ang saya ng ganitong panahon! nakatunganga ka nalang sa bahay, free to do anything you want (sa loob ng house). grabe! major pahinga. matagal ko din hindi naramdaman to dahil sa toxicness sa school. haaaay! ang sarap!
gigising ka ng kahit past 10am na, kakain, tutulong ng sandali kay dad, and for the rest of the day tutunganga ka nalang sa harap ng TV habang kumakain ng sumo sticks, hello pipers, chooey choco, at kung anu-ano pa. tapos palipat lipat ka lang ng channel. etc, tapos velevt, tapos star world, kahit cinema one pinatulan ko na eh. hahaha. ang tagal kong hindi naharap sa TV noh? may sinusubaybayan na nga akong koreanovela eh. marrying a millionaire. hahaha! san ka pa?
sanay ako sa multi tasking, kaya kahit nanunuod ako ng TV may kasabay akong ginagawa. katulad ng kumain sa harap ng TV, pakainin si leila habang nanonood ng TV, maglaba habang naka-ipod, magtastas ng bag habang naglalaba, at syempre inisin si dad habang toxic sya mag-ayos sa mga pusa. hehehe. ang sarap! :)
so far hindi pa ko nababato dito sa bahay. ang dami ko pang pwedeng gawin, hindi pa ko nauubusan dahil marami akong nakareserve na gawin. hehehe. siguro next week mababato na ko. holy week kasi, wala masyadong palabas pati iba ang atmosphere pag holy week. parang bawal tumawa ng uber lakas. char! chaka andaming tasks-to-do pa for camps (both kids & youth hindi ko pa nagagawa yung nametags. tsk!) pero ok lang kaya naman! :) mas productive ako pag malapit na deadline! :)
syempre, kahit relax ako sa bahay hindi ko parin maalis sa isip ko yung sa school. syempre hangga't hindi pa ko nakakatungtong sa PICC hindi pa ko assured na graduate na nga ako. at hindi pa din final ang grades na naka-encode so pwede ka apng gantihan ng prof mo sakaling may gawin ka pang kung anu man. pero syemrpe on the other hand, okei din yun. at least yung may mga probs pa sa school may time pa sila para maayos yun. hanggang march 28 daw yung final list ng graduates? tama ba narinig kong chicka? ah basta ganun! so saming lahat GOODLUCK! sana sabay sabay tayo maka-graduate at walang maiwan! bow! :)
balik tayo sa kwentong bahay. ngayon ko lang napansin na inaatake ako ng pagka-OC ko kapag nasa kusina ako. ewan ko ba. ayoko talagang nakikitang may hindi nahugasang plato, tapos walang laman yung water purifier, tapos puno na yung trash can, basta kung anu-ano pa! gusto ko din na ako yung nagluluto, nagsasaing, at nagliligpit ng pinagkainan. ok lang utusan ako ni dad, basta wag lang syang maingay. iniisip ko nalang na training to sa pagiging housewife! oh ha? may vocational course ako at my own house! libre pa! at astig pa ang prof ko! carino brutal nga sabi ni mama. hahaha! :)
sayang i have to cut this short na. naghihintay ako ng tawag from my futre employers eh. hahaha. pati nagaantay ng tawag si dad sa buyers ng pusa. dito muna. babayuu! :)
No comments:
Post a Comment