hello world! ano beh? anong pecha na? tagal ko hindi nag-blog noh? eh kasi ang higpit ng competition dito sa bahay pagdating sa paggamit ng pc. daig pa amazing race eh. anyway, kamusta naman ako? happy naman ba ko sa life ko? partly yes, partly no. reasons? ewan ko rin eh! labo!
ayan. pasukan na uli. kulitan with blockmates nanaman, at getting to know your professors again. bagong set ang teachers namin ngayon kaya matinding pagtatanong-tanong sa higher batch ang ginawa namin. 50% ng prof ko hindi ko gusto! hindi ako makahinga eh, laging may kaba. ewan! di tama ang pagiging strict! parang si ms. minchin! (at ako syempre si princess sarah!) pero mas gusto ko ang ECO2 ngayon. bakit? kasi kamukha, kaugali, kasing SEXY ng tita jeannie ko ang prof namin dun. and she's like elle woods na plus size nga lang, ang kikay, ang arte magsalita. unang meeting palang, sabi ko sa kanya "i like you na!" tapos sabi nya sakin, "i like you too!" hehehe. ayus! instant girlfriend! tapos yung sa ACCTG2a&b naman, sooooper bagal magturo, pati pananalita mabagal. pero ha? antanda na ang berde prin ng pag-iisip. kaya nga gustong-gusto sya ng mga boys sa room namin eh. (lalaki yung prof namin!) at ang general rule nila "two heads are better than one!" ;p (partnership daw..)
so far so good naman ang naging week ko, medyo di parin ako maka-pagadjust ng tulog ko, lagi akong late nagigising, buti nalang kamo 11am pa pasok ko. feeling ko sembreak parin eh, tapos minamadali kong magpasko. hay! sana sumapit na ang pasko. (regalo ko ha?)
dito nalang muna ang aking post dahil maglalaba pa ko ng uniform eh. inepal ko lang tong internet sa tatay ko eh. oh sige dito nalang. bahbher!