18 January 2012

$%!@*&#^ This!

$%!@*&#^ This! I hate it! I quit! AYOKO NA! AYAW! AYAW! AYAW!

Hindi ako mapili sa trabaho, alam yan ng mga magulang ko at sa mga taong matagal nang nakakakilala sakin. Hindi rin ako tatamad-tamad tulad ng sinasabi sakin dito, alam din yan ng Nanay ko, HINDI AKO TAMAD! At lalong-lalo naman na may tiyaga ako sa kung anong trabaho ang iharap mo sakin.. Pero ngayon? $%!@*&#^ This! SOBRA NA! Ayoko na! Sawang-sawa na ko sa araw-araw na dalawang libong mahigit na phone calls na kalahati pa dun ay mga bastos at walang modo [SOBRANG UNPROFESSIONAL] na clients na akala mo residential yata ang tinatawagan at kung minsan parang pay phone pa sa kung saan ang gamit! ANG EEPAL NINYONG LAHAT! [with matching turo-turo ala Assunta de Rossi in JOLOGS.]

Parang ganito lang yan eh.. HINDI AKO NAG-ARAL NG APAT NA TAON SA KOLEHIYO PARA BAGSAKAN NG TELEPONO NG ISANG WALANG MODONG [AT JOLOGS MAG-ENGLISH, TRYING HARD, FEELING SOCIALITE] CLIENTE! $%!@*&#^ This! At ano tingin niya sakin? Robot na walang "programmed" na sagot kapag nagaalburuto ang cliente? Underdog na hidni alam gagawin kapag nasigawan? Ako pa ba magpatalo? DEMMET! EH di nasigawan siya! Hahaha! Well, hindi naman yun biglaan at tipong "marketer" [Palengkera] ang dating at bigla nalang ako nag-snap ng ganun. Pang-anim [Oo, nabilang ko.] na beses niya na kong binabastos over the phone, yung hindi courteous/professional kind of bastos, ganun. Eh nabosesan ko siya. So ayun, inunahan ko na.

"MA'AM SANA PO HINDI NIYO PO BINABAGSAK YUNG TELEPONO KASI MASAKIT PO SA TENGA AT MEDYO HINDI PO MAGANDA YUNG ASAL NIYO." Tapos hindi siya nagreply. At marahan niyang binaba ang phone. Olats!

Ang nauna ay "external stress factor", iba pa yung "internal stress factor". Tao ba 'to? OO! Hayop ba 'to? Pwede. Hayop sa katamaran! $%!@*&#^ This!

Ganito yan eh, kung alam ko lang sagutin LAHAT ng tanong ng mga cliente niyo, hindi ko na ipapasa sa inyo yung tawag. Alam ko namang busy ang lahat, lalo na sa department niyo. [Oo, sensitive ako sa environment ko. Unlike you!] Pero wala akong alam sa mga processes na yan eh . [At hindi ko kasalanan na wala akong alam, I WAS NOT INFORMED!!] So talagang babagsak at babagsak sa inyo yung mga tawag... Tapos anong gagawin mo? Deadma ka lang? Muta ang phone? Kiber sa mga phone-in queries? ANO KA, BOSS? $%!@*&#^ This! Tibay ng loob niyo "boss"! Ang laki-laki ng sweldo niyo, konting effort pa jan para naman kahit paano tumugma ang pinapasahod sayo sa tinatrabaho mo. Oo judgmental siguro ako sa pagkakataon na 'to, pero "boss", last year ka pa ganyan. Dati nga lakas mo pa makareklamo sakin na pinuputakti ka ng tawag. EH ANO PA PO AKO? Lunok lang pahinga. Palit tayo, trip mo?

Tama na. Galit ako kaya kung ano-ano sinasabi ko. *In hell.. Excel..*

Anyway, ayun lang, nag-rant lang ako. Ang init ng ulo ko [Literal. Yung parang may steam. Ganun ka-init.] at ang tigas ng batok at balikat ko [Malamang ay dahil sa stress.] at wala na kong energy para magalit pa. Naubos na mula alas-otso [Oo, pagpasok na pagpasok palang, umaaribba na ang mga tawag!] ng umaga. Haaaaaaaay! $%!@*&#^ This!

No comments:

Post a Comment