wala nanamang magawa. umuulan. walang pasok. katamad kumilos. hindi makatulog kahit masarap matulog. at hindi makakain kahit masarap kumain. hay! anu beh? kelan ko ba uli masisilayan ang UST, ang commerce building, ang 4ba6, ang dancesquad, at syempre ang aking crush na si CHESTER TAYLOR at ALBERT GO! nyahaha. (puro athlete ah!) weniwey, basta i soooo miss school, i miss the "toxicity" and the "semi-annoying" professors and blockmates! harhar! (kasama ka dun LIM UN!) so ayun. blah!
ayoko masanay sa mga ganitong "lazy mornings". why? kasi pagnagkapasok nanaman mahirap uli mag-adjust. although masaya kasi maaga na talaga ko nagigising. sana lang kasi wag naman as early as 6:30am eh noh! tae! ang haba ng araw. hihihi. nauubos agad ang mga dapat gawin.
weniwey, sabi nga ni dalo, baka nga kaya laging walang pasok is kasi daw binibigyan daw ako ni GOD ng time to really think. i-assess uli ang sarili, and i-maintain ang focus. kumbaga, para pag balik ko sa school, study mode na uli. iwanan na ang "drama" sa bagyo at ipatangay sa hangin. yeah! astig. "sige lang, sandal ka lang at wag mong pipigilan. isigaw mo lang ang lahat sa hangin, iiyak mo lang ang lahat sa akin." ayan ang paulit-ulit nyang kinakanta sakin habang magkausap kami sa phone. (di na nga nakakaaral ng chem yun kakakulit ko sa kanya eh.) tas ang reply ko naman ay "tuloy parin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo, handa na kong hamunin ang ating mundo, pagkat tuloy pariiiiiin.." ayan! napaganda pa naman ng boses namin kapag nagaasaran sa phone! sabi ko "kulang nalang yung kotse pati U.P diliman okei na eh!" at ayun, biglang namiss ni loko ang isaw at banana shakes. :D
i feel better today than yesterday. achievement ko for the day? hindi ako umiyak. 2 consecutive days na. i mean hindi ako umiyak physically, gets? ah basta no tears! ito ay dahil sa mga taong, umaalalay sakin na hindi na muling madapa (at madungisan!) literal! muntik na kong madapa sa putikan kanina dahil ang arte-arte ko at sinuot ko pa yung "highs" ni ate les eh umuulan at nakapambahay lang naman kami! (natatalsikan kasi ako pag naka flip-flops lang.) ito kasing sila mikko napakaharot sa daan! hay! :D mapapasigaw nanaman ako ng 'paksheeeeet!' nito ng wala sa oras eh. (at wala sa POISE!) hahaha.
so ayun, i've spent the whole day with my kada. kada ko dito samin. all boys. ako lang bakla. wala kay mommy yun dahil kilala nya isa-isa yung mga yun at kilala nya mga magulang at alam nya san nakatira kaya no worries sya. so weniwey, second time na namin uli mag-bonding (kahapon kasi major road trip kami!) tas ayun, kwentuhan sa life, asaran, nuod dvd, dotahan, ps, basta lahat ng "lazy mode" na ginagawa ng boys! nagluto na sila ng meryenda. hindi ako interesado kaya hindi naku nakigulo sa pagkain. isusuka ko lang yan! :D
mabilis naubos yung food, parang tinangay ng bagyo! at si mikko lang ang naiwan sa table. tinawag nya ko para kumain, but i said no. sinabi nya nalang "lumapit ka nga dito!" at dali naman akong pumunta. "magsalita ka na nga? anu problema mo ha? yang ganyang mukha mo familiar sakin yan! ganyan ka naman eh. lumalapit ka lang samin pag may problem ka!" "hoy hindi ah! ang sama mo! weniwey..ganito kasi.." and i've told him everything magmula nung simulang-simula hanggang katapusan. with all honesty, hindi edited, hindi dagdag bawas. wala akong mapapala kung mag-iimbento ako ng kwento. (hindi ako umiyak!) and after na magkwento ako (at matuyuan ng laway!) biglang tumawa ang loko, hindi lang tawa kundi halakhak. bigla nyang tinanong "nakatago pa ba memorabilias naten sa inyo?" "oo naman. bakit?" "punta tayo sa inyo kunin naten tas balik tayo dito!" and so we did. hindi ko alam anung plano ni loko pero ginawa namin, pinagsunod-sunod yung mga letters, at kung anu-anong achechenes. (it was kind of fun kasi ang 'gayish' eh! imbes na naglalaro kami ng ps ayun kami at nagpapaka-mushy pillows!) tas isa-isang nireview. "hindi ka ba napapagod? nagrereview ka na for your exams tas rereviewhin pa naten past naten?" "manahimik ka!" antaray ng lolo! tas ayun. after we've finished he said.. "see? see? same lines, same script! same delivery!" napanganga ko. oo nga! parang replay, iba nga lang leading man ko! same movie ika nga namin! pero sabi ko wala silang resemblance.
anu nga bang ibig sabihin nito? nakakatuwa dahil yung mga binitiwan kong salita dati sa kanya, hindi rin pala nagkatotoo. i mean, some did went well, pero yung mga "hihintayin kita.." "hindi na ko magbbf ng iba.." at kung anu-ano pa hindi naging totoo! oo we still value yung "favorite bf/gf" na terms namin pero secret nalang namin yun kasi baka makasagasa kami. basta all he said was nasasabi ko lang daw lahat ng toh dahil nasasaktan pa ko ngayon at i wanted to relieve my pain. may psycho factor daw! (takteng tao kasi toh! tingin talaga sakin psycho! pati pagkain ko psycho! pati pag-me-make up ko! lahat na!) sabi pa nga nya hindi daw talaga ko nagbago, mas naging matured ng onti yung pag-iisip pero i'm still "pochay" to him. yung once daw na "so highschool" nyang gf na nagdalaga na daw! hay! kakatuwa kasi nung narinig kami ni bes, biglang lumapit tas sabi "alam mo, prinsesa ka dito kahit anong gawin mo! magkaron ka man ng prinsipe wala kaming paki!" aaaaww.. ang "gayish" talaga ng mga toh! basta i'm just feeling better dun sa ginawa namin ni mikko. (and sorry naman, ako lang ang hindi pinagseselosan ng gf nya! bwhehe!)
siguro nga kaya nangyari toh para din mas bigyan ko naman ng halaga yung iba kong relationships. (friends, family, others.) like for example kay mikko, ex ko sya. alam din nila kath kung panu ako nahirapan sa kanya. first time ko rin nag-open kay ate les tungkol sa relationships nung nanghingi ako ng advice tungkol kay mikko. mga first achechenes sa kanya galing. all the while kala ko kaya lang kami naging ok kasi kailangan maging professional (sa SK kasi mahirap may conflict! pati sa kada.) pero hindi pala. we're still the same, sabi pa nga nya "kala ko ba ako dada mo pati besfren? see? see? sya pla yun!" and then we laugh. he still cares kasi daw talaga sabi nya, and sabi nilang lahat, ako lang daw ang naiibang girl na kaibigan nila. kung mga sira-ulo nga sila nanligaw na sila lahat sakin, pero mas masarap daw akong barkada! WELL, MAS MASAYA TALAGA AKONG KABARKADA PERO NAMIMILI AKO! HAHAHAHA.
kakatouch kasi kalalaking tao nitong mga toh pero ganito sila ka-sensitive. minsan din kasi sakin sila nanghihingi ng advice sa mga gf nila. :D ah basta! bakla o hindi, wala akong paki! friends are friends.
hindi ko pa uli nakakabonding mga gurlfriends ko sa church kasi super busy eh. pero in time, say SEMBREAK, (except for chasha!) ay makaka-uber bonding ko na uli sila! bwehehehe. go gurls! alam ko namang picture picture lang ang remedy ng lahat ng ito eh! hahahaha. mwah! mwah!
ayun! kaya kayo, kung may mabigat kayong prob.. kaibigan tara! usap tayo! mga totoong kaibigan lang ang nakakaalam ng totoo mong nararamdaman! hehehe. ah basta! i luuuurve them! all of my friends i luuurve you with all my heart!
and with this blog, masasabi kong, finally.... I AM BEGINNING TO BE HAPPY AGAIN! better days! ciao!
No comments:
Post a Comment