30 November 2007

How Should 'BONIFACIO DAY' Be Celebrated?

so.. how should be BONIFACIO DAY be celebrated? sabi ni TRILLANES pasukan daw ng military tank ang manila pen at gumawa ng coup de etat. sabi naman ng mga schools and offices, no work daw kasi legal holiday. sabi naman ni chasha, pochay, jasm, bits, at nessa.. "tara gawa tayo ng mga bebenta naten!! :)"

8am ang sabi kong meeting time kay nessa. me jas bits and nessa ang mag-memeet sa EMC para pumunta s divisoria para mamili ng materials and stuffs. then we'll meet chasha at emc again after to go to the tailoring shop. eh kaso nagkalabuan na! paktay na ang plastsadong sched.

10am ako dumating ng emc, nagkwentuhan pa kami kaya 11am na kami nakaalis. dahil sa sobrang traffic, di na sumama si jas dahil hassle sa parking kaya she dropped us off near binondo church. and the rest is HISTORY!

madaming tao. hindi pala madami...super dami! :( haggard! init init tapos wala nang madaan tapos wala kami plan on what to buy first chenes chenes! so ayun go lang ng go. habang sumisigaw ng MAKIBAKA! WAG MATAKOT! hehehe. kapal ng mukha ng divisoria para dungisan ang havaianas namin ha? pag uwi ko talaga bubuhusan ko ng alcohol to!

tapos ayun na nga, 3pm na kami natapos sa divi then punta na kila cha, kain ng LATE lunch then proceed sa tailoring. jusme naman! inabot ng 9:30 pero hindi pa natapos lahat! buti nalang mejo marami naren yung nagawa. so punta na kami kila jas.

ayun, design design na. tapos dikitan ng "crown bond" sa daliri, tapos hassle sa pag-isip ng design (except for nessa), tapos kain nng nachos, donuts at chocolate cake! at sumali pa sa games uplate LLIVE! hahaha. basta kung anu-ano na. hehehe.

katamad na magkwento kasi alam ko sila-sila rin magbabasa nito eh. hehehehe. :) basta masaya ang naging GURLFIENDS bonding moments namin kahit nakakpagod!

sa mga hindi parin naniniwala na seryoso kami sa pinasok namin na business (ehem steven & kuya mikas!) nakuu! makikita nyo. :) yun lang muna. hehehe. :)

27 November 2007

Bored. Nahihilo. Ayy! Lumilindol!

kung may isang subject akong hindi ko talaga masikmura, yun na siguro yung finance/investment. it's not that hindi ako interested sa subject, maybe sa prof siguro, or sa manner ng teaching. kasi pag hindi ganun ka-kwela or ka-terror yung prof, hindi ako ginaganahan. and ayoko ng nagbabasa lang ng powerpoint! (kung kami ngang students ayaw nila ng ganun sa reporting, sila pa kaya sa pagtuturo. hmpf! practice what you preach!) so weniwey, hindi tungkol jan yung blog ko. tapos, syempre pag boring yung class parang ang haba-haba ng oras. as in parang ambagal ng 1 and a half hour. so sa kalagitnaan ng pagtuturo nya, nakaramdam ako ng gutom, as in craving for something sweet para ma-hyper ako at hindi antukin. kaya lang walang may dalang food. so tiis muna. then maya-maya, biglang lumindol. nung una parang alog lang. kala ko hilo lang ako, kasi mejo harap ako, so yung ilaw ng projector kitang-kita ko. so ayun. pero nung nakita na namin ng seatmate ko na pati yung podium at lalagyan ng projector ay umaalog narin, ayun nagpanic na buong room. eto namang napakagaling na si son nakakapraning pa. the whole time na lumilindol ngumangawngaw. "eeeehh.. lumilindol.. eeeehh.." hehehe! (peace tayo son!) tapos ako naman napakapit bigla sa seatmate ko, yumuko, at nagpray. (yun kasi sabi ni mama sakin eh, pag lumilindol daw magpray agad!)

ang here's how my prayer went..

"Lord wag naman ganyan.. maghehele nalang kayo ang lakas pa.. please please let it stop.. PLEEEEASE!! :s"

siguro mga 40 seconds din nag last yung lindol. kabado kami kasi yung building namin is one of the oldest buildings in UST, so may chance na gumiba. (wag naman!) tapos naparanoid pa ko nung sinabi ni marb na baka daw coreshock/foreshock (di ko sure yung term) lang yun at may kasunod pa na mas malakas.

ang funny part is after ng lindol, aba naman! continue sa lecture tong prof namin. siguro may mga 2 mins. din bago i-announce sa PA na we must evacuate the building.

"to all students.. please go outside the building immediately.. to all students.. please go outside the building immediately.."

sabay tawa naman kami. "ser pano kayo? students lang pinapalabas eh.." hahaha. bleh! :)

and that's how the day went. huhuhu. pinakalma lang kami sa labas ng building, afterwards pinapasok na kami uli. cool diba? :)

23 November 2007

Movie Mania.

weee! at last napanood ko narin yung movie na "enchanted". :) hindi naman ako ganun ka excited kasi hindi ko masyado kilala yung actors, pero keri lang! :) SO DISNEY talaga yung pagkakapresent ng movie. :)

naisip ko nga nun eh, bakit ang mga FILIPINO MOVIES, yung kapag "happy ending" na, yung part na sumasayaw na yung mga cast sa tugtog na "semi-corny", hindi maganda ang presentation? parang trying hard! pero nung sa enchanted, hindi naman sila mukhang tanga. infact, parang yun talaga yung mangyayari if ever fairytales will be made true. as in human flesh talaga at hindi cartoons lang. hehehe. :) watch it! watch it! certified "feel-good" movie. :)

weniwey, hindi pa jan nagtatapos yung kwento ko. napanood ko narin yung "the game plan". (another disney movie.) ayun talaga inabangan ko, buti nalang kahit nalate ako ng nuod naabutan ko pa sya sa movie house! ang cute din ng movie, it showed yung other side ni "the rock" dwayne johnson. hehehe. kakairita lang yung mga muscles nya sa katawan! eeeeeww. bato kung bato eh! haha. :)

pero kahit ano pa mang movie ang itapat mo, wala parin hihigit sa ONE MORE CHANCE! aba naman! team up pa lang, bea at john llyod? siguradong patok sa masa yan! :) oh well, hindi kao nakisabay sa maraming tao, pinili ko/namin talaga na yung alanganing oras manood para wala masyadong tiliian at para maka-emote ng todo! :) GRABEH THAT MOVIE! nabasa yata ng star cinema yung mga "emo blogs" ko dati kaya ayun! ginawan ng movie! hehehe. saktong sakto eh! yung kung pano nangyari, yung phasing, lahat na! (minus the "janus" friend and the eksena sa condo! wag ganun!) yung mga hindi pa nakakanuod jan, manood na nang hindi na ma-OP! :) hehehe. :)

basta isa lang masasabi ko.. "ako nalang.. ako nalang uli.." :)

09 November 2007

It's Been A While.

tagal ko na di nag-blog. puro upload nalang ng pics. hehehe. sensya naman. feel ko kasi sa dami-dami ng kwento ko sa buhay baka wala nang bumasa ng blog ko sa haba! hehehe. but hey! im trying my best to summarize it para hindi boringsville! :)

my sembreak was SUPERB! as in ang saya saya! ang daming outings pati mga last minute gimmicks! sumabog na ang glorietta 2 wala akong paki, alis parin! hahaha! :) basta masaya! worth it ang LAST SEMBREAK ko. ang daming nangyari eh. secret na yung iba! :)

ang ngayong second sem na, at last sem ko na rin, exciting na hindi. syempre nakaka-excite ba ang schoolworks at toxicity? i don't think so! hehehe. pero mejo motivated ako ngayon. at yun ay dahil 95% yung paper namin sa feasib! woot! ang saya saya dahil lahat ng hirap nag pay-off! lahat ng bugnot days ko may pinatunguhan! at yun ay dahil sa teamwork ng cabuyao group! yeah yeah! go bords!

maraming activities ang nakahanda for our second sem, at lulubusin ko na lahat yun! from cheermania to BA week, hanggang sa mga kung anu-anong retreat at field trips! sama lang! GO! :)

so ayun! wala na ko masabi. kailangan ko na rin maglaba eh. hahaha! bye bye for now!

KITTEN ALERT!!

--> ang "meow dynasty" namin sa bahay ay nadagdagan nanaman ng 3 piraso! yun ay si shaider 1, shaider 2, at si annie! bakit yun ang mga names nila? abangan nyo nalang sa pics! hehehe! :)