Showing posts with label In The Corporate World. Show all posts
Showing posts with label In The Corporate World. Show all posts

18 January 2012

$%!@*&#^ This!

$%!@*&#^ This! I hate it! I quit! AYOKO NA! AYAW! AYAW! AYAW!

Hindi ako mapili sa trabaho, alam yan ng mga magulang ko at sa mga taong matagal nang nakakakilala sakin. Hindi rin ako tatamad-tamad tulad ng sinasabi sakin dito, alam din yan ng Nanay ko, HINDI AKO TAMAD! At lalong-lalo naman na may tiyaga ako sa kung anong trabaho ang iharap mo sakin.. Pero ngayon? $%!@*&#^ This! SOBRA NA! Ayoko na! Sawang-sawa na ko sa araw-araw na dalawang libong mahigit na phone calls na kalahati pa dun ay mga bastos at walang modo [SOBRANG UNPROFESSIONAL] na clients na akala mo residential yata ang tinatawagan at kung minsan parang pay phone pa sa kung saan ang gamit! ANG EEPAL NINYONG LAHAT! [with matching turo-turo ala Assunta de Rossi in JOLOGS.]

Parang ganito lang yan eh.. HINDI AKO NAG-ARAL NG APAT NA TAON SA KOLEHIYO PARA BAGSAKAN NG TELEPONO NG ISANG WALANG MODONG [AT JOLOGS MAG-ENGLISH, TRYING HARD, FEELING SOCIALITE] CLIENTE! $%!@*&#^ This! At ano tingin niya sakin? Robot na walang "programmed" na sagot kapag nagaalburuto ang cliente? Underdog na hidni alam gagawin kapag nasigawan? Ako pa ba magpatalo? DEMMET! EH di nasigawan siya! Hahaha! Well, hindi naman yun biglaan at tipong "marketer" [Palengkera] ang dating at bigla nalang ako nag-snap ng ganun. Pang-anim [Oo, nabilang ko.] na beses niya na kong binabastos over the phone, yung hindi courteous/professional kind of bastos, ganun. Eh nabosesan ko siya. So ayun, inunahan ko na.

"MA'AM SANA PO HINDI NIYO PO BINABAGSAK YUNG TELEPONO KASI MASAKIT PO SA TENGA AT MEDYO HINDI PO MAGANDA YUNG ASAL NIYO." Tapos hindi siya nagreply. At marahan niyang binaba ang phone. Olats!

Ang nauna ay "external stress factor", iba pa yung "internal stress factor". Tao ba 'to? OO! Hayop ba 'to? Pwede. Hayop sa katamaran! $%!@*&#^ This!

Ganito yan eh, kung alam ko lang sagutin LAHAT ng tanong ng mga cliente niyo, hindi ko na ipapasa sa inyo yung tawag. Alam ko namang busy ang lahat, lalo na sa department niyo. [Oo, sensitive ako sa environment ko. Unlike you!] Pero wala akong alam sa mga processes na yan eh . [At hindi ko kasalanan na wala akong alam, I WAS NOT INFORMED!!] So talagang babagsak at babagsak sa inyo yung mga tawag... Tapos anong gagawin mo? Deadma ka lang? Muta ang phone? Kiber sa mga phone-in queries? ANO KA, BOSS? $%!@*&#^ This! Tibay ng loob niyo "boss"! Ang laki-laki ng sweldo niyo, konting effort pa jan para naman kahit paano tumugma ang pinapasahod sayo sa tinatrabaho mo. Oo judgmental siguro ako sa pagkakataon na 'to, pero "boss", last year ka pa ganyan. Dati nga lakas mo pa makareklamo sakin na pinuputakti ka ng tawag. EH ANO PA PO AKO? Lunok lang pahinga. Palit tayo, trip mo?

Tama na. Galit ako kaya kung ano-ano sinasabi ko. *In hell.. Excel..*

Anyway, ayun lang, nag-rant lang ako. Ang init ng ulo ko [Literal. Yung parang may steam. Ganun ka-init.] at ang tigas ng batok at balikat ko [Malamang ay dahil sa stress.] at wala na kong energy para magalit pa. Naubos na mula alas-otso [Oo, pagpasok na pagpasok palang, umaaribba na ang mga tawag!] ng umaga. Haaaaaaaay! $%!@*&#^ This!

17 January 2012

J-Hunting.

Before 2011 ended, I promised myself that if I don't get to be regularized here at the company I'm currently working, I'd find career opportunities in other companies. Why? Because I've been working here for 2 freaking years already and I'm still not on a regular status. And it's not because of my performance, I'm very well sure of that. And of course, my current job/position doesn't let me maximize my "potential" to excel and to utilize my skills. Kaya ito.. Nangangalawang na, nabobobo pa.

Rant mode: on. Of the 2 years that I've been working here:
1.) Are they properly orienting new employees [including me.] on the description/nature of the job that will be taking on? NO.
2.) Are they doing anything to contribute to the 'career growth' of the employees? NO.
3.) Are they provided enough trainings/seminars to further learning? NO.
4.) Are they prompt in giving promotions/regularization to contractual employees? HELL NO!
5.) Are they giving 'bonggang-bonggang' incentives and a competitive salary rate? HELL YEAH!
Tssss.. Panira! Che!

So, if can't do anything about my regularization, why not do something that I'm in control of? OPERATION J-HUNTING! Ü

I'll admit, it isn't easy. Not that there are no available vacancies, it's just that I feel I'm not fit for those positions or that I don't qualify in terms of the technical skills needed. [Yeah. So much for the training requests! Walang natupad kahit isa!] I'm like on entry level again/fresh graduate. And this fact is kind of depressing. REALLY.

But one thing is for sure, I won't leave until there is a replacement. I'm not that stupid/desperate! I should keep in mind that I still have 3 years of schooling that I need to pay for. *wink*

30 September 2011

Pressure Cooker.

ANO BA! Friday na Friday pero sobrang stress naman inaabot ko! Nakakaiyak na yung stress sobraaaaaa! :((

Ngayon lang nangyari 'to. Friday na Friday pumapalo ng 200++ calls ko per hour, at paulit-ulit lang yung tumatawag! [Mga 'di maka-move on na may kausap pa nga yung gusto nilang kausapin. Che!] Ang masama pa nun sila pa magagalit kasi busy lagi yung line. HELLO! 'Di ko na controlled yun diba? Paaandaran mo pa ko ng katarayan mo! Asal!

Pangalawa, itong essay shit na 'to for blah blah blah. Tinatry ko naman effortan ng bongga, pero wala eh. Walang substance ang composition [If you can even call it that!], parang walang sense, hindi professional ang dating. Mukha siyang formal theme writing ng isang 3rd year highschool student! Nakakapikon. Nakakapressure. Due na 'to next week ano ba!

Pangatlo. Related sa pangalawa. Hindi pa rin ako nakaka-review for blah blah blah. Alam ko na ngang nangangalawang na utak ko, hindi pa ba ako mag-re-review? Paano ka naman makakareview eh ang daming hassle sa paligid. Sa office magulo, maingay, walang privacy, kahit pagkain ko binabantayan. [Although di naman ako dapat mag-review sa office.] Sa bahay masikip, maingay, nakakaantok, pagod na tuwing uuwi. Basta 'di ako makasingit ng review. :( Lalo tuloy nagbuibuild up yung pressure.

*Bakit nga ba kasi ako nagppressure sa application na 'to? Kasi I want it.. BADLY! At alam kong mataas ang standards nila at 'di uubra ang pa-petiks-petiks ko. Kaya kailangan ng bonggang effort at hardwork.

*On the contrary, medyo depressing din. Kasi ito na ko, nagsisimula mag-effort ng bongga. Paano 'pag 'di naging successful? Eh 'di nakakalungkot naman diba? When you've put it all the hardwork tapos in the end.. loser? Kainis lang.

Pang-apat, yung photobooth! Ngayon ko lang nakita na may kapareho ako ng name at logo, as in! Eh ayaw ko ng away and all kaya ako na lang ang magpapalit, tutal nagsisimula pa lang naman ako. Nakakatakot lang kasi baka awayin ako nung operator nun, kasi yung ibang events na tapos na, may watermark na ng logo at name, baka makita nya. [Parang issue lang sa "Team Tukod" at "Tukod.ph"] Well, para wala na lang gulo, kailangan ko palitan lahat yun. Uulit na naman sa logo, sa pag-watermark, at sa pag-publish ng photos. Haaaaaaaay! Kaso 'di ko naman magagawa yun diba? Wala akong gadgets, skills, at will.

Pang-lima, ito medyo minor na lang.. Nappressure na ko magka-laptop. Kasi naman! Yung PC ko dito sa office [Whick I named HULK.] ay bumigay na. Kulay berde na! Sakit sa mata. [At oo, nagbblog ako ng kulay green ang screen. EFFORT!] So hindi na ko makapag-edit ng stuff dito kasi kamusta naman sa kulay diba? And wala na rin kami PC sa bahay. At yung dati kong laptop, ang magaling kong Yaya ang gumagamit dahil pinahiram siya ng Tatay ko. Haaaaaaaaay! :|


Nakakapagod pala mag-blog ng galit noh? Ambigat ng tama ng daliri sa keyboard. Nakakahingal. Nakakaiyak. Kaya dito na muna ako ulit sa sulok para itago ang maga kong mata. @_@




Drained.


PS: Naisip ko lang.. Pwede naman mabawasan 'tong mga 'to eh. 'Wag ko na ituloy application ko for blah blah blah, itigil ko na ang trying hard kong business, at mag-ignore ako ng 'konting' calls..