04 December 2006

Hey.. Hey.. HEY!

hey hey hey! kamusta naman diba? nakalimutan kong 12pm pa pala pasok ko, napaaga ako ng 1 hour lang naman. kaya eto, tambay muna sa library, wala pa yung mga "studymates" (yes! gumaganon!) ko eh kaya nag-net muna ko. libre eh! haha. at eto naisipan kong mag-blog.

nakakatuwa nung sunday. di ko inaasahan na may "allowance" na pala ako dahil sa pagiging assistant sa sunday school. (salamat nga pala kuya shad!) tapos hindi pa yun, sinama naren ako dun sa bonus nila. haha! kakatuwa lang. tapos meron din ako nung watch na binigay sa mga teachers. coolness! ang saya talaga pag may mga bagay na di mo ineexpect tapos nangyayari.

mejo patapos na ang 2006. is it worth it? i mean hahayaan ko bang lumipas ang 2006 na "satisfied" ako? well, oo! eh yung matagal kong pinoblema nung early 2006 ngayon "konti-konting" naaayos eh. (haha! hulaan nyo anu yun!) i can't really say na ayos na kasi sya eh! basta on the process pa lang! labo!

kakasimula lang ng second sem pero feeling ko malapit naren agad ito matapos. eh kasi, christmas break, tapos pag-balik prelims, tapos may mga "chever-chever" na college week, university week, at iba pang eklaver! tapos nung come february wala na yan. petiks na lang yan! tapos ayan naren yung mga paghahanda sa kids' camp pati youth camp. (sobrang dadaana lang yung march!) kaya ayun. isa lang masasabi ko. "tumatakbo ang oras naiiwan na ako ng panahon."

grabeh kung anu-ano nalang maisulat ko dito ah? eh kasi saya magtype dito sa lib eh, ganda keyboard! sana lang walang akong "typo" dahil sa sobrang bilis ko mag-type.

hey hey hey uli! its official. pumanaw na ang computer namin. aba after ilang years, ngayon na sya nagpahinga. (huhuhu!) kahit gaganun-ganon yung pc na un naging useful sakin yun noh? hehehe. sana mapalitan sya agad dahil mahirap ang gumawa ng thesis at feasibility study ng walang sariling pc at internet connection.

PLANNER CRAZY::

grabeh! bakit sa sobrang pagtitipid ko nakuha ko pang mag-"coffee" sa starbucks! dahil yan sa Limited Edition Planner nila for 2007. ewan ko ba bat bigla kong gusto magkaron nun. dati naman satisfied na ko sa patingin tingin sa planner ni ate kat, kaso minsan kasi RESTRICTED ang planner ni ate kaya hanggang sulyap lang talaga ko. no touch! i have 13 stickers already. parang nabilisan nga ako eh. hehehe. sana matapos ko na agad yung akin para matulungan ko yung iba mag-collect ng stickers. sabi nga ni ate jojie "nakakapraning"! ah basta, pag-ako nagkaroon na nun, matutulog na ko ng may ngiti pati "pagkapraning" (aba syempre pag tulog ka hindi mo alam binabasa na pala planner mo! hehehe.) as i can remember kasi ang huling planner ko pa is yung sa candy mag, i think that was 2002. eh yun naman kasi nabibili lang! eh eto kailangan ng effort, pera at diskarte! hay! maswerte ang mga tulad ni ate kat na may "koneksyon sa loob". pweh!


na-blank na utak ko. wala na ko masulat. none. zero. as in wala na!

No comments:

Post a Comment