16 August 2007

Bakit Nga Ba?

isa rin ito sa mga tanong na lagi kong iniiwasan ngunit pilit na sumisiksik sa utak ko. hhhmmm. bakit nga ba? ganito. ganyan. at pag nasimulan mo na ang tanong na yan, susundan na yan ng mga "hindi kasi ganito ganyan!" malabo! nakakainis. nakakaiyak. nakakasuka. sabi nila yung buhay daw parang isang "wheel", kung ngayon daw ay nasa ilalim ka, in time aangat ka narin sa taas, dahil patuloy lang ang pag-ikot ng wheel. ito ang iyong buhay! "life must go on.." sabi nga ni mama, binara ko siya. "what if yung ikinabubuhay mo / yung nagbigay ng worth sa buhay mo nawala na? paano ka magpapatuloy diba?" she just threw me another question, "kung si mama ba ang nawala magkakaganyan ka din?" and then i shut up!

oo nga. bakit nga ba? bakit kapag heartaches na ang nararamdaman ng isang tao, most especially girls, parang end na ng world nila. well, you can NEVER blame us. sobrang EMOTIONAL kami magmahal mga girls. kaya nga pagnakakahanap na kami ng "close to perfection" na relationship, hinid basta-bastang ni-le-let go yun. (yes, we might go "somewhere else" pero it will always be our HOME that we'll go to in the end?) martyr? oo! sobra! minsan talaga kinakalimutan na ang sarili para lang sa mga achechenes na drama moments at pagluha. hay! tama na kasi. ayoko na! pero bakit nga ba? bakit kahit nahihirapan na ko ng sobra sobra patuloy parin ako sa kakaganito? bakit nga ba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba sa tuwing napapangiti ako, naiisip ko na "sana sya ang dahilan nito.." "sana mapasaya na nya ko ulit.." pero hindi ito tama! anlabo ko ngayon kaasar! kasi feeling ko tuwing sumasaya ako ng konti (kahit sa simpleng paglalambaras ng mga pusa namin sa cage nila.) feeling ko plastic yung pagiging happy ko. ewan ko lang ha? pero last sunday, nung pinagtitripan namin si binoy at si lansulot, sobrang totoo tawa ko nun! haha! minsan nga naaawa narin ako sa mga tao sa paligid ko eh. imbes na may inaatupag silang ibang mas makabuluhan, heto, patuloy ang pagpamper nila sa isang malditang batang nag-iinarte. thank you so much guys! i love you all. oh see diba? i've got lots of someone who loves me. and yet isa ang hinahanap ng puso. hay. bakit nga ba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba mahirap bumitaw? dahil hindi ko naipaglaban kaya hindi ako mapalagay? dahil ba hindi ko pinahalagahan kaya gusto kong makabawi? dahil ba masyadong malaki ang mga nagawa kong kasalanan kaya gusto ko itong ituwid? bakit nga ba? napapagod narin ako kakaisip dito ha? alam ko masaya na sya. pero bakit ba hindi ako makuntento dun? nagpapaka-selfish ba ko na gusto ko sakin sya maging masaya? bad gurl melai! bad! hindi ko na talaga alam gagawin ko. GOD.. please? tapusin nyo na tong part ng buhay kong toh? :(

oo nga. bakit nga ba? kahit ilang tao na ang kumausap sakin tungkol sa nararamdaman ko, at todo explain na ang lahat ng bagay ay may purpose, but still, bakit nga ba? bakit hanggang ngayon hindi parin ako mapalagay? parang "multo" ang mga pangyayari. malimutan mo man ngayon, it will forever hunt you! in your dreams, kapag masaya ka na, kapag okei ka na, you can never tell! yung mga person pa na nakakausap ko is yung mga least likely kong nilalapitan pag may prob ako. i won't mention names baka mabuking sila. wehehe. basta, this time kasi ayoko din na yung mga super close friends ko yung makausap ko kasi alam kong whether they like it or not, magiging biased sila sa mga paliwanang nila. and i don't want that. gusto ko yung walang papanigan. hehehe. haaay! basta maraming salamat sa lahat lahat ng nagtyatyagang kausapin ako sa likod ng kabaliwang ito.

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba kahit na alam ko nang wala na tayog mararating, bakit meron parin akong nararamdamang "someday" sa loob ko. yung "balang araw" na sinasabi nila, yung mga "malay mo naman diba?" haay! lagi ko tong sinasabi pero ito ba talaga nasa puso ko? ayoko ng false hopes. ayoko din ng wish! sabi nga ni ate joj, iba ang wish sa hope, at sya ang hope! hay! patayin ang feelings na ito! ayoko na talaga! wag ko na sabayan ang bagyo ng iyak ko. kapagod na eh. weak ka na nga pinapahina ka pa ng panahon? anu ba namang klase yun diba?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba yung mga recent post ko ay maraming "typo error"? well, isa lang sagot jan. mahirap na i-correct ang tinatype habang umiiyak at umaagos ang emotions mo habang nag-ta-type ka. naku ako pa naman hindi tumitingin sa monitor kapag nag-bo-blog! wehehe. sorry naman!

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba mahal kita kahit na di mo pinapansin ang damdamin ko? di mo man ako mahal ito parin ako nagmamahal ng tapat sayo. bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka nang iba? bakit baliw na baliw ako sayo, hanggang kailan ako magtitiis? bakit nga ba mahal kita?

oo nga. bakit nga ba? bakit nga ba biglang si ROSELLE NAVA ang napagbuntungan ko ng blog ko! malamang kasi yun yung naririning ko ngayon sa radyo! taeng radyo! whatta timing! hahaha. sige na sige na kakalurka na tong DRAMEDY ko sa buhay! ciao!

*happy crying!* -dalo

No comments:

Post a Comment