10 November 2006

Ready... FIGHT!

hay. kamusta naman sakin. first week palang ng second sem super busy na agad. ewan ko ba? ganito ba talaga pag 3rd year na? weniwey, nagpromise talaga ko sa sarili ko na magaaral na ko maigi this sem. although wala naman akong fail or 3.0 last sem, syempre gusto ko naman mag-aim ng mataas. sana talaga this sem maging lowest grade ko is 2.50 or 2.25. pwedeng pwede na maging DL yun! bwahaha. asaness! pero wala namang masama sa mag-wish diba?

speaking of wishes. malapit na pasko. ilang araw nalang. at marami narin akong wishes sa pasko. pero alam kong karamihan dun malabo matupad. pero what the heck! ang pasko ay ang panahon para mangarap. tama o mali? bwehehe. di bali i-po-post ko sa side blog ko yung mga wishes ko para sakaling may contact kayo kay bernadette sambrano or wilie revillame ibigay nyo nalang yung listahan ko okei? c;

grabeh naman. hindi pa ko nakakapag-upload ng pics nung outing ng highschool friends ko dito sa blog. naku! magtatampo yun. lalo na si ARIEL! hehehe. basta next time try ko i-upload. baka kasi bumabagal na ang pag-load nitong page ko sa ibang pc eh, kakahiya naman sa fans ko! hahahaha.

pusang ina! may karagdagang pusa nanaman sa bahay namin. the prsian cat community is getting bigger. and we are becoming stinkier everyday! kazaaar! ayaw ko na ng pusa! una cute pa sila eh, but now? kakasawa na! kazaaar to the maxx!

anu pa ba? nga pala. akalain nyong dito ako sa @K ngayon nag-bo-blog. eh pano walang matinong pc sa may amin. hehehe. chaka mamayang 4pm choir na kaya okei din! speaking of choir, ayun makakapag-choir na ko ulit, pati CYF, pati sunday school. kasi maluwag na ang sched ko pag saturday! (so far ah? ala pa kasing training scheds eh!) kaya ayun. balik loob na ko. bwehehehe.

oh sya dito nalang muna at may gagawin pa ako. try ko mag-update as often as i can para mabuhayan na uli ang blog ko. bisita lang kayo ha? byerz! c;

No comments:

Post a Comment