----------------------------
wala pa akong wishlist... hindi ko pa din kasi masyadong maisip ang mga gusto ko... saka gusto ko din ay yung mga posible para naman hindi masayang pag gawa ko..hehe... hindi na tulad ng gelpren na amanda griffin o kung ano pa.. matinong wishlist naman... mrami akong naiisip kaso wala akong masulat...anlabo eh noh.. bsta iisipin ko muna sila maigi.
kahapon tumulong kami dun sa org. ng math magayos at magbalot ng mga laruan at goods na ipamimigay namin sa sabado sa mga street children.. hehe.. ambait ko noh... well..isang dahilan ay dahil type ng barakada ko yung cute na officer..hehe. pero sa totoo, ang korni man....oo masarap din tlaga ang pakiramdam ng nkakatulong kahit sa sobrang liit lang na paraan..^_^ lalo na alam mong mga bata ang makikinabang.... naging bata ka din.. well ako bata pa din nga.. :D
gusto ko kahit isang linggo lang maging six years old ulet ako.. basta gusto ko ulet maging bata... marami ngang hindi mo pa pwedeng gawin, marami kang hindi pa alam. pero astig din naman,hindi mo pa masyado pinoproblema ang mga problema ng mundo, ang mga karaniwang problema mo lang ay kung pano ka hindi mababalagoong sa tumbang preso bukas o kaya san ba ang hindi madaling mahanap na taguan sa tagu-taguan nyo, o kaya naman kung makikipagbati naba sayo ung kaibigan mong sumira ng laruan mong kotse-kotsehan... hindi mo pa masyadong iniintindi ang mga sasabihin ng mga tao... hindi mo kailangan gawin lahatlahat ng rules ng buhay, medyo exempted ka kasi bata ka pa nga.. hindi pa masyadong bukas ang mga isip mo sa mga bulok at nakakatakot na bagay...well yun nga lang siguro matatakutin kapa sa mumu...hehe at higit sa lahat... madali kang matuwa.. mababaw pa ang kaligayahan mo, madali kapang makuntento at mauto ng nanay mo para maging masaya ka...^_^ ....saka sa ganyang edad ikaw ang nireregaluhan ngayon ikaw na ang nagreregalo...hehe.. mga instant inaanak..
(simple lang naman ang mga bagaybagay tayo lang ang nagpapakumplikado)... :D
makagawa man ako ng wishlist o hnde isa lang ang siguradong gusto kong matupad... gusto ko makagawa ng astig na bagay para sa ibang tao, na hindi iniisip yung sarili ko... gusto kong makatulong o maging parte sa pagtupad ng kahit isa lang sa mga wishlist ng ibang mga simpleng tao... well...wag lang syempre ang paghingi ng tulad ni amanda...akin lang sya! buwahahah!!...loko lang.
----------------------------
naalala ko yung divi trip namin ni bits last week, kahit na toxic sa kalye ng juan luna at andadaming kargador na bumabangga samin, OK LANG! ang akin kasi, "kung sa pagshopping nga para sa sarili ko hindi ako napapagod, ano pa kaya yung para sa mga bata diba?" simpleng mga notebook, lapis ang crayola. pero alam mong magiging masaya sila dito! PRICELESS! :0 (samahan mo pa ng "starbucks bonding" after ng divi trip!)
*para kay kuya noel. wag na humirt ng "sana bata nalang ako" line. tandaan mo, nung panahon nyo walang J.. JE.. JEA.. alam mo na yun! :) happy birthday! :)
No comments:
Post a Comment