24 September 2007

Bring It On! [Commerce Cheerdance Competition 2007]

september 23, 2007 ----> big day for me, for the JCBA dancesquad, for kuya ajjie (?), for our seniors and alumni, and for the B.A. community (nga ba?).
4AM gising na ko, to think past 1AM na ko nakatulog, ewan! laging may ganitong jitters every competition day! kaba, takot, excitement, yabang! lahat na naghahalo-halo! pero with prayers naman nawawala talaga ang lahat ng yan! isa lang mindset ko, TO HAVE FUN AND TO MAKE THE B.A. COMMUNITY LOUD AND PROUD! yeah! (ang drama! speech ba toh?)masaya naman ang buong event, kahit na olats yung parade dahil sa umulan ng walang warning! (kelan ba naman nagwarning ang panahon?) keri parin! :) bago kami mag-perform (kami kasi yung una.) may narinig ako from the juniors; "ate, intermission number lang daw tayo sabi ng ECO.." syempre nakakasad, kasi first of all, alam kong naghihina loob nila. secondly, such words.. nakakainis! kasi diba? oo na! kabado talaga kasi kami sa ECO, pero yung may ganun pa. kakaiyak. sabi ko nalang "hayaan nyo na sila, hindi pa naman tapos diba? wala pang judgement.." kahit paano naman kasi may friends ako from the other squad kaya hindi rin ako makapagbitaw ng salita. so anyhoo, the show must go on! dedma sa kaba!


masaya mag-perform knowing my family was there to watch me.(kahit na yung isa jan LATE na dumating! wala na ngang naabutang performance from any squad eh!) oo hindi uber big deal contest to, pero seeing them there makes me want to perform really really uhm.. HYPER? ewan! can't find the words. lam ko kahit ganyan yang mga yan, proud yan sa mga pinaggagawa kong tublings at bodywaves! nyahaha! (of course may ginagaya nanaman si ate kat na move ko diba? hahaha!) nagiging FAMILY AFFAIR na nga tong cheerdance competition eh, kaya nga napaka-halaga talaga sakin ng event na toh! sa pagsali ko dito, wala talagang pagsisisi! yeah!




so ayun, announcement na ng winners. syempre kabog factor na. napaka-WILD pa naman ng crowd ng eco kaya nakakasindak pa! (isa pa tong si mary jill! super tili sa eco! hmpf! hahaha!) so ayun, nakuha nila lahat ng special awards. (best pep squad, best uniform, pati best in commerce cheer!) heyon, kakasad kasi wala kaming nakuha, kaya dumagdag pa sa kaba factor yun! ngunit sadyang mabait si GOD! at kami ang nanalo! weee! kung susukatin height ko nun malamng 6-footer na ko sa sobrang taas ng talon ko. nawalan na kasi ako ng pag-asa afetr knowing na wala kaming nakuha ni-isang special award! pero naman.. as kuya ajjie said "marunong naman siguro yung mga judges eh.." so ayun! ang saya sobra! pressured kami kasi nga defending champs! at sa awa ng diyos, hindi napahiya ang gumawa ng banner na "3-peat! back-to-back-to-back champions". yeah! masaya kasi andun din ang mga seniors namin and ibang alumni! at nasa circle din sila nung announcement na, pati syempre nung kainan present din sila. haaay! nakakamiss sila. it just shows na hindi lang talaga sa cheerdance natatapos ang lahat! and pag-graduate ko, promise ko dadalaw and susuportahan ko parin ang JCBA dancesquad! :)

and that ends my blog! hehe. sa mga bumasa salamat sa tyaga! sa mga hindi, wala lang. go on! haha. :)

No comments:

Post a Comment