07 June 2008

I Love/Hate My Job.

after ilang days.. finally nakapagpahinga na ko ng maayos at nacompose ko na sarili ko! the past two weeks was a nerve-wrecking experience for me, as in! halong tuwa, excitement, pagod, inis, imbyerna at kung anu-ano pa. mga pambalubag loob ko na nga lang yung mga panuod-nuod ng movies, yung click five and yung flo rida.

first week ko pa lang sa job ko parang ayoko na. it's not that i totally hate it, hindi ko lang gusto yung treatment sa mga bagong 'partners'. ewan ko ba. ayoko lang siguro yung feeling na inferior ako kasi madali akong ma-intimidate eh, syempre makaka-apekto yun sa performance ko diba? unang linggo pa lang sabon na sabon na ko sa mga pagalit eh. mga mild offenses lang naman, pero juscoh! araw-arawin ba? wrong shoes, no socks, wearing of tongue ring, chit-chat with friend while on shift, using ipod, texting.. ay te'! lahat na ata sinalo ko. oo alam ko mali, pero yung mgapaliwanag lang naman ba ako at makapagsorry.. hindi nila ako binigyan ng chance mag-explain noh! kaasar! pero ok lang. at least nakilala ko sinu-sino ang mga dapat kong iwasan.

pero itong second week ko was way different than the first. malinis na ang records, no offense! tapos i did well pa sa class kaya i got a certificate (given lang sa mga actively participating sa class discussions. bibo effect!) at ito ang pinaka-malupit.. first shift ko sa floor (yung actual na ha?) hala teh! memorize ko na pano gawin ang mga drinks and everything. (pero syempre may mga tanong-tanong pa sa ibang tao) name your drink and i'll do it! hehehe.. :) "one raspberry black currant with almond syrup frappuccino flavored juice drink for melai" in one breathing lang yan ha? hehehe.. :) maganda din naman ang feedback sakin ng mga managers, fast learner daw ako. iniiwan na nga minsan ako mag-isa sa mga blender na yun eh. pero astig! :)

at syempre sa bawat organisasyon merong oposisyon at administrasyon. ilang araw pa lang ako dito pero may mga ugong-ugong na kong naririnig. pero syempre pa ayoko naman mag-judge kaagad ng mga tao sa paligid kaya chillax lang muna ako, tamang pakikisama lang at iwas lang sa mga plastik! hehehe. ayoko ng kaaway sa trabaho, mahirap na. tatanga-tanga pa ko sa store eh, baka they might use it against me. hehehe. :)

so ayun lang.. wala masyado kwenta eh.. nevermind na nga lang! :) chaaar.

No comments:

Post a Comment