20 October 2004

Guess Who's Back In Blogging?

HALLER my peepz!! i know tagal ko nawala!! i missed this blog so much!! eh syempre eto na kasama ko sa mga kabaliwang nangyayari araw araw eh.. anyways,, i have a lot of catching up to do so let me start.. start na.. uhm.. ah.. eh.. teka!! where will i start?? pucha!! sa dami ng nangyari ang hirap banatin ng panahon para masulat ko dito..

okei sige ganito nalang..

**sa buhay ko muna sa UST..

well..so natapos na ang finals namin.. tapos na ang pagmememorize ng mga hinayupak na tula.. ang pagtawag sa kung sino-sinong santo para humingi ng tulong sa exam.. ang mga report na hindi ka pinapayagang i-report (meron ba nun?? oo meron!! lalo na kung may PGC class ka!!) at ang iba't-ibang mga "the moves" sa pangongopya,, kodigo,, at kung anu-ano pa.. pero aaminin ko.. hindi naging masaya ang last day ng class.. oo kinabukasan nun sembreak na.. pero.. sembreak na?? ::shet!!:: ano gagawin ko sa tatlong linggo?? tatlong linggong walang pasok,, walang excuse para umalis,, walang baon,, walang kasama sa bahay kundi tatay ko lang,, walang DVD,, at walang kausap ng matino?? bad trip diba?? parang sana di na nauso sembreak.. pero ayos lang.. anjan na eh.. katunayan nangyayari na nga eh.. at salamat kay ST. THOMAS AQUINAS ay nakakaraos naman ako.. after ng finals nagkitakita pa kami ng mga classmates ko kasi birthday ni gee at nagpa-swimming party sya sa bahay nila.. (cool noh??) ayun!! sobrang enjoy naman.. daming food.. chaka "ultimate bonding experience" talaga noh?? pero after nun.. dun na ko namoblema.. isang araw palang nakakalipas sa sembreak ko.. ano pa gagawin ko?? ::shet na talaga!!:: so days passed.. the longest days of my life i should say.. until this day.. clearance day!! yehey!! nagkita kita na uli kami.. syempre happy happy.. pero it didn't last that long kasi nagkakatamaran,, walang pera,, at nagmumura yung araw sa init.. aminin ko kahit ako gusto ko nalang umuwi eh.. pero hindi rin.. BAKA PAGSISIHAN KO LANG.. basta yun.. yun ang tungkol sa UST..

**sa PCU people naman..

ayun!! nakakachat ko na halos madalas ang mga classmates ko before kasi ayos na yahoo messenger ko eh!! wala lang kwentuhan lang.. tapos nung saturday nagkita-kita kami at ang saya talaga as in.. bonding kami.. nag-arcade,, kumain,, nagpapicture,, at nagtawanan ng nagtawanan.. nakakamiss ang ganitong buhay.. ang buhay high school.. yung wala ka nang iisipin kundi saan ka pupunta pag sabado.. o kaya anong oras ka uuwi,, kaninong bahay ka pupunta,, sino sasagutin mo,, at ilan na friendster accounts mo.. ::ka-miss!!:: pero ala na yun eh.. kaya dapat nang tigilan tong pagdadramang wala namang award.. neways,, basta masaya ko dahil may contact na uli me sa mga classmates ko before and sa mga friends ko sa PCU.. basta yun.. yun ang tungkol sa PCU..

**sa personal na buhay ko naman..

naku eto na!! ako?? eto.. ayos lang.. buhay,, humihinga,, nakakapagtype pa kaya eto!! nabuhay ang blog ko.. mejo hindi maganda sitwasyon sa bahay eh.. araw kasi lagi ng pagsigaw yung tatay ko.. tapos hindi nauubusan ng utos.. pero ayos lang.. exercise din yun sa isip-isip ko.. ::plastik!!:: napaka-simple nga lang ng buhay ko lately eh.. pag-gising ko trabaho na agad.. tapos lunch.. tapos nood t.v. or internet or basa ng book.. after nun.. dadating na si mama.. then aakyat na ko sa kama ko.. iintayin ang MULAWIN at STARSTRUCK tapos after matutulog na.. kakaasar noh?? walang highlights.. kaya nga excited nalang me sa pagtulog kasi mas masaya pa sa panaginip ko kesa sa totoong buhay.. ::kainis!!::

**at syempre.. pwede ba namang mawala ang SENTIMYENTO ko sa PAG-BIG?? (pucha!! melai utang na loob.. wag na!! maawa ka!!)

love life?? hehehe.. eto single bakit?? wala namang masama dun diba?? okei naman ako.. enjoy din maski pano ang pagiging single.. wag ka nga lang sasama sa mga couples na akala mo isang dekadang hindi nagkita dahil pag ginawa mo yun baka masuka ka lang dahil kinikinita mo sa kanila ang sarili nung dating may ka-on ka pa!! (naku!! kaya nga tinigil ko na ang pagpunta sa mga sulok-sulok ng luneta eh.. nyahaha..) eh basta!! naniniwala naman akong MAGANDA ako eh.. at yung para sakin talaga.. hindi pa pinapanganak!! haha.. joke lang!! actually napanganak na sya.. kaso hindi nya pa narerealize na kami na.. alam nyo ba kung sino yun?? si DUNCAN yun!! yung kanta nyang IKAW NGA para sakin talaga yun.. kaya ALWINA magtigil ka!! wag kang feeling.. haha.. pansin nyo ba wala ako sa focus ng subtitle ko.. --> SENTIMYENTO ko sa PAG-IBIG?? eh kasi naman noh?? ayoko na munang masyado magsasasalita tungkol jan kasi.. kasi.. wala lang!! ayoko lang!!

so peepz.. these are the things that has been happening lately.. so ngayong updated na kayo.. i'm gonna make this blog be more effective.. para sa inyong mga peepz ko.. syempre lakas kayo sakin eh.. so paano i think this is enough for one day.. till here peepz.. BAHBHER!! (gosh!! how i've missed that line.. isa pa nga..) BAHBHER mga peepz!! mwah!!

No comments:

Post a Comment