02 September 2006

Maki-JAM Ka Na! Ü

pssst! alam niyo bang naglalaro na uli ako ng pc games. yup! it is true. medyo hindi ako nagtagumpay sa pagiging "hustler" sa DOTA eh kaya eto at nakahanap ako ng bagong kakaririn. (counter-strike pa ata huli kong kinarir na pc game eh.) ang O2 JAM! nakakatawa kasi ilang beses na ko nagkakaron ng "ignorante" moments dahil dito. (kakahiya kasi sa shop pa ko naglalaro so may nakakakita ng mga sablay ko.) weniwey, so ayun. kanina is my very first sucessful game! woot! 2 hours ako naglaro. (vacant kasi namin ng 12-2pm eh. walang kain-kain.) tapos ayun, 1 hour practice on my own, then nung 2nd hour dumating si eros at nakilaro sakin. hindi nakakahiya kasi di rin naman sya magaling pati "naked" parin ang kanyang character. the difference is level 10 na sya ako level 0 parin. (imagine? nag-eexist pala ang level "0"?) so ayun, tapos nagkasawaan kaming dalawa at nag-DOTA nalang sya. (tsk! dota!) tapos naghanap ako ng mga "bano" na player na makakalaban. ayun may nahanap naman ako. mga 3 beses kami naglaban na kaming 2 lang kasi pareho kaming "bano". tapos ayun puro fly magpie ang tugtog! (naks! alam ko na rin tong fly magpie na to!) at before ako mag-out. CHEDENG! level 1 na pala ako. weee! ang babaw pero masaya! nakakatuwa. haaay! sana wala lagi mga prof para makalaro ako! c;

kung kelan naman ako nagtitipid chaka ako ma-a-addict sa o2 jam oh! di bale pag nahiram ko na yung cd sa bahay na ko maglalaro. (hehe! meaning wala nang makakatawag sa bahay namin! sa o2 jam nalang kami mag-uusap ni aloy! hahaha!)

sige dito nalang muna ang kwento ko. byebye for now! c; mag-o2 jam narin kayo para naman may makalaro akong beginner lang! weeee! c;

No comments:

Post a Comment