hay! sabi ko na eh. iba na talaga ang nagagawa ng walang training for 1 whole week. tsk tsk. andaming sayang na araw na sana nilaan na lang sa training (both spikers and dancesquad.) eh kasi tong bagyo eh, wala tuloy pasok at hindi makaalis ng bahay para makapagtraining. well, anyway, tapos na eh, wala nang magagawa kung hindi mag-antay nalang ulit ng weekend para makapagtraining! oh yeah! so excited!
*SATURDAY*
alam nyo na meron dito. hay! gumising akong napaka-aga dahil meorn din akong "urgent" agenda that day, since alam kong walang training scheds for that day, naisip kong gawin na ang matagal ko nang pinag-iisipang gawin. pero hindi lahat ng bagay umaayon sa ating mga kagustuhan. resulta? i failed. iyak. iyak. at iyak pa. but i decided to try again.
pero bago yun, umalis muna ko. birthday ni ey sa fairview, hindi ko pwede "injanin" si ey, lakas sakin yun eh. (kahit hindi sya nagpunta nung bday ko sa manda.) tas ayun, mega adventure. napakalapit lang naman pala ng "FARview" eh. hehehe. and since malayo ang biyahe, anu pa ba gagawin kundi magkwentuhan. tungkol sa mga issueness sa school, sa room, sa mga profs and schoolworks, sa mga personal na buhay, etc. sabay tanong ni vani sakin "gurl, bat maga mata mo?" tsk! (why didin't i bring my shades!) ayun, since good friends naman sila, hindi na ko nagpalusot pa, sinabi ko yung nangyari bago ako pumunta sa school. they all "aaaaawwwed" and "tsk. tsk. tsked". sabi ko nalang sa kanya 'wag nyo ko kaawaan dahil lalo ako naiiyak. ayan kaya ang resulta "clown mode" tong si berber kaya hanggang dumating kami kila ey puro katatawanan na. pagdating dun, kain. lamon at kung anu-ano pang paraan ng paglalagay sa bibig ng pagkain ang pinaggagawa namin. ang sarap ng mga pagkain, pero kailangan magpigil! baka ma-jerbs ng wala sa oras, malayo pa naman bahay namin! huuuu! after nun, picture taking ever tas after nun inuman na! pero hindi kami uminom kasi malayo pa nga bahay namin (pero maniniwala ba naman kayong hindi kao uminom ha?) tas ayun, after nun namoblema na ko paano uuwi kasi gabi na. buti nalang mabait na tao si mikel at napilit kong ihatid ako. bwehehe. (user nanaman ba?) tas ayun, along the way, kwentuhan nanaman kami ni chong! kapag "love" or "break-ups" ang topic, si mikel ang ayokong kausap. bakit? kasi masyadong malawak kaalaman nya. ang daming experience, ang daming sinasabi, at kaya nakakinis dahil may laman at totoo mga sinasabi nya. hay! talaga naman. kaya ayun, ang pinaka-advice nya sakin. "pagsisihan mo lahat ng mga ginawa mo, tapos nun, wag ka muna iiyak sa harap nya, pagtapos nyong mag-usap wag ka nang magpumilit ulit, dahil ipapamukha mo lang sa kanyang hinahabol-habol mo sya. at mahirap na rin ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo." see? see what i mean! taeng lalaki yan! bat ganyan mag-isip! takte! tumatak talaga sa isip ko yan noh! kaya kahit ganyan kahaba yan memorize ko parin! tinanong ko sya "anu ba kel? gimmick ba ko o babalik ako dun?" sabi ba naman nya "anu ka ba? sira ulo ka na nga ata talaga eh! bumalik ka na dun! dami pang araw para gumimick! wag mo hayaang lalong mahuli lahat!" and so i decided to go back.
pagbalik dun, bigla akong naduwag, ayoko nalang pala makipag-usap, baka maulit lang yung nangyari nung umaga. masyadong masakit para magkaroon pa ng replay. tsk! gusto ko nalang itulog ang lahat, o kaya CTRL+ALT+DEL para wala nalang kunyari nangyari nung sabado. pero hindi eh. kaya ayun, BRING ON THE DRAMA! tuyong-tuyo na tear ducts ko kakaluha, hay! at 2am na nun hindi parin ako makatulog. and then nasabi ko ang pinaka martyr na statement na narinig ko sa buong buhay ko. "alam mo kahit pano ok na naman eh, i guess you need her more than i need you." at ayun. iyak. iyak. at iyak pa. mas nakakaiyak dahil alam kong nung binitiwan ko yung mga salitang yun, totoo sya. hindi plastik! hindi bait-baitan! hay! kakaiyak! anu beh! ayoko ng ganitong phase ng buhay eh! :( then basta after that, nagkunyari nalang akong walang nangyari at walang narinig, kaya nakatulog ako ng mahimbing, at kahit paano, masaya.
*SUNDAY*
masaya din ang gising syempre. hay! parang walang problema. sunday na kasi! :D tapos naalala ko 7am pala ako magtuturo ng sunday school. syeeeeet! late na ko. pero okei lang, dahil pagdating ko dun, andun naman si bonita, so okei na! hehehe. buti nalang! after nun nagservice akong mag-isa. masarap yung feeling ng mag-isa ka sa simbahan. (hindi literal ha? yung mag-isa ka at walang kadaldalan! gets?) at mejo naiiyak parin ako ng konti-konti pero kailangan pigilin. naririning ko si big brother na nagsasalita eh "melai, compose yourself!" nakaneng! oo nga naman, ilugar naman ang pagiyak takte! hahaha. so after nung service nakahabol pa naman ako kahit paano sa group dy ni bits. takte isa pa yun! nakakaiyak din. huuuu! natawa nga sya sakin kasi affected ako sa kanyang group dy! tsk! tas after nun tapos na! yey!
since walang magawa at ayoko pang umuwi, nagyaya ako kumain sa rob! buti nalang may mga makakasama ako. hay! at yun ay sila bits, ben, cha, tj at binoy! weee! luch kami sa chowking at mega kwentuhan! tungkol sa mga recent events, sa mga issueness, sa mga kung anu-anong "boy su" at "lan-su-lot" na kwentuhan! hahaha. at syempre sa mga ka-emo-han ni binoy! bwahaha! basta masaya! inaasar na nga nila ko sa tawa ko eh. hindi sya yung normal na "haaaaa-haaaaa" yung tulad ng tawa ko dati. talagang "heart felt" tawa gaya nga ng sabi ni bits! aba! i think i deserve a good laugh after ng lahat ng nangyari the night before! tsk! at nagkataon lang na si binoy napag-punteryahan ko ng aking kagiliwan! (okei lang yun crush! minsan mo lang ako mapatawa eh!) so ayun. basta ang saya saya saya. sa sobrang saya nakakaiyak na! :D at for the first time! as in first time! nilibre ako ni binoy sa breadtalk! yahuu! di ko ineexpect! yeah! ang saya talaga ng araw! comfort food ko pa naman ang berries and cream! hay! yumyum! :D
after that lunch out sa rob nagkayayaan nang umuwi dahil wala nang gagawin ang mga tao. at ako naalala kong prelims na pala kaya kailangan ko na umuwi at mag-aral. pero pagdating ko sa bahay, wala pa pala ko sa mood mag-aral. kaya nanood muna ko ng vcd, and suddenly i fell asleep. takte! 3pm tulog na ko? anu beh! tapos chedeng! ginising ako ni mama ng 10pm para kumain, pero hindi ako bumangon dahil "interesting" ang panaginip ko! so tulog. tulog. at tulog pa.
nung napagod na ko sa panaginip ko nakarinig ako ng mga putukan ng baril, nabigla ako kala ko kung anu na, pagtingin ko... takte! si dad lang pala naglalaro nang games sa yahoo! tae na yan! 3am naglalaro! anu yun highs chool kid? hahaha. at ayun hindi na ulit ako nakatulog! i lie awake. nagmumuni muni, tingin sa cell kung may nagtext, wala naman! tinapon ko nga! tas nag-isip ng nag-isip. "what ifs?" "could have beens" hay tae! ayoko talaga ng ganito ako! narinig ko nanaman si big brither. "melai, compose yourself!" at muli, tinigil ko ang aking pagluha! at hindi ko namalayan, syeeeet! 5am na, at hindi pa ko nagrereview! hay! pinaalis ko muna si dad sa pc kasi nasa e-mail mga reviewers namin kaya nag-DL muna ko sandali. dahil napakarami nun, nag YM muna ko at multiply at friendster. hahaha. at yun, grab ng pics, habang nag-DDL ng reviewer at habang nag-aaprove ng mga comments at messages. and before i knew it, heto, nagboblog nanaman ako! hay!
at ngayong malapit na mag 7am, hindi parin ako nagpapanic na hindi pa ko nag-aaral. wala parin ako sa mood mag-aral. may hangover pa ko ng pag-iyak. hay! sana pagpasok ko wlang magtanong sakin ng "melai, ok ka lang?" o kaya naman "melai, kwento ka naman!" tae! wag ganun! exam eh! prelims na prelims eh! ah basta the only solution i can think of is get busy! as in magpapaka work-a-holic muna ko! at kapag mag-isa nalang ako, matutulog nalang ako kesa mag-isip! hahaha. nakuu! sana wag muna ako ngayon maging super emotionally disturbed dahile xam ko pa sa tax bukas! waaaat!?
oh sya sige dito nalang muna. sa pagkakaalam ko eh ito na yata pinakamahaba kong post. hindi ba? oh sya sige babayuu! :D
"when can i see you again? when can my heart beat again? when can i see you again? and when can i breathe once again? and when can i see you again?" -babyface
No comments:
Post a Comment