kapag ang kutsara, tinidor at baso naging plastic, DISPOSABLE yun!
kapag ang aso, pusa, o daga naging plastic, LARUAN yun ng nakababata mong kapatid!
eh paano kapag ang tao naging PLASTIC? (oops! hindi sila barbie at ken ang ibig kong sabihin ha?) paano yun?
ano nga ba ang ibig sabihin kapag natatawag ang isang tao na PLASTIC! ang pagkakaintindi ko kasi jan..
PLASTIC= mga taong hindi nagpapakatotoo sa kapwa nila tao o sa mismong sarili nila, takot magpakatotoo kaya nagkukunyari nalang, at minsan nagpapaka-plastic nalang ang isang tao dahil yun ang "lesser evil".. (kesa naman awayin mo ng harapan diba?)
hindi ako magmamalinis. oo paminsan plastic rin ako. minsan kala mo masaya pa ko pero hindi na pala! minsan kala mo natutuwa pa ko sayo pero sa likod ng utak ko kanina pa kita nasaksak! (morbid!) pero kasi minsan nakakapagod nalang din magpaliwanag at maging hoest sa feelings mo kaya minsan nagpapakaplastic tayo! level one palang yan ng pagiging plastic!
syempre ano ba ang gingawa ng mga plastic na tao? eh di namamlastic ng ibang tao! in other words.. 'backstabber'! kapag kaharap mo ang iyong "biktima" wala ka nang ibang sinabi kung di puro papuri tungkol sa kanya na pwede ka nag umakyat ng langit dahil dito.. ngunit subalit datapwa't kapag tumalikod na sya.. ayun! pratatatatat! sinaksak mo na patalikod, mag-uusap kayo ng kapawa mo plastic at gagawin yo ang pinakapaborito nyong gawin sa buong mundo.. ang mang-backstab! YEAH! yan ang level two na kaplastican!
wag na tayong lumayo at sa kanya-kanyang sarili na tayo tumingin. are you being completely honest about yourself? proud ka ba na ikaw si ------- (put your name here)? wala ka bang tinatago sa sarili mo? kung paharapin kita sa salamin ngayon at tititigan mo ang iyong reflection for about 30 mins.. hindi ka ba matatakot? wala bang bakas ng pagdududa sa mukha mo? paminsan kasi confused tayo, puzzled or torn in between good and evil eh! example, inagawan ka ng kaibigan ng isa mo pang kaibigan, your usual reaction, as a HUMAN, is to get angry with the person right? pero magtatalo yang pag-iisip mo at sasabihin "okei lang yan marami ka pa namang kaibigan eh.." tapos ayun sige napatawad mo na pero sa loob loob mo na paminsan lumalabas na ay nagiging BITTER ka! PLASTIC! sarili mo nalang niloloko mo pa? yan ang level 3 at ultimate level ng kaplastican!
eh paano kung ikaw na ang biktima? halimbawa, yung pinakamatalik mong kaibigan ay kung anu-anong bagay ang pinagsasasabi habang nakatalikod ka? ano mararamdaman mo? oo tama! masakit! masakit kasi kaibigan mo yung tao, pinahalagahan mo sya pati yung friendship nyo tapos ganun? WAF! (what a friend!) another example naman, may kaibigan ka na sobra mong pinahahalagahan pero hindi naman ganun ang trato sayo? paano ka na? oo mas masakit yun! eh sana bumili ka nalang ng shih tzu tulad ni leila at yun nalang kaibiganin mo para obliged sya maging kaibigan sya! binili mo sya eh! pero hindi, tao ang pinag-uusapan dito! taong may free will! taong pwedeng mamili kung sino ang kaibigan nya o hindi! in short, a person can easily accept you and kick you off in her life easily!
bakit nga ba naglaro nanaman sa pag-iisip ko tong "plastic" talk na toh? ewan! napansin ko lang na dumadami na mga plastic sa mundo eh.. magmula sa mga artista, sa mga nasa big brother house hanggang sa mga kapitbahay nyo.. pati kaibigan mo plastic na! haay ano ba yan! buti nalang yung orocan namin dito sa bahay naasahan nung nagkaroon ng sunog! :D TTFN! (tata for now!)
No comments:
Post a Comment