29 September 2007

Missing My Girlfriends. :(



haaay! one saturday morning. ang sarap! walang iniisip na schoolworks (except entrep, pero minor lang!) tapos umuulan pa. haaay! sarap ng ganito. at wala pa namang "attack" si ama kaya okei na okei ang umaga! nakakain ng "hearty" na breakfast, nakapag-organize ng school things, nakapag-meditate (?), at eto nakapag-internet! (meaning hindi naglalaro ng CS si daddy! nyahaha! yeah!)

so why the blog? wala! kasi asa multiply page ako ni chasha (my fave site by the way!) at nagnanakaw uli ng pics for my planner and scrapbook, tapos ayun habang tumitingin ng pics.... NAMISS KO SILA!! huuuu. ewan ko ba! parang nung youth sunday lang magkakasama kami the whole day, tas after nun di na nasundan kasi BUSY na ko. kainis! pero pero pero dahil saturday ngayon, aattend ako ng choir para masaya! hehehe. (hindi nga lang 1:30. sorry ronald!)

feeling ko ang O.A. ko! hindi kasi ewan ko ba. namimiss ko yang mga yan kasi almost twice lang ata kami nagkikita every week! eh kasi nag-eenjoy ako kasama sila. napaka-diverse kasi ng mga pag-uugali, pero pag pinagsama-sama mo na hindi halata! if there's one thing that's common to us, un ang hobby namin ng "pagpupuna" ng mga tao sa paligid! hahaha! (MEAN GURLS!) hindi joke lang yun! :) ayan! kaya ako napapagkamalan laging TIBO dahil sa masyado akong "sentimental" pagdating sa mga friends ko na gurls eh. hehehe. (pero ang hindi ko matetake ay ang i-holding hands sila. eeeeww! kay bits pwede pa!)

nakakatouch lang kasi THEY WERE MY SUPPORT GROUP nung time na sobrang down ako. (emo days!) especially chasha and bituin! (kasali din si ate joj!) kasi they let me rant and rant and rant until i felt well. (alam ko sandali lang mga attention span nila kaya naappreciate ko talaga!) and now that i'm okei na syempre hindi naman ako magmamalaki at lalayo or iiwas or babaguhin ko treatment ko sa kanila. syempre love na love ko yang mga loka-loka na yan! hehehe. :)

so ayun lang. nag-inarte lang ako tungkol sa kanila. :) sana maiyak sila dito! :)

No comments:

Post a Comment