14 March 2011

Malikot Na Utak Sa Madaling Araw.

-- Natatakot ako magtiwala ulit ng lubusan pero alam kong dito ako masaya kahit may pagdadalawang [pagtatatlong, at pagaapat] isip parin ako.

-- Ayoko nang maulit yung sakit na naramdaman ko nung mga nakalipas na buwan, as in ayoko na. Sana hindi na maulit pa. Sana.

-- Ang hirap pala kapag tiwala ang nasira, lahat damay.

-- Nawalan din ako ng tiwala sa sarili ko nung nawalan ako ng tiwala sa kanya.

-- Masakit parin kapag naiisip ko yung mga bagay-bagay. Nandiyan na yan, di na maaalis.

-- Masaya ako kahit may mga ganitong kaisipan ako. Sana magtagal ito. Sana.

-- Lulubusin ko na habang nandito pa, at kapag nawala, walang sisihan.

At bago ko tapusin 'to, bibirit muna ko.. ♫♪ And all I can do is hope and pray.. Cause heaven knows.. ♪♫ Sige na dito na lang muna. Random. Che! Okthanksbye.