hindi ko rin alam anong nangyari sakin at bigla kong naisip na makipagbati na sa kanya. at habang nagiisip ako, ito ang mga napagtanto ko:
A.) pagod na kong magalit sa taong insensitive. (hindi nya alam na galit ako sa kanya.)
B.) nabababawan ako sa sarili ko tuwing naiinis ako sa kanya / sa ginagawa nya / sa presence nya, etc.
C.) burden sa sarili ang magalit sa isang tao ng sobra-sobra. (imbes na masaya kang matutulog at gigising diba? iisipin mo yung kaaway mo and then BOOM! sira na araw mo.
D.) walang mararating ang galit ko, hindi sya magbabago dahil lang galit ako sa kanya. (paki nya bas akin diba?)
i do feel proud of myself for doing the first move, to have peace with those i’ve wronged / have wronged me as well. considering na ako ang mas matanda, i should be the one to understand things better. kaya nga inisangtabi ko muna ang pride, to gain some peace of mind. (mas magandang bargain yun diba?)
oo, ako si melai, si melai na mahilig sa away. gusto laging may bi-ni-bitch out at may inookray na mga tao, pero hindi lahat yun pinepersonal ko. J (konti lang!) if there’s one thing that i really like whenever i’m in a fight with someone, it’s the part where i have to say i’m sorry.. and then everything will be all right again. J hindi mahirap para sakin ang umako ng kasalanan, hindi rin mahirap para sakin ang magpatawad. ang gusto ko lang both parties understand each others feelings. (hindi yung ako lang iintindi sayo, anu ka swerte?) give and take lang yan dude! cliché pero totoo.
naalala ko nung nagkabati kami ni ate kat sa blue roze camp last 2006, super hagulgol ako sa kanya kasi nagsorry ako sa kanya during the LOVE BANQUET. ang sinabi nya lang sakin: “tumahan ka na, pinagtitinginan na nila tayo.” (napakacalm mo talaga ate noh!) masarap yung feeling ng nagsorry ka at napatawad ka eh.
naalala ko rin nung nag “blog war” kami ni chasha. wala pa yatang 1 week hindi na namin natiis at nagconfront na kami sa isa’t-isa. after that, BOOM! bati na kami ulit. again, nagsorry ako sa kanya, nagsorry rin sya sakin. J give and take dude! sabi nga ni chasha: “we could have been good enemies, but we’re better off as friends!” J (naalala ko pa cha noh!)
at kung may taong rinding-rindi na sa kasasabi ko ng “i’m sorry”, yun ay walang iba kundi si LEO CARLO MORADA! *palakpakan!* aminado akong marami na kong atraso jan (yun iba hindi nyo lang alam gaano kabigat!) pero isang sincere na explanation at apology ko lang, ok na lahat. ganun kabait sakin yan!
so what’s my whole point? before you use all your energy para magalit / mainis sa isang tao, be indifferent! alam mong ganun na ginagawa ng lahat eh, gagaya ka pa! instead, bring peace, not just with others but within yourself as well. J kung hindi mo magawang magpatawad (for now.) at least try to let go of what you’re feeling. pero the rest is still up to you. sino ba naman ako para diktahan ka, sino ka rin ba naman para sundin ako diba?
nakipagbati ako sa kanya hindi dahil sa diwa ng pasko, dahil sa gusto ko magsimula ng magandang bagong taon!
* salamat sa “naked juice bar” peeps (jai, ate jojie, kuya jeb, aloi) na nakikinig sa mga walang kwenta kong hinanaing sa kanya dati! natatawa ako pag naaalala ko.
* thank you aloi kapag pinagtatawanan mo ko pag naiinis ako sa kanya! natatawa narin ako ngayon. labyuu!
* kuya noel: maswerte ka kapatid ka ni aloi at malakas ka sakin! hehehe. peace na!
* thank you ate kat for being a role model of forgiveness! aylabyuu more!
SINO NGA BA SIYA?.... SECRET! J basta masaya na kami pareho at nagkausap na kami. this is all you really need to know. J (and correction, hindi naman pala sya insensitive