07 September 2007

How Could This Happen To Me?

*haaay nakuu! nang dahil sa comment ni jop.. hayan! na-LSS ako! bwehehe. supposedly ang title ng blog ko is "why me why me?" kaya lang dahil nga na-LSS ako, yan nalang! same difference lang naman eh! (waaaat!?) oh game na! :)

nagsimula ang september ng super saya.. pero parang bakit as the days go on, ang daming mga "pangyayari" na nakakalungkot. ayan ha? nalulungkot lang ako at hindi ako nagagalit! hhhmm.. pano ba naman kasi, ayoko na nga rin mang-away ng mga tao ngayon dahil nakaka-pagod din. sino bang hindi peaceful na nakakatulog kapag gabi? ako din naman eh. kaya ayoko nang mang-away. pero bakit kung kelan hindi na ko "game" mang-away, chaka umaatake ang mga public enemy? hhhmm..

anu ba ma-fi-feel mo kapag inaway ka (sa text) ng ex ng recent chorvah mo? eh hindi naman kayo! hindi naman din sila! so nothing wrong diba? WRONG! nakakainis kasi wala naman akong ginawang masama (kasalanan bang maging maganda?) sabay i got this text message from "the bitch" telling me na "feeling-gera" daw ako kasi kala ko daw mahal ako ni "chorvah" eh pampalipas oras lang naman daw ako dahil hindi maka-get over sa kanya. ako naman parang "duh! anu ka ba? 2005 pa naging kayo at 3 months lang kayo!" tae! nakakaasar talaga. pero dahil nga nagtitimpi ako, hindi ko pinatulan ang text. one time ko lang binasa and then erase agad para hindi ako makareply. at hindi pa sya nakuntento dun, nagkampihan pa sila ng kapatid nyang bading at yun naman ang nang-away sakin, telling me naman this time na "pera lang habol nya sayo." ako naman natawa dahil "pera? asan? ako nga di makabili ng skinny jeans ngayon tapos pera pa hinabol sakin?" takte ang funny talaga! pero ayun, syempre kasi nakaka-sad yung may umaaway sayo. ang babaw nga eh. SO HIGHSCHOOL talaga ang ganitong mga pangyayari, kaya nga ayoko nang patulan dahil tapos na ko sa stage na yan!

and then it hit me! naalala ko yung sinabi ni kuya noel sakin "ang isang bagay, kapag hindi nagsimula ng maganda, hindi pagpapalain." nakaaw! is this a sign? eh naman kasi kasalanan ba talaga maging maganda? (kapal ng mukha mo pochay!) so ayun, kahit may mga ganyan na kong naiisip go parin sa chorvahness.

pero, ang hindi ko na mapapagbigyan ay ang siraan pa ko sa isang tao! takte, gamitin ba lahat2x ng nakaraan ko para siraan ako kay "chorvah". well, in all fairness alam naman nya yun mga yun dahil barkada nga kami, kaya lang i-exagg ba naman ang kwento at bigyang kulay ang mga "non-sense" na bagay. haaay! ewan ko ba! ang pinakamasakit na sinabi nya sakin (ni chorvah ha?) 'totoo bang kaya ka ganito sakin dahil gusto mo kalimutan si ****?' (oha! at kilala nya diba!) sabi ko naman.. syempre hindi, kaya nga hindi ako nagmamadali dahil ayokong ganun yung mangyari diba? and then, i cried! nakakaiyak kasi "AKALA KO BA MALINAW NA LAHAT?" ayun. nabuyo lang ng mga tao bumigay na agad! oh well. siguro nga hindi na muna dapat!

nakaka-sad kasi i'm starting to be happy again tapos somewhat another person just broke my heart AGAIN into finer pieces! (binasag na nga nung isa, dinikdik pa nung pangalawa! takte!) ayan! so much for the chorvahness and the kilig factors! waaah! pero.. *flips hair* life must go on. isang bagsak ng iyakan lang yan! and then wala na! hopefully! hahaha.

so ayan! sana mamahinga muna ang "landi" factor ko nang wala na kong problemahing iba jan. chaka hindi lang dahil sa mga boys ang recent "fights" ko noh! minsan sa school, simpleng barahan na nagkakapikunan, dala narin ng toxicness. tapos mga issues sa gilid-gilid! basta marami-rami rin sila. sana wag lang tamaan ng magaling at pagsabay-sabayin silang lahat!

*ALL FOR THE LOVE OF KRISPY KREME*

my first ever dare: i-post sa friendster ang pics namin ni chrovah at gawing "in a relationship" ang status ko at lagyan ng pamatay na shout-out! :)

nung una talaga ayoko. kasi nga baka-lumaki ang issue tapos baka lalong mawindang si guy! pero dahil inspirasyon ko si BITS sa mga dare-dare na yan at mahal ko ang KRISPY KREME napasubo ako! :) kaya nga yung mga bumisita sa friendster ko, sorry kung nabigla kayo! dare lahat yun! bwehehe. at dahil sa dare na yun, umalma ang "bitch" at ang kapatid nyang bakla! hehehe. pero dahil nadeliver na ang krispy kreme ko nung isang araw, tapos na ang bet. binura ko na sa friendster. at lahat-lahat ng toh tapos na rin. nagtext na ko sa kanilang lahat na gusto ko na ng peace of mind. hindi ko na sila gagambalain pa at pwede na sila magmahalan maghapon! takte!

kaya nga nabuo ang katagang 'KUNG AYAW MO NA SAKIN... AYOKO NARIN SAYO!' (take note! dalawang "whappak" na beses ko na ginamit yan!)

*the end*

No comments:

Post a Comment