17 July 2007

Binabawi Ko Na Lahat Ng Sinabi Ko Sayo. :)

hey hey hey! it's my first time to write in my blog since i turned 20! (yuck! feeling!) sorry naman, finifeel ko lang maging "young adult"! well anyway, for those who really made my birthday real fun and surprising! THANK YOU THANK YOU THANK YOU! sa lahat ng pumunta nung "kaunting salu-salo" ko, pati sa mga nagbigay ng mga mumunting regalo, at sa lahat lahat ng bumati (na hindi ko na iisa-isahin ang mga pangalan!) maraming salamat talaga!

well, may istorya nung party ko eh. that was last saturday. basta may "pochay moments" na naman ako. umiyak ako kay mama. na-touch kasi ako kasi mega effort sya sa pagluto, pag-asikaso, pati sa pamimili. basta sa lahat lahat. kung pwede nga ako na rin magluto eh ginawa ko na. hehehe. ayun naiyak ako after nung party, pati may iba pang dahilan bat ako umiyak. ang nasabi lang sakin ni mama.. "bata ka pa nga anak kahit 20 ka na!" buhuhuhu. siguro nga i may appear TOUGH or BIATCHY pero deep inside super sensitive din ako. hehehe. secret lang yun ha? :D

weniwey, im happy! happy as i can be on that 20th birthday of mine. kahit simple lang ang buong araw, naging surprising sya dahil sa surprise ng mga blockmates ko! weee! I LAB U OL! at syempre anu pa ba ang mas sasaya pa sa mga regalo diba? hehehe. dami ko natanggap na gifts. (as what you can see in the album.) and one of those is a pair of mint green havaianas. oo tama kayo! havies nga! galing yung kay kuya shad!

weniwey, eversince kasi sumikat ang havies nagsabi talaga ko sa sarili ko na never, as in never ako bibili ng ganun. sabi ko pa, 700 para lang sa tsinelas? tsk! but then, nung binili na ni ate les yung isang pair ng havies kay ate kat, nagkaron ako ng chance maka-try. at nag-enjoy ako! hehehe. sarap sya sa paa. at na-realize ko na "its worth the 700" hehehe. at ayun, nawili ako! napadalas ang paggamit ko nito! hanggang sa nakahalata na si ate les na umaabuso ako. at simula nun, naging part na ng wishlist ko ang havaianas!

ngayon ang tanong, why green? ewan ko rin eh. hindi ko gusto at hindi ko ayaw ang green. pero green for a havies? parang hirap bagayan ng damit! chaka "happy feet" pa naman ako, baka hindi ko keri! hahaha. but then mabait ang tadhana! may nag-regalo sakin ng oh-so-ciara na top na color green and white! so cool! at ayun may instant porma na ko. yeah boi!

kaya ayan! kinain ko na lahat ng sinabi ko. from the cranky birthdays to the havainas down to the color green. sorry naman tao lang! so ayan babayuu muna for now. got some things to do eh. till here!

No comments:

Post a Comment