun.." syempre KILIG naman ako.. alam niyo naman ako eh.. tapos ayun tanong niya kung pwede manligaw.. kheme kheme.. eh di si ako payag,, pero sabi ko sa kanya mahihirapan siya.. sabi niya okei lang.. eh DUH?? May nahihirapan bang manligaw sakin?? Wala naman yata eh.. nyahahaha.. ah basta.. kayak o naman nasabing super UNEXPECTED siya kasi biruin mo 11 na ng gabi magkatext pa kami.. (hindi coomon na oras para makipagharutan..hehehe..) tapos nasa bahay lang ako (so not romantic!!) at syempre yung tao mismo yung unexpected.. si "SHORTY".. ay naku kung alam niyo lang dati tinatabla lang ako nito eh.. tapos ngayon pa-tweetums na.. lagot toh sakin.. hehehehe..

so that's it,, sige oo na corny kung corny ang entry ko ngayon dahil puro love,, but anyway,, malay niyo Makita ni ate charo toh at ma-feature pa sa MMK.. oh diba?? astheeg!! oh sige na talaga.. gaya ng lagi kong sinasabi.. BAHBHER!!

22 August 2004

My First Blog Entry. [Ever.]

hay naku!!what a tiring day,,not just physically but also my brain hurts!!i'm so not in the mood for "happy-happy-joy-joy" right now..although i had fun with my old friends a while ago..anyway,,back to my introduction..so many things have been moving my mind in circles..its like "GRABEH-KAMATAY" na..like i can't take it anymore..

i had fun with my old friends a while ago,,we went to divisoria (wow!!social??) to buy toys for the fiesta..(very responsible SK's i should say..) and after that we had lunch together and then watched "now that i have you"..enjoy talaga me..a very good way to make me laugh..sobrang comedy!!(lam nyo naman ako CORNY!!)i kinda missed my buddies so i made the most out of our time together..chikahan dito-chismis doon..walang patid na kwentuhan ng buhay,,pamilya,,at LOVELIFE!!malamang bida nanaman ako dun kasi SINGLE!!hahaha..di nga sila makapaniwala eh..sabi ko nalang "ako rin eh,,di makapaniwalang wala rin akong boyfriend"..anyway,,its not a major loss for me naman eh..i can do this on my own..i think..

i got so tired na that i went home at 6:30 coz i'm excited na to make my first entry on my blog(yey!!its good to be here at blogdrive..)and here's the result..i found the "outlet" of my thoughts..uhm..di pa me masyado expert here pero jan naman si ate kat to guide me eh..in no time dadami narin ang "kikay" dito sa blogsite ko..

so many things have been moving my mind in circles right now..ewan ko ba..i'm not usually like this before..dati i was a happy-go-lucky type of person pero when i entered college parang nag-iba..oo sige mas enjoy kasi mas free ka gawin gusto mo,,but behind all that lies more responsibilities..sa studies..sa pag maintain ng high grades..sa bahay..sa sarili mo at sa social life mo..sa studies palang ang hirap nga eh..my famous line?? "grabeh pare humahawak na ko ng libro ngayon!!nung highschool kikay kit lang dala ko sa school eh.." tapos nakakastress pa ngayong finals period kasi most of my prelim grades are flat 3 so pressured me to get 2 flat on my finals grade para bawi!! (hay..einstein help me!!)okei na sana kung yun nalang iisipin ko eh,,ung sa studies,,pero hindi eh..dami paring factors na sumasabay..like sa bahay!!ewan ko ba..di ako kumportable sa bahay..mas okei pang buong araw nalang ako sa school..i don't hate my family..what i don't like is ang dami kasing NA_IISIPIN ipagawa sa bahay kaya pag may gagawin ako na naka-set na..naiinterrupt ung plan ko..ANG SAKLAP NUN EH!!hehehe..hindi pa jan tapos yan..ito at meron pa..

its like "GRABEH-KAMATAY" na..like i can't take this anymore na..MGA BOYLETS WAG NYO MUNA AKO NGAYON BAGABAGIN!!WAG KAYO MAGSABAY-SABAY!!ISA ISA LANG MAHINA KALABAN!!mga pesteng lalaki yan..ayaw ako patahimikin..una na kay josh..ewan ko ba bakit gigil na gigil ako sa kanya..oo sige wala kaming "something going on" pero yung feeling nya na "tv-idol-i'm-the-man" attitude nya makes me sick!!i can't stand it!!pinagsasabay pa kami ng bes ko a si ytelle??kapal ng face!!todoh ka boy!!hell pare i should say!!and that's just not it..on-line me sa ym kanina..then the most unexpected thing hapend..PUCHA!!ONLINE DIN SI RAPHAELO!!grabeh!!pero kiber lang nung una--dedma!!taps biglang.. "BUZZ!!" nyay!! (patay!!--what should i do??reply??not reply??)i made my taray decision..DEDMA!!KIBER!!WAHPAKELS!!anyway,, chat chat na ko ever then ang kulit.. "ei der!!" sige x lang..dedma!!hindi pa tumigil ang loko.. "snob naman nito.. ;c" aba!!at makapal pala ang mukha nitong mokong na toh eh noh??eh di yun na dedma parin..pero hindi matinag ang buang at ayun di nakatiis "kamusta ka na?? ;)" hay naku!!pesteng peste na araw ko..bwiset..kung di lang talga me excited gumawa ng blog di na me nag-on-line eh..epal bullshit talaga!!ggrrrr!!aaarrrrggghhhh!!hhhmmmppphhhh!!lahat lahat na!!

so that's it..feels good na nailabas ko toh here sa blog ko..todo ha??sakit kamay ko kaktype..anyway,,i had fun naman eh..sige gotta go..all you peepz out there..comment lang kayo..kahit ano sabihin nyo na ha??till here..babhber!!mwah!!