23 December 2004

StarCity + Friends = FUN!

hay!? grover sa tiring ang araw na itech!? i mean kahapon pala.. (december 22,2004) nag-"star city" kasi kami ng mga high school berx ko.. (bebeng,, ariel,, ikel,, kath,, nikko,, abhie and clark..) kahit nga onti lang kami eh enjoy naman.. sulit pa!? wala naman kasi sa lugar yan eh.. nasa kasama mo yan.. anyways,, masaya lang talaga ngayong araw dahil wala ako sa bahay ng almost 8 hours.. hindi biro yun ah?? 8 hours na walang utos,, na walang sigawan,, na walang disturbance,, at higit sa lahat walang annoyance.. in short 8 hours without a father insight!? ahahaha.. sama ko talaga noh??
kwentuhan ko na nga lang kayo dun sa star city trip namin.. sulit yung 200 pwamiz.. ito mga nasakyan ko..

-zyklon loop (5 times)
-viking (4 times)
-flying carpet (4 times)
-ung tsubibo (one time lang..si bebeng kasi eh..)
-wild river (once lang din.. si bebeng kasi ulit eh..)
-spider (one time lang at isinumpa ko na yun!?)
-at lahat ng mga horror house napasukan namin..

sabihin na nating "yuck!? star city?? so jologs.. lagi nalang dun!?" oo nga naman.. eh halos every december nung highschool kami once or twice kami nagpupunta dun.. pero ngayong college nag-iba.. since walang christmas party,, wala rin star city.. kaya nga nanibago ang lahat!? buti nalang nung nagyaya ako oo sila lahat.. kahit wala masyado pera okei lang.. astig na yun.. (pinaka-astig talaga si ARIEL!?) kasi believe or not parte na ng disyembre ko ang star city with friend.. jolgs man sa tingin niyo.. MGA WHATEVER KAYONG LAHAT!? nyahahaha..

grabeh ang naging experience namin sa wild river na yan.. bukod sa ang kati sa paa at pwet nung tubig,, ang baho pa.. amoy jabar!? parang pawis nung mga taga tahi nung stufftoys na pinagsama-sama at nilagay dun.. grover talaga!? tapos yang spider na yan.. haaay!? WARNING:: wag sasakay ng spider pagtapos kumain!? lintek na yan yung dinner ko na chicken with rice naging chicken soup yata!? tapos hilo-hilo ako.. syempre bawal ako magreklamo.. nagpumilit ako sumakay dun eh..

mga 10pm na kami umuwi (pero paalam ko kay father 8 pm lang).. sina nikko,, kath,, at ikel straight home na.. kaming 5 dito sa bahay tumambay.. kumain lang ng ice cream na tunaw,, chips,, at cake na may alak!? namasko sila sa mama ko.. nakakatuwa nga eh kasi lahat sila nag-kiss kay mama (showbiz nga ung kay clark eh!?) tapos sabi ni mama sila na ang mga bagong surrogate sons and daugther nya.. KEWL DABAH!? at last may astig na kong mga kapatid!? nyahaha.. tapos binigyan sila ng ampao na di ko alam kung magkano ang laman.. (magkano ba bebeng??) an alam ko lang may lollipop sa loob nun!? wahehehe.. si mommy talaga!? after nun internet lang kami.. at tinapos ang A-Z ng filipino slang dictionary at dun ko nakuha ang bagong word ko na "GROVER" meaning grabe na over pa!? gusto niyo ng sample.. search niyo sa yahoo filipino slang dictionary at click niyo ung unang-una.. ang haba kai ng url eh.. di ko memorize!?

eto ako ngayon!? mag-a-alas dos na gumagawa pa ng entry.. may lakad pa ko tomorrow eh.. christmas party ng sk for the kids and christmas party rin sa office ni mama.. hay!? anu-ano nanaman kaya mga pangyayari tom?? andun kaya uli yung mga batang nag-aagawan sa saging at yung lolang inagawan ng bente nung batang rugby?? (read my entry last august bout sa fiesta samin!?) oh ano peepz?? dito muna ah?? i REALLY need to rest na.. till here.. bahbher!?

No comments:

Post a Comment