i hate mondays. first of all, it's the start of a new looong week ahead. secondly, there's still a 'hang-over' of your weekend happenings. third, i usually arrive late at school during mondays. but its different this time.
i got up at around 7am, only to find out na wala pa pala akong uniform for the day! (ayan! napa-tagalog na tuloy ako! dumudugo na ilong ko eh! hahaha!) so ayun na nga, pag-gising ko wala pa pala ako uniform. nakatulog na kasi agad ako kagabi. super pagod dahil sa training. (tae! 2 sayaw sa isang araw! tsk!) tapos mejo puyat pa ko dahil walang '8-hour sleep' kaya ayun, bumawi! 8pm palang kagabi tulog na ko, kaya hindi na ko nakalaba ng uniform. buti nalang maaga ako nagising!
at dahil sa maaga ako nagising, maaga din ako nakapasok dahil sana gagawa ako ng reaction paper, eh yung mga magagaling kong classmates na girls hindi na gagawa, kaya naki-join na ko! hahaha! tamad! pero buti nalang hindi pina-pass ng prof yun kaya lusot! :D 10:50 palang nasa tapat na ko ng classroom! (yes! 10 mins. earlier!) ang saya kasi i know the week will go smoothly dahil hindi ako late ng monday! magandang start! hahaha.
mejo hindi stressful ang araw today dahil puro discussions. blah blah blah. boring boring boring! kaya habang nag-lelecture ang mga prof, palihim kaming gumagawa ng technicals namin for our feasib! since magkakatabi kaming magkakagroup, walang problema sa 'brainstorming'. (naks! hehehe.)
after class, jill, marga, eucha and me went straight sa SM san lazaro para mag-canvass ng mga equipments and utensils for our PFS. pero dahil pagod kami, we had our uber late lunch at pizza hut! since may palm card si marga sulit na! hahaha. CHEESY POPS! yumyum! tas ayun, meeting galore sa pizza hut. at syempre GIRL BONDING! sa kabila ng mejo toxic na feasib nakuha pa naming pag-usapan ang mga kalandian at kakikayan ng bawat isa! hahaha. super enjoy kasi mejo nagiging super close na talaga kami! :D
after eating, we went sa appliance center sa SM. super asikaso ang mga sales clerk samin, with all details pa. at may khemeng brochure pa na binigay. akala ata bibili talaga kami. eh kasi naman tong mga kasama ko eh.. "maganda sa office tong ganitong ref!!" "dapat 2 wall clock naten!" "yung water dispenser dapat hot and cold!" at ang pinaka malupit na hirit ni jill.. "dapat yung store may sound system!" hahahaha! tapos nagtatanong pa kami about sa delivery nila ng appliances kaya feeling ko naniwala silang bibili kami. well well well.. pag feasible naman ang project namin bibili kami eh! hahaha.
after ng lahat na yun, nagpunta naman kami sa department store. mga utensils naman. nakita pa namin sila vani and rizza doing the same thing. :D (hay naku! mas masipag talaga girls pagdating sa feasib! boys! galaw galaw naman jan! kaya lumalaki 'eyebags' ng girls eh!). anyway, after ng lahat lahat na yun, since nasa department store na kami, angwindow shop narin kami. from shoes to bags to gimmick outfits. ang saya! tas andami na agad plan. nood ng movie, starbucks, gimmick, grad pic, lahat na ata! kaso ang madalas na dahilan. 'busy kasi eh!' hay! student life talaga has its pros and cons. tsk!
after that umuwi na kami dahil ang sakit na ng mga balikat at legs namin sa bigat ng mga bag at taas ng heels namin. along the way, walang kaming ibang topic kundi si mar-b. haaay! marb marb marb! pasalamat ka samin na naiintindihan ka namin. wait! let me rephrase that.. pasalamat ka samin dahil INIINTINDI ka namin! hahaha. okei lang yan! basta sana yung focus mo mabalik mo. mejo kailangan na naten ng 'manpower' eh. hehehe.
so ayun. masaya ang araw. sana masaya din ang buong linggo. sana hindi ito mabahiran ng stress! aba! kailangan na namin magpagada.. lapit na grad pic eh! hahaha. (tsk! gastos nanaman ito kay mama! peace!) basta sana masaya tong week na to. :D
so dahil masaya ang monday, gusto kong ipagpatuloy ang kasiyahan sa pamamagitan ng pagtulog ng maaga! kaya dito nalang muna ang aking post. babayuu!
p.s.