30 May 2006

Plastic Ka Ba?

kapag ang lalagyan ng gamit naging plastic, OROCAN o kaya TUPPERWARE yun!

kapag ang kutsara, tinidor at baso naging plastic, DISPOSABLE yun!

kapag ang aso, pusa, o daga naging plastic, LARUAN yun ng nakababata mong kapatid!

eh paano kapag ang tao naging PLASTIC? (oops! hindi sila barbie at ken ang ibig kong sabihin ha?) paano yun?

ano nga ba ang ibig sabihin kapag natatawag ang isang tao na PLASTIC! ang pagkakaintindi ko kasi jan..
PLASTIC= mga taong hindi nagpapakatotoo sa kapwa nila tao o sa mismong sarili nila, takot magpakatotoo kaya nagkukunyari nalang, at minsan nagpapaka-plastic nalang ang isang tao dahil yun ang "lesser evil".. (kesa naman awayin mo ng harapan diba?)

hindi ako magmamalinis. oo paminsan plastic rin ako. minsan kala mo masaya pa ko pero hindi na pala! minsan kala mo natutuwa pa ko sayo pero sa likod ng utak ko kanina pa kita nasaksak! (morbid!) pero kasi minsan nakakapagod nalang din magpaliwanag at maging hoest sa feelings mo kaya minsan nagpapakaplastic tayo! level one palang yan ng pagiging plastic!

syempre ano ba ang gingawa ng mga plastic na tao? eh di namamlastic ng ibang tao! in other words.. 'backstabber'! kapag kaharap mo ang iyong "biktima" wala ka nang ibang sinabi kung di puro papuri tungkol sa kanya na pwede ka nag umakyat ng langit dahil dito.. ngunit subalit datapwa't kapag tumalikod na sya.. ayun! pratatatatat! sinaksak mo na patalikod, mag-uusap kayo ng kapawa mo plastic at gagawin yo ang pinakapaborito nyong gawin sa buong mundo.. ang mang-backstab! YEAH! yan ang level two na kaplastican!

wag na tayong lumayo at sa kanya-kanyang sarili na tayo tumingin. are you being completely honest about yourself? proud ka ba na ikaw si ------- (put your name here)? wala ka bang tinatago sa sarili mo? kung paharapin kita sa salamin ngayon at tititigan mo ang iyong reflection for about 30 mins.. hindi ka ba matatakot? wala bang bakas ng pagdududa sa mukha mo? paminsan kasi confused tayo, puzzled or torn in between good and evil eh! example, inagawan ka ng kaibigan ng isa mo pang kaibigan, your usual reaction, as a HUMAN, is to get angry with the person right? pero magtatalo yang pag-iisip mo at sasabihin "okei lang yan marami ka pa namang kaibigan eh.." tapos ayun sige napatawad mo na pero sa loob loob mo na paminsan lumalabas na ay nagiging BITTER ka! PLASTIC! sarili mo nalang niloloko mo pa? yan ang level 3 at ultimate level ng kaplastican!

eh paano kung ikaw na ang biktima? halimbawa, yung pinakamatalik mong kaibigan ay kung anu-anong bagay ang pinagsasasabi habang nakatalikod ka? ano mararamdaman mo? oo tama! masakit! masakit kasi kaibigan mo yung tao, pinahalagahan mo sya pati yung friendship nyo tapos ganun? WAF! (what a friend!) another example naman, may kaibigan ka na sobra mong pinahahalagahan pero hindi naman ganun ang trato sayo? paano ka na? oo mas masakit yun! eh sana bumili ka nalang ng shih tzu tulad ni leila at yun nalang kaibiganin mo para obliged sya maging kaibigan sya! binili mo sya eh! pero hindi, tao ang pinag-uusapan dito! taong may free will! taong pwedeng mamili kung sino ang kaibigan nya o hindi! in short, a person can easily accept you and kick you off in her life easily!

bakit nga ba naglaro nanaman sa pag-iisip ko tong "plastic" talk na toh? ewan! napansin ko lang na dumadami na mga plastic sa mundo eh.. magmula sa mga artista, sa mga nasa big brother house hanggang sa mga kapitbahay nyo.. pati kaibigan mo plastic na! haay ano ba yan! buti nalang yung orocan namin dito sa bahay naasahan nung nagkaroon ng sunog! :D TTFN! (tata for now!)

14 May 2006

Happy. Ü

HAPPY MOTHER'S DAY! ako unang bumati kay mama! yehey! pero wala akong extra special na nabigay kasi hindi ako nakabili. so ayun, chaka kailnagn ko narin magmadali kasi late na ko sa 7am service. when i arrived medyo malapit na athem. buti nalang umabot pa. after service discovery naman. tapos afetr nun, umuwi ako kasi sumama ako sa kabilang church kasi speaker si mama. grabeh yung pinagkaabalahan nya for nihts maririnig na namin. na-surprise ako kasi yung lesson naman sa vcs na "ruth and naomi" yun yung sermon ni mama. kasi nga since mother's dy kailangan girl power daw ang sermon ni mama. kaya ayun! touched ako kasi ginamit nya yung suggestion ko. weee! c;

after nung service dun umuwi na kami ni ate les, balik ako emc kasi "QT" with aloi. 100th day kasi namin ngayon eh! c; ayun watch movie tapos kain, tapos balik uli emc. assist kay tin sa sunday school. pagdatng nun, nyek! 2 lang sila. at si miwa at mari pa yun. english yun eh! i panic! nosebleed. so ayun nakiki-english ako dun pero di masyado. tapos yung pinagawa nalang ni ate tin sa kanila yung booklet ng "manunuklas". eh tae! ang lalalim ng mga tagalog dun eh. so ayan mega-translate si ate tin, pagdating sa word na "maluwalhati" patay na! di ko alam. kasi nakalagay dun sa description ni God, maluwalhati sya, nakakasilaw, basta something like that! sabi nalang ni ate tin "glorious". ewan! bahala na sila dun! c;

so ayan ang naging buong araw ko! c; nakakapagod parang lagare. pero anyway, masaya naman eh. sige dito muna. bye! c;

13 May 2006

Rain Or Shine.. STORM Or Shine!

CHOIR OUTING kanina! kahit anjan yang bagyong caloy na yan tuloy parin. at surprisingly ang dami namin! hahaha! umabot pa kami ng 20. akalain mo? kahit 4 hours lang tulog ko wala akong naramdamang puyat? supposed to be beach kami sa batangas, kaya lang since may bagyo nga nauwi kami sa volet's sa cavite. first time ko pumunta dun, maganda naman sya eh (compared sa grotto vista!) kaya lang dami ring tao at that time kaya ayun! papansin nga kami kasi may oh-so-giant beach ball si kuya jeb so lagi nagtitinginan yung mgatao samin, lalo na pag napupunta yung ball sa may "off limit" ara ng wave pool! hahaha. tapos lintek na wave pool yan, sobrang lakas ng wave, parang tidal wave na eh. nalunod ako! to pan yhan na toh akala nagbibiro ako. grabeh sakit sa dibdib nun ah? anu pa ba happenings? since umuulan nga konti lang pics kasi baka mabasa yung mga digicam at cellphones eh. anu pa ba? nagswimming si aloi! sabi nya kasi sakin hindi sya magsiswimming eh, tapos wala syang dalang damit. buti nalang anjan si jop at napahiram sya ng shorts! hehehe. ay meron pa palang memorable, nilibre kami ni yhan sa starbucks. si frank, kemz, ako at jameel! ang saya! c; ano pa ba? ah basta enjoy kahit umuulan! chaka maaga kami nakauwi kaya nakapagpractice pa for tomorrow. c; sige dito muna. byebye!

12 May 2006

Update Tayo!

haaaaaay! kamusta naman sa blog ko diba? nilumot na sa tagal ng update. well, medyo busy kasi si pochiechai eh kaya hindi naasikaso. weniwey, san ba ko magsisismula? nagpatongpatong na mga kwento eh. tsk, tsk!

april18-21 KIDS CAMP

first time ko maging counselor sa kids camp. medyo pinagbigyan lang ako ni ate kat sa kahilingan ko eh kaya ako napiling counselor. si kuya jonan ang partner ko nun, nung una kabado ako kasi di kami masyado nag-uusap before nung camp para sa mga gagawin namin. pero nung nandun na, ayun, kayang-kaya ni jonany! (swerte!) pang "one act play" pala tong si partner eh. tapos eh di daw sya magaling sa mga art=art, syempre being a tabernilla and a sister of kathy jan ako magaling. sa pagiging maARTe! so ayun, tulungan nalang kami sa mga kids. basta nakakatuwa kasi kuya jonan and i are not that close pero nung camp ayun naging medyo close kami! c; mas sexy pa nga sakin yan si partner eh! c; so yun lang. basta enjoy yan! dami kong naging friends na kids. chaka memorable experience talaga sya! hehehe. ATE POCHAY na ko! c;

april 24-28 HEXAGON CAMP

second time ko na mag-youth camp, at sakto pa na hexagon ngayon. nung una medyo di ganun ka enjoy kasi most of my friends last camp ay wala dun or hindi camper. (sila cha, dalo, bits, tj, earl, jasm, leah, niel, kuya jeb, and syempre si aloi! c;) kami na lang ni tin naiwan eh. pero ayos lag kasi feeling bata naman kai. kasama namin lagi sila frank, boogie, camille, jameel, kemz at kung sinu-sino pang mga kabataan! tapos meron ding taga-siliman. hay naku! meron iba sa kanila nakakatuwa, meron naman katawatawa, at marami ang hindi nakakatuwa! swerte ko nga sa groupings dahil at least kahit isa nabibigyan ako ng friend talaga. like sa BS si dale, sa group dy si aidz at sybil, at sa recreation lahat friends ko! okei kasi yung napunta samin eh. anjan si rico (yun palang okei na eh! hahaha.) si eric, sybil, lyndie, joycen, ate grace, cho-cho, timoy, allan, pj, at syempre ang CRUSH NG BAYAN si jwill! (tsk, tsk!) so ayun kahit tuwing recreatin nagsisigawan at nagbabangayan kami, nageenjoy kami nun, HINDI LANG HALATA! c; tapos first time ko rin makaranas sa group ko ng matinong presentation ng talent's night! (kami ata panalo nun!) alam nyo kung bakit? hindi kasi ako kasali dun! haha. sa sounds lang ako eh chaka sa pag-direct! pero it went well naman. (si rico DAW ang nagdala. hihihi.) uy teka masyado ko ata inaasar si rico. sige pupurihin ko naman: kasi nung voting na for friendliest camper magkalikod kami, wala daw ya maisip kung sino gusto nya iboto. tapos sabi nya sakin ako nalang daw iboboto nya since ako lang daw sumulat sa kanya sa camp mail. sabi ko si anne nalang boto nya para hindi sayang kasi landslide na si anne. pero wala tumataginting na POCHAY parin sinulat nya. wala lang na-touch lang ako! weee. c;

may 1-6 VCS YANGCO

first week of vcs, medyo di ako nakapagprepare coz galing ng camp at medyo pagod pa. si eric lee nag-assist sakin, actually nakakabigla nga kasi super dami ng sumama ngayon. dahil narin siguro sa workshop ng ACTS. medyo okei naman yung mga bata, nakakabingi nga lang minsan kasi puro murahan maririnig mo, pero pinapalo naman nila bibig nila pag nagmumura sila eh. hehehe. (turo ko yun!) okei din mga students ko, madali sawayin at takot kay eric dahil malaki! wahaha! 12 students ko nun, ako yata pinakamarami eh, artida na yung iba kinuha na ni ate tin! dun kami kila teacher christine eh, syempre naki VCS na rin si faye. so ayun masaya naman at may mga natutunan yung mga bata. pinababalik nga nila kami tuwing sunday eh kaso sabi ko baka hindi kami sure. yun lang!

may 8-12 VCS JACOBO

second week of vcs, ibang lugar naman kami. medyo mas matitino yung ma bata this time, less suntukan pati less murahan. andun si joshua from kids camp. si jameel, kai and faye naman ang nag-assist sakin. actually marami talagang assistants kaya kahit sino pwede. c; same teachers parin (bits, jas, tin and me) at medyo dumami kami. andun na si chasha eh! chaka per teacher ata 2 assitant! (oh diba ang tarush!) mas okei ngayon kasi "career mode" na ko. dami nilang activities, plus kasali pa yung booklet ng "manunuklas" pati may mga creative activity pa sila! c; haaay. ako nga lagi huling natatapos sa lesson eh, paano ba naman mabagal sila magsulat. tapos nung last day of VCS pinasulat ko sila kung ano natutunan nila. karamihan ng nandun is "thank you kay ate pochay natuto ako bumasa ng mabilis..." "salamat kila ate faye at kuya jameel dahil mababait sila.." "salamat kay ate pochay natuto kami mag-pray.." "salamat sa mga kwento ni kuya jameel.." at marami pang iba. napaka-inspiring ng feeling. kaya mas gusto ko outreach VCS kesa inreach eh. kasi mas natotouch mo yung mga bata. (tsk. tsk! ang halay!) ah basta yun na yun!

so ayan na yung updates ko for the past 4 weeks. sisipagan ko na ga mag-blog. hehehe. sige dito muna.

ay pahabol pala. pinalitan ko na URL ko kasi si arnold aquileña jr. nagreklamo sa haba at arte ng URL ko. so now it's http://pochiechai.blogspot.com

01 May 2006

So Many Days. So Many Hours. I'm Still Burning 'Till You Return.

tsk, tsk! dami na events ang nangyari, at kahit isa wala pa kong post. gosh! paano ko ba hahabulin yun? medyo hectic din ngayon kasi VCS na eh. hindi ko tuloy ma-gather thoughts ko maigi. basta will blog next week about everything. (including ang "operation block and white" ko.) bahbher! c;