14 September 2011

Nakakainis. Nakakalungkot.

Nasimulan ang araw sa isang basag trip na advertisment ni Jillian Ward. Nasundan ng kapogian ng boypren ko. [May nagkaka-crush DAW sa kanya.] Tapos isang balitang hindi dapat ako apektado pero nainis ako ng bongga! Tipong wala na dapat ako paki, pero nainis lang ako. At hanggang ngayon BV na ko. [At least may 'motivation' na ko para sa 8km ko mamaya. AJA!] 

Isang 'former' friend aalis na ng bansa. Nakaalitan ko/namin ng bigtime, at sa katagalan, hindi na nagawan ng solusyon. [Hindi siya 'case closed' sa madaling salita.] Masama pa nito, panget na nga ending ng kwento, nilayasan pa. Siguro din hindi naman na niya responsibilidad na ayusin yun, pero ayun nga.. Nakakalungkot. Tipong, umalis ng ganun. Oh well.. Siguro nga hindi na niya 'priority' yun or wala na sa kanya. [Kaya nga dapat wala na rin sakin, ewan ko ba, pa-blog blog pa ko dito.] Walang may kasalanan. Walang gumawa ng aksyon. Tapos na. Natapos na ng ganun. Nakakainis. Nakakalungkot. 

Naisip ko lang din na konti, as in konti [Maniwala kayo o hindi, konti lang totoo kong kaibigan!] lang ang TOTOO kong kaibigan. As in, wala pa yatang 20? Basta. Tapos mababawasan pa? Nakakalungkot isipin, eh kung aalalahanin ko eh sa tingin ko mababaw lang yung pinagmulan ng problema, di rin naman nagkulang sa pagpapaliwanang, siguro hindi lang talaga handa makinig nung panahon na yun. Hindi ako naninisi. Nanghihinayang ako. Para sakin kasi mahirap makahanap ng totoong kaibigan, lalo na sa panahon ngayon, kaya yung mga nakakakilala sakin simula pa lang, pinahahalagahan ko talaga ng bongga! [Kahit na hindi sila ganun sakin.. May tampo?] Basta. Nakakainis. Nakakalungkot. 

Ayoko lang din siguro ng may kasamaan ng loob, lalo na kung kaibigan diba? [Oo, may pagkamataray/bitch ako, pero ayoko sa lahat yung may galit sakin.] Kung hindi ako nagrereact ng ganito at talagang balewala sakin yun lahat, aba'y matakot ka, wala pala talaga akong pakialam sayo at di kita tinuturin na kaibigan. Pero hindi eh.. Ito oh! OA na nga at nag-blog pa ko. [Or pwede din nagpapatay lang ako ng oras, tagal mag-5pm eh. Haha!] Basta. Wala naman na yatang sense, feeling ko hindi mo rin na maiintindihan. Nakakainis. Nakakalungkot.

We could have done something.. We just chose not to.. 

I. Thank. You. Bow.


PS.: Ang panget ng unang entry ko for September. Olats.


No comments:

Post a Comment