31 October 2004

BURN.

mejo matagal-tagal din akong hindi nakakagawa ng entry,, hindi sa walang nangyayari.. dami nga pangyayari eh.. ang kaso nagdadalawang isip pa ko kung isusulat ko dito oh wag na lang..

araw ng patay.. halloween season.. feast ng mga patay.. mga kaluluwang ligaw.. gumagala at binabagabag ang mga nabubuhay pa.. waaaaah!! hang-over kakanood ng mga halloween special ng mga programa sa t.v.!! nyaaaay!!

nagsimula tong "scary" events na toh nung saturday yata.. nilabas ko ung aso ko.. tapos pagtapat namin dun sa may poste sa tapat ng alley namin,, aba!! nagmistulang instant gimikan yung street namin.. yung mga ilaw sa poste nag-flicker flicker effect!! at ang nakakakilabot ay hindi masyado nagreact yung mga tao sa street.. parang ako lang yung napraning eh.. well siguro kasi baka ako lang nakakita!! NYAAAY!!

hindi pa dun nagtapos yun,, after nun pumasok na ko sa bahay at parang walang nangyari,, KIBER lang!! tapos nung naghilamos na ko.. pagtingin ko sa salamin parang ang labo ng mukha ko.. inisip ko baka kasi may tubig pa ko sa mata.. pero hindi eh.. ang labo talaga.. inisip ko na lang napakadumi na ng salamin na yun.. ako kasi takot talaga ko sa mga "pagpaparamdam" na yan,, chaka naniniwala naman ako jan eh,, ayoko nga lang na sakin nangyayari..

hindi ko nalang uli binigyan ng pansin yun,, eh di nag-internet nalang kami ni ate les.. tapos naka YM kami,, ka-chat namin si kuya dave,, ariel,, mikel,, at shamille.. sa kalagitnaan ng pagdedesign namin ng blog ni ate.. biglang may lumitaw na window.. WAAAAHHH!! si VOLDEMORT nag-P.M. samin.. nakalagay "good vibes.." ::lintek!!:: ako talaga gulat na gulat,, ung ate ko naman naparanoid.. "uy!! nag-PM.. yiii-kiii!! che!? tapos ayun sa inis ko.. sabi ko aakyat nalang ako at magbabasa.. iniwan ko na kay ate yung pag-iinternet..

hindi pa yan yun!! aba!! hanggang dreamland ko ba naman nagpaparamdam parin yang taong yan!! at hindi lag sya.. sinama pa nya yung mga "nakaraan" ko!! as in!! parang minumulto nila ako!! bakit?? ano ba kasalanan ko sa kanila?? diba sila pa nga may kasalanan sakin?? aba!! mga lintek na toh ah!? anyway,, so nagising ako ng around 4 am nun at ang hirap bumalik sa pagkakahimbing.. leche kasing mga lalaki yan eh!! sabi ko na dapat na lang ako mag-madre eh..

tapos sunday na.. nung umaga at hapon wala naman masyado nangyari.. pero nung gabi praning na praning na talaga ako.. nung nag-sha-shower ako,, parang may nabubungo akong "invisible" na tao.. eh kasi parang at some point biglang may malamig.. tapos mawawala.. tapos yun na naman.. basta ayun!! pero di ko parin pinansin yun.. the next naman yung nagsasampay na ko.. yung gilid kasi ng apartment namin backyard ng isang creepy na house na ampunan na ngayn,, dati pa ko may nakikitang mga kung ano-ano dun.. at yun,, habang naglalaba ako.. biglang humangin ng malakas nung lumingon ako dun!! NYAAAAAAKKKK!! ayoko na talaga!! binilisan ko nalang magsampay tapos alis na ko agad.. praning na ko talaga!!

after nun nag-internet na ko..after 1 hour kailangan na gamitin ni ate les yung fone so DC na ko.. nung nag-tu-toothbrush na ko.. tugtog sa radio yung sa southborder na "kahit kailan". tapos nung nasa kusina ako,, parang nag-bu-blur yung boses sa radio,, nug tinignan ko maayos naman yung station,, eh di balik na ko sa kusina.. tapos nagblur na naman.. sa asar ko pinatay ko nalang,, tapos binilisan ko na umakyat.. at yun hindi parin ako kumikibo.. hindi ako nagkukwento dito sa bahay,, pagtatawanan lang ako dito!! pag-akyat ko nga si mama nanonood ng "the grudge"!! eh ang corny corny naman ng palabas na yun eh.. hindi nakakatakot.. nakakagulat lang.. malaki kaibahan nun.. na-bore ako sa panonood kaya naka-tulog ako.. pero naaalimpungatan ako nung madaling araw,, ubo ako ng ubo,, yung ubo ko iba kasi parang sinasakal ako,, tapos ang kati kati ng lalamunan ko.. baka sabi sakin nung sumasakal "maldita ka!! ggrrrrr!!" nyahahahahaha!!

at ngayong eksaktong "ARAW NG PATAY".. wala naman kasi kaming dadalawin sa sementeryo,, hindi ko maamoy yung mga pang=patay na bulaklak,, hindi ako makakagawa nung bolang kandila,, hindi ako makakaupo sa bermuda grass at makakagat ng langgam.. matagal-tagal ko nang hindi na-eexperience yun,,simula nung nagkagulo sa pamilya namin.. anyway,, habang yung iba nasa sementeryo na,, kami andito sa bahay,, at mamaya pupunta kaming mall ni mama.. pero umagang umaga palang minulto na ko uli ng nakaraan!! habang sinusulat ko tong entry ko.. hirit naman ng radio "ITS GONNA BURN FOR ME TO SAY THIS.. blah.. blah.. blah.." leche talaga!! haaaaaay!! kasi naman eh noh?? masyado na!! at hidni pa yan malala ha?? after nung kanta eh di huminahon na ko.. aba!! ang LSFM may sira daw computers nila ngayon,, at habang nagsasalita ung dj napindot nya siguro uli yung play.. kaya ayun.. FOR THE SECOND TIME AROUND ONCE MORE KINDLY REPEAT IT AGAIN pinatugtog uli yung "BURN"!! sa tagal ko nang nakikinig sa radio ngayon lang nangyari yun!! oh baka naman sign yan!! sign na nagpaparamdam na naman ang kaluluwa nya!!

sa mga hindi nakaka-alam.. kaya ako BITTER sa kantang yan ay dahil yan ang ginamit ni raefel na break-up song sakin.. as in lyrics lang nung song, inemail nya sakin, tapos ayun na!! break na daw kami.. leche!! epal talaga!!

TAMA KA NA!! tama na kayong lahat!! patigilin niyo na ko dahil matagal ko nang pinatahimik kaluluwa niyo!! please naman!! anyways,, sa lahat ng tao na nawalan ng mahal sa buhay lalo na kay rita paren.. my sincerest condolence.. may you rest in peace..

so peepz till here nalang muna.. ligo na ko eh.. sana wala dun yung kasabay ko kagabi mag-shower!! nyahahaha.. bahbher!!

**p.s.: ang mga pangyayaring nailathala dito ay pawang katotohanan at walang halong kabarberuhan,, na sa inyo kung kayo ay maniniwala o hindi..

27 October 2004

Untitled.

3 am.. ano pumasok sa utak ko at nag-online ako ng 3am?? honestly,, i'm having a hard time sleeping tight.. parang lagi akong disturbed.. onting ikot lang nagigising na ko tapos natutulala.. baliw na ba ko?? tingin nyo?? tapos lagi akong uneasy and i kept looking at my fone.. ung parang tinitignan kung may nagtext or miss call.. eh wala naman akong ineexpect,, chaka duh!! dis oras na ng gabi sinong shabulero naman ang maiisip pa ako diba?? haaaay.. bakit.. bakit.. bakit kaya..

kamusta naman ba ang mundong ginagalawan ko?? so far not so good.. daming changes,, i just couldn't see it coming till its there.. nangyayari na.. what am i talking about?? nothing specific really.. parang in general lahat nagbabago na little by little.. ano ba toh?? am i getting old?? or sinasabi lang ng panahon sakin "mag-mature ka nang bratinella ka!?".. hindi na ko magkukunyari.. oo marami akong problema ngayon.. yung iba ako mismo gumagawa ng problema,, yung iba naman kusang lumalapit,, at ang worst.. yung wala kang pakielam sa problema pero apektado ka.. "haller!! i'm just 17.. am i suppose to go through this??" siguro.. siguro nga.. pero kung mas mag-iisip pa ko ng konti.. meron pang mga tao jan na mas mabigat pa problema kesa sakin.. pero ano?? they can handle it pretty well.. they stumble.. but they easily stand up and get back.. now why couldn't i?? may magic sila noh?? ewan!! siguro kasi lagi nalang sarili ko iniisip ko.. for once sana tumingin naman ako sa paligid ko at ma-realize ko na "swerte pa pala ako ng lagay na toh.."

kahapon.. we went sa wake ng mother ni rita,, my former classmate back in highschool.. (condolence paren!!) and alam nyo na-bilib ako sa kanya.. kasi they way she handles the situation.. parang ang galing galing.. nung andun nga kami parang birthday pa nya yung eksena eh.. nakikitawa sya.. alam mo yun?? walang bakas ng magang mata.. pati mga kapatid nya naglalaro sa may bahay nila.. parang.. "hoy!! diba nanay nyo yung namatay??" sobrang bilib na bilib ako sa kanya.. napaka-mature nya mag-handle nung sitwasyon.. kung ako nasa kalagayan nya siguro maghapon akong "baaaaaahhhhhkeeeett?? baaahhh-aahh-keeeet??" eh potah boypren nga lang nawala "shet!! di ko kakayanin toh.." (babaw ka talaga melai!! leche!!) proven na nga yung wala sa age ang level ng maturity.. nasa pagdadala mo yan ng sarili mo..

so siguro nga kaya ako maraming problema dahil.. ako rin eh.. hindi ko kayang bigyan agad ng solusyon.. inaatay ko pang maging helpless na talaga ako bago ako gumalaw.. hay!! sana matutunan ko nang mag-mature.. oo hindi binibigla yan.. dapat dahan-dahan.. step by step.. pero saan ako magsisimula?? at kelan?? kelan pa?? if i still have the chance?? or kung wala na kong choice?? sana mas mabuksan ko pa mata ko nang hindi puro ako.. ako.. at ako ang pinagtutuunan ko ng pansin.. sana.. sana.. lintek!! bat ang lakas ko magsulat ng ganito?? bat di ko nalang gawin diba nang may nararting pa ko?? kesa daldal ako ng daldal dito..

so paano peepz?? mejo napipikit na ko eh.. baka dapat na ko matulog.. byebye na muna ha?? ingat kayo lagi.. chaka sana wag din kayong selfish katulad ko.. bahbher!!

25 October 2004

Walang Kwenta Day.

hay naku!! haggard the day that was!! it's our enrollment kasi.. ang aga kami pinapunta.. mga 8:30 am.. pero mga 10 am na kami pinapasok sa gym.. (ang yabang nung guard purket naka-mega phone lang sya!!) pero okei lang kasi habang naghihintay,, nagkwekwentuhan kami ng mga blockmates ko.. tapos ayun na!! nung nag-enroll kami pare-pareho kami ng p.e.. yehey!! di na ko magmumukhang tanga sa p.e.. volleyball coed kinuha namin eh.. at last hindi na all girls p.e. ko.. wala nang mga maaarteng social climbers and pretenders.. grrr!! i hate them!! pero mamimiss ko mga teammates ko sa softball.. (yung orange team.. the best yun kahit hindi champion..) so ayun..

after that,, nag-meet kami nila ariel,, mac and salido kasi super excited sila makita yung pics nung outing.. di rin me nagtagal at umuwi rin me agad dahil pinauwi na ko ng tatay kong suplada..

tapos buong hapon lang me nanood ng t.v.. na "stiff neck" na nga me.. grabeh sobrang corny ng mga palabas pag tanghali.. W.O.W nga lang pinanood ko eh para may onting bakbakan!! tapos ayun..

at ngayong gabi.. ito at nag-bo-blog ako.. dapat updated syempre.. chaka may nadiscover na me na bagong storage ng pics.. sa FOTOPLUS.. bwiset kasi sa PHOTOBUCKET eh,, may bayad na!! kaya ayun..

oh pano?? walang wenta araw ko eh.. pagod ako.. hindi gumagana malandi kong utak.. basta trip ko lang mag-blog.. may kwenta o wala.. sige dito nalang muna ang walang kwenta kong entry.. bahbher!!

22 October 2004

Dedicated To Mikel.

**sa telephone..

melai: nold,, on-line ka ba??
r-nold: ako?? ngayon?? hindi ah..
melai: blah.. blah.. blah..
r-nold: blah.. blah.. blah..
r-nold: tignan mo blog ni mikel.. tignan mo entry nya parang hindi sya..
melai: bakit?? bakit naman?? ano URL nya??
r-nold: basta.. tabulas din sya.. _mikel..
melai: oh sige tignan ko maya.. bye!!
r-nold: bye!!

putek ang haba ng intro!! okei lang.. hehehe.. ang saya nga eh.. siguro kung binabasa na toh ni ikel ngayon tantsa ko kinakabahan na yan.. ::dug-dug..dug-dug:: na-intriga me sa sinabi ni arnold na entry ni mikel so i decided to blog hop.. first time toh ha?? nagvisit ako ng mga blogs ng classmate ko.. syempre hinuli ko yung kay mikel..

unang paragraph pa lang nya may "impact" na sakin.. sabi ko.. "hmmm.. ineresting ah.." and so i go on reading.. on the back of my mind.. "pucha!! si mikel ba toh?? bakit sya ganito?? love ba tinutukoy nyang.. BAHALA NA?? this is so not mikel.." well,, yun din ang isip nya sa sarili nya.. anyway.. there are lines there that really caught my attention..

mikel's entry (oct. 22,2004)

naalala ko pa 'yung araw na kasama kita. ang saya-saya ko. sa mga oras na 'yon, 'kaw lang laman ng isip ko. parang wala ako sa sarili, parang wala akong ibang nararamdaman. basta ang nararamdaman ko lang, masaya ako pag malapit ka. matagal ko nang naramdaman 'yung mga ganitong bagay, pero hindi ko inasahang mararamdaman ko ulit. pero hanggang ngayon, alam kong hindi pa rin katulad nang nadarama ko yung nadarama mo. magkalayo pa rin tayo, kahit sa totoo, magkalapit lang...

grabeh!! i couldn't believe talaga.. is this really him?? him telling the whole net bout his.. bout his feelings?? feelings sa LOVE?? waaah!! habang binabasa ko tong mga lines na toh gusto kong sumigaw ng "SAKTO CHONG!!" kasi the way he describes it.. its reality.. ganyan talaga nangyayari.. and it happened to me.. totoo na we don't always end up with the ones we want or rather love.. kaya may mga drama tayong "alam kong hindi mo ko mahal chuvanels.." "mamahalin kita ng hindi mo alam kheme kheme" and the list goes on.. pero peepz.. wala nang impokrita!! diba kahit isang beses lang sa buhay naten naramdaman naten yung feeling na yan.. yung feeling na gusto mo yung isang tao pero hindi pwede?? gets?? di man directly pero somehow parang ganyan.. alam niyo kung bakit?? kasi tao tayo!! ang tao nagmamahal.. ang pagmamahal masaya kadalasan masakit.. at ang tao kapag nasaktan na.. ayan na!! lumilitaw na ang pagiging best actor at best actress ng bawat isa.. merong nagpapanggap na "okei lang ako!! lalaki lang yun noh?? dami pa jan.." meron din namang "hindi ko kayang wla siya!! papakamatay na ko!! *tutok kutsilyo sa sarili* oo nakakatawa.. pero totoo hindi ba?? siguro tumatawa ka ngayon dahil either walang sense para sayo mga pinagsususulat ko dito or you just can't relate cause hindi mo pa na-fi-feel yan?? eto pa ang isang stanza from mikel's blog entry..

bahala na. 'di ko na rin alam kung ano pa mangyayari. basta, mahalaga na sa 'kin 'yung alam ko kung ano nararamdaman ko. bahala na kung 'di ka mawala sa utak ko. bahala na...siguro darating din 'yung oras na makakalimutan kita, at 'yung nadarama ko para sa'yo. pero kung hindi dumating 'yung oras na 'yon, sasayangin ko na lang 'yung mga oras sa pagiging tanga ko kakahintay...

gosh!! kung kayo taga iv-israel dati!! you wouldn't even believe that mikel wrote tis.. kasi sya yung type of person na hindi ganun ka-showy sa feelings nya.. pero tignan nyo nga naman ang nagagawa ng blog?? walang pakielamanan!! blog nya yan eh.. hehehe.. "bahala na.." yan ang madalas na sinasabi ng mga matatapang na tao pagdating sa love.. lahat haharapin.. mahirap man o madali.. kaya nga bahala na eh.. paano pag nasaktan ka na?? "bahala na" parin ba ang sasabihin mo?? bahala na marami naman jan eh.. bahala na makakalimutan din naman kita eh.. bahala na masaya sya eh.. bahala na.. kakalimutan.. teka!! kakalimutan?? paano?? bakit?? dahil ba nasaktan ka?? dahil ba hindi sang-ayon sa kagustuhan mo yung mga pangyayari?? o dahil hindi ka naging masaya?? eh kung hindi ka ba naman tanga't kalahati eh!! bakit sarili mo lang iniisip mo?? pero kung sabagay nga naman mahusay ang picha pie.. este!! di rin naman sya naghesitate na saktan ka eh diba?? inisip nya ba mararamdaman mo?? hindi diba?? sarili nya lang din inisip nya!! quits-quits lang!! next line please..

tanga na kung tanga, pero wala akong ibang alam na magagawa...kung hindi maghintay, nang maghintay...

TANGA NA KUNG TANGA?? hindi ah!! bakit ka naman magpapakatanga?? sya ba ang buhay mo?? sya ba nagbigay sayo ng buhay mo?? hindi diba?? tama yan.. maghintay.. kahit minsan nalulungkot ka na maghintay ka parin.. alam naman ng nasa taas kung kelan ang tamang panahon para ibigay nya sayo yung iniintay mo eh.. basta maghintay ka lang.. kahit alam mo na sa utak mo na naghihintay ka lang sa wala.. bakit kasi hindi natin buksan pa yung mga mata natin maiigi nang makita natin yung hinihintay naten ay binigay na pala satin.. di nga lang sa anyong inaasahan natin.. so.. bigo ka parin!!

hay naku!! ganyan ang love!! walang consistent na pangyayari.. iba ibang style.. iba ibang story.. ito lang naman ang sigurado jan eh.. may masaya.. pero mas marami ang nasasaktan.. hindi lang naten sila napapansin dahil sarili naten lagi iniisip naten.. (aba!! masaya ka na nga eh.. kiber mo ba sa mga nasasaktan?? ganyan tayo madalas diba??) pero ito lang talaga mga peepz!! lalo na sa mga ka-age ko.. yang pagmamahal na yan.. dumarating ng kusa yan.. walang oras.. walang lugar.. walang mga special lights at effects.. simpleng simple yan.. at dumarating sa tamang panahon.. grabeh!! kala mo kung sino akong santa makapagsalita eh noh?? oo aaminin ko.. daming beses na ko na-involve sa mga relationships and always ends up to breaking up.. dahil.. dahil siguro hindi talaga sila yung para sakin.. (kasi nga.. kami talaga ni DUNCAN!! chenez!!) kaya nga ngayon nag-eenjoy ako sa pagiging single.. kasi i've learned all these things.. tong mga pinagsasasabi ko sa inyo.. pero hindi ko nireregret yung mga past relationships ko.. thankful nga ko because through them i learned a lot.. ang gusto ko lang sabihin sa inyo.. wala talagang "henyo" jan sa love chuva na yan.. lahat tatanga-tanga!! kasi love is sacrifice!! yung nasa taas nga nagpa-pako pa sa krus diba?? basta all you need to do is kilalanin at mahalin niyo sarili niyo.. and laging "think twice" kung tama o mali yung mga gagawin niyo para di niyo pagsisihan diba?? okei??

so pano?? sana peepz may napulot kayo kahit basura dito sa entry ko.. chaka special thanks to arnold.. (mahal buti sinabi mo tignan ko blog ni mikel..) at kay mikel.. (ikaw lang naman laging bumibisita sa blog ko kaya eto.. may entry dito dedicated sayo..) sana next time wag na tong topic na toh kasi nagiging "CORNY" ang lahat eh.. mga bata pa tayo peepz!! sana mag-enjoy muna tayo.. kaya't sige na.. maglalaro pa ko ng 10-20.. este!! maghahanda na ko ng damit.. may outing pa pala kami tomorrow.. BAHBHER muna for now!! mwah!!

21 October 2004

Now I Realize..

hiyee mga peepz!! eto kahit pagod na pagod na ko may energy parin akong mag-blog.. well i may not post this on time pero at least diba??

anyway,, ngayon yung celebration ng birthday ni mam autencio//reunion//outing ng iv-israel.. (class ko nung 4th year..) sa laguna.. whole day lang kami kasi hindi papayagan yung karamihan (including me..) pag overnight.. pero kahit ganun eh super saya naman!! as in to the nth degree!! sayang nga ngayon lang me sumama eh.. kung alam ko lang ganito kasaya eh di sana sumama rin me nung april.. (i should have known!! grrrr!!) eh at least diba nakasama naman me kaya okei na yun!! nung andun na.. aba!! ang mga loko nagbihis agad at nagswimming na.. pero ako.. ako na malandi.. ang princesa.. pinag-ihaw nila ng liempo at porkchop!! ::bwiset!!:: pinagtatawanan na nga ako ni alvir dahil umiiyak na me dahil sa usok.. pero okei lang yun sakin.. para samin naman yun eh.. (naks!! drama!!) pero after nun swimming na hanggang magsawa ka!! as in kahit tanghaling tapat nasa pool kami.. buti nga di me masyado na-burn eh.. (enrollment pa naman namin sa monday..) tapos ayun na.. basta ang saya-saya..

yung saya ko nung buong araw na yun "unexplainable" eh.. parang "beyond the limit".. (with special interpretation of my ate les!!) ganun ko na-miss ang high school friends ko.. wait!! friends?? no!! definitely not!! "family" would be the best term to describe them!! kasi alam nyo yun?? they're the ones i grew up with.. sabay-sabay namin natuklasan,, natutunan,, naramdaman,, naranasan ang mga bagay-bagay dito sa mundo.. kaya ganun nalang sila sakin.. oo!! i'll admit medyo "nalihis" ako ng landas ko nung 4th year.. (prodigal daughter!! nyahaha..) pero di ko naman nireregret yun eh.. syempre i have to learn my lessons the *.HARD.* way.. and so i did!! thankfully,, nakabalik at nakasabay nanaman ulit ako sa takbo ng buhay nila eh.. "namin" na pala!! may mga times nung araw na yun natutulala nalang me dahil on the back of my mind.. "shit!! his is what i've been missing the time i wasn't around?? sayang.. SAYANG!!" ::leche!!:: pero diba naman.. it's never too late for a change?? and i think this is it!! i'll never make that same ah.. er.. uhm.. i couldn't say mistake kasi di ko nga nireregret eh.. let's just say *.KABALIWAN.*.. yan!! hindi ko na uli uulitin yung kabaliwan ko na yun..

i know some of you wouldn't get what i'm saying but this is what i want you all to know guys.. (naks!! guys.. hindi peepz!!) never.. as in never ever turn your back on your *.FRIENDS.* because no matter what happens they're still the ones you can run to for help,, strength,, happiness,, and money!! nyahaha.. no seriously.. kahit ikutin mo pa mundo sila at sila parin yung nagaantay parin sa tabi-tabi para tulungan ka.. kahit minsan mo na silang iniwan!! kaya kayo.. treasure your friends.. di nyo alam yung iba jan one-of-a-kind lang at yung iba minsan sa isang century lang pinapanganak!!

** to iv-israel.. (lalo na sa mga "supah friends" ko..) thank you thank you so much sa lahat-lahat.. nung nagka-problema ako kayo yung iniyakan ko.. nung naka-recover na ko kayo naki-celebrate sakin.. nung nagkwento ako kayo yung nakinig kahit corny na.. basta thank you so much!! all of you have contributed something to make up the whole "me".. dito lang din me for all of you just as you were there for me.. love you all guys!!

so pano peepz?? i'm so sleepy na.. zzzzzzzz.. hope you did get something from reading this crap!! for you it may be a crap,, but for me?? it's my way of expressing myself!! so bahbher na muna.. next time na uli.. nytie!! mwah!! mwah!!

20 October 2004

Guess Who's Back In Blogging?

HALLER my peepz!! i know tagal ko nawala!! i missed this blog so much!! eh syempre eto na kasama ko sa mga kabaliwang nangyayari araw araw eh.. anyways,, i have a lot of catching up to do so let me start.. start na.. uhm.. ah.. eh.. teka!! where will i start?? pucha!! sa dami ng nangyari ang hirap banatin ng panahon para masulat ko dito..

okei sige ganito nalang..

**sa buhay ko muna sa UST..

well..so natapos na ang finals namin.. tapos na ang pagmememorize ng mga hinayupak na tula.. ang pagtawag sa kung sino-sinong santo para humingi ng tulong sa exam.. ang mga report na hindi ka pinapayagang i-report (meron ba nun?? oo meron!! lalo na kung may PGC class ka!!) at ang iba't-ibang mga "the moves" sa pangongopya,, kodigo,, at kung anu-ano pa.. pero aaminin ko.. hindi naging masaya ang last day ng class.. oo kinabukasan nun sembreak na.. pero.. sembreak na?? ::shet!!:: ano gagawin ko sa tatlong linggo?? tatlong linggong walang pasok,, walang excuse para umalis,, walang baon,, walang kasama sa bahay kundi tatay ko lang,, walang DVD,, at walang kausap ng matino?? bad trip diba?? parang sana di na nauso sembreak.. pero ayos lang.. anjan na eh.. katunayan nangyayari na nga eh.. at salamat kay ST. THOMAS AQUINAS ay nakakaraos naman ako.. after ng finals nagkitakita pa kami ng mga classmates ko kasi birthday ni gee at nagpa-swimming party sya sa bahay nila.. (cool noh??) ayun!! sobrang enjoy naman.. daming food.. chaka "ultimate bonding experience" talaga noh?? pero after nun.. dun na ko namoblema.. isang araw palang nakakalipas sa sembreak ko.. ano pa gagawin ko?? ::shet na talaga!!:: so days passed.. the longest days of my life i should say.. until this day.. clearance day!! yehey!! nagkita kita na uli kami.. syempre happy happy.. pero it didn't last that long kasi nagkakatamaran,, walang pera,, at nagmumura yung araw sa init.. aminin ko kahit ako gusto ko nalang umuwi eh.. pero hindi rin.. BAKA PAGSISIHAN KO LANG.. basta yun.. yun ang tungkol sa UST..

**sa PCU people naman..

ayun!! nakakachat ko na halos madalas ang mga classmates ko before kasi ayos na yahoo messenger ko eh!! wala lang kwentuhan lang.. tapos nung saturday nagkita-kita kami at ang saya talaga as in.. bonding kami.. nag-arcade,, kumain,, nagpapicture,, at nagtawanan ng nagtawanan.. nakakamiss ang ganitong buhay.. ang buhay high school.. yung wala ka nang iisipin kundi saan ka pupunta pag sabado.. o kaya anong oras ka uuwi,, kaninong bahay ka pupunta,, sino sasagutin mo,, at ilan na friendster accounts mo.. ::ka-miss!!:: pero ala na yun eh.. kaya dapat nang tigilan tong pagdadramang wala namang award.. neways,, basta masaya ko dahil may contact na uli me sa mga classmates ko before and sa mga friends ko sa PCU.. basta yun.. yun ang tungkol sa PCU..

**sa personal na buhay ko naman..

naku eto na!! ako?? eto.. ayos lang.. buhay,, humihinga,, nakakapagtype pa kaya eto!! nabuhay ang blog ko.. mejo hindi maganda sitwasyon sa bahay eh.. araw kasi lagi ng pagsigaw yung tatay ko.. tapos hindi nauubusan ng utos.. pero ayos lang.. exercise din yun sa isip-isip ko.. ::plastik!!:: napaka-simple nga lang ng buhay ko lately eh.. pag-gising ko trabaho na agad.. tapos lunch.. tapos nood t.v. or internet or basa ng book.. after nun.. dadating na si mama.. then aakyat na ko sa kama ko.. iintayin ang MULAWIN at STARSTRUCK tapos after matutulog na.. kakaasar noh?? walang highlights.. kaya nga excited nalang me sa pagtulog kasi mas masaya pa sa panaginip ko kesa sa totoong buhay.. ::kainis!!::

**at syempre.. pwede ba namang mawala ang SENTIMYENTO ko sa PAG-BIG?? (pucha!! melai utang na loob.. wag na!! maawa ka!!)

love life?? hehehe.. eto single bakit?? wala namang masama dun diba?? okei naman ako.. enjoy din maski pano ang pagiging single.. wag ka nga lang sasama sa mga couples na akala mo isang dekadang hindi nagkita dahil pag ginawa mo yun baka masuka ka lang dahil kinikinita mo sa kanila ang sarili nung dating may ka-on ka pa!! (naku!! kaya nga tinigil ko na ang pagpunta sa mga sulok-sulok ng luneta eh.. nyahaha..) eh basta!! naniniwala naman akong MAGANDA ako eh.. at yung para sakin talaga.. hindi pa pinapanganak!! haha.. joke lang!! actually napanganak na sya.. kaso hindi nya pa narerealize na kami na.. alam nyo ba kung sino yun?? si DUNCAN yun!! yung kanta nyang IKAW NGA para sakin talaga yun.. kaya ALWINA magtigil ka!! wag kang feeling.. haha.. pansin nyo ba wala ako sa focus ng subtitle ko.. --> SENTIMYENTO ko sa PAG-IBIG?? eh kasi naman noh?? ayoko na munang masyado magsasasalita tungkol jan kasi.. kasi.. wala lang!! ayoko lang!!

so peepz.. these are the things that has been happening lately.. so ngayong updated na kayo.. i'm gonna make this blog be more effective.. para sa inyong mga peepz ko.. syempre lakas kayo sakin eh.. so paano i think this is enough for one day.. till here peepz.. BAHBHER!! (gosh!! how i've missed that line.. isa pa nga..) BAHBHER mga peepz!! mwah!!