14 November 2008

They Call Me DORA!

uso sa store namin yung mga "pet names" kahit na alam namin at nakasulat sa "handbook" namin na bawal yun, still we do it. sabi kasi ng mga "superiors", we have to be professional all the time kaya bawal ang pet names! pero diba yung mga bawal ang ginagawa natin ng madalas? pag sa floor na madalas mo maririnig yung mga " BEH, BEBI, BEBE, BECHIE, PARE, KAMOTE, MOTE, PLOK, NAK, MAMA, DING " at madami pang iba. yung mga seniors ko tawag sakin 'bebi plok' (ewan ko kung bakit! si tsehlayla kasi eh!) pati 'tropapipay' (kasi pinakabatang tropa na babae! weird!)! at nakakatawa kasi maingay na sa floor tapos hindi mo alam kung ikaw na ba yung 'bechie" na tinatawag or ibang "bechie" yung tinutukoy. ANG JOLOGS! pero sa ayaw at sa gusto mo mahahawa ka na eh.. STARBUCKS CULTURE ika nga nila! (dati nga ayokong-ayoko binabanggit yung "beh" eh!) hehehe..

pero ngayon may bago na silang tawag sakin, at sakin lang ha? hindi pang-lahatang tawag! ano pa nga ba? eh di DORA! oo dora! as in si dora the explorer! kainis! ni hindi nga cute yung cartoon character na yun eh tapos yun pa ang tatawag sakin! two things kung bakit nila ko tinawag na dora:
1.) dahil sa FULL BANGS ko (hindi sila maka get-over kahit na mejo mahaba na sya ngayon!)
2.) dahil SUPER itim ko (from bora!)

ganun kababaw na dahilan at naging dora na ko! akala nga nung bago naming guard DORA talaga pangalan ko eh! huuuu. ayoko si dora! ayaw! AMPF! :s pwede bang iba na lang?

PROFESSIONALISM PARE! ITIGIL NA ANG PET NAMES! ITIGIL NA ANG DORA! hehe.. :)

No comments:

Post a Comment