02 July 2007

You Write Such Pretty Words. ♥

naman naman naman. look at the time! 12:31 am and im still awake. super gising pa. ewan ko ba. 3 days na kasi hindi kumpleto tulog ko dahil sa kakapuyat kaya ayan, nagka hang-over ata mata ko sa puyatan at alive na alive pa sya. kamusta naman sa eyebags diba?

heniwey, super upload aku sa multiply ngayon ah? pics. blog. event. and the layout itself. lovely ba? nakuu ha! naka 4 na palit ako jan. dahil yung ibang layout palpak sa graphics or sa alignment or sa color. basta. imperfect. and so not me. eh itong napili ko mejo nakakatawag pansin kasi black and red tas may achechenes sa gilid tas may stars pa. kaya ayan goodbye violet for now muna. di maganda combination eh. :D

updates. updates. kamusta naman ako? well. mejo masasabi ko na kahit paano eh HAPPY ako. (shout out ko nga sa friendster "HAPPY! :D" eh at hindi kung anu-anong achechenes na lyrics ng senti na kanta!) masaya nga kasi ewan. kasi hindi malungkot? masaya kasi sa haba ng panahon (yuck! exag!) na malungkot ako eh kahit onti / simpleng bagay masaya na ko. or dahil JULY na kaya masaya ako. ewan. ayoko din i-push masyado ang pagka-saya ko dahil baka bigla uli umikot ang gulong at lumagapak nanaman ako sa ilalim! wag ganun!

masaya nga pala sa school ngayon! isa lang yung subject na pinasukan ng prof kong hindi nakakatuwa! prof na hindi kapupulutan ng magandang asal. at prof na walang ibang alam sabihin kung di "UL*L! TI*I NILA!" ewan ko ba bat hindi kami pinagpala sa subject na ASIAN FOCUS at BUSINESS STRATEGY AND POLICIES at yan ang napuntang prof samin! hay naku! pero ayun na nga, dahil isang beses lang sya pumasok, minus 1 hour ng buong araw ang naging maginhawa! plus maaga din kami nakauwi dahil wala din yung isang prof. ansaya! whatta monday! no worries. no stress. no more tangles! hahaha.

at simula nang pagka-uwi ko andito na ko sa harap ng pc. siguro pa-alis alis lang pero naman naman. ilang oras ata ang ginugol ko ngayon kaka-pc. (very rare i should say!) eh kasi naman ang daming OL na ba6 (hello sa inyo!) at isa sa inaasahan kong OL ng mga ganitong oras (papangalanan na ba kita?) basta! nakakadagdag sa kasiyahan ang PC at internet! wehehe. period!





last saturday yung birthday ni robert. (hi yobey!) at syempre punta kami sa bahay nila para sa "konting salu-salo". masaya. kahit hindi ako yung may birthday parang ako yung sobrang saya. bakit nga ba? as usual, simple things.

* i get to see my HS friends (last time kasi was may pa. birthday ni kath)

* mas marami kami ngayon dahil ung mga usual na hindi nakakasama (liz and phoebe hello!) ay nakasama!

* marami akong natanggap na comment dahil sa aking new haircut. (wag nga lang sana "marielle". masyado na atang sobra yun! hehe.)

* i stayed until the party ended. (lagi kasi ako umaalis agad!)

* nakausap ko yung mga hindi ko masyado nakakusap (hi there jabin!)

* napagalaman kong buhay pa si louis at hindi sya kathang isip lang!

* nalaman kong marami na pala nagbago, ang mga tao ay namumulat sa mga maka-mundong bagay!

* nakakatawa malasing si katherine! hehehe. ngumingiti pag binubuhat ni mac!

* close-close-an aku sa mga tropa kong boys! (yeah! sabi na lalaki talaga ko eh!)

* yung iba secret na...

*at ang pang huli.. akalain nyong naka-usap ko si mikel! hahaha..

(sa mga hindi maka-relate.. BASA!)

si mikel. hhmm. para sa mga EMC peepz, para lang sya si DALO! may achechenes dati, tas hindi nagpansinan (pero in this case walang "bridge / third person"), tas nagkahiyaan, tas ngayon lang naging okei uli. as in CIVIL!) sa mga taga UST naman, para lang syang. uhm. teka. kunyari si justin at ivee. (pero hindi naging kami. tulad nga ng sabi ko "achechenes" lang!) so ayan may somewhat idea na kayo ha?

napagtanto ko na kahit pala college / graduating na kaming lahat ay may part parin samin na "so highschool" talaga! iba na talaga kapag HS friends eh. kahit anong achechenes ang gawin mo, parang highschool parin tingin nyo sa isa't isa. mas mature at may sense nga lang! basta masaya ako nung gabing yun! pasalamat kayong lahat sa nanay ko dahil malaki ang tiwala nya sa inyo! mabuhay ang israel 03-04! mahal ko kayo! *yaks! drama!*

so kamusta naman sa title? ganito yan. si 'closeness' nag OL at ayan ang status nya. tinanong ko kung sino. no answer. tas kwento achechenes, tas sabi ko "sayang di mo na nababasa blog ko". sabi nya nababasa nya daw minsan. tapoooos...

miKeL Marasigan: hahaha, bibisita ako maya maya
miKeL Marasigan: tapos sasakto na yung status ko d2 sa YM hahahaha

soooo.. ayun naman pala eh! self explanatory na! hehehe. salamat for that word. PRETTY! :D

sya sya dito na muna ha? onti onti nang sumusuko mata ko eh. babayuu for now! masaya na ko! para sa lahat ng nagtatanong ng "okei ka lang?" ito na ang sagot ko. I'M HAPPY! salamat sa masayang JULY 1 israel! :D kayo lang pala ang susi! mwaaaahugz tsup tsup sa lahat! *kadiri!*

No comments:

Post a Comment