25 December 2004

Merry Christmas?

eto na!? pasko ay sumapit na.. yung mga regalong binalot nabigay na.. yung family reunion na pinlano ng matagal naganap na.. ang mga kamag-anak na matagal nang hindi nakita nakamusta na.. pero ang tanong.. "NARAMDAMAN MO BA ANG PASKO??"

lintek!? ang hirap sagutin ng simpleng tanong na yan.. yung pinsan ko ngang mas bata sakin pagdating dun sa reunion namin eh.. "ano ba yan?? pasko ba dito??" ano nga ba nangyayari ngayon at bakit hindi natin maramdaman ang init ng pasko?? dati nung bata ako halos di ako makatulog dahil gusto ko makita si santa claus lagyan ng bente pesos yung sinabit kong medjas sa bintana.. (nalaman ko nalang si mama pala ang inakala kong santa!?) pero hindi parin nawala sakin ang "excitement" tuwing pasko.. gabi bago ang pasko hinahanda ko na ang "tape" ko para sa "performance" ko tuwing reunion.. mas magandang "performance" mas malaking pera!? chaka kahit alas-onse na ng gabi ng 24 may maririnig ka pang nag-ka-caroling sa mga bahay-bahay.. noon yon.. dati ganun pa ang pasko!?

ewan.. ewan.. ewan!? bat kaya ngayon ganito?? simula nung 2002 parang ayoko na ng pasko.. naalala ko nun.. nung pasko nung 2002 tinulugan ko yon dahil hindi ko talaga maramdaman na pasko.. eh ayoko namang magpakaplastik kaya natulog ako!? ano ba kasi ang tunay na diwa ng pasko?? pagbibigayan?? pagpapatawaran?? pagmamahalan?? yun yung 3 simpleng bagay na alam ko.. teka.. simple nga ba?? isa-isahin nga natin..

*PAGBIBIGAYAN*

oi hindi pwede mawala sakin toh!? lahat ng special sakin may gift ako.. mura man o mahal.. "it's the thought that counts!" di ko nga alam eh.. basta ang galing.. nabigyan ko lahat ng gusto kong bigayn ng gift at hindi masyado malaki ang nagastos ko!? KEWL!? hindi lang naman nasusukat sa regalo ang pagbibigay eh.. meron din syempre sa ibang bagay.. tulad ng pagbibigay ng kapatawaran..

*PAGPAPATAWAD*

ay ito i'm very proud of this one!? days before christmas nagbati na kami ni.. volde.. raefel!? (nga pala.. VOLDEMORT=RAEFEL!?) teka.. ariel.. arnold.. kumalma muna kayo jan.. this will be the last time i'm gonna mention his name on my blog kaya pagbigyan na.. as i was saying.. oo nagbati na kami.. before kasi plastikan yung pagbabati namin kasi pinipilit lang kami nung mga friends namin.. pero yung ngayon kusa na.. eh kasi napatawad ko na naman sya eh.. matagal na actually.. wala na yung nangyari na yun.. iiwan ko na sa 2004 yun at sa kantang "BURN"!? and yun nga siguro we're much better of just being friends.. or mag-kuya i should say!? yung isa pa ay si "SHORTY!?" nagtext sya nung christmas eve at nagsorry din.. natawa nga ako kasi ako yung nansadista sa kanya tapos nagsorry pa sya.. PSYCHO!? pero anyway.. pinatawad ko na rin naman sya noh?? (ehem!? SHORTY=TIBAN.. crewmate ko sa b.k. before!?) so ayon..

*PAGMAMAHALAN*

amputch!? syempre hindi karir noh?? oo wala akong boyfriend pero hindi yun yon!? aba!? el presidente yata ito ng SMP!? (samahang M_______ ang pasko.. bahala na kayo sa M!? pwedeng malamig,, matipid,, masaya,, mainit.. WHATEVER!?) pagmamahal.. mahal ba ko ng pamilya ko?? oo naman.. mahal ba ko ng mga kaibigan ko?? as far as i know oo.. mahal ba ko ng mga alaga kong aso?? ay the best daw.. eh yun naman pala eh.. ano dinadaldal daldal ko dito??

waaaaaah!? ano beh?? bat ganitech?? hindi na ba magbabago ang feeling ko tuwing pasko?? lagi nalang bang magpapanggap ako na "yehey!? pasko!?"?? ayoko nang ganuN!? totoo lang mas masaya talaga ako pag new year eh.. i don't really know..

siguro wag na nating masyadong layuan ang tingin natin.. magsimula tayo sa mga sarili natin.. ako ba mahal ko sarili ko?? ako ba napapatawad ko sarili ko sa mga nagawa kong mali?? tinaggap ko ba pagkakamali ko?? binigyan ko ba sarili ko ng pagkakataon magbago?? just think about it.. malamang kaya hindi tayo sumasaya kahit masaya ang iba ay dahil sa kaloob-looban natin may "something" pa tayong dapat ayusin..

peepz!? patapos na ang christmas.. and 2005 is fast approaching.. may time pa tayo.. hindi pa huli ang lahat.. sana maisip ko na mga sagot sa mga tanong na toh para sumaya pasko ko.. hindi siguro ngayon.. pero sana sa susunod!? so pano peepz?? dito muna ha?? MERRY CHRISTMAS TO YOU ALL!? mwah!? bahber!?

23 December 2004

StarCity + Friends = FUN!

hay!? grover sa tiring ang araw na itech!? i mean kahapon pala.. (december 22,2004) nag-"star city" kasi kami ng mga high school berx ko.. (bebeng,, ariel,, ikel,, kath,, nikko,, abhie and clark..) kahit nga onti lang kami eh enjoy naman.. sulit pa!? wala naman kasi sa lugar yan eh.. nasa kasama mo yan.. anyways,, masaya lang talaga ngayong araw dahil wala ako sa bahay ng almost 8 hours.. hindi biro yun ah?? 8 hours na walang utos,, na walang sigawan,, na walang disturbance,, at higit sa lahat walang annoyance.. in short 8 hours without a father insight!? ahahaha.. sama ko talaga noh??
kwentuhan ko na nga lang kayo dun sa star city trip namin.. sulit yung 200 pwamiz.. ito mga nasakyan ko..

-zyklon loop (5 times)
-viking (4 times)
-flying carpet (4 times)
-ung tsubibo (one time lang..si bebeng kasi eh..)
-wild river (once lang din.. si bebeng kasi ulit eh..)
-spider (one time lang at isinumpa ko na yun!?)
-at lahat ng mga horror house napasukan namin..

sabihin na nating "yuck!? star city?? so jologs.. lagi nalang dun!?" oo nga naman.. eh halos every december nung highschool kami once or twice kami nagpupunta dun.. pero ngayong college nag-iba.. since walang christmas party,, wala rin star city.. kaya nga nanibago ang lahat!? buti nalang nung nagyaya ako oo sila lahat.. kahit wala masyado pera okei lang.. astig na yun.. (pinaka-astig talaga si ARIEL!?) kasi believe or not parte na ng disyembre ko ang star city with friend.. jolgs man sa tingin niyo.. MGA WHATEVER KAYONG LAHAT!? nyahahaha..

grabeh ang naging experience namin sa wild river na yan.. bukod sa ang kati sa paa at pwet nung tubig,, ang baho pa.. amoy jabar!? parang pawis nung mga taga tahi nung stufftoys na pinagsama-sama at nilagay dun.. grover talaga!? tapos yang spider na yan.. haaay!? WARNING:: wag sasakay ng spider pagtapos kumain!? lintek na yan yung dinner ko na chicken with rice naging chicken soup yata!? tapos hilo-hilo ako.. syempre bawal ako magreklamo.. nagpumilit ako sumakay dun eh..

mga 10pm na kami umuwi (pero paalam ko kay father 8 pm lang).. sina nikko,, kath,, at ikel straight home na.. kaming 5 dito sa bahay tumambay.. kumain lang ng ice cream na tunaw,, chips,, at cake na may alak!? namasko sila sa mama ko.. nakakatuwa nga eh kasi lahat sila nag-kiss kay mama (showbiz nga ung kay clark eh!?) tapos sabi ni mama sila na ang mga bagong surrogate sons and daugther nya.. KEWL DABAH!? at last may astig na kong mga kapatid!? nyahaha.. tapos binigyan sila ng ampao na di ko alam kung magkano ang laman.. (magkano ba bebeng??) an alam ko lang may lollipop sa loob nun!? wahehehe.. si mommy talaga!? after nun internet lang kami.. at tinapos ang A-Z ng filipino slang dictionary at dun ko nakuha ang bagong word ko na "GROVER" meaning grabe na over pa!? gusto niyo ng sample.. search niyo sa yahoo filipino slang dictionary at click niyo ung unang-una.. ang haba kai ng url eh.. di ko memorize!?

eto ako ngayon!? mag-a-alas dos na gumagawa pa ng entry.. may lakad pa ko tomorrow eh.. christmas party ng sk for the kids and christmas party rin sa office ni mama.. hay!? anu-ano nanaman kaya mga pangyayari tom?? andun kaya uli yung mga batang nag-aagawan sa saging at yung lolang inagawan ng bente nung batang rugby?? (read my entry last august bout sa fiesta samin!?) oh ano peepz?? dito muna ah?? i REALLY need to rest na.. till here.. bahbher!?

21 December 2004

Lately..

yehey!? sa wakas may internet load na uli ako!? yahoo!? babaran na naman sa tapat ng monitor!? grabeh tagal ko di nagalaw ang blog ko ah.. (naku!? walang pang name si blog ko!? better think fast!?) kaya ito ang entry ko for the past days..

december 17--> christmas party ng block namin sa house ng ka-block ko s qc,, swimming party sya akchwali!? as early as 8am andun na ko kasi im one of the organizers nung party na yun,, in short taga-prepare ako nung food.. napaka coñotic kasi ng mga blockmates ko eh!? ayun masaya naman sya imperness.. mga 10:30pm na ko nakauwi nun.. sobrang nakakapagod!?

december 18--> 8am me ginising ni mama dahil sasabak kami sa magulong lugar ng divisoria.. mamimili ng mga pangregalo sa mga kung sino-sino.. grabeh di pa ko bawi sa tulog at eto.. paguran nanaman.. pero okei lang,, i need to do my christmas shopping din naman eh.. kasama din namen si ate les.. grabeh.. buti itim ang t-shirt kong suot!? sa dami ng tao wala kangmakikitang fresh!? lahat jabar na!? kaya pag-nadikitan ka.. eeeeeeeeeewwwwwwww!? pasahan na ng jabar!? pero sige tuloy parin kami.. tawaran ever talaga dun sa divisoria!? malaking baay ang makatawad ka ng 5 piso!? syempre pamasahe mo nalang yun ayt?? so to sum it all up.. nakatipid kami as in.. not like the past christmas that we had.. ang laki ng gastos.. pero ngayon cost cutting.. (syempre debut ko na!? kailangan mag-ipon!? diba mama??) medyo na-fi-feel ko na ang pasko dahil sa pamimili namin sa divisoria..

december 19--> la lang!? church then house ng lola ko then robinsons.. kapagod din yun ah?? naka-skirt pa ko at sandals.. ang magandang pangyayari lang ngayon ay.. i bought 3 books!? mates.. dates and sequins smiles,, mad mistakes,, and inflatable bras!? yehey!? my book collection is growing!?

december 20--> ehem!? ah eto na!? ang saya-saya!? birthday ng mommy ko!? ariel and abhie went here sa house.. (sayang si beng eh!?) tita kong gurlet at 2 pinsan kong gurlet din andito.. at syemre si kuya shad at kuya dave.. so ayun habang nag-hahanda na ng food lumarga ang tatay kong may entradang "okei lang ba sa inyong mag-bible study tayo?? ikaw dave?? ikaw shad?? ikaw ariel??" anak ng!? tinamaan ng magaling!? alanganamang humindi ang tatlong lalaki eh di na-badshot sila sa tatay ko?? eh di mega oo nalang ang mga otoko.. afetr kumain yun na.. "ang mga magagandang salita ni ama" (as defined by bebeng) ay nagmistulang INGAY sa tenga ko!? ely soriano ikaw ba yan?? anak ng!? pati intonasyon ng boses kuhang kuha eh..kaya pala nung hapon palang busy sya sa kwarto nya doing something.. yun pala may pinaghahandaan!? i mean.. sige walang masama sa bible study.. but.. napakalaking BUT!? hindi sya nag-she-share ng belief nya eh.. he's forcing us to believe what he believes in!? duh!? WTF!? eh ang religion is one topic na napaka-delicate pag-usapan.. mas delicate pa sa mga rape cases sa bansa!? amputcha!? ang government nga nakalagay sa constitution na bawal sila makielam sa religion eh at bawal magkaron ng iisang religion lang sa pilipinas!? ay naku!? basta mixed emotions ang naramdaman ko nung mga sandaling yun.. kahihiyan,, inis,, asar,, irita,, awa,, katatawanan.. ewan!? basta sayang at di namin narecord!? nyahaha!?

december 21--> hindi pa rin ako bawi sa mga sleepless nights ko!? leche kasi ang aga ko nanamang ginising ng "AMO" ko!? at habang kumakain ako ng almusal.. aba!! ang lintek hindi pa nakuntento sa kagbi at eto.. may replay pa ngayong umaga!? oo na nga lang ako ng oo para magtigil na siya.. naiinis ako!? AGA-AGA INGAY-INGAY!? bushet!? eh ano pa ba?? eto kakauwi ko lang galing sa christmas party dito samin!? hay pagod nanaman!? wala nanamang masyadong tulog!? at WTF!? farewell episode ng sex and the city!? huhuhu.. mawawala na sila..

so ayun ang mga pangyayari lately kaya naging busy ako.. at chaka ang tagal kong walang net card!! ala kasing pera eh!? nyahaha.. so paano po mga peepz?? till here muna ah?? bahbher!?

03 December 2004

Net Addict.

haller peepz!? wala na namang pasok.. this time yehey na talaga!? wala naman me masyadong responsibilidad na ginampanan ngayong araw.. eh halos lumuwa na nga mata ko kaka-surf para sa aking webbie eh.. career mode talaga ko dun noh?? chaka nga pala.. yang mga network network of friends na yan--> FRIENDSTER,, MYSPACE,, HI5,, DOWNELINK,, HIPSTIR,, CHRISTIANSTER.. meron na ko nyan lahat!? ahahaha.. eh wala eh.. hayok ako mag-net ng mag-net eh.. dahil alam kong pagbalik namin next week sa classes ay pukpukan ng schoolworks,, quizzes,, and syempre daldalan..

naku naalala ko 22 days nalang pasko na.. wala pa kong list ng rregaluhan.. kasi wala pa kong pera eh.. medyo "dry season" wallet ko kahit binabagyo pilipinas ngayon.. may pinag-iipunan kasi ako eh.. anywya,, my mom's birthday is coming na.. wala parin akong naiisip na gift.. eh kasi naman noh?? lahat ng maisip ko kaya nyang bilhin.. chaka gusto ko kasi yung magagamit niya.. yung hindi niya lang itatambak sa drawer niya.. oh kaya naman something na may impact sa kanya.. ewan!? bahala na..

wala ako masyado masabi dahil syempre walang pasok.. wala ring misadventures.. wala ring mga taong malalait (nyahaha..).. wala ring medyo interesting ikwento.. kaya nga ititigil ko na muna ito.. kaya peepz.. bahbher for now.. ewan ko lang kelan uli ako makakapag-blog.. mwah!?

02 December 2004

Whaaaat? December Na?

yehey!? no classes!? (eh kahit naman may classes di kami papasok kasi birthday ng classmate ko manlilibre dapat sya chaka may meeting mga prof namin kaya okei!? sayang di natuloy..) sa wakas.. pahinga ako.. pahinga nga ba?? hay naku!? wala ngang pasok pero napagod naman ako dito sa bahay kaka-sunod sa mga utos.. hay naku talaga!? hmphf!? anyways,, sa wakas nakapag-internet na uli ako.. wala naman masyado bago eh.. i'm just busy makin' my blog more "GURLET".. nyahahaha.. grabeh noh?? december na.. tapos malapit na pasko.. tapos bagong taon na.. tapos valentines.. tapos summer.. tapos debut ko na!? hahahhaha.. pero hindi naman ganun kabilis yun.. medyo lang.. december na.. nararamdaman ko na yung "lamig" (hindi dahil sa bagyo ah??).. nakikita ko na yung mga bahay na nagmimistulang "cabaret" pag pasko (buti pa sa kanila pasko na samin wala ni star!?).. dumadami naren ang mga tao sa malls at kahit ang "divisoria" dinadagsa na sa pag-sha-shopping.. hay!? december na nga.. taglagas na ng pera para sa mga matatanda at tagsibol para saming mga kabataan.. nyahahaha..

siya nga pala.. sa sobrang wala akong magawa nag-sign-up ako sa freewebs.com to take my knowledge bout HTML to the next level.. TODO NA ITO!? goal ko is by the end of the year dapat maganda na siya.. kaya nga isa rin toh sa mga dahilan bat di na ko masyado nakakapag-entry dito sa blog ko eh.. pero dahil sobrang lakas sakin ng mga peepz ko.. hindi ko papabayaan toh.. 1/4 na yata toh ng katauhan ko noh??

hay naku!? tumili na yung tatay ko.. senyales na ng bagong utos na susundin.. oh pano?? till here muna ha?? byebye.. mwah!?

teka parang may mali.. di ba dapat "bahbher"?? sige take two.. sige mga peepz dito muna ha?? BAHBHER!? mwah!?