05 April 2006

Thy Will Be Done Lord.

haay. ngayon nalang uli ako nag-post. di na ko magkanda-ugaga sa mga pinag-gagagawa ko sa buhay. san ba may "time"? nabibili ba yun? tingin ko kasi kailangan ko ng extra. haay.

tapos na ang pagdurusa. (woot!) i passed my second sem. sa wakas makakapagpahinga na from school works. thank God wala akong failed subjects. okei na ko dito.

tapos narin yung qualifying exam sa accountancy at business administration. at syempre, mahirap mang tanggapin pero hindi ako qualified for accountancy. out of 714, 452 lang ang qualified. at sa 452 na yun, wala ako. :c syempre nung una wala lang akong reaction kasi di pa nag-si-sink-in, pero habang lumalalim ang gabi, sumasabay ang pagpasok sa utak ko na "hindi para sakin ang accountancy". mahirap tanggapin, pero wala na anjan na yan. iyak nalang magagawa ko eh. lahat ng pagod, puyat at sakit ng ulo dahil sa pag-aaral ngayon ko lahat naramdaman, and all that wasn't enough for me to be qualified at the college of accountancy. isa akong FAILURE. sabi nga ni mama baka daw nagkulang lang talaga ako sa focus kaya hindi ko nabigay yung "mas best sa best ko". tsk! tsk! (si mama talaga.)

but hey! i'm sure in no time maaalis din sa utak ko yan dahil super occupied na ang buong april ko sa mga activities. there's the inter-cyf volleyball, tapos retreat ng college (tuloy pa ba?), training for vcs teachers, then kids camp and youth camp. (waaah! sana mabenta na account ni aloy para may pang camp ako. c;) tapos after nun 2 weeks na vcs sa ________. (di pa sure kung saan ako. basta gusto ko kasama sila bits, tin, and jasm. c; demanding ba?) tapos kasali pa sa activities na yan ang walang kamatayang duty ko sa mcdo. (aba! aabusuhin ko na ang summer! 8 hours kung 8 hours. c;) tapos wala pa jan yung mga out-of-town ko. fontana with my h.s. friends (sana matuloy!), bohol daw sabi ni mama. (sana company outing yun para dami food! c;), at bacolod with rianne. (ayusin mo na fare naten bading!) haay. see ang dami diba? mas masaya yan kung matutuloy lahat! c;

basura parin blog ko. (jop tulong!) kaya nga onti palang din visitors eh. hahaha. basta sa holy week tapos na toh! weee!

sige dito nalang muna. la ako sa "blogger" mode ngayon eh. mwah! :*

hopefully, sooner malaman ko ang purpose kung bakit hindi ako pumasa sa accountacy. i'll pray hard for my decisions. thy will be done Lord...

No comments:

Post a Comment