at last.. my blog.. it's still alive.. hay!? how i miss this.. (wala pa kasing pangalan tong si blog ko eh..).. musta na mga peepz ko?? ako?? ito okei naman.. medyo naging busy sa mga bagay-bagay lately.. kaya nga na-fe-feel kong may kahabaan tong entry ko para maka-pag-update.. kei.. let's start..
last friday (november 26) nanood ako ng concert sa ust entitled "LIVRE" with bebeng,, ariel,, xiu-xiu,, jared,, abhie,, jordan,, ej,, aron,, kaye,, and ayeng.. (pix to follow nalang..) grabeh nagmistulang "reunion" ng batch 2004 yon!? mga tumugtog sa concert was bamboo,, chicosci,, imago,, sugarfree,, true faith,, mymp,, spongecola and moonstar88.. supposed to be dapat southborder ang nanjan hindi moonstar88.. eh kaso hindi daw bayad ang southborder kaya hindi sila kumanta.. (punyeta kasi yung organizer..) but they were there.. lumabas nga si vince eh.. buti nalang "one call away" ang moonstar88.. kaya ayun.. pero ang astheeg para sakin ay bamboo at spongecola.. mas na-enjoy ko nga lang yung spongecola kasi mas malapit na kami s stage nun.. yung bamboo kasi ga-langgam lang si bamboo eh.. basta yun okei sya.. chaka hello?? libre lang ung pag thomasian ka.. pag hindi 100 lang.. oh diba san ka pa?? (sayang ikel di ka nakasama.. susunduin ka dapat namin eh..)
saturday naman (november 26) lahat kami bangenge dahil sa concert.. lahat may eyebag,, ung iba may hang-over,, yung iba gusot mga uniform dahil sa pagmamadali magplantsa at yung iba absent.. hindi ko na talaga kinaya yung bigat ng mata ko kaya yung last subject namin (theology) hindi na kami umattend ni jesse.. umuwi nalang kami.. tapos ang mga loko namin classmate i-"BOYCOT" daw ang theo?? teka nga para maka-relate kayo kung bakit let me give you an overview of my professor in theology 2..
-isa syang attorney.. first day palang ng class namin dun sinabi nya na agad samin yun.. HUMILITY asan??
-kay rami nyang nunal na nabuhay sa mukha.. gargancho sa laki kaya ako nadidistract sa kanya..
-boses nya ang pinaka-interesting.. pumipiyok,,nakakaantok,,at ang tono parang BROTHER ELY SORIANO!? actually that leads me to the next..
-reincarnation ni brother ely soriano sa catholic church.. leche siya.. laging inaalipusta ang protestants and other religions.. gusto niya catholic lang sacred chuva chuva.. chaka parang laging nasa "court" kung mag-turo.. laging pasigaw..paaway..kulang nalang yung pamukpok ng jugde eh.. basta buong pagkatao niya nakakaasar!?
oh ayun ah.. nalaman ko lang yung ginawa nilang boycot nung tuesday na.. late dumating balita sakin eh.. basta nasabi ko nalang nun?? "mga ga*o talaga kayo.." well including me syempre.. i would have done the same thing if i were there..
kahapon naman dumating na yung auntie ko from the states.. syempre anong ibig sabihin nun?? marami!? maraming marami!? we woke up 5 am kasi nagsundo kami sa airport.. mga 8:30 am na dumating yung auntie ko.. (sabi kasi ng tita ko 6 am yung dating ng plane eh..) tapos derecho kami libingan ng mga bayani dinalaw yung anak niya.. then punta na kami price smart.. (medyo dissapointing kasi we were expecting sa duty free kami eh.. dami ko nang naisip bilin eh..) eh di andun na kami la nang nagawa.. tapos sabi ng pinsan ko muralang dvd player dun.. kaya ayun.. onting chicka chicka kay mama.. tapos binili na namin.. yehey!? something to look forward!? after nun gusto na namin umuwi para manood eh.. excited ba?? kumain muna kami ng late lunch sa market-market.. first time ko sa mall na yun.. okei naman.. syempre sa paikot-ikot namin dun hindi pwedeng walang bibilin diba?? nyahaha.. mga 1:30 pm nakauwi na kami.. pahinga lang sandali.. then 5 pm punta naman sa bahay ng isa ko pang pinsan dahil birthday niya.. mga 12 am na kami nakauwi ng bahay.. hay naku!? na-experience ko na yata ang buhay ng isang superhero.. walang pahinga.. partida may pasok pa ko kinabukasan ah.. at may quiz pa!? ayos noh??
at ngayong araw na toh.. nakakatawa talaga.. una napagalitan ako sa english dahil mas interesado pa daw ako sa nails ko kesa sa class.. second wala yung 2 sumunod na prof namin.. at ang climax ng araw ko.. hindi sumulpot ang theo prof namin.. binoycot din kami?? hahaha.. nung una tensyonado na lahat sa room kung anong excuse bat wala sila nung saturday.. tapos mga 2:20 na lahat nakatingin lang sa relo nag-aantay ng 2:30 para makaalis na.. at ayun.. 2:30 na at wala pa sya.. lahat kami umalis na.. ganun kasi ruling sa ust eh.. nakasalubong pa nga namin si dean eh.. wala lang tinanong lang niya kung bakit ang saya namin na wala yung prof namin..
hay grabeh the days that passed noh?? kaya nga hindi ako nakakapagblog lately eh.. oh pano mga peepz.. dito muna ha?? ngawit na kamay ko kakatype eh.. bahbher muna!? mwah!? mwah!?
No comments:
Post a Comment